CHAPTER 1

2099 Words
"Nak, ikaw muna ang bahala kay Mama ah. Hindi ko muna kayo makakasama saglit," sambit ni Papa nang makaluhod siya at mapantayan ang tangkad ko. Hindi maikakaila ang nanlilingid na luha sa mga mata niya habang masuring pinagmamasdan ang mukha ko na tila ba kinakabisado ang bawat parte nito. Sa hindi malamang dahilan ay nahawa ako sa mga luha niya. Bahagya ko ring niligon si Mama para tingnan ang reaksyon niya pero gano'n na lang ang gulat ko nang makitang humihikbi na rin ito at halatang pinipigilan ang sarili sa paghagulgol. Binalik ko ang atensyon ko sa aking Ama nang maramdaman itong tumayo. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luhang kanina pa nagpapalabo sa aking paningin. Muli niyang pinagmasdan ang aking mukha at pinigil ang mga luhang kanina pa kumakawala. Nang huminto ito sa pag-iyak ay ngumiti ito ng napakalaki at dahil sa mura kong edad ay agad naman akong nahawa sa ngiti nito. Nawala ang ngiti sa aking mga labi nang tuluyang tumalikod si Papa at naglakad papalayo. Gustong-gusto ko siyang habulin ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi ko magawa. Gustong-gusto ko ring sumigaw ngunit walang boses na lumalabas. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood na maglakad papalayo ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko... Sa pagkakataong na iyon ay tuluyang nanlabo ang paningin ko... At nang muli kong imulat ang aking mata ay bumungad sa akin ang kisame ng kwarto ko... Iyong panaginip na naman na 'yon... Napahawak ako sa noo ko at umupo sa kama. Pilit kong pinakalma ang sarili ko dahil pawisan at luhaan akong nagising. Hindi ka pa rin nasanay sa panaginip na yun Aisha? Napahilmos ako nang mukha matapos uminom ng tubig tsaka bumuntonghininga. Tumingin ako sa orasan... 6:00 am Bumuntonghininga ulit ako para mabawasan ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa panaginip na iyon. "Hay! Di kamakaka-move on dyan kung iisipin mo ng iisipin 'yan. May pasok ka pa mamaya Aisha!" saway ko sa sarili nang tuluyang makabangon sa kama. Kukuha na sana ako ng damit mula sa cabinet nang mapatingin ako sa salamin. Saglit ko pang tinitigan ang mukha ko mula roon tsaka binigyan ito ng malaking ngiti... Ngiting kahit papaano ay nakapagpagaan sa pakiramdam ko. Bumaba ako sa kusina at naabutan ko si Mama na nagbabalot na ng baon ko. "Good morning 'nak," bati niya nang makita ako. "Good morning din po Ma," sagot ko sa kanya nang tuluyang makaupo sa silya. "Oh, mukhang malungkot ang anak ko. Anong nangyari?" Hindi ko agad nasagot si Mama dahil natuon ang pansin ko sa hinahain niyang pagkain. "Napaginipan ko po ulit si Papa," hindi ko man nakita pero alam kong hindi niya inaasahan ang aking sagot. Tinignan ko siya at hindi ko na ikinagulat ang pagbaba niya ng tiningin. "Huwag po kayong malungkot Ma. Ayaw ni Papa 'yan, sige ka ako po pagagalitan no'n kapag nalaman niyang nagkakaganyan kayo sa tuwing ikukuwento ko na napagiginipan ko siya." Sinabi ko lahat ‘yon habang pinipilit na ngumiti sa gawi ni Mama. Nag-angat siya ng paningin sa akin at sinuklian niya ako ng matamis na ngiti. Tahimik kaming kumain ng agahan ni Mama. Hindi ko na muling binanggit si Papa dahil alam kong malulungkot na naman siya. Matapos kumain ay inayos ko agad ang mga gamit ko sa school at siniguradong wala akong maiiwan. Ilang ulit ko pang chineck iyong listahan na binigay ni Megan para makasigurado. Hindi rin nagtagal ay naligo na rin ako at nagbihis. Hindi naman ako nagmamadali kaya tinawagan ko muna si Megan. "Hello!" bungad nito matapos ang dalawang ring. "Hello! Tatanong ko lang ulit kung anong oras tayo kailangan sa school." "Huh? Diba sinabi ko na sa iyo kagabi?!" pagtaas niya ng boses dahilan para mailayo ko ang telepono sa tainga ko. "Ba’t ka sumisigaw! Nagtatanong lang ako, pwede naman sagutin na lang!" "Oo na, sorry sorry kainis kasi 'yong kapatid ko eh kanina pa to, eh!" pagdadahilan nito. Bakit ako sinisigawan mo? "Sige na, sagutin mo na lang." "Well seven-thirthy pa naman pasok natin at sobrang aga pa kaya huwag kang magmadali." Bakas sa boses nito ang pagsusungit at nasisigurado kong umiirap na siya sa kabilang linya. "Wala akong sinabing nagmamadali ako, nagtanong lang okay?" Hindi siya sumagot. "Aalis na rin ako para maaga ako sa school. Kita na lang tayo sa classroom,” pagpapatuloy ko. Umoo naman agad siya at nagkusang ibaba ang linya. Matapos niya ibaba ay nagpaalam na ako kay Mama na naalis na ako. Pagkalabas ng bahay ay pumara agad ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep at sa 'di inaasahang pagkakataon ay pumasok na naman sa isip ko 'yong panaginip ko kanina. Para bang nag-flashback lahat ng nangyari bago at matapos ang insedente na iyon. "Ate nandito na po tayo," namalayan ko na lang na nasa sakayan na pala kami ng jeep nang tawagin ako ng driver. Wala sa sariling bumaba ako ng tricycle at nagbayad. Maswerte nang kakaunti ang tao rito kaya hindi ako nahirapan hanapin ang rutang sasakyan ko. Nang makapasok ako sa jeep ay naramdaman ko ang titig ng mga pasahero sa akin hanggang sa makaupo ako sa gitna. May mangilan-ngilan ding sumunod sa akin at sumakay. Sapat na iyon para mapuno ang jeep at magsimula ang biyahe. Kukunin ko na sana yung wallet ko sa bag para magbayad pero nahagip ng paningin ko ang lalaking nasa tabi ko dahil medyo nakaharap siya sa akin. Tiningnan ko ang kabuuan niya at sa palagay ko ay kaedaran ko rin siya. Nakauniporme ito, katamtaman ang katawan, maputi, mukhang mayaman at higit sa lahat may itsur - no gwapo! As in GWAPO! Namalayan ko na lang ang sarili kong nakatitig sa kanya at doon ko lang napansing tulog siya! Ilang sandali ko pa siya tinitigan at laking gulat ko na lang ng dahan-dahan niyang iminulat ang mata niya at nagtama ang paningin namin! Kitang-kita ko naman ang pagsimangot niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Putek! Nakakahiya! Dahil sa hiya ay mabilis akong bumalik sa paghahanap ng wallet ko. Lumipas ang ilang segundo at nadinig kong bumuntonghininga ‘yong lalaki at naramdaman ko ring tumalikod siya mula sa gawi ko. Doon napanatag ang loob ko at nakahinga ng maluwag. Sa wakas ay nakita ko na ang wallet ko at nang buksan ko ito ay... Walang laman! “W-what?!” wala sa sariling sigaw ko habang paulit-ulit na binubuklat ang wallet ko. Pilit kong inalala kung saan ko nailagay yung isang daang ipinangbaon sa akin ni mama pero hindi ko maalala! Tsk! Kahit kelan burara ka Aisha! W-wait -- I-ibinayad ko sa tricycle? Nasapo ko naman ang noo ko nang mapagtanto ko ang katangahan ko. Bakit ‘di ako binigyan ng sukli? Doon ko lang naalala na wala ako sa sarili buong byahe sa tricycle at hindi rin napansing buo ang ibinayad ko o hindi man lang ako nasuklian. “What’s your problem?” Nangibabaw ang boses no'ng lalaki kanina at kapansin-pansing naiirita siya. Dahan-dahan akong bumaling sa kanya at nang ma-realize kong umeksena ako sa jeep ay pinagmasdan ko agad ang mga kasabay namin. Mga nagtatakang titig ang natanggap ko sa mga pasahero kaya naman nagpaumanhin ako sa lahat ng naistorbo ko at bumalik na naman sila agad sa kani-kanilang ginagawa bago ako umeksena. Hindi ko naman maiwasang mapatulala sa kawalan dahil sa pitaka kong walang laman. Ilang minuto na ang nakalipas at hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Naisipan ko rin namang bumaba na lang kahit hindi nagbabayad pero iniisip ko pa lang ay pinapatay na ako ng konsensya ko. Sa mga oras na iyon ay nagawa kong magpasalamat sa traffic. Muli kong nilibot ang paningin ko sa buong jeep. Hanggang sa mapansin kong nakatingin sa akin 'yong lalaki kanina. Ito na lang naiisip ko... Nagulat siya nang bigla akong humarap sa kanya. “Kaya pala pamilyar yang mukha mo!” biro ko rito at marahang pinalo ang kanyang braso. “What are you doing?!” saway niya matapos maarteng inilayo ang braso niya sa akin. Hindi ko na pinatulan ang kaartehan niya at ngumiti sa kanya ng napakalaki. "’Di mo ba ako naalala? Ako 'to si Cecilia!" masayang pakilala ko sa kanya at wala sa sariling humawak pa sa mga kamay niya. Nakakahiya pero kailangan! Pangatawanan mo yan Aisha! "Huh? Sinong Cecilia?" naguguluhang tugon niya. "Ano ka ba ako to! 'Di ba ikaw yung anak ni Tito Roberto?!” pagsisinungaling ko. Hindi sinasadya nang nailakas ko ang boses ko dahilan upang matuon na naman ang pansin ng karamihan sa akin – sa amin... This is not good. Napalunok ako pero wala akong magagawa kung hindi ituloy ‘tong kalokohan ko. Kitang-kita ko naman ang pagkunot ng noo niya at halatang-halata sa kanyang naguguluhan siya sa nangyayari ngunit lamang ang pagkainis sa kanyang mukha. Inilibot niya pa ang paningin niya sa mga taong nakatingin at Inis na binaling muli ang paningin sa akin. "Hindi kita kilala!” bulaslas niya at pabatong binitawan ang kamay ko. Akmang tatalikod siya sa kinaroroonan ko kaya agad kong hinawakan ang braso niya at muli siyang isinandal sa sandalan ng jeep. Sumeryoso naman ang mukha niya ngunit bakas rin dito na naguguluhan pa rin siya sa nangyayari. "Ano ka ba ako si Cecilia! 'Yong childhood friend mo!" pagpupumilit ko at mas lalong lumapit sa kanya. Makisama ka please! Bakas sa mukha niya ang pagkairita ngunit batid kong wala rin siyang magawa kung 'di ang makinig sa akin dahil mukhang itinuturing nang palabas ng mga pasahero ang pag-uusap na 'to at mukhang tutok na tutok sila sa bawat salitang binibitawan namin. Hindi siya agad kumibo sa halip ay nag-ayos ito ng upo saka bumuntonghininga. “Look, I don’t have time for th---” hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin niya dahil ikinagulat niya ang lalong paglapit ko sa kanya dahilan para medyo madikit ang aming katawan. Alam kong naiirita na siya sa akin kaya naman mas inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at bumulong."Kung ayaw mong mapahiya makisama ka na lang please..." Muli niyang sinulyapan ang mga kasabay namin sa jeep at nang nagbalik ng atensyon sa akin ng... Nakangiti?! Bahagya naman akong lumayo sa kanya at sinuklian siya ng matamis na ngiti. Ikaw ang Nagsimula Aisha. Pangatawanan mo yan! "Ah! Cecilia! Oo yung childhood friend ko! Ikaw na pala yan lalo kang gumanda ah!" malakas na tugon niya para tiyak na maririnig ng mga nakikichismis. Maganda? I didn’t expect that... "Buti na lang naalala mo!" "Ah-eh Oo naman ikaw pa!" "Libre mo naman ako kahit ngayon lang... Tagal din natin 'di nagkita oh," bulong lang 'yon pero rinig pa rin ng mga nasa paligid! "H-huh? S-sige," kabadong tugon niya. "Sabi mo ah! Hindi pa kasi ako bayad dito eh, nakalimutan kasi ni mama na bigyan ako ng baon. Libre mo na ako, magkano lang naman oh,” pagsisinungaling ko naman at halatang hindi niya inaasahan yun. Ngumiti naman siya sa akin. Iyong ngiting unang tingin pa lang ay alam mo nang pilit at may inis na itinatago. Hindi na siya kumibo at pinilit na inabot ang bayad sa driver ngunit hindi inalis ang tingin sa akin. Thank you! Sorry na din kasi ikaw natyambahan ko... Binawian ko naman siya ng napakatamis na ngiti at nag-thank you ako sa kanya ng walang boses saka nag-ayos ng upo. Padabog naman siyang umupo ng maayos at niyakap ang kanyang bag. Sinulyapan ko siya at gano'n-gano'n na lang ay tumitig siya sa kawalan at halatang malalim ang iniisip. Alam mo sobrang gwapo mo masungit lang! Bumuntonghininga ako at bumalik sa pagkakasandal. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa Intramuros. Lahat ng pasahero ay bumaba na. Nagpahuli na ako para hindi makipagsiksikan. Nang makababa ako ay napansin kong naiwan mag-isa 'yong childhood friend ko kuno. Narinig ko ring tinawag siya ng driver at nang matauhan ay nagmadali na rin itong bumaba. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang nasigurado kong nakababa na siya. Bakit nga ba hinintay ko pa ’yon? Ah! May utang na loob ka kasi roon Aisha! Takbong-lakad akong tumungo sa St. Thomas Academy. Kinewesyon pa ako ng guard kung estudyante ba ako rito. Hindi na ako nagtaka dahil naka civilian ako. Ipinakita ko na lang sa kanya yung application form na kasama sa isinadya ni Megan kagabi sa bahay. Nang tuluyan akong makapasok ay bumungad agad sa akin ang napakaraming estudyante na nagkalat sa grounds ng paaralan. Karamihan ay nagtatawanan, nagkukuwentuhan at nag-aasaran. Ang iba naman ay nag hihintay sa ibang hindi pa pumapasok. Ang iilan ay nakaupo lang sa mga bench at nagmumuni-muni. Saglit ko lang silang pinagmasdam at dumeretso na ako sa classroom na sinabi ni Megan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD