Magkasunod na pumasok si Patricia at ate Althea sa loob ng mansyon, napapangiti siya habang nakasunod ang paningin niya kay ate Althea. Medyo hindi na tuwid ang paglalakad nito. Alam niyang hindi ito sanay sa pag-inom ng alak tulad niya. Tumigil siya sa pagsunod sa ate Althea ng malagpasan na nila ang malawak na bulwagan ng mansion. Nakatayo siya sa hallway at sinundan na lang ng tingin ang ate Althea niya na papasok sa loob ng winery room. Ayaw na niyang sumunod sa loob. Naroon kasi lahat ng matalik na kaibigan ng kuya Drake niya kasama si Bryan. Magiging awkward lang pakiramdam niya sakaling pumasok siya sa loob. Wala rin naman dahilan upang pumasok sa loob. Nang tuluyan na makapasok sa loob ng winery room ang ate Althea ay agad na inihakbang niya ang mga paa at umakyat sa ikalawang p

