bc

RBS 3: Suffered Love (FREE TO READ)

book_age18+
2.8K
FOLLOW
27.0K
READ
billionaire
possessive
second chance
arrogant
dominant
manipulative
hollywood
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Ang mawalan ng memorya ay isa sa pinakamasakit na bagay na naranasan ni Elizabeth sa tanang buhay niya. Pinagkaitan siya ng tadhana at hindi niya alam kong ito ba ay isang biyaya o bangungot. Gusto niyang isumpa ang lahat. She had no memories even the glimpse of her past. As if it was all wiped out.

Limang taon ang lumipas ay namuhay siyang masaya sa piling ng mga taong kumupkop sa kanya na ngayon ay namayapa na. Pero isang himala ang nangyari, ang inaakalang niyang nakaraang buhay na nalimot na niya ay hinding hindi niya pala matatakasan. She met Nicholas, the one who engineered the renovation of her mansion. He was the most beautiful man her eyes ever laid on. The man was obviously shocked when he saw her too for the first time. Ang hindi niya inaakala ay ang taong iyon ay parte ng nakaraan niya. Until one day, he confessed to her. Later did she know, it was confession that once again almost broke her heart into pieces.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Mahigpit akong nakahawak sa shoulder bag na dala ko habang kabado pa rin akong nakatitig sa ina ng asawa ko. Kung aalamin ko kung ano ang estado ng relasiyon namin ay nangangamba na ako. Nanghihina ako sa katotohanang 'yon habang pilit kong kinakaya ang lahat. "Mama..." Tawag ko sa kanya habang pilit kong pinapatatag ang boses ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay kaagad kong nakitaan ang galit sa kanyang mga mata. The way she's staring at me right now, I know it's a combination of disgust and anger she has for me. Pero kailangan ako ng asawa ko ngayon higit sa kanino pa man. "Hindi ba't sinabi ko na sayong huwag na huwag kang pupunta dito?!" Maanghang niyang tanong sa akin. Her beautiful face contorted in so much anger. "You are the reason of my son's accident. Kaya kahit anong paliwanag mo, hindi mo na kailanman man makikita ulit ang anak ko, Elizabeth. I will file a divorce for him para matigil na ang pagiging pasakit mo sa anak ko!" Mapait akong tumango at hindi inaalala ang sinabi niya. "I just wanna see him, Ma." Nanghihina kong saad. "Please, I missed him." Naninikip ang dibdib ko habang pilit na nagmamakaawa sa kanya. He’s my husband but why did I have to fight for my rights. Marahas akong lumapit sa kanya kahit alam ko ang posibleng gagawin niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya. "Kahit isang beses lang, Ma." Pagmamakawa ko kahit masakit sa parte ko. "Isang beses lang..." Ako ang asawa niya pero hindi napunta sa akin ang lahat ng karapatan na iyon dahil sa nangyari. I'm not guilty but she blamed it all to me, that even filing a case for me is an option for her as well. Hindi ako nagkaroon ng oras pa na panigan at sabihin ang totoo dahil hindi naniniwala si Mama sa akin. They can take me down easily, I'll accept it. I'm hopeless, I know. Pero wala akong pakialam dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay ang makita ang asawa ko. We were at the hospital right now, all of his family was inside the room he's in. Kami lang dito ni Mama sa labas dahil hinarang niya ako sa pagpasok. Maraming guards ang nakabantay sa labas kaya hindi rin ako nakapasok. Malakas niya akong sinampal dahilan kong bakit ako nagulat na napahawak sa pisngi ko. Umiyak ako ng maramdaman ang sakit dahil doon. "How dare you, Elizabeth?!" Dinuro niya ako. "Kung hindi mo inuna yang kalandian mo, hindi ito mangyayari at sasapitin ng anak ko! Ngayon, nagsisi na talaga ako kung bakit hinayaan ko pang pakasalan ni Nicholas. You disgusted me and your cheap dignity!" Napapaso niyang saad. "Lumayas ka dito! I don't wanna see your face right now." Hinawakan niya ang panga ko. Kahit masakit ay pilit ko siyang sinusunod. "And remember, wala ka ni isang pisong makukuha sa anak ko kung sakaling ma-approve ang annulment ninyo!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pabalya niya akong binitawan. Nagpagpag siya sa kanyang kamay na para bang may naiwang dumi sa mga kamay niya mula sa paghawak sa akin. My frozen heart shifted at the sight of her merciless gaze, my legs almost failing beneath me. Pumikit ako dahil sa sakit na unti unting bumabalot sa aking puso. Gusto kong sabihin na hindi totoo ang lahat nang sinasabi niya. I will never cheat on my husband. I love him, always. Even if his mother didn't like me, I still came here even if I know what she will say to me. Noon pa man ay naghahanap na siya ng tamang pagkakataon kung saan kaya niya akong hulihin at siraan kay Nicholas. But my husband loves me so much that his respect for her suddenly turned down. Kaya mas lalo niya akong kinamumuhian ngayon. Hindi lang naman sila ang nasaktan sa nangyari kay Nicholas! He's my husband too and I was supposed to be with him right now. Pero iginalang ko siya dahil sa magulang at ina siya ng asawa ko. Kahit noong hindi pa kami kasal ng anak niya ay ayaw na talaga niya sa akin dahil sa status ng buhay ko. I was not from a wealthy family, I'm just a woman who's still starting my career. No parents. "H-hindi naman po totoo lahat ng sinabi ninyo, Mama. Hindi ko magagawa iyon kay Nicholas, Mama. Please, paniwalaan niyo po ako." Nagmamakaawa ko pa ding sabi. She smirked at me. "Huwag mo na pang lasunin ang utak ko. I will never believe you. Leave now!" Sigaw niya sa akin. With trembling hands, I still tried to reach her. "Please, Ma..." Naiiyak ko nang sabi. "Guards, dragged her out of here.” Utos niya sa mga ito na kaagad namang sinunod. I want to fight back and berserk but I'm just a woman. My own strength will be nothing compared to them. My tears can't stop flowing as the guards dragged me out of there. "Pasensiya na kayo, Ma'am. Napag-utusan lang po kami." Sabi nila at mahinahon akong iniwan sa tapat ng elevator pagkatapos akong walang pag-iingat na pwersahang dinala doon. Mugto ang matang pumasok ako ng elevator, pinipilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil biglang tumigil ang elevator hudyat na may sasakay. I'm trying my best not to cry. Tinago ko kaagad ang mukha ko ng makitang nanunuri akong tiningnan ng mga babaeng sumasakay ngayon. I wiped my tears. Mabigat pa rin ang nararamdaman ko ng makalabas ako ng hospital hanggang sa sasakyan ko. I wanted to file a complaint. I want to have my rights but I felt so weak right now. Hindi ko kaya. I started the engine of my car. Lutang at wala sa sarili akong nagdrive. I lost and it sucks. I wanted to shout that it is not my fault. I was with him in that accident too, but how could they blame me easily without knowing the truth. I can't move. Punit na punit ang puso ko at walang halos marinig mula sa tunog na nanggagaling sa sasakyan ko. I looked betrayed. Maybe not by my husband but by his mother. Sadness is hovering over my heart and mind. Walang katapusang umaagos pa rin ang mga luha sa mata ko. If I can just turn back the time, I could. Hindi na dapat sana niya ako pinuntahan sa islang iyon. Kung sana hindi ako nagalit sa kanya, kung sana... Mas naiyak pa ako ng tuluyan. What if I lost him? No! Ikakamatay ko ang bagay na iyon. He's my life! I sighed shakily. Pinunasan ko ang luha ko at naiiyak na tiningnan ang kalsada. I was about to make a u-turn but I was caught off guard when I was hit by a huge truck with a fast speed. Naramdaman ko ang malakas na impact nito nang sandaling bumangga ang sasakyan ko dito. My body immediately reacted and I don’t know what happened next. Bakit ba minamalas ako ngayon? I felt a hot liquid grazed down on my face. I know it's my own blood. "Nicholas..." I muttered before I lost my consciousness.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

His Cheating Heart

read
41.5K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.1K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
550.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook