BEGINNING.
Sabi nila nakakatulong daw ang alak upang makalimot sa kahit na anong masakit na pangyayari sa buhay ng tao kahit panandalian lang. Nakakatulong ito upang maging manhid at hindi makaramdam ng sakit.
Ngunit hayop, kanina pa siya tumutungga ng alak, ngunit sa halip na maging manhid ang kanyang pakiramdam at mawala ang sakit ay tila mas lalo pa itong sumisidhi. Bawat pikit niya ay ang mukha ng taksil niyang nobyo at ang eksena kung saan nahuli niya itong may kaulayaw sa ibabaw ng kama ang naglalaro sa kanyang balintataw.
Magaslaw na galaw ng samu't saring kulay ng ilaw, maharot na musika at nakakaliyong amoy ng alak at usok ng sigarilyo ang namayani sa loob ng silid na kinaroroonan ni Patricia.
“Hayop ka, Arman, hayop ka!” paulit-ulit na sambit ni Patricia habang panay ang kanyang hikbi.
Arman was her long-time boyfriend. Mahal na mahal niya ang nobyo kaya kahit na sobrang tutol ang kanyang ina sa kanilang relasyon ay ipinaglaban niya ito. Katulad niya ay galing sa pamilya ng isang magsasaka si Arman, kaya kapwa na nagpursige silang pareho na makatapos sa pag-aaral.
Hindi naman sila nabigo. Nagtapos bilang isang architect si Arman at siya naman ay nagtapos bilang isang guro. They are both in love with each other. Walang araw ang dumaan na hindi nila pinaramdam sa isa’t-isa ang kanilang pagmamahal sa bawat isa.
Ngunit ang lahat ay nagbago ng matanggap si Arman sa isang malaking kompanya sa maynila. Naging busy ito at unti-unting nawalan ng oras sa kanya. Ngunit inintindi niya pa rin ito. Lagi kasi nitong sinasabi na para sa kanilang kinabukasan ang ginagawa nitong pagsisikap.
Ngunit ang laki niyang tanga at gaga.
Pinaniwala lang pala siya ng hayop.
Ngayong araw ay kaarawan ni Arman. Gusto niya sana itong surpresahin at ibigay dito ang matagal na nitong hinihiling sa kanya. Gusto na sana niyang ibigay dito ng buo ang pagkatao niya. Ngunit sa halip na si Arman ang ma sorpresa ay siya itong na sorpresa.
Nahuli lang naman niya si Arman na may kaulayaw ito sa ibabaw ng kama.
Hayop!
Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam niya sa mga sandaling ito ay mawawasak ang dibdib niya sa matinding kirot. Mula sa condo ni Arman ay dito sa club siya dinala ng kanyang mga paa. Marahas na hinablot niya ang bote ng alak na nasa kanyang harapan at marahas na tinungga iyon.
Sinaid niya ang laman nang bote ng alak saka marahas ng ibinagsak ang bote sa ibabaw ng mesa at pagkatapos ay itinaas niya ang kamay sa ere upang tawagin ang waiter. Kumaway-kaway siya upang kunin ang atensyon ng waiter ngunit hindi man lang siya nilingon.
“Waiter!” She felt frustrated. Hindi niya napigilan ang sarili na palakasin ang tinig niya. “Waiter!” muli niyang tawag na mas lalo pang pinalakas ang tinig. Ngunit dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng club ay hindi siya nito naririnig.
“Letse!” malutong niyang mura.
Pinagsamang awa sa sarili at matinding galit para kay Arman ang kanyang nararamdaman. Ang pinaghalong emosyon na iyon ay tila wawasak sa kanyang buong pagkatao. Bawat pintig ng puso niya ay kaakibat ng sakit at ang bawat paghinga niya ay tila bumabagal. Sa isang iglap ay naglaho sa hangin ang lahat ng kasiyahan at ang lahat ng pangarap na kanyang binuo kasama si Arman.
Sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha. Mariin na ipinikit niya ang kanyang mga mata kasabay ng paglitaw ng imahe ni Arman sa kanyang balintataw at maging ang mga ungol ng mga hayop na iyon ay umalingawngaw sa kanyang pandinig.
“Alone?”
Baritono na tinig na iyon ang nagpamulat sa mga mata ni Patricia.
