Chapter 8

1905 Words
"Anong sinasabi mo binatang tao?! Hindi ko naintindihan ang iyong sinasabi. Saan ba kami pumalpak ha? Isa ka lang namang taong napakahina. Talagang ang pagiging tuso niyo lamang sa sitwasyon ang maaari niyong panlaban at hindi ang sariling lakas hahaha!!!!" Tila nanghahamak na sambit naman ng nakakatandang halimaw na Hunger Dark Wolf sa binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. "Nagsabi ang hindi. Kahit anong gawin niyo ay natalo ko kayo hahaha... Sino'ng mahina sa atin ngayon?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na kumpiyansa sa kaniyang sarili. Hindi niya aakalaing napakatigas ng puso ng mga ito sa mga katulad niyang nilalang na mula sa lahi ng tao. Napatahimik na lamang ang nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf na isa sa mga fighter duo ng kanilang lahi. Ngunit nagulat na lamang ito nang bigla na lamang nagkaroon ng isang metal bracelet ang kamay nito at nakita niyang ang walang malay niyang nakababatang kapatid ay ganoon din ngunit nasa binti ito. "Ano ang bagay na ito binatang tao?! Alisin mo ang bagay na ito!" Sigaw ng nanghihinayang nakakatandang kapatid na halimaw na Hunger Dark Wolf. Tila ba nanghihina pa rin siya hanggang ngayon habang pilit na kinukuha at inaalis ang metal bracelet sa kaniya. Halos magkandasugat-sugat naman ang baalt nito sa bandang palapulsuhan habang hindi pa rin ito tumitigil sa pagtanggal ng bagay na ito. "Hindi ko tatanggalin ang bagay na iyan sa inyo. Hindi maaaring mapahamak lamang ako at hindi ako makakapagbenepisyo sa paglaban ko sa inyo. Hindi maaaring mawala lamang sa wala ang paglalakbay ko sa loob ng lugar na ito." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na kaseryosohan sa boses nito. Hindi naman siya materyalistikong tao para magkaroon ng benepisyo sa mga bagay-bagay lalo na at ayaw niyang nang-aapi o nagpapaapi. Hindi niya rin gustong lumamang o magpalamang sa kalaban. Parang neutral lamang siya at hindi siya yung tipong nagtatanim ng galit sa kaniyang puso o maging ang kaisipan na magalit sa kaniyang kapwa ay labis niyang iwinawala. Pero isa siyang Wandering Cultivator na gusto lamang maglakbay, sumuong sa mga delikadong misyon at sitwasyon ngunit seryoso niyang pinagpaplanuhan ang mga bagay na ito ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari ay talaga namang dapat niyang pagganahin ang pagiging wais at pagiging praktikal niya nang sa ganon ay mas lalaki ang posibilidad na makalagpas siya sa mga problemang kinakaharap niya lalo na sa kasalukuyan. "At bakit naman hindi? Tanggalin mo ang bagay na ito. Malamang ay ikaw lamang ang makakatanggal nito. Ano sa palagay mo ang ginagawa mo binata?! Ano ang ibig sabihin mo sa huling pangungusap na sinabi mo?!" Sambit naman pabalik ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf habang makikita ang iritasyon sa boses nito. "Simple lamang ang nais kong ipahiwatig sa aking sinabi sa huli at iyon ay makaligtas sa lugar na ito. Pero sa kakayahan ko ay malamang ay hindi ako magtagumpay." Sambit ng binatang si Van Grego habang nakangiti. Makikita ang kakaibang tingin nito maging sa ngiti nito. "Siyempre alam ko naman iyon. Hindi naman kami mangmang para hindi maintindihan ang sinabi mo lalo na at sa Cultivation Level mo ay siguradong malaki ang tsansang mapahamak ka sa lugar na ito lalo na at punong-puno ng panganib ang lugar rito. Maaari namang pag-usapan natin iyan kung tatanggalin mo ang metal bracelets mo na nakalagay sa kamay ko at sa binti ng aking nakababatang kapatid. "Seryosong sambit ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolf hàbang nakatingin sa gawi ng binatang si Van Grego. Tila ba hindi nito mapigilang mabalutan ng kuryusidad sa kakaibang kilos at pananalita ng binatang mula sa lahi ng tao. Mayroong kung ano'ng nais ipahiwatig ang binatang ito sa kaniya. "Hindi ko maaaring tanggalin ang metal bracelet na iyan dahil isa iyang Slave Bracelets at isang taon ang maaaring hintayin mo bago mawala ang epekto ng nasabing bagay na ito. Kahit ako ay walang magagawa para dito. Isa pa ay hindi ko kayo maaaring pakawalan pa dahil kayo lamang ang maaaring makatulong sa akin para makalabas sa bulubunduking ito." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang naging seryoso na muli ang ekspresyon nito hàbang sinasalita ang mga bagay na ito. "Ano?! Slave Bracelets? Ano naman ang bagay na iyon?! Nagpapatawa ka ba?! Isa pa ay parang kinakabahan ako sa sinasabi mong makakatulong kami sa iyo para makalabas sa bulubunduking lugar na ito?! Talagang ina-understimate mo anglugar na ito. Sa pagkakaalam ko ay napakalawak ng lugar na ito. Anong makalabas ang sinasabi mo diyan?!" Sambit ng halimaw na Hunger Dark Wolf habang nakatingin sa direksyong kinaroroonan ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. Tila ba makahulugan itong tumingin sa binatang tao na hindi nito alam kung matatawa ito o maiiyak sa sinasabi ng binatang mula sa lahi ng tao na ito. Anong makalabas sa bulubunduking lugar na ito?! Naiisip niyang nabagok siguro ang sarili nitong ulo at naalog ang mismong utak nito kung kaya't mga ano ano na ang naiisip at sinasabi nito. "Kung hindi ka naniniwala ay edi wag. Isa pa ay hindi kayo makalabas sa lugar na ito kaya wala ring kwenta ang mga sinasabi kong ito kahit ano pang klaseng eksplenasyon ang gagawin ko. Ang mabuti pa ay umalis na lamang tayo sa lugar na ito lalo pa't baka abutan pa tayo ng dilim rito." Sambit ng binatang si Van Grego habang mabilis nitong inaayos ang kaniyang sarili para sa susunod nitong paglalakbay. "Hmmmp! Talagang sinasabi mo sa amin na isa kaming ignoranteng nilalang binata? Sinusubukan mo bang ubusin ang pasensya ko?! Kung Oo, malapit na!" Nanggagalaiting sambit ng halimaw na Hunger Dark Wolf habang makikita ang labis nitong pagkadismaya sa binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. "Oo, ignorante nga kayong nilalang. Malamang sa malamang ay hindi mo pa nakita ang mundo sa labas ng mundong kinaroroonan natin. Ang mundong ito ay maikukumpara lamang na napakaliit na tipak ng mundong ito. Kahit atakehin mo ko ngayon ay malamang sa malamang ay hjndi mo ako mapipinsala, ikaw pa rin ang magdurusa." Sambit naman ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis nitong pagngisi. Kung alam lang nito ang sinasabi niya ay malamang sa malamang ay magugulat at magigimbal ito sa kaniyang sasabihin ngunit wala siyang mapapatunayan sa mga ito kundi ang Slave Bracelets lamang. Nagulat naman ang halimaw na Hunger Dark Wolf sa sinabing ito ng binatang mula sa lahi ng tao. "Hahaha... Wala ka namang patunay binata sa iyong sinasabi. Hindi ko aakalaing malakas ang loob mong sabihin ang huling katagang iyan. Tingnan natin kung hindi kita mapipinsala hehe!" Sambit ng halimaw na Hunger Dark Wolf sa sinabing ito ng binata patungkol sa mga bagay-bagay lalo na sa mundong ito. Napaignorante nito para sa kaniya lalo pa't sa paraan ng pananalita nito ay tila ba ay binabaliktad siya nito. "Hmmm... Ikaw ang bahala." Simpleng sagot ng binatang si Van Grego habang makikita ang walang emosyon sa boses nito. Mabilis niyang inatake ang binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. Hindi ito naghold back sa gagawin niyang atake. Mabilis na humaba ang mga kuko nito at mabilis nitong sinugod ang kinaroroonan ng binatang si Van Grego sa pamamagitan ng pagkalmot rito. Mas lumawak ang ngiti nito at bumuhos ang saya sa kaniyang puso nang nakita niyang hindi man lang gumalaw ang binatang tao na siyang indikasyon na hindi ito manlalaban o iiwas man lang sa gagawin niyang atake. SLASH! s***h! s***h! Tatlong malalakas na kalmot ang ginawa ng halimaw na Hunger Dark Wolf sa katawan ng binatang si Van Grego lalo na sa parteng kaliwang dibdib nito lalo na sa kinaroroonan ng puso nito. Napatawa na lamang sa kaniyang kaloob-looban ang halimaw na Hunger Dark Wolf sa ginawa niyang pag-atake sa binatang mula sa lahi ng tao sa pamamagitan ng tatlong mabibilis na kalmot. Nakita niyang mayroong dugong nakahulma sa dibdib nito at nagkaroon pa ng mahahabang butas-butas ang robang suot ng binatang mula sa lahi ng mga tao. Ngunit wala pang isang minuto ang nakakalipas ay bigla na lamang napahawak sa kaniyang kaliwang dibdib ang nasabing halimaw na Hunger Dark Wolf dahil sa nakaramdam siya ng kirot rito PUAH!!!!! "Paano'ng nangyari ito?! Hindi maaari ito!!!!" Sambit ng halimaw na Hunger Dark Wolf matapos nitong mapasuka ng sariling sariwang dugo nito sa kaniyang bibig. Tila ba hindi siya makapaniwala sa pangyayari lalong-lalo na ang paglaki ng sariling pares ng mata nito. Gulat pa rin siya hanggang ngayon sa kaniyang nasaksihan. Nanlaki naman ang pares na mata ng binatang si Van Grego dahil sa bilis ng pangyayari. Tila nasa awkward situation naman siya nito dahil sa pagiging kampante at ignorante ng halimaw na Hunger Dark Wolf. "Ayaw mo kasing maniwala eh, sino kaya sa atin ang mukhang ignorante?! Ayaw mo pa kasing maniwala. Hep hep... Tigilan mo iyang mga atake mo bago pa mas maging malala ang mga sugat na matatamo mo." Sambit naman ng binatang si Van Grego nang makita ang kalagayan ng isa sa halimaw na Hunger Dark Wolf. Sa postura at anyo ng halimaw na Hunger Dark Wolf na ito ay tila aatake naman itong muli sa kaniya ngunit agad naman na pinigilan itong mangyari ng binatang si Van Grego. "Ayoko, hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Hindi maaaring mangyari ang mga bagay-bagay na sinasabi mo!" Sambit naman ng halimaw na Hunger Dark Wolf sa binatang si Van Grego na tila ba hindi ito kumbinsido sa kakaibang pangyayari sa kaniya lalo na sa ginawa niyang atake ay siya ang napinsala ng malala? Kahit ano'ng pag-iisip ang gawin niya ay wala siyang maisip na anumang bagay. "Ang isa sa pinakaimportanteng bagay na gagawin ng mga ignorateng nilalang ay katulad mo ay ayaw maniwala sa posible pero malaki ang paniniwala sa imposible. Talagang ganon na ba kababa ang kaisipan mo?!" Seryosong sambit naman ng binatang si Van Grego. Tila nakikita niya kasi ang kuryusidad at tila walang kaide-ideyang nilalang na Hunger Dark Wolf na ito kung ano ang ginawa niyang pamamaraan o kung ano ang dapat nitong gawin. "Isa lamang itong bangungot. Hindi pa rin ako naniniwala sa iyo sa bagay-bagay na nangyayari ngayon!" Tila hindi pa rin kumbinsido ang halimaw na Hunger Dark Wolf sa sinabi ng binatang mula sa lahi ng mga tao. Sino ba naman kasi ang maniniwala rito. Nagmukha pa siyang tanga. Medyo napag-isip-isip niya ang mga bagay-bagay ngunit kung paano nangyari iyon ay napakaimposible talaga para sa kaniya na isipin kung paano. "Ewan ko sa iyo at inyo ng kapatid mo. Naglalakbay lamang ako sa lugar na ito upang magpalakas at mangyaring makabreakthrough sa susunod na boundary." Sambit naman ng binatang si Van Grego lalo na at medyo nawalan siya ng ganang magbigay ng eksplenasyon rito given na napagod siya sa pakikipaglaban sa mga ito ay talaga namang sino pa ang maglalaan ng oras na makipag-usap sa ibang mga nilalang lalo na sa kaniyang sariling kalaban hindi ba? Ano yun, hahanap lamang siya nv g pamukpok at pukpukin ang sariling ulo niya? Nakakatawa. Tila nag-isip naman ng malalim ang halimaw na Hunger Dark Wolf sa sinabing ito ng binatang mula sa lahi ng mga tao. Pakiramdam niya ay magiging mangmang siya sa binatang tao na ito. Sino ba naman kasi ang nilalang na magsasalita ng hindi direktang pangungusap o argumento. Makata ba ang binatang ito at napakalalim nitong magsalita?! Nalilito rin ang halimaw na Hunger Dark Wolf sa sinasabi nito ngunit mabilis naman itong nag-isip pa ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD