CHAPTER 21 PRESENT Nilunok ko na ang pride ko. I invited Kaleo’s friends, which were also my friends na makipagkita sa coffee shop na pagmamay-ari ni Kaleo. Dati, kaming dalawa ang nagma-manage nito kahit may sarili pa ‘kong trabaho. In-offer ng mga magulang ni Kaleo na ibigay sa’kin ang coffee shop dahil kami naman ang nagpalago ngunit tinanggihan ko. Kung kami ni Kaleo ang napgalago noon, buong buhay naman nila ang inialay sa pagpapatayo no’n. Kahit pa sabihing girlfriend ako ni Kaleo at malaki ang naging ambag ko sa coffee shop ay hinding-hindi ko aangkinin ang pinasimulan ko. Ang naging kapalit na lang no’n ay pagiging libre ko sa bawat order kosa coffee shop. Isang beses lang nangyari ‘yon dahil ‘di ko magawang bumalik do’n simula nang mamatay si Kaleo. I almost breakdown while d

