Chapter 7

2023 Words
"Hmmmp! Sinuwerte ka lang halimaw! Napakahina? Sabihin mo yan sa sarili mo!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kalmadong boses. Hindi niya hahayaang maaapi lamang siya ng mga salita nito. Sino ba naman kasi ang magsasabi ng sariling kasalanan nito o maski ang salitang swerte o malas. Halos napanting naman ang tenga ng nakakatandang kapatid na Hunger Dark Wolves. Tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabing ito ng binatang mula sa lahi ng tao. "Tsk! Hindi ko aakalaing mayroong isang mahinang nilalang ang naglalapastangan sa sarili naming teritoryo. Hindi ko maipagkakailang may lakas at abilidad kang nagpamangha sa akin ngunit ang iyong talento o kakayahan ay hindi ganoon kalakas o kaideal para sa katulad namin. Hindi ko aakalain kung saan ka humuhugot ng lakas na laitin kami. Itong sayo!" Sambit ng nakakatandang halimaw na Hunger Dark Wolves. Mas nainis siya ngayon sa pag-uugaling ipinakita sa kaniya ng binatang mula sa lahi ng tao. Hindi maaaring hindi niya turuan ito ng leksyon at hayaan na lamang. "Hahahaha... Mahina? Ikaw lang naman ang mahina o mas magandang sabihin ang pamilyang pinagmulan mo at ang katulad mong lahing mga Hunger Dark Wolves. Nabubuhay lamang kayo sa takot na mula sa mga biktima niyo o kung paano niyo sila brutal na paslangin at walang awang kainin. Sa sinasabi mong mahina ay hindi miyo alam kung ano ang basic terms para itawag sa inyo. Mahina? Kayo anng tunay na mahina. Gagawin ang lahat para lamang paslangin ako? That's ridiculous! Lumaban ka ng patas o baka aasa ka na naman sa kapatid mo? Hahahaha!!!!" Kalmadong sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang kakaibang impormasyong gusto nitpng ipahiwatig. Ipinapanalangin niya na "sana ay kumagat ang halimaw na ito sa inihanda niyang sirpresa. Dahil sa sinabing ito ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego ay halos magliyab ang puso nito sa labis na galit at pagkasuklam sa binatang tao na nagngangalang Van Grego. Mabilis din itong nagwika. "Hahahaha...good. Hindi ko aakalaing mayroon kang lakas ng loob na sabihin iyan sa akin? Kung hindi mo alam ay mas malakas ako kahit kanino o kahit sa mga pipitsuging mga kapatid namin. Para patunay naas malakas ako ay lalaban kita sa lugar na ito. Sa isang katulad mo lamang ay masasabi kong napaka-cheap mo! Porket pumabor lamang ang sitwasyon ay masyado kang nagsasaya." Sambit ng panganay na halimaw na Hunger Dark Wolves. Nakakainsulto para sa kaniya ang sinabi mismo ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. Sino na naman kasi ang hindi magagalit o maiinis sa binatang tao na ito kundi ang nakakarinig ng mga bagay na nasa bibig nito. Para sa kaniya ay napakatabil ng dila nito. Napatahimik naman kani-kanina pa ang nakababatang kapatid ng Fighter Duo na ito na mula sa lahi ng halimaw na Hunger Dark Wolves. Hindi niya lubos na maisip na ayaw niya sa pag-uugali ng binatang si Van Grego. Pero nang maisip nito ang kaniyang sariling kapatid ay alam niyang hindi maganda ang kutob niya sa mapanlinlang na binatang mula sa lahi ng mga tao. Sino ba naman kasi ang maniniwala rito sa sinasabi nito. Nakikita niya ang odd things na biglang sinasabi ng binatang mula sa lahi ng tao lalo na sa paraan ng pagsasalita nito at makahulugang mga tingin nito na nag-iba rin. Tila ba ang binatang mula sa lahi ng tao na napakainosente o napakababaw lamang niya kung tingnan kanina ay tola ba mayroong kakaibang balak sa pangyayaring ito kung saan ay nakikita niyang masyadong kahina-hinala. "Ngunit kuya, huwag kang magpadaig sa binatang mula sa lahi ng tao na iyan. Wag mong patulan ang hamon ng binatang iyan sahil lamang sa sinasabi nito. Sa mga tingin niya na halos puno ng kahina-hinala at masyadong mataas ang Cultivation Level nuto. Ano'ng --------?!" Sambit ng nakababatang kapatid na mula sa lahi ng Hunger Dark Wolves dahil naniniwala siya na ito ay tila hindi maaaring maging practical at wise decision ang sinabi nito lalo sa pagtanggap ng hamon nito sa kalabang biantang mula sa lahi ng tao na nagngangalang Van Grego. Hindi na siya nakapag-isip pa nang bigla siyang patigilin sa pagsasalita nang kaniyang sariling kapatid. "Lalabanan ko siya ng ako lamang. Alamin mong ako pa rin ang masusunod. Wala na si Ina maging si Ama. Hindi ko maaaring palampasin lamang ang mga bagay na sinabi nito lalo na ang pang-iinsultong sinabi ng binatang mula sa lahi ng tao na ito Gggggrrr!" Sambit ng nakakatandang kapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves. Tila makikitang bigla na lamang nanginig ang katawan nito at nagpalabas ng nagtatalimang mga kuko nito na tila ba mas humaba ang mga kuko nito habang may nakakatakot na tinig itong ipinalabas. Ang mas nakakagulat pa rito ay makikitang matalim nitong tiningnan sa mata ang kaniyang sariling pares na mata habang tiningnan nito ng masakit ang kaniyang kapatid. Mistulang nabigla naman ang nakababatang kapatid nito sa inasal ng kaniyang sariling nakakatandang kapatid. Tila ba ay nagbago ito ng pag-uugali sa kaniya. Walang ano-ano pa ay mabilis itong sumugod sa kinaroonan ng binatang si Van Grego habang tulala lamang na nakatayo lamang sa malayo ang nakababatang kapatid nito. Mabilis na narating nito ang papatayong binatang si Van Grego at malakas na binigyan ng suntok. POOOWWWWW!!!!! Isang malakas na suntok ang ginawa niya ngunit tanging hangin lamang ang natamaan nito at mismong Afterimage lamang ang napalaho niya dahil dito. Ngunit nagulat lamang ang panganay na Hunger Dark Wolf kung saan ay bigla na lamang itong tumalsik sa malayo. BANGGGGG!!!!!!!! Tila nagkaroon din ng malawak na pinsala ang sarili nitong pagbagsak na nagdulot ng pagkasira ng paligid lalo na ng mga malalaking puno, pagkahawi ng matataas na damuhan at pagsabog ng mga batuhan. Tila ba naging isang magulong lugar ang pook na ito kung saan ay nagkaroon ng madugong labanan sa pagitan ng binatang si Van Grego at ng panganay na Hunger Dark Wolf. "Hindi pa ako tapos binata, pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo!" Sambit ng Hunger Dark Wolf habang mabilis nitong sinugod muli ang kinaroroonan ng binatang si Van Grego kung saan ay mabilis niyang sinugod ito gamit ang kaniyang sariling kamao. BANG! BANG! BANG! BANG! ...! Isang walang katapusang pagsuntok at pagsipa ang binibigay ng halimaw na Hunger Dark Wolf sa kaniya. Lahat ng mga ito ay may kasamang marahas na pwersa at panggigigil na patayin ang binatang si Van Grego na humamak sa kaniya. Hindi nito maipagkakailang gusto niya talagang paslangin ang binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. Bawat pagsuntok nito at pagsipa ay tila sumasabog ang hangin ngunit ang nakakamangha ay naiiwasan ito ng binatang si Van Grego. Ang lahat ng atake nito ay tila hindi epektibo sa binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. Ang kaniyang sariling pag-atakeng nakakamatay ay maayos na naiiwasan ng binata kahit pa nagkakaroon ito ng maliliit na pasa at sugat ay dulot lamang ito ng pwersang nakakalat sa paligid. Nang makahanap nang tiyempo ang binatang si Van Grego ay bigla na lamang itong napangisi ng palihim. Brrrr... Brrrr... ! Bigla na lamang sinangga ni Van Grego ang mga atake ng halimaw na Hunger Dark Wolf na ito kung saan ay mabilis na nagwika ang si Van Grego. Ang sipa nito ay sinangga ng binata at ang suntok nito ay mabilis nitong sinangga rin gamit ang kanang kamay nito. "Pwes, ako naman!" Sambit ng binatang si Van Grego habang kalmadong nakatingin ito sa pares na mata ng halimaw. BANG! Mabilis na sinuntok ng binatang si Van Grego ang tiyan ng halimaw na Hunger Dark Wolf na siyang bigla na gumuhit ang pagkabigla na may halong sakit ang pares ng nagpupulahang mata ng halimaw na Hunger Dark Wolf na siyang senyales lamang na nasaktan talaga ito. *Puah! Napasuka lamang ng dugo ang nasabing halimaw na Hunger Dark Wolves kung saan ay bigla na lamang itong nagpupumiglas. Ngunit bago niya pa ito magawa pang muli ay naunahan na siya ng binatang si Van Grego "Arrrgggghhhhhh!" Daing ng halimaw na Hunger Dark Wolf nang bigla na lamang itong nakaramdam ng ibayong sakit sa kaniyang kanang kamay. Malakas kasi na pinilipit ng binatang si Van Grego ang kamay ng nasabing halimaw nang maramdaman nito ang pagpupumiglas nito para makaalis sa p**********p sa kaniya ng binatang mula sa lahi ng tao. BANG! Hindi pa nakontento ang binatang si Van Grego nang bigla niyang suntukin nang malakas ang braso ng nasabing halimaw na Hunger Dark Wolf. "Arrrgggghhhhhh! Pakawalan mo ko binatang tao! Sa oras na makawala ako ay papaslangin kita ng pinong-pino!" Galit na sambit ng lalaking Hunger Dark Wolf kung saan ay nakaharap siya sa kawalan kung saan ay hindi niya nakikita sa harapan niya mismo ang binata. Napakabilis ng mga pangyayari kung saan ay mabilis inundayan ng malakas na pagsiko ang likod nang halimaw na Hunger Dark Wolf na siyang ikinabulusok nito pailalim. BANNNNGGGGG!!!!!! Dito ay tila mas lumala ang nasabing kalagayan ng paligid kung saan ay nagkaroon ay mga pagsabog ng mga kalupaan, pagkasira ng pormasyon ng lupa at maging ng mga halaman sa kapaligiran. WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH! Mabilis na naramdaman ni Van Grego ang biglang paggalaw ng isa pang nilalang sa kaniyang bandang likuran. Mabilis na suntok ng pag-atake ang ginawa nito ngunit mabilis itong nilingon ng binatang si Van Grego at agad na ginamit ang kaniyang sariling palad upang pigilan ang nasabing pag-atake. "POW!" Pilit na nagpupumiglas ang nasabing isa pang halimaw na Hunger Dark Wolf nang tiniklop at ipitin nang binatang si Van Grego ang sarili nitong kamao. "Hmmmp! Pwes tikman mo to!" Sambit ng nasabing nakababatang halimaw na Hunger Dark Wolf kung saan ay mabilis na nagflex ang katawan nito at nag-launch ng atake sa pamamagitan ng pagbibigay ng roundhouse kick sa binatang si Van Grego. Napangisi na lamang ito ng makahulugan habang makikita na wala ng kawala ang binatang mula sa lahi na taong ito sa kaniyang sariling sneak attack. PAHHHH! Mistulang nagulat na lamang ang halimaw na Hunger Dark Wolf sa ginawa ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego nang bigla nitong mahawakan ng maayos ang kaniyang binti. "Hindi maaari ito! Papatayin ki--------!" Sambit ng nakababatang kapatid na Hunger Dark Wolf nang makita nitong walang epekto ang kaniyang sariling pag-atake. "Hindi mo yun magagawa pa dahil wala na kayong pagkakataon na gawin iyon!" Sambit ng binatang si Van Grego habang nakangisi ito. Mabilis na tinuhod ng malakas ng binatang si Van Grego ang tiyan ng halimaw na Hunger Dark Wolf kung saan ay mabilis na gumuhit ang sakit sa mata ng nasabing halimaw kung saan ay tila hindi nakapagsalita ito dahil sa labis na sakit na nararamdaman nito sa bandang tiyan nito. Hindi pa nakontento ang binatang si Van Grego dahil mabilis nitong sinipa pataas ang halimaw na Hunger Dark Wolf kung saan ay tumalsik ito ng napakalayo sa pamamagitan ng pagtalsik nito pauna sa ere. "BANNNNNGGGGG!!!!!!!" Bigla na lamang sumabog ang lupang binagsakan ng nakababatang kapatid ng Hunger Dark Wolf. "Paanong natalo mo kami?! Hindi maaari ito!" Galit na sambit ng nakakatandang kapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves nang makita nito ang salungat na resulta ng nasabing labanan. Tila ba isa itong bangugngot ito para sa kaniya. Puro mga katanungan ang bumalot sa puso't isipan nito na siyang animo'y hindi siya makapaniwala sa naging resulta ng labanang ito. Ang mas nakakaglait at napakasakit na nakita niya ay ang kalagayan ng nakababatang kapatid nitