CHAPTER 26 PAST Ang maging girlfriend ni Kaleo ang pinakamagandang desisyon ko sa mga naglipas na araw. Doon ko mas na-realize na gustong-gusto ko pala siya. Hindi na rin ako napupuyat tuwing gabi kakaisip sa kung ano ba ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya. Napili ko kung ano ang tama. Madalas akong nakaka-receive ng mga sweet messages kahit saan man ako magpunta. Hindi ko alam kung required ba ‘yon ‘pag naging magjowa na. Isa ‘yon sa sweetest thing na ginagawa ni Kaleo sa’kin. Gaya ni Kuya nathan, sinisiguro niya na nakauwi na ako o ‘di kaya ay nakasakaya na ligtas na sasakyan. Kung aabutin man ng gabi, ihahatid niya ako sa amin. Birthday niya at ilang oras na kaming umiikot sa mall nina Shana at Astrid ngunit wala pa rin akong mahanap na ireregalo. Kung ‘di mahal ang makikita

