CHAPTER 21.

2059 Words

Tinalikuran ni Patricia si Bryan. Hinarap niya ang mga hipon na kanyang nilagay sa isang container na nasa sink. “Hindi kita sinisigawan. Nagpapaliwanag lang ako.” Pero ang totoo naiinis na rin talaga siya. “Are you mad at me?” Napabuntong hininga siya. Bakit parang baliktad ‘ata. Bakit siya na ngayon ang pinagbibintangan na galit samantalang ito ang kanina pang parang bata na nagdadabog sa di malaman na dahilan. “Hindi ako galit, Bryan.” “Talaga lang ha!” Panandalian na tinigil niya ang paghuhugas ng hipon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata saka humugot ng malalim na paghinga. Para na yatang sinasadya na nitong inisin siya. Hindi niya alam kung ano ang kasalanan na nagawa niya para inisin siya nito ng ganito. Binitawan niya ang hipon na kanyang hinugasan at hinarap si Bryan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD