CHAPTER 22 PAST Para kaming mga artista na pinag-uusapan sa buong university. Dinaig pa namin ang monthyly issue ng publication nito. Ewan ko ba kung bakti ang big deal na ligawan ako ni Kaleo. Nasa mindset na yata nila na imposibleng ako ang ligawan nito dahil ‘di naman ako mayaman at pang-artista. Ibang-iba sa standards nila para sa mga babaeng bagay kay Kaleo. Tinungo namin ni Astid ang lounge dahil bhusy ang mga tao ro’n sa kani-kanilang mga bagay. Nakakahiyang may magtanong na naman sa’kin kung ako ‘yung nililigawan ni Kaleo. Para tuloy nire-require ako ng mga tao na mag-make up gaya ng mga mayayaman dahil lang ako ang babaeng nililigawan ng isa sa pinakagwapong lalaki sa university. “Tapos na ang midterms ta’s nasa ligawan stage pa rin kayo,” sabat ni Astrid. Kung nandito lang di

