“Then why? Why did you choose to stay away from me, and leave me, huh, Patricia?” “Bryan—” Nabitin sa ere ang kanyang gustong sabihin. Kumalas mula sa pagyakap sa kanya si Bryan. Hinawakan nito ang kamay niya at inalis mula sa pagkalapat sa mukha nito saka ito humakbang ng ilang paatras mula sa kanya. Ngunit ang paningin nito ay nanatiling nakatitig sa kanyang mukha, direkta sa kanyang mga mata. Umangat ang kanan na palad nito at marahan na hinaplos nito ang kanyang pisngi. Pinapahiran nito ang mga luha na lumandas sa kanyang magkabilang pisngi. “I'll be waiting for you on the rooftop.” Bumitaw ito sa kanya saka siya nito tinalikuran at humakbang paalis. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan habang sinusundan ng tingin ang malapad nitong likod. Isang malalim na paghugot hininga an

