Chapter 22

2135 Words
"Kung ganon ay ako pala ang non-existent dito. Ang lahat pala ng skills at mga bagay na aking nagagawa ay dulot lamang ng aking Myriad Body dito o pawang Spacial Form pero paanong nangyari ito. Kala ko ay kailangan kong umabot sa mataas na lebel ng aking konsepto ng space para mangyari ito." Sambit ng binatang si Van Grego habang labis na makikita ang pagkamangha at pagkasindak. Hindi kasi maaaring mangyari ito at tiyak siyang hindi siya maaaring makalabas dito sa kaniyang sariling pamamaraan lamang o sa kasalukuyang kakayahan niya lamang. Nalaman niyang ang hindi pala tunay na nag-eexist dito ay siya at may kung ano'ng barriers na nakaharang sa kaniya at sa mismong Book Artifact. Naalala niyang ang Book Artifact ay nasa lugar na ito talaga. Motionless ito at tanging siya lamang ang makakahawak nito ngunit ang makitang hindi ka umiiral sa totong mundo ay talagang nakakadismayang isipin. Mas kakaiba at komplikado pala ang kalagayan niya sa kasalukuyan niyang sitwasyon. Kahit sino naman ay magigimbal talaga at masisindak na isiping ang wala ka pala sa totoong reyalidad. Okay sana kung maihahalintulad lamang ito sa panaginip na maaari ka lamang magising ng ilang oras at babalik sa normal ang lahat. Yung tipong magiging okay lahat pagkagising mo na ganon pa rin, may kontrol ka sitwasyong kinalalagyan mo yung tipong wala kang pakialam sa sasabihin ng iba, gagawin mo lang yung mga bagay na nakagawian mo pero ang sitwasyon niya ngayon ay hindi talaga makatarungan. Yung tipong gusto mong magising sa reyalidad pero masakit pala na ang reyalidad ay hindi ka hinahayaang mag-exist. Nasa loob siya ng isang parte ng Myriad Maze at tandang-tanda niyang nasa game siya sa kasalukuyan pero nasa safe zone siya. Nakakadismaya lang isipin na Life and Death din pala ito. Totoong katawan niya pala ang maaaring maapektuhan kapag namatay siya sa mga susunod na larong sasalihan o sapilitang gagawin. Kaya pala noon pa lamang ay binalaan na siya ng kaniyang sariling Half Master na si Master Vulcarian na hindi simpleng bagay lamang ang lugar na ito. Tandang-tanda niya pa ang araw na iyon na paggalit siyang sinabihan nito at ipinagbawal sa kaniya ang pagpunta rito sa hindi malamang dahilan. "Ngayon naintindihan na kita Master, hindi ko alam kung nag-aalala ka bang tunay sa akin noon o totoo ba lahat ng ipinakita at tinuro mo sa akin pero naniniwala akong mabait ka at hindi ka masamang nilalang. Mananatili ka pa ring tunay na master ko kahit saan man ako dalhin ng daloy ng buhay kong ito. Naniniwala akong buhay ka pa!" Sambit ng binatang si Van Grego. Talagang noong una ay napakasaya niyang mamasyal lamang sa paunang parte ng lugar sa loob ng Myriad Maze ngunit ngayon ay nagbago na ang kaniyang pananaw. Kasalanan niya rin naman ito dahil wala siyang bukambinig at isinasaisip kundi ang maglakbay at magtuklas ng mga pambihirang lugar at mga bagay-bagay sa mundong ito na siyang nakakalimutan niya kung hanggang saan lamang siya at minsan ay nakakaligtaan niyang importante din ang magcultivate ng mabuti at maging masipag na pataasin ito. Hindi niya din naman kasalanang mapunta siya sa lugar na ang oras ay napakabilis at di niya naman sinisisi ang dating Stardust Envoy na si Silent Walker dahil ginawa niya lamang ito na naaayon sa pasya nito. Para pabilisin ang oras nito sa loob ay sa para masiguro nitong mapapabilis nito ang Panahon para maabot ang mahigit isang milyong taong pag-eexist nito. Nakakamangha mang isipin ngunit nakakakilabot naman ito para sa katulad niyang isa lamang binatang Martial Artists. Nasa peak State pa siya ng pagcucultivate at angkop ang edad nito para sa pagcucultivate kaya ang lugar na iyon ay hindi makakatulong sa kaniyang pagcucultivate. Ewan niya ba pero para napakapambihira niyon ngunit hindi niya pa alam ang maaaring panggagamitan ng lugar na iyon. "Salamat Stardust Envoy Silent Walker este Book Artifact dahil tinulungan mo ko. Hanggang sa muli." Sambit ng binatang si Van Grego habang mabilis na nagpaalam at umalis sa lugar na ito. Tila nagtataka naman ang nasabing Book Artifact sa sinabi nito. "Stardust Envoy Silent Walker? Data Error... Saving to word suggestions for..." Tila walang emosyong sambit ng nasabing book Artifact sa mechanical voice nito. ... Mabilis namang bumalik sa kaniyang sarili ang binatang si Van Grego na nasa loob pa rin ng safe zone at naka-sitting position. Hindi naman nangangamba ang binatang si Van Grego na humaba pa ang kaniyang oras doon dahil mas mabagal ang takbo ng oras sa parte ng isipan niya. Nang malaman ng binatang si Van Grego na Myriad Body lamang siya ay natakot siya ngunit namangha rin siya dahil dito. Bunga din kasi ang Myriad Things ng ekstraordinaryong antas mo sa konsepto ng Space o kakayahan mong gamitin at i-manifest ito sa paraang gusto mo. Nakakamangha ngunit nakakakilabot talaga ang ganitong klaseng kakayahan lalo na sa mga nilalang na kayang gumamit ng mataas ma lebel ng misteryosong konsepto na ito ng Space. Mabilis niyang tiningnan ang kaniyang sariling mga Interstellar Rings at Interstellar Dimensions. Sinubukan niyang buksan ang mga Interstellar Dimensions niya ngunit puro blangko lamang ang nakikita niya at walang kahit na anong laman. "Hayst naku naman. Ngunit marami pang mga nilalang ang nilagay ko rito baka patay na sila!" Sambit ng binatang si Van Grego habang mabilis niyang naalala ang batang si Horo Silver. Napatampal naman sa kaniyang noo ang binatang si Van Grego nang maalala ang isang rules dito. "Hayst mukha akong tanga dito. Nakalimutan ko palang bawal pala dito ang may buhay at kahit nakopya man ito kasama ng Myriad Body ko ay hindi ko naman sila makakausap o mailalabas sa mismong Interstellar Dimensions ko dahil kopya lang naman ito at wala akong kontrol sa reyalidad. Tunay ngang nakakamangha ang aking Book Artifact dahil nakayan itong makipagkonekta sa akin. Hindi pala basta-bastang bagay lamang iyon." Mahabang sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang sarili habang makikita na hindi nito alam kung matatawa siya o maiiyak. Tunay ngang napakasaklap ng parteng ito ng kaniyang buhay. Kung kailan kasi maaari niyang gawin ang bagay na ito ay hindi niya ginawa man lang noong nasa reyalidad pa lamang siya. Tunay ngang parang ganon talaga ang buhay ng mga nilalang lalo na ng mga tao, malalaman lamang nila ang isang bagay na gusto milang gawin ngunit di nila ginawa noong pwede naman pala. Yung tipong maaalala lang nila ang mga tao/ nilalang o mga bagay-bagay na gusto nilang gawin na hindi na nila maaaring gawin pa dahil they missed the chance to do it. Parang ganon yung malaking downside sa personalidad ng binatang si Van Greg, saka niya lamang nalaman na importante pala ang mga bagay-bagay na gusto niyang gawin pero hindi niya magagawa kasi hindi siya nag-eexist at kopya lamang siya ng sarili niya at lahat-lahat ng bagay na nakikita niya liban na lamang sa kaniyang sariling isipan at mentalidad. Hindi perpekto ang binatang si Van Grego at walang perpektong nilalang rito but everyone pursue eternal life at youthfulness. Masyadong masalimuot ang tadhana ng bawat isa sa kanila, para mangyari iyon ay kailangan nilang pagsikapang lumakas at magpalakas pa lalo. Nang buksan ng binatang si Van Grego ang kaniyang Interstellar Rings na lalagyan o kung saan nakalagay ang kaniyang mga Cultivation Technique na nasa manuals (libro) at nasa mga Scrolls ay mabilis niyang hinanap ang mga Breathing Technique. Marami siyang nakitang mga malalakas na Breathing Technique ngunit parang nakukulangan siya lalo na yung Breathing Technique na nangangailangan ng angkop na Attributes dahil halos lahat sa mga ito ay Wind Type lalo na't halos lahat naman talaga ay nasa pamamaraan ng hangin. May nakita siyang mga divine Breathing Technique ng Fire Phoenix ngunit hindi naman niya maaaring gamitin ito. Kinakailangan kasi na magkaroon ka ng Level 9 Concept of Fire dito. "Hayst, naku naman. Okay na sana itong Divine Breathing Technique na ito ng Fire Phoenix ngunit Level 9 Concept of Fire? Mukha bang achievable ba iyon ng katulad namin? Bakit napunta pa sa akin ito kung di ko magagamit ito sa kasalukuyan pero naniniwala akong mayroon pang mga Breathing Technique na angkop sa akin." Seryosong sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang sarili habang makikitang hindi ito nawawalan ng pag-asa. Gamit ang kaniyang divine sense ay mabilis niyang ini-scan ang mga Cultivation Techniques na nasa loob ng Interstellar Dimensions at mabilis na bianbasa ang mga descriptions. Tila ba natagalan ang binatang si Van Grego sa paghahanap dahil masyado ngang marami ang mga ito at hindi ganoon kalakas ang binatang si Van Grego para mabasa talaga ang mga ito na tila dadaanan lamang ng mata niya. Binabasa niya ito ng maigi bago ilipat sa susunod na mga Cultivation Techniques na manual o scroll man ito. Lumipas ang kalahating oras... Sa pag-scan ng binatang si Van Grego ay tanging ang Breathing Technique lamang ng Flood Dragon ang kaniyang nahanap at ang iba ay hindi rin angkop sa kaniya. Kung hindi kasi Wind Type ay Earth Type naman o kaya Fire Type. Masyadong malaki ang mga requirements at hindi siya qualified sa mga hinhingi sa sitwasyon na nabasa niya sa descriptions ng mga manuals at scrolls. Tila ang Interstellar Ring niyang ito ay tila maikukumpara na sa isang napakalaking Martial Libraries, hindi naman siguro halata sa napakaraming scrolls niya rito. Matatakot nalang ang sinumang makakakita ng napakaraming Cultivation Techniques na nasa loob ng Interstellar Ring niya ito. "Hay naku, paano na 'to, wala pa kong nahahanap na bagay o angkop na pag-aaralan ko na breathing Technique. There's no way na magagamit ko ang Breathing Technique ng Flood Dragon dahil hindi naman ako isang Martial Stardust Realm sa kasalukuyan at mababa rin ang Konsepto ng Hangin at wala akong natural na Wind Attribute. Bakit napakamalas ko naman nito." Seryosong sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang mabilis na binabasa ang mga napakaraming Cultivation Techniques na kasunod ng nasabing Flood Dragon Breathing Technique. Naiinis na siya pero like he said, di naman siguro layunin ng kaniyang Master Vulcarian na iligaw siya. Halata naman kasi na masyadong basic element at matutunan ng madali ang konsepto ng Hangin pero mataas naman ang Konsepto ng Tubig at Apoy niya kaya hindi naman ito nakakaawang resulta. Masyado nga itong pambihira at napakaekstraordinaryong kakayahan. Meron rin naman siyang kakayahan sa iba't-ibang konsepto ng mga pangunahing elemento ngunit hindi naman ganoon kataas at hindi na niya maaaring sabihin ang konsepto ng Space and Time dahil baka mas lalong ma-frustrate at manlumo ang nasabing binatang si Van Grego. Maya-maya pa ay lalagpasan na lamang ng binatang si Van Grego ang isang may kanipisang libro nang mapansin niyang tila nakuha nito ang kaniyang atensyon at labis siyang na-curious sa nasabing libro. "Black Elephant Breathing Technique, no requirements applied.............." Malakas na pagbasa ng binatang si Van Grego nang paulit-ulit habang makikita ang labis na pagtataka sa kaniyang binasa. "Weh? Inuuto ba ko ng Cultivation Breathing Technique na ito?! No Requirements ba to? Kung sinumang sumulat nito ay gusto ba kong iligaw nito o kung sinumang makabasa ng Breathing Technique na ito?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na pagtataka at medyo hindi siya makapaniwala sa descriptions ng nasabing Cultivation Breathing Technique na ito. Inumpisahan niyang basahin ang nasabing Cultivation Breathing Technique na ito na mayroong kinalaman sa Martial Beasts na Black Elephant. "Black Elephant is one of the mysterious existence of Martial Beasts. They are one of the rarest being unknown to existence. Martial Experts says that this Black Elephant is one of the Aggressive Martial Beasts existed during ancient times. They have gigantic body paired with their powerful legs and extremely sharp claws. It is one of the rarest being of an elephant that have a one Sharp horns that as if it could tear up heavens." Ito ang nabasa ng binatang si Van Grego sa paunang pahina. "Kung sino man ang lumathala ng librong ito ay napakasuspicious. Black Elephant? Never in my entire I could see such a type of elephant. Masyado atang ini-exaggerate lamang ito ng manunulat na ito. There's no way na kalahi at napakalakas nito kumpara sa White Elephant na isang Divine Beast. Nagbasa pa ng nagbasa ang binatang si Van Grego sa nasabing Black Elephant Breathing Technique kung saan ay masasabing hindi siya makapaniwala sa mahabang descriptions na ito. "Whattt?! Walang pangalan ng manunulat? Mukha atang pinagloloko ako ng Cultivation Breathing Technique na ito." Sambit ng binatang si Van Grego habang tila mag-aalinlangan siya sa nasabing breathing Technique na ito. Pagkasalin ng binatang si Van Grego sa susunod na pahina ay mabilis na nanlaki ang kaniyang sariling mata sa nakita niya. "What?! Isang Complex Breathing Technique?! Wait, totoo ba to?!" Hindi makapaniwalang sambit ng binatang si Van Grego na tila mayroong magkahalong gulat at mangha na nakapaskil sa kaniyang sariling pagmumukha. Hindi niya maaaring baliwalain ang nakikita niya masyadong malakas ang appeal ng nakikita niyang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD