Natanggap ako sa isang kumpanya sa gusto kong posisyon. Hindi ko in-expect na matatanggap ako at may mataas pa na starting salary. Marami na rin ang nag-reject sa’kin dahil sa kakulangan sa experience at pagiging ina. Iyong iba ay dinadahilan ang kakulangan ko ng experience, habang ang iba naman ay mas mabuti raw na mag-focus muna ako sa anak ko. Dito sa kumpanyang natanggap ako, ibang-iba ang perception nila sa mga single mom na gaya ko. Sinabi nila na nirerespeto niya raw ang mga gaya namin kaya nagbigay ng maayos na starting salary at beenfits. ‘Di ko na raw kailangan ng training dahil may experience na naman daw ako. Kinakailangan ko na lang pumasok ngayon. Kinakabahan ngunit sinigurado kong handa ako sa pagpasok ko sa bago kong kumpanya. Maiiwan ko si Kalix kina Mama at Papa. Dahil

