Chapter 21

1960 Words
Naramdaman ng binatang si Van Grego na bumalik siya sa kaniyang sariling katawan sa itaas ng kaulapan kung saan ay masasabing hindi niya inaasahan ang buong pangyayaring ito. Labis siyang nag-iingat ngayon lalo na at malalakas ang nilalang na nakakasagupa niya. "Hooo! Muntik na kong mapaslang sa pagsabog na iyon. Mabuti at mabilis akong nakabalik sa lugar na ito." Seryosong sambit ng binatang si Van Grego nang mabilis siyang nakabalik sa kaniyang sariling katawan. Siguro ay naging posible lamang ito dahil nadirito siya sa loob ng malawak na lugar ng Myriad Maze. Maya-maya pa ay mabilis siyang pumunta sa may tulay sa tila may harang na parte ng tulay. Pagkapasok niya ay mabilis na nagsalita mula sa kawalàn. "Congratulations Player, you have perfectly completed the Level 1. You are really capable that's why accept your price." Sambit ng mechanical voice ng kung sinuman. Agad namang nakita ng binatang si Van Grego ang napakaraming mga kulay puting liwanag at mabilis na pumasok ito sa loob ng katawan nito. "Hmmm... Ano ito? Purest essence energy?!" Sambit ng binatang si Van Grego nang mabilis nitong naramdaman ang napakaraming kulay puting enerhiyang pumapasok sa loob ng katawan nito papunta mismo sa kaniyang dantian. Lubos namang nagalak ang binatang si Van Grego dahil napakabuti at napakaraming benepisyo ang makukuha niya gamit ang mga enerhiyang ito. Sinubukan niyang tingnan ang unang puting liwanag na papunta sa kaniyang malawak na dantian habang mabilis itong pumasok mismo rito at humalo sa mga enerhiya. Tila nanlaki naman ang pares ng mata ng binatang si Van Grego habang tinitingnan ang sumunod na pangyayari. Tila mas naging buhay pa ng matingkad ang kaniyang sariling dantian. "Hmmm... Hindi nga nagkakamali ang librong aking nabasa, mas malaki ang benepisyo ng purest essence energy na ito para sa akin. Hindi ko na kaolangang maghirap magcultivate kapag ganito. Sa tingin ko ay ito din ang dahilan kung bakit maunlad at malakas ng hindi hamak ang mga nasa matataas na mundo. Alam kong ang aming mga Cultivation Resources dito ay basura lamang para sa kanila." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang sarili lamang. Hindi niya aakalaing darating ang panahong mayroon siyang matatanggap na ganitong klaseng biyaya o opportunidad. Sino ba kasi ang makakatanggi sa ganitong klaseng lucky chance? Isa itong pambihirang uri ng essence energy. Meaning hindi na niya ito kailangang paghirapang i-cultivate o dumaan sa proseso ng pagrerefine sa loob ng kaniyang sariling dantian o kung ano pa man. Wala itong toxins o impurities na halo. Matatawag din kasing Natural essence energy ito, gawa ng kalikasan mula sa Heaven and Earth Qi. Sino ba naman ang ayaw nito hindi ba? Tatanggap ka lang ng benepisyo na hindi naghihirap o gumawa ng mahihirap na bagay para masigasig na magcultivate. Patungkol naman sa matataas na mga mundo ay hindi maipagkakailang ang Purest essence energy ay isa sa natural na Cultivation Resources ng mga ito kaya di nakakapagtakang madali lamang sa kanilang lampasan at makatungtong ng Cultivation Level na Blood Awakening Realm sa tulong nito kahit di sila ganon katalentado. Napaka-unfair naman talaga ng mundi ng Cultivation, kapag doon ka sa mas mataas na mundo ay malaki ang tsansang maging malakas ka na indibidwal at kailangan mo lamang ma-acquire ang mga bagay na ito ngunit para sa katulad niyang naririto sa maliit na mundong ito kung saan ang lahat ng mga pambihirang bagay na gugustuhin niya ay kailangan niyang maghirap ganon din ang iba pang mga nilalang na naririto, kailangan pa nilang gumawa at magpasiklab ng mga digmaan at mga madudugong labanan para sa Cultivation Resources na basura lamang kung titingnan sa mas mataas na mundong ito. Hindi alam ng binatang si Van Grego kung matatawa siya o maiiyak sa naiisip niya. Hindi kasi kalawak ang kaalaman ng napakaraming mga nilalang na nabubuhay rito kung gaano pa kalawak ang nasa labas ng maliit na planetang ito o maliit na mundong ito. Hindi alam ng binatang si Van Grego jung ano pa ang klaseng pambihirang bagay ang masasaksihan niya sa matataas na mundo pero alam niyang hindi niya iyon magagawa pa kung mabigo siya rito o mapaslang sa mundong ito. Bigla na lamang naramdaman ng binatang si Van Grego na pagpasok ng pangalawang maliit na piraso nv liwanag sa kaniyang dantian at nagulat siya sa kaniyang nasaksihan. Tiningnan kasi ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling dantian at masasabing tila bumuhos ng nagraragasang mga enerhiya rito na alam niyang ito ang maliit na puting liwanag na walang iba kundi ang Purest essence energy na na-acquire niya sa pagpaslang sa lahat ng White Wolves. Ang purest essence energy na ito ay 1:100 ang equivalent nito kumpara sa pagcucultivate lamang sa natural na paraan. "Hmmm... Kung magiging ganito kadali ang resulta ng purest essence energy sa aking katawan ay madali lamang akong makakapagpataas ng aking Cultivation Level nito. Hindi ko maaaring pabayaan lamang na pumasok lamang ito sa aking sariling dantian dahil baka magkaaberya lamang. Mas mabuting kontrolado ko ang proseso ng mga ito para hindi ako magsisi sa magiging resulta ng pangyayaring ito." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang sarili habang makikita ang bakas ng pag-alala sa mukha nito. Mahirap kasing pababayaan niya lamang ang kaniyang sariling maging pabaya na lamang sa mga bagay, sa mahirap o simpleng mga bagay lamang na maaaring magdulot sa kaniya sa kapahamakan. Labinglimang maliliit na liwanag kasi ang pumapasok sa katawan niya at maaaring magdulot ito ng labis na damage kung hindi niya bibigyan ng konsoderasyon ang kapabilidad ng kaniyang sariling katawan at ang limitasyon niya sa pagtake ng mga enerhiyang punapasok sa Kaniyang sariling katawan. Katulad na lamang ng kahambugan, minsan you have to lessen your confidence and boastfulness dahil maaaring mauwi ang sarili mo sa mas malaking problema. Unless kung mayabang yung kalaban at gusto mong inisin pero dapat alam mo sa sarili mong kakayanan mong labanan ito. Alamin mo kung isa ba itong nagpapanggap na mahina o nagpapanggap lang na malakas. Simple mang bagay-bagay ya o hindi, hindi ka dapat makampante. Marami kasing nabiktima ng ganitong klaseng kaugalian na nauuwi lamang sa sariling kapahamakan. Mabilis na umupo ng maayos ang binatang si Van Grego (naka-cross sitting position) kung saan nakagawian ng lahat ng mga Cultivators na posisyon sa pagcucultivate. Ito kasi ang pinakanatural na ayos sa pagcucultivate to hone oneself at hayaang makadaloy at makapasok ang enerhiyang nasa paligid. Ipinikit ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling pares na mata kung saan ay iwinala niya ang lahat alalahanin niya sa kaniyang puso't isipan at ipinukos ang kaniyang sarili sa kaniyang kasalukuyang suliranin. Tatlo... Apat... Lima... Anim... Pito... Walo... Siyam... Sampo... Labing-isa... Labindalawa... Labintatlong mga maliliit na liwanag ang pumasok sa loob ng dantian ng binatang si Van Grego kung saan ay mabilis niyang kinontrol ito kung saan ay gumagalaw lamang ang ito sa kanilang sariling pamamaraan. Tila pinagpawisan naman ng malapot ang noo ng binatang si Van Grego at napakunot ang sariling noo nito dahil ramdam ng binatang si Van Grego ang labis na nakakatakot na enerhiya sa loob ng kaniyang dantian dahil sa labintatlong mga maliliit na liwanag na ito. Kahit na buo pa ang mga ito at hindi pa natutunaw sa loob ng kaniyang sariling dantian ay napakadelikado ng enerhiyang ito. Gusto niya na sanang magbreakthrough sa 4 Star Martial Ancestor Realm ngunit isa iyong problemang napakalaki dahil sa malaking banta ng labintatlong mga nakalutang at gumagalaw na labintatlong mga maliliit na mga liwanag. Makikitang hindi magiging madali ito sa binatang si Van Grego. "Hindi ko alam kung paano ko ito tutunawin ang mga ito ng hindi napipinsala ang aking dantian." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na pag-aalala. Agad siyang pumunta sa isang bahagi ng kaniyang isipan kung saan ay mabilis niyang nakita ang nasabing libro. Ito ang pinakamalaking palaisipan sa kaniya kung bakit di niya napapalabas ang nasabing libro sa kaniyang sariling pamamaraan. Kaya malaki talaga ang kuryusidad sa buong pangyayaring ito. Agad niyang nakita ang nakalutang na pamilyar na libro na walang iba kundi ang kaniyang sariling Book Artifact. "Nasaaan ba tayo ngayon?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang kaharap ngayon ang nakalutang na Book Artifact. "Navigation Error... Error... Error!" Paulit-ulit na sambit ng book Artifact. Tila wala itong ma-navigate na lugar dahil tila wala itong maaaring mahanap na geographic location. "Hmmm... by the way, Ano pala ang maaaring gawin ko para matunaw ko ang mga malalakas na enerhiyang nasa loob ng katawan ko?!" Sambit ng binatang si Van Grego sa nasabing book Artifact. Tila ba makikitang desperado na siyang matunaw ang mga ito at maayos na makapagbenepisyo rito. Hindi niya aakalaing ang pagkaubos ng lahat ng mga halimaw na Flying Black Hawks ay magbibigay sa kaniya ng ganitong karaming Purest essence energy sa loob ng kaniyang katawan. Tila ba hindi pwedeng ganon na lamang na matatanggihan niya ang mga ito dahil premyo nga niya ito na pumasok sa loob ng kaniyang sariling katawan ngunit ikamamatay niya rin ng labis kung sakaling pumalpak siya sa pag-absorb ng lahat ng enerhiyang ito. Walang problema sa lahat ng areas ng kaniyang sariling Cultivation pero ang pagwithstand lamang ng nasabing mga enerhiyang ito ang kailangan niyang punan at gawin dahil baka kapag pumalpak siya ay masira o mapinsala ng lubos ang kaniyang sariling dantian at mabasura lahat ng kaniyang pinaghirapang Cultivation habang buhay. "There's a higher form of Breathing Technique practice by some of the powerful Beasts. Natural breathing of human cannot compare to the breathing technique of Martial Beasts. Breathing Technique is way simple to describe with but in reality they are really a powerful tool for Martial Beasts to suck all the Natural Qi (Heaven and Earth Qi) from the surrounding. There breathing exercises are usually a technique necessary to make everyone feels they are blessed of but actuality, they are naturally a cultivators compared to human and other non-cultivators to begin with. They are earlier than anyone but sadly they have restrictions when they get powerful enough and face heavenly tribulations and gain consciousness. I suggest that in picking a Breathing Technique, it must be a powerful breathing Technique with corresponding powerful breathing exercises to lessen time and about wasting time longer than expected. The higher class of the Breathing Technique, the lessem time consumptions. Choose Wisely!" Walang kaemo-emosyong sambit ng Book Artifact habang nasa ere lamang ito at hindi gumagalaw. "Ganon pala iyon. Salamat tsaka bakit di ka gumagalaw ha?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na pagtataka sa kalagayan ng nasabing Book Artifact. Hindi niya pa rin nakakalimutang kapirasong soul nito ang nagpapanatiling may buhay ang Book Artifact na ito at isang kalapastanganan naman kung sino mang nagrestrict rito. Sinubukang kunin ng binatang si Van Grego ang nasabing nakalutang na book Artifact sa pamamagitan ng paghawak dito o paghablot. Nang sinubukan niyang kunin ito ay mabilis na siyang hindi makapaniwala sa mga susunod na pangyayari. Nang sinubukan niyang hawakan ang nasabing Book Artifact na pagmamay-ari niya ay mabilis lamang lumusot ang kamay nito sa likod ng nasabing Book Artifact. Sinubukan niya pang gawin at igalaw ang kamay niya ay tila wala siyang mahawakan kahit anong parte ng nasabing Book Artifact na pagmamay-ari niya. "Paanong nangyari ito, sino kaya ang may gawa nito sa'yo?! Isa siyang lapastangan!" Sambit ng binatang si Van Grego. Kung game lang naman ang pagbabasehan ay masasabi niyang hindi maaaring maging ganito ito liban na lamang kung.... Ikinalma ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili at nag-isip ng mga senaryong maaaring maging ganito ang sitwasyong ito. Kung magpapadala siya sa sarili niyang emosyon ay siguradong hindi siya magtatagumpay labanan ang takot at inis na nararamdaman niya. Halo-halo man ang nararamdaman niyang enosyon ay hindi pa rin makakabuti ito. Bigla na lamang nanlaki ang mata ng binatang si Van Grego dahil sa kaniyang naiisip na dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD