Chapter 9

3309 Words
Hindi niya hahayaang maging sagabal lamang ang binatang lalaking mula sa lahi ng mgs tao sa pinaplano nila. "Anong ibig mong sabihin Binatang tao?! Mayroon pa bang ibang lugar o mundo liban sa lugar na ito?!"sambit naman ng halimaw na Hunger Dark Wolf. Eh wala naman siyang maisip na bagay-bagay lalo na at maraming tuso at mapanlinlang na nilalang sa lugar ns ito. Alangan naman na magsasabi siya ng mga bagay-bagay na wala namang katotohanan. "Paulit-ulit?! Sinabi ko naman kanina pa na totoo ang sinasabi ko. Bakit ayaw mong maniwala sa akin. Ah oo nga pala, mas naniniwala ka sa mga mapanlinlang niyong mga magulang. Hindi ko aakalaing napakasalimuot pala ng kalagayan niyo." Seryosong sambit ng binatang si Van Grego habang iniiba nito ang kanilang pinag-uusapan. Mabilis naman siyang lumayo ng ilang metro sa kinaroroonan niya kanina at nag-isip ng mga bagay-bagay. Hindi niya aakalaing napakahina pala ng memorya o pag-iisip ng mga ito. Nakalimutan niyang limitado lamang ang pag-iisip ng mga ito lalo na sa aspeto ng intelligent o patalinuhan maging sa pag-analisa sa mga bagay-bagay. "Ano'ng napakasalimuot ka diyan?! Ito ang patakaran sa mundong ito. Ano naman ang alam mo. Sabi mo nga ay bagong salta ka lamang sa lugar na ito pero ang pag-uugali mo ay nakarating na sa ibang lugar at nakikitang parang pasyalan lamang ang lugar na ito para sa'yo."seryosong pagkakasabi naman ng halimaw na Hunger Dark Wolf sa sinabi naman ng binatang mula sa lahi ng mga tao na si Van Grego. Hindi niya aakalaing kung iisipin niya ang obserbasyon niya sa binatang tao na ito ay masasabi niyang parang pook pasyalan ang lugar na kinaroroonan nila at sa anyo ng pakikipaglaban nito sa kanila ay tila ba ay mayroong kakaiba rito. Tsaka ano naman ang alam at pakialam nito sa uri ng pamumuhay nila dahil unang una pa lamang ay hindi sila close at pangalawa ay hindi rin sila magkadugo. Ang pamamaraan ng pamumuhay nila ay masasabi niyang kakaiba at dapat ay mayroon kang ekstraordinaryong lakas at abilidad para mangyari ang gusto nilang mangyari sa kanilang uri ng pamumuhay. Maya-maya pa ay nagsalitang muli ang binatang si Van Grego dahil sa sinabing ito ng halimaw na Hunger Dark Wolf. "Alam ko naman iyon eh ngunit sa labas na mundong tinutukoy mo na lugar na ito ay mas mahirap ang mabuhay doon. Maraming lugar na akong napuntahan ngunit ito ang kauna-unahang lugar na masasabi kong mas may buhay at mayroong masalimuot na pamamaraan upang mabuhay." Kalmadong sambit ng binatang si Van Grego ngunit makikita ang lungkot sa boses nito. Hindi niya alam kung ano ang klase ng pamumuhay meron ang lugar na ito at tila ba nakikita niyang napakasalimuot at napakalala ng mga patakaran ng mga ito. Napabuntong hininga na lamang ang binatang si Van Grego sa kaniyang sarili. "Hahahaha... Nagpapatawa ka talaga. Hindi nga kami nakarating sa dulo ng mundong ito tapos sasabihin mong may hangganan ang lugar na ito?!" "Paulit-ulit na lamang tayo rito. Kung mararating ko ang exit ng bulubunduking lugar na ito ay mapapatunayan kong totoo ang aking sinasabi. Ayaw pang maniwala eh." "Talagang hindi ako maniniwala. Kung inaakala mong maliit ang mundong ito ay nagkakamali ka. Napakalawak ng lugar na ito na hindi mo aakalain ang malaking sukat nito. Nabagok siguro ang iyong utak at ganyan ka magsalita hmmmp!" Sambit naman ng halimaw na Hunger Dark Wolf habang tinitingnan ang binatang grabe kung magsalita. "Ano'ng nabagok ka diyan. Napakalawak?! Tingin mo ba ay maniniwala ako sa'yo? Talagang inaakala mong mapipinsala niyo ko ng kapatid mong fighter duo sa lahing pinagmulan niyo ay pwes nagkakamali ka. Mas malakas ata ako sa inyo!" Sambit naman ng binatang si Van Grego. Pinandilatan niya ng mata ang halimaw na Hunger Dark Wolf. Hindi siya natatakot rito lalo pa't hindi na siya magagalaw ng mga ito kahit ano man ang gagawin ng magkapatid sa kaniya. Kaya niya namang protektahan ang kaniyang sarili laban sa mga ito o sa mga nilalang na maaaring makalaban sa parehong lebel liban na lamang kung sobrang napakalakas ng mga nilalang ang masasagupa niya Maya-maya pa ay nagising na ang nakababatang kapatid na Hunger Dark Wolf. Tila ba nagising siya sa ingay ng dalawang boses. Napakapamilyar sa kaniya ang boses ng isang nagsasalita ngunit ang isa pang nagsasalita ay parang ngayon lamang niya narinig ito at mukhang medyo pamilyar rin ito. Nang minulat nito ang kaniyang sariling pares na mata ay tila nakita niya ang dalawang nilalang na animo'y nag-uusap ngunit masasabi niyang nagtatalo ang mga ito. Nakita niyang busy masyado ang dalawa sa pag-uusap at pagtatalo. Palihim na lamang na napangisi ang nakababatang kapatid na halimaw na Hunger Dark Wolf. "Hmmmp! Pagkakataon ko na ito upang mapaslang ang binatang tao na ito. Isa pa ay palagay ko ay isa lamang itong estrangherong naliligaw hmmmp!" Sambit ng nakababatang kapatid na Hunger Dark Wolf sa kaniyang isipan lamang. Balak niyang atakehin ng palihim ang binatang tao na patuloy lamang sa pakikipag-usap sa kaniyang kapatid. Mabilis itong naglaho sa kaniyang kinaroroonan ang nasabing halimaw na Hunger Dark Wolf habang mabilis itong lumitaw sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego. "Tapos ka na ngayon!" Sambit ng nakababatang kapatid na Hunger Dark Wolf habang nakatutok na ang mga naghahabaang mga kuko nito sak kinaroroonan ng binatang si Van Grego. Tila ba hindi maaaring baliwalain ang presensya nitong mayroong napakalakas na enerhiyang namumuo sa katawan nito. "Huwag!!!!!!" Sigaw ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf. BANG!!!!!!!!! Isang malakas na pagbaon ng kaniyang sariling kuko sa lupa ang nangyari sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego na siyang ikinagulat ng nakakatandang kapatid na halimaw na Hunger Dark Wolf. "Hahahahahahahahahaha... Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob niyong atakehin ako. Alam ko na ang sikreto niyo!" Sambit naman ng binatang si Van Grego nang makita ang mga bagay-bagay na patungkol sa magkapatid na Halimaw na nasa hanay ng Hunger Dark Wolves. Nagulat naman ang magkapatid na Hunger Dark Wolf. Tila ba hindi sila makapaniwala na nakikita nila ang binatang nasa itaas ng himpapawid. "Ano'ng sinasabi mo binata?! Wala kaming tinatago sa'yo!" Sambit ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf. Nagtataka siya sa inaasal ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. "Hahaha... Wala naman akong sinasabi. Hindi ko lang aakalaing hindi ko kayo ma-predict masyado lalo na sa katangian niyo lalo na sa pambihirang skills niyo." Sambit ng binatang si Van Grego. Nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa dati ang anyo at katangian ng mga ito sa dati. "Hahaha... Hindi mo ba alam na matagal ang epekto ng aming pambihirang skill na ito?! Ganito talaga ang epekto nito sa amin hehe!" Sambit ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf sa binatang si Van Grego. Palihim pa itong napangisi habang nakatingin sa binatang si Van Grego. Ngumiti naman si Van Grego habang nakalutang sa ere bago ito nagsalitang muli. "Sino'ng niloko niyo. Hindi ko aakalaing malakas ang inyong kakayahan pagdating sa pagconjure ng mga ilusyon kung saan ay masasabi kong parang totoo talaga." Sambit ng binatang si Van Grego habang napangisi ito. Batid niyang una pa lamang ay parang may mali. Una ay ang mga kapatid ng mga ito na nakalaban niya ay madali niya lamang napaslang ngunit ang dalawang magkapatid na halimaw na ito na maituturing na fighter duo ay parang hindi niya masukat ang mga kakayahan ng mga ito. Tila ba hindi niya matalo-talo ang mga ito. Nagkatinginan naman ang magkapatid na fighter duo. Tila ba nag-uusap ang mga mata ng mga ito at mabilis na tumingin sa gawi ng binatang si Van Grego. "Wala kang patunay binata pero hindi ko aakalaing mayroon kang kakaibang persepsyon. Pero walang kwenta iyan sa aktuwal na labanan natin ngayon hehehe... Magiging pataba ka lang namin hehe!" Malademonyong sambit ng nakakatandang kapatid habang inaamin niyang ngayon lamang siya nakasagupa ng ganitong klaseng kalaban. "Ano'ng sinasabi niyo?! Paano ako magiging pataba ng katulad niyong Hunger Dark Wolf?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na pagtataka sa tinuran ng dalawang halimaw na ito. Tila ba mayroong kakaibang tinuturan ang mga ito at nais ipabatid sa kaniya. "Hahahaha... Isa ka lamang mangmang na nilalang na mula sa napakahinang lahi. Ano sa palagay mo ang ginagawa mo sa lugar na teritoryo namin?!" Sambit ng nakababatang kapatid na halimaw na Hunger Dark Wolf. Tila ba hindi niya maintindihan kong ano ba ang binatang ito? Parang tanga ito kung kakausapin nila. "Teritoryo? Palagay mo ba ay maniniwala ako sa iyo. Edi aalis na lamang ako. Ano pa ang gagawin ko rito?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang bigla niyang napansin ang biglang pagbabago ng paligid. "Hmmmp! Ipapakita namin ang lakas na taglay namin maging ang aming abilidad sa iyo! Wala ng dahilan para ikubli pa ito sa'yo at pagsalangin ka ayon sa aming pamamaraan ng pagpatay!" Sambit ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf habang makikita ang labis na galit sa binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. Maya-maya lamang ay parang biglang nagkaroon ng pagdistort ng paligid. Mula sa kulay berdeng mga kapaligiran ay napalitan ng kulay itim na kapaligiran. Tila ba isang napakalumang lugar at abandonado ito. Halos masasabing purong negatibong enerhiya ang bumabalot sa buong lugar na ito liban na lamang sa mga kakaibang mga simbolo na nakapalibot sa sahig ng lugar na ito na nakaukit. "Isang Sacrificial Ground?! Hindi maaari ito! Kayo, hindi kayo Hunger Dark Wolf, sino kayong dalawa?!" Malakas na sambit ng binatang si Van Grego nang makita ang nilalang na ito. Kahit na hindi nagbago ang anyo ng dalawang nilalang na inaakala niyang halimaw na galing sa lahi ng mga Hunger Dark Wolf ay masasabi niyang nagbabalat-kayo lamang ang mga ito. "Pambihira nga ang lugar na ito sa bulubunduking lugar na ito. Pero ano nga ba ang lugar na ito? At sino ang dalawang nilalang sa harapan ko?! Hindi maaaring mga Hunger Dark Wolf ang mga ito dahil sa pambihirang mga bagay at abilidad ng mga ito. Kailangan kong mag-ingat." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang tinatantiya ang mga bagay na naobserbahan niya at nakikita base sa kaniyang Persepsyon. Tila ba hindi simpleng lugar ang bulubunduking lugar na ito at kung ano'ng misteryo ang bumabalot rito. Nagkatinginan naman ang magkapatid dahil sa tinuran ng binatang mula sa lahi ng mga tao. Tila ba hindi nila alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng binatang mula sa lahi ng mga tao na ito. "Ang talino mo binatang tao. Hindi ko aakalaing mayroon kang malawak na kaalaman patungkol sa bagay na kinaroroonan natin hehe... Wag kang mag-alala dahil dito ka na rin mamamalagi sa lugar na ito habambuhay!" Sambit ng nakakatandang halimaw na Hunger Dark Wolf. Maya-maya pa ay biglang nagbago ang anyo ng dalawang nilalang na Hunger Dark Wolf habang mabilis na lumitaw ang kanilang totoong mga anyo. Ang nilalang na magkapatid na Hunger Dark Wolf ay napalitan ang kanilang anyo ng isang tao habang makikita ang pagkakaroon ng kanilang kamay sa bandang palapulsuhan ng nag-iitimang mga ugat na siyang pahaba at pataas ng kanilang kanilang braso. Hindi naman ganoong kahaba ang mga nag-iitimang mga ugat ngunit kung oobserbahang mabuti ay nakakatakot ang mga ito dahil literal na gumagalaw ang mga ito na parang uod. Nang makita ng binatang si Van Grego ang mga itsura nila ay maihahalintulad ang mga ito sa mga tao. Ekstraordinaryo din ang mga mukha o itsura ng mga ito. Ang nakatatandang kapatid ay mayroong kulay pulang buhok habang ang nagpanggap na nakababatang kapatid na Hunger Dark Wolf ay kulay abo ang kulay ng buhok nito. Tila ba ibang-iba na ang awra at nilalang ang mga ito kumpara sa anyo at awra ng mga Halimaw na Hunger Dark Wolf. ngunit ang awra ng mga ito ay tila ba hindi masasabing awra ito ng mula sa lahi ng mga tao. Nakakasulasok at nakapangingilabot ang tila pagsabog o pagkalat ng mga enerhiyang inilalabas ng katawan ng mga ito na tila ba maihahalintulad sa mga nilalang na mga demonyo. "Human Demon? Ano ang ginagawa niyo rito?! Paanong nangyari na nandirito kayo?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na pagtataka rito. Mayroong ibang nilalang na naririto sa kaniya at hindi niya aakalaing mayroong ganitong klaseng nilalang na akala niya ay nasa libro niya lamang makikita. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakita siya ng ganitong klaseng nilalang na masasabing nasa hanay ng mga sinaunang lahi ng mga Hybrid. "Hmmm... Tama ka at bakit parang gulat na gulat ka binatang tao? Parang ngayon ka lamang nakakita ng katulad namin?! Nagulat ba kaming isa kang tao?!" Nagtatakang sambit ng nakababatang kapatid na Human Demon. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak sa sinasabi ng binatang mula sa lahi ng mga tao. Sa inaasta nito ay parang ngayon lamang ito nakakita ng katulad nila. Hindi niya maintindihan ang binatang ito. "Ah... Ehh... Ngayon lang naman kasi ako naglakbay at hind ako ganoong palalabas ng aming bahay. Ah... Oo.. tama, hehe!" Tila ba awkward na pagkakasabi ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na pagkapahiya sa sarili ngunit pinigilan niya ang kaniyang sariling mautal. Tila nag-isip-isip naman ang dalawang magkapatid na Human Demon sa sinabi ng binata lalo na ang nakakabatang kapatid ng nasabing Hybrid. Tila ba hindi sila kumbinsido sa sinabi ng binatang mula sa lahi ng mga tao na ito. "Hmmm... Paano mo naman nasabi iyan? Kahit hindi ka lumabas man lamang ng inyong bahay o maski ng teritoryo ay masasabi mo namang mayroong gumagalang mga nilalang katulad ng mga Human Demon sa mga pamilihan eh." Tila nagtataka naman ang nakababatang kapatid habang tiningnan nitong maigi ang ekspresyon ng binatang mula sa lahi ng tao. Tila natataranta naman ang Binatang si Van Grego sa tingin ng dalawang magkapatid na Human Demon sa kaniya. Tila ba sinusukat ng mga ito kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. "Ano kasi, napakaliblib ng lugar namin at hindi masyadong abot ng kahit na sino. Puro na nga lang ako pagcucultivate at hindi ako nakikipag-ugnayan sa iba kaya siguro ganon lamang ako hehe...!"pagsisinungaling ng binatang si Van Grego habang makikitang awkward at pilit itong ngumiti sa magkapatid na Human Demon pala. Hindi niya maaaring tukuyin ang pinagmulan niya talag. Half truth ang sinabi niyang ito. Tama naman na matagal siyang nagcu-cultivate noong mga taong nakalipas na ngunit pinili niya naman ang pamumuhay na iyon kaya di na rin masama ang dahilang ito. "Pwede nga naman ang sinasabi mo. Pero sino ka bang talaga ha?! Paano ka napadpad sa lugar namin?!" Tila mas nabalot ng kuryusidad ang isipan ng nakakatandang Human Demon dahil hindi siya satisfied sa sinabi ng binatang mula sa lahi ng mga taong ito. Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito o nagsisinungaling lamang. "Ah eh... Sinubukan kong umalis at maglayas sa lugar namin. Gusto kong maglakbay este lakbayin ang mundong ito hehe...!" Makahulugang sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang parang mayroong kumpiyansa sa sarili habang sinasabi niya ito. Parang generalized form yung pagtugon niya sa halimaw na Human Demon sa harap niya. "Pero matanong ko nga, ano naman ang sinasabi mo kanina sa akin na mayroong ibang mundo o lugar ha?! At napakalawak? Saan iyon matatagpuan?!" Tila hindi pa rin nasasatisfied ang nakakatandang halimaw na Human Demon sa sinasabi ng binatang mula sa lahi ng tao na ito na walang iba kundi si Van Grego. Tila ba parang umiiba o magkaiba ang mga sinabi nito noong unang pag-uusap nila kanina. "Ah eh... Wala iyon. Ang tinutukoy ko ay ang aming lugar pero kitang-kita kong napakalawak pala ng di hamak ang lugar na Ito. Alam mo yun, magkakaiba mga lugar rito tapos mayroon pang mga bitag-nitag rito samntalang sa amin ay hindi ganoon kalawak hehe..." Tila palusot na sambit ng binatang si Van Grego. Feeling niya ay napakasinungaling niya na. Hindi niya aakalain kasing parang iba ang kinikilos ng halimaw na Human Demon sa ngayon. Parang interesado itong pag-usapan ang sinasabi niya "Paano mo naman nasabi na malawak ang lugar na ito aber kung ngayon ks lamang nakapunta rito?!" Sambit ng nakakatandang kapatid na Halimaw na Human Demon dahil parang may kakaiba talaga sa binatang mula sa lahi ng mga tao. Para bang may tinatago ito sa kaniya. Nabalot pa siya lalo ng kuryusidad "Hinulaan ko lang tsaka sinabi mong napakalawak ng teritoryo mo o niyo rito. Tiyak naman akong di kayo nagsisinungaling diba?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang mas inaalala niya ang bagay na sinabi ng halimaw na Human Demon. "Sigurado ka?! Pero oo nga pala noh, sinabi ko sayo iyon kanina. Tsaka ano naman sayo kung malawak ang teritoryo namin binata?! Mamamatay ka rin maya-maya lamang. Wala namang kwenta kong malalaman mo ang bagay na iyon dahil mamamatay ka rin naman mamaya hehe...!" Nakababatang kapatid "Owwwsss... Mamamatay ako maya-maya?! Paano mo nasabi iyan?!" Tila nang-iinis na sambit ng binatang si Van Grego. Hindi niya alam kung saan kumuha ng lakas ng loob ang halimaw na Human Demon na ito. Malamang halimaw ang masasabi niy rito dahil lumalakad ito sa kabuktutan o kasamaan. Para magamit nito ang Demonic Power nito ay kailangan nitong i-cultivate ang kaniyang sariling katawan sa pamamagitan ng Demonic Ritual, Demon Cultivation Path at paggawa ng masamang gawain sa ibang mga nilalang. "Dahil sinabi niya, alangan namang sinabi mo di ba?!" Sarkastikong sambit ng nakababatang kapatid na Human Demon na siyNg nakisawsaw o nakisali na sa away-dila ng kaniyang nakakatandang kapatid at ng binatang mula sa lahi ng tao. Hindi naman niya maaaring baliwalain ang sinabi ng binatang tao na ito. "Ang taas naman ng kumpiyansa mo sa iyong sarili. Talagang tunay na nakakamangha ang iyong sinasabi. Kung hindi kita mapapaslang ay hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataong paslangin ka hehehe." Sambit ng nakakatandang kapatid na Human Demon. Tila ba nainis siya sa kumpiyansa sa sariling taglay ng binatang mula sa lahi ng tao. "Bago pa ko mapaslang ay siguradong mauuna kayong mapaslang at mawala bago ako hehe." Makahulugang sambit ng binatang si Van Grego habang mabilis itong ngumisi ng kakaiba. "Hmmmp! Talagang napakawalanghiya mo binata. Mamamatay ka na nga lamang mamaya ay nagyayabang ka pang mapaslang kami hehe... Nakakatawa ka ngang talaga hahahaha!" Sambit ng nakababatang kapatid na Human Demon. Tila ba hindi nito nagustuhan ang sinasabi ng binata naiibis siya sa tiwala nito sa sariling kakayahan nito. Yung tipong nasa lungga siya nila pero ito pa ang matapang, nakakasuka. "Buwiset, malaking problema to aking kapatid. Napakatuso ng nilalang na iyan dahil nilagyan tayo nito ng Slave Bracelets!" Sambit ng nakakatandang kapatid habang makikitang may naalala itong bagay kung saan napahinto ito at napatingin sa kaniyang sariljng kapatid. "Ano'ng sinasabi mo ha?! Ano'ng Slave Bracelets slave Bracelets ka diyan?!" Nagtataka namang sambit ng nakababatang kapatid sa nakakatandang kapatid nito. Tila ba hindi niya alam kung ano ba talaga ang sinasabi nitong bagay. Mabilis na pinakita ng nakakatandang kapatid nito ang metal na bracelet sa kamay nito. Napatingin naman rito ang nakababatang kapatid nito sa kaniya habang nakakunot ang noo nito. "Wala naman ako ah. Tsaka ano'ng Slave Bracelets ka jan?! Mukha bang meron ako niyan sa kamay?; Wala naman diba?!" Sambit ng nakababatang kapatid na Human Demon habang halos yumukot na ang mukha nito sa labis na pagtataka. Mapait namang tiningnan ng nakakatandang kapatid nito ang kaniyang nakababatang kapatid. Tila ba mayroong maaninag sa mata nito ang kakaibang emosyon. "Tingnan mo sa binti ng paanan mo. Wag mo na lamang balaking mapipinsala mo ang tusong binatang iyan dahil ikaw o tayo lamang ang masasaktan." May himig ng inis na sambit ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf habang tinitingnan nito ang kaniyang kapatid. Nawawalan siya ng pag-asa lalo pa't hindi man ganoong sobrang lakas ng binata ay hindi rin pwedeng balewalain ang kakayahan nito lalo na ang pagiging mautak at pagiging tusong nilalang na tao nito na higit sa inaasahan nila. Kung tuso sila ay mas doble ang pagkatuso ng biantang tao na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD