Simula
Nang pinaglapit ng kanilang mga sugatang puso sina O'Hara at Gideon noong sila ay nasa Grade 12, tila binigyan sila ng tadhana ng pagkakataong paghilumin ang dinadalang sakit ng bawat isa. Si O'Hara, isang dalagang mula sa mayamang pamilya, at si Gideon, isang binatang mula sa simpleng pamumuhay, ay magkasalungat. Ngunit sa kabila ng kanilang magkabilang mundo, natagpuan nila ang isang hindi inaasahang koneksiyon sa kanilang pinagsasaluhang sakit. Ngunit sa kasagsagan ng kanilang paglalapit, bigla na lamang umalis nang walang paalam si Gideon isang araw pagkatapos ng debut ni O'Hara. Hindi niya alam na ang kaniyang pag-alis ay magpapabago sa kanilang mga buhay.Paglipas ng pitong taon, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Isa ng dedikadong doktor si O'Hara, at si Gideon naman ay isa ng marine engineer. Bawat isa'y matagumpay na sa kanilang larangan. Ngunit muli kayang magliliyab ang dating alab sa pagitan nilang dalawa, o masyado nang mahaba ang panahon at napakarami na ng mga nangyari? Habang humaharap sila sa katotohanan ng kanilang nakaraan, kailangan nilang magpasya kung sapat na ba ang pag-ibig upang mapagtagumpayan ang mga sugat ng nakaraan at bumuo ng isang kinabukasang hindi nila inakalang posible.
*****