CHAPTER 16 PAST Umaga palang ay binati ko na si Shana. Tumawag kasi siya na papunta na siya sa’min matapos daanan si Astrid. Sa Batangas lang naman kami magce-celebrate ng birthday niya. Bukod sa magastos pa kung pupunta kaming Visayas, ‘di rin siya papayagan ng parents niyang lumayo. Ang pagpayag nga sa Batangas ay isa sa mga rare occassion na pinayagan siya. Binati ko rin si Gabe. Nagtataka siya na alam ko ang birthday niya kahit wala pa naman daw siyang nasasabi sa’kin. Muntik ko na makalimutan na surprise party nga pala ang mangyayari mamayang gabi. Nagpalusot na lang ako na nakita ko sa social media account niya. Bandang alas-otso nang makaring sina Shana at Astrid sa may amin. Saktong naghanda si Mama ng umagahan para sa’ming tatlo dahil sinabi ko na sa kanya na dadaan dito sina