Isang lalaki ang nakatayo sa kanyang harapan. Malapad ang dibdib ng lalaki at nakasuot ito ng puting t-shirt, at sa kabila ng pinagsamang amoy ng alak at sigarilyo sa loob ng club ay hindi pa rin nakaligtas sa pang-amoy niya ang male scent ng lalaking nasa kanyang harapan. The man is just a few inches away from her, kaya amoy na amoy niya ang mabango nitong scent.
She now felt intoxicated and her vision was quite blurry, kaya hindi niya masyadong aninag ang mukha lalaki. Mapusyaw din kasi ang liwanag sa loob ng club.
“Hello!” muli ay untag sa kanya ng lalaki sabay wasiwas ng palad nito sa kanyang paningin.
She blinks.
Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng lalaki hanggang sa dumako ang paningin niya sa hawak nitong kopita.
She needs more liquor.
Marahil ay kulang pa ang alak na nainom niya kaya hindi pa siya nakakalimot at hindi namamanhid. Walang pagdalawang isip na inagaw niya sa lalaki ang hawak nitong kopita at saka mabilis na dinala sa labi at marahas na tinungga.
All Patricia wants at this moment is to feel numb and to forget the unbearable pain that has eaten up her whole being. Isang mahinang tawa ang pinakawalan ng lalaki. Hinila nito ang upuan na nasa kanyang harapan saka umupo.
Tinitigan siya nito sa mukha at nakapagkit sa labi ang nakakalokong ngiti na sinabayan pa nito ng pag-iling.
“Tell me, why you're here in this kind of place? Hindi ko alam na may ganitong side pala ang pagkatao mo. Hindi lang pala pagluluto ng sinigang ang alam mo. magaling ka rin pala tumungga ng alak.”
Napakunoot siya ng noo kasabay ng paniningkit ng kanyang mga mata. “Anong pinagsasabi mo? Kilala mo ako?” Nagtataka niyang tanong.
“Yeah, I know you from head to toe. You should not be here. Hindi para sayo ang lugar na ‘to.”
Tila nagpagting ang kanyang pandinig sa huling sinabi nito. Hindi para sa kanya ang lugar na ‘to? Bakit? Dahil ba sa mukha siyang manang? Dahil ba sa wala siyang make-up at wala sa ayos ang buhok niya maging ang suot niyang damit?
“At kanino bagay ang lugar na ‘to ha? Para sa mga taong katulad mo na nasa alta-sosyedad at kaming mga mahihirap ay wala ng karapatan na pumasok dito?” mahina siyang tumawa. “Gusto kong ipaalam sayo na kaya kong bumili ng alak dito, kaya ko rin makisabayan sa mga katulad niyo, at marahil–”
Marahil ay kaya niya rin gawin ang ginawa ni Arman.
Napalingon siya sa dance floor. Halo-halong babae at lalaki ang sumasayaw. May nagyayakapan habang umiindayog sa tugtugin ng maharot na musika, at ang iba naman ay naghahalikan habang panay ang himas sa katawan ng bawat isa.
Isang mariin na paglunok ang kanyang ginawa. Kapagkuwan ay tumayo siya at humakbang upang tumungo sa dance floor.
Kung hindi tumalab ang alak sa kanya marahil ay tatalab ang pagsasayaw at pakikipagharutan sa mga taong nasa dance floor. Ang kanyang akmang paghakbang ay natigil dahil sa mahigpit na paghawak sa kanya ng lalaki sa kanyang kanang pulso.
Nilingon niya ang lalaki.
“Bitawan mo ako.”
“Are you out of your fvcking mind? For Christ's sake, you are still wearing your teacher’s uniform. Sinong matinong tao ang maglalasing habang nakasuot ng teacher’s uniform at sasayaw sa dance floor ng isang club?”
This man is indeed right.
Suot pa niya ang kanyang teacher’s uniform. Ngunit wala siyang pakialam. Gusto niyang lunurin ang sarili ngayong gabi. Gawin ang isang bagay na ni minsan ay hindi niya nagawa sa tanang buhay niya.
She sacrificed a lot for her family at nagsakripisyo para sa lalaking mahal niya. Ngunit lahat ng sakripisyo na iyon ay nagwalang saysay. Puro sama ng loob at pasakit ang isinukli sa kanya.
“Sino ka ba para pakialaman ako ha? Kung pamilya ko nga walang pakialam sa akin, kung ang nobyo ko na minahal ko ng maraming taon ay walang pakialam sa akin at nagawa pa akong lokohin,” iwinaksi niya ang kamay ng lalaki. “Huwag mo ako pakialaman dahil hindi tayo magkakilala at hindi kita kaano-ano. Kalalaki mong tao, pakialamero ka!” Hindi niya napigilan itong itulak. Pagkatapos ay pasuray-suray na humakbang siya tungo sa dance floor
Walang inhibisyon na sinabayan ni Patricia ang maharot na musika. She was dancing wildly, racing her hands up in the air and moving her head along with wild music.
Itinapon niya ang lahat ng inhibisyon sa likod ng kanyang utak at pinalaya ang sarili. She rolled her hips gracefully while swaying her head.
Isang mahigpit na yakap mula sa kanyang likuran ang kanyang nararamdaman. Basi sa amoy nito, alam niyang lalaki iyon. Hindi na siya nag abalang lingunin pa ito. Ito naman ang gusto niya. Bahala na kung saan siya dalhin nitong sakit na nararamdaman niya.
Isang marahas na paghila sa kanyang braso ang kanyang naramdaman. Tumama ang hinaharap niya sa isang malapad at matigas na dibdib kasabay ng pagyakap ng pamilyar mabangong amoy na iyon sa kanyang katawan.
“Stay away from my girlfriend, you bastard!” Mariin na wika ng isang lalaki sa lalaking yumayakap sa kanya mula sa kanyang likuran habang mahigpit siya nitong yakap.
Girlfriend? Tinawag siya nitong girlfriend?
“You're a mess!” Kapagkuwan ay bulong nito sa kanya.
“Alam ko…” tugon niya kasabay ng hikbi. Inangat niya ang dalawang palad at marahan na dumapo iyon sa matigas nitong dibdib sabay angat ng kanyang paningin. “Sino ka ba? Bakit mo ako pinapakialaman?” Inis niyang wika sabay tinulak niya ang lalaki.
Ngunit mahigpit siya nitong niyakap. “You get dumped, that is why you get wasted. Sa tingin mo mawawala ang sakit na nararamdaman mo dahil sa uminom ka ng alak? Ikaw ang definition ng babaeng matalino pero bobo.”
Muli ay nagpanting ang kanyang pandinig sa mga salitang sinabi nito. Marahas na tinulak niya ang lalaki. Ngunit tulad ng nauna ay hindi ito natinag. Mas lalo siya nitong niyakap ng mas mahigpit.
Ang kanilang mga mukha ay nawalan na ng pagitan, ang kanilang mga mainit na hininga ay nagpapalitan. Amoy na amoy niya ang pinaghalong amoy ng alak at mint scent mula sa bibig ng lalaki.
“Hayop ka, sino ka ba para pakialaman ako? Hindi mo alam ang pinagdaanan ko. Hindi mo alam ang sakit na nararamdaman ko, at higit sa lahat hindi mo ako kilala.” Ikinuyom niya ang mga palad at binayo niya ito sa dibdib ng marahas at malakas.
“Like what I've said, I know you from head to toe.” tugon ng lalaki na mas lalong idinikit sa kanya ang sarili nito. Ang labi nito ay lumalapat na sa kanyang labi. “I can help you to ease your pain, I can help you to forget your bastard, boyfriend, Pati…”
Aaminin niya. Isang mahiwagang damdamin ang ginising ng lalaki sa pagkatao niya. She felt like she knew him, maging ang tinig nito ay tila pamilyar din sa kanya.
“Matutulungan mo ako? Sa anong paraan?” Sa hindi alam na dahilan, gumanti siya ng yakap. Ikiniskis niya ng kusa ang labi sa labi ng lalaki. “Ilabas mo ako dito, paligayahin mo ako, kahit ngayon gabi lang. Gusto kong maging ganap na babae at makalimutan ang sakit na dulot ni Arman. Take me, take me…”
“Sigurado ka?”
“Bakit? Ayaw mo?” Balik tanong niya. “Sabihin mo kung ayaw mo at—”
“Let's get the hell out of here!” Walang anuman na hinila siya ng lalaki papalabas ng club na iyon.