CHAPTER 2

1425 Words
Nang makadating ako sa classroom ay nagulat pa ako nang nauna pa sa akin si Megan. Syempre nagpakuwento ito kung bakit kakarating ko lang. Sinabi ko na lang na natrapik ako kaya natagalan ang biyahe. Hindi na ako nag-abala pa na ikuwento 'yong kalokohan ko sa jeep dahil hindi na iyon importante. Ilang minuto pa ang lumipas matapos kaming magkuwentuhan ni Megan ay dumating na rin ang teacher namin. Tumayo ang lahat at bumati rito nang tuluyan itong makapasok sa room. "Good morning class, I'm Mr. Ramuel Ramirez, your adviser for this school year as well as your Math teacher," malugod nitong pagpapakilala. Inaasahang kong hihilingin niyang magpakilala ang bawat-isa sa amin ngunit naglahad lang ito ng mga patakaran na kailangan sundin sa klase niya at iba pang regulations ng school. Ipinaliwanag niya rin ang mga bagay na kailangang sundin, gawin at ipasa ng mga transferee. "Napakita mo ba sa akin yung design ng uniform kagabi?" bulong ko kay Megan Nakita ko naman itong umiling kaya nagtaka agad ako. Bakit pamilyar yung uniform ng mga students dito? Sinigurado ko pa sa kanya pero hindi pa rin ang sagot nito. Hindi ko na lang pinansin iyon at muling nakinig kay Sir Ramirez. "Magpapakilala kayo bukas at kailangan niyong magsama ng kahit anong Math related trivia. Ieexplain niyo rin kung bakit 'yon ang pinili niyo," paliwanag ni Sir bago matapos ang oras niya. "Oh, Mr. President bakit ngayon ka lang?" Hindi tuluyang nakalabas ng room si Sir dahil may sumalubong sa kanya. "Sorry Sir, napadaan lang po ‘ko sa Faculty," rinig ang pamilyar na tinig ng kausap ni Sir kahit nasa labas pa lang ito. "With him?" "Opo." Don't tell me Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako dahil napakapamilyar no’ng boses na 'yon. Nakita kong tinanguan ito ni Sir at nagbigay daan papasok. Gusto kong manlumo nang magtama ang paningin namin! Confirmed! Siya ‘yong lalaki sa jeep! Kaya pala napakapamilyar no'ng uniform! Katulad ko ay gulat din siyang makita ako ngunit hindi nagtagal ay ngumisi rin ito sa akin. Bagay na hindi ko ikinatuwa dahil alam ko at ramdam na ramdam ko ang tinginan ng mga kaklase ko lalong-lalo na ni Megan. Sumaglit pa ito ng sulyap kay Megan at nang ibalik ang paningin sa akin ay hindi na masukat ang ngiti niya. Pinilit kong ngumiti pero hindi ‘yon naging maganda... Umani pa ito ng bulungan sa loob ng room. Oh no... "Hi Cecilia!" bati nito habang nakatingin ng deretso sa akin na may napakalaking ngiti sa labi. Nakakahiya! Sa sobrang hiya ay nag-iwas ako nang tingin. "You know him?" dinig kong tanong ni Megan pero hindi ko na siya nasagot dahil nilapitan ako no'ng lalaki at pumalumbaba sa arm rest ko! "Nice to see you again. Cecilia, " pagdidiin niya. Iniabot niya ang kamay niya para makipagkamay. Tinitigan ko pa iyon tsaka sarcastic na tumawa. "H-Hello." Tinanggap ko naman ang kamay nito. Ngumisi pa ito bago tuluyang lumayo. Nilingon ko si Megan na kanina pa masama ang tingin sa akin. Bumuntonghininga na lang ako at hindi na siya pinansin. Pagkakataon nga naman talaga. Pagkadating ng subject teacher ay panay pakilala lang ang aming ginawa. Pansin ko ring kapag ako ang nagpapakilala ay tutok ang lahat sa akin. Marahil dahil sa ginawa no’ng lalaki na 'yon! Nalaman ko rin na Timothy ang pangalan niya. Pangalan ng mayaman. "So what now? Come on Aisha, Spill the beans!" pangungulit ni Megan nang makarating kami sa canteen. Hindi ko na nga ito kinikibo pero ang kulit-kulit pa rin! Inaasahan ko naman nang madami siyang itatanong pero ‘di ko inaasahang consistent ang kakulitan niya! "Wala ‘yon," sagot ko habang namimili. Buti na lang libre na raw ni Megan ang pagkain dahil first day namin! "What? Anong wala? Come on, just spill it!" "Wala nga akong sasabihin! Coincidence lang." Iniabot ko rito ang biskwit na pinili niya. Nakanguso naman niyang tinanggap iyon. "Ganyan ka na pala ah, sige magtago ka lang ng sikreto mo!" pagmamaktol nito nang makaupo kami habang pinaglalaruan ‘yong bikswit niya. Napahugot na lang ako ng hininga. "Okay fine! Nakasabay ko lang 'yon sa jeep kanina," paliwanag ko rito. Lalong sumama ang pag tingin niya sa akin. Halatang 'di naniniwala sa sinasabi ko. "Okay, Listen. Hindi ko sinasadyang maibayad 'yong buong one hundred pesos sa tricycle, tapos 'yong driver naman hindi man lang ako sinuklian kaya pagdating ko sa jeep nganga--" "What?! So hindi ka nagbayad sa jeepney?" singit nito. OA naman. Wait lang! "Patapusin mo muna ako. So 'yon, dahil wala kong pambayad naisipan kong mamburaot sa katabi ko. Which is 'yong lalaki kanina," pagtutuloy ko sa kuwento. "You did what? W-what's buraot?!" maarteng tugon nito. Hay, RK kasi kaya pati meaning ng buraot di alam... "Uh, Never mind that buraot thing. Basta nagawan ko ng paraan para siya magbayad ng pamasahe ko." "What did you do?" Naging mas interesado sa kanya ang pinag-uusapan namin. "Nagpakilala ko biglang childhood friend niya." Hindi siya agad nakapagsalita pero hindi nagtagal ay tumawa ito ng napakalakas! Ang akala ko pa naman eh siya ang magiging speechless pero putek ba't ganyan reaksyon niyan! "Oh my gosh Aisha! That's hilarious!" Lalo siyang natawa nang makita ang itsura ko. Umiling na lang ako dahil hindi ako makapaniwala sa babaeng ‘to. Iinom na sana ako ng tubig nang may biglang tumabi sa akin. Natigilan din si Megan sa pagtawa nang makilala kung sino 'yon. "Nagkita na naman tayo, Cecilia." Nakangiti na naman ito pero mas seryoso ang mukha niya ngayon. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi ito pinansin pero nagulat ako nang pinigilan niya ang kamay ko bago ko pa masubo yung biskwit na hawak ko. "Bakit 'di mo ko pinapansin?" Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko. "Samantalang kanina sa jeep kulang na lang itali mo ko sa kamay mo," pagpapatuloy nito. Nadinig ko ang pagsinghap ni Megan. "Salamat sa kanina, babayaran ko bukas na bukas 'yong pamasahe." Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya. Tinitigan lang niya ako at mukhang batang naghihintay sa susunod na sasabihin ko. "Sorry, kung ikaw pa napili ko kanina. Babayaran ko agad yung utang ko sa iyo huwag kang mag-alala." "Not asking for an apology," pampipilosopo niya. Hindi ko malaman kung anong gusto ng lalaking to! Nag-thank you na ako, ayaw. Nag-sorry na ako ayaw pa rin! "Ano bang kailangan mo sa akin?" "I want to be your friend," deretsahang sagot nito. "Friends na tayo diba? Childhood friends," pang-aasar ko sa kanya. "Not satisfied with that," masungit na tugon nito. "Gusto kong maging kaibigan mo, iyong totoo," dagdag nito nang hindi ako sumagot. Kinuha niya ang biskwit sa kamay ko at isinubo sa akin. Nakanganga na pala ako! Gano'n-gano'n na lang at umalis na siya. Tiningnan ko si Megan at nakatulala rin ito. Sinundan ko nang tingin si Timothy hanggang makalabas siya sa canteen. Matapos ng dismissal ay nagpaiwan muna ako kay Megan sa library dahil may mga tanong pa sa application form na hindi ko pa na sasagutan. Pinauna na ko na siya sa principal's office para mapasa niya na agad 'yong kanya. Hindi nagtagal ay natapos din ako. Dumeretso na ako sa principal's office pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko. Pagdating sa hallway ay madaming nagtatakbuhang grade seven at medyo crowded na ito dahil sa kanila. May mga pagkakataon pang napapahinto ako sa paglalakad dahil sa paghahabulan. Hay, Feeling siguro nila elem. pa rin sila. Tsk Tsk Tsk Nagulat na lang ako ng may tumulak mula sa likod ko. 'Di ko naman inaasahang may makakasalubong akong lalaki! "Tabi! Tabi!" banta ko rito para hindi siya madamay sa pagbagsak ko. Sumunod naman ito. Pero mas ikinagulat ko ng ‘di ko na-realize na sahig nga pala iyong babagsakan ko! Putek! Pumikit na lang ako at hinintay ang landing ko sa sahig... Pero wala! Iminulat ko ang mata ko at nakita ko ‘yong lalaki na nakahawak sa bewang ko upang di ako tuluyang matumba. Ang clumsy mo Aisha! "Okay ka lang?" hindi ko siya na sagot. Inalalayan niya na lang akong tumayo ng maayos. Hinanap ko agad yung application form dahil hindi ko na hawak iyon! Aligaga kong nilibot ang paningin ko sa hallway nang... "Hala! Bakit mo tinapakan!" Agad kong Inalis yung paa ng lalaki sa application form. "Pa’no ‘to... lukot na tapos ang dumi pa..." mangiyak-iyak na sabi ko. Dahil ngayon na papasa ‘to! Sinubukan pa akong pakalmahin no'ng lalaki pero ‘di ko magawa! Wala na akong extrang copy! Nakakahiya naman kung idadahilan ko sa principal 'yong katangahan ko! Pa’no ‘to...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD