CHAPTER 38 PAST Nasa huli parati ang realization. Hindi lang basta problemado si Marco. Nahihibang na siya sa mga ginagawa niya. Hindi ko masikmura ang mga desisyon ko ngayong araw na hinayaan ko ang sarili ko na sumama sa kanya. I only gave him a chance. Na baka hindi siya iyong tipo ng tao na magsasalita ng bastos tungkol sa mga babae. He is and he’s worse than what I thought of. “Ba’t ‘di mo iniinom ‘yang frappe mo?” Gamit ang kanang kamay, inabot niya ang frappe niya sa gilid at uminom. Nakakakalahati na siya kahit nagda-drive ngunit ang akin ay ‘di pa nababawasan. Baka nakakahalata na siya. Alam naming dalawa na isa ang frappe sa mga instrumento niya para dalhin ako sa delikadong bagay. Ang bagay na ‘yon ay ‘di ko parin alam hanggang ngayon. “Matutunaw ‘yan.” Ngumiti lamang ako sa

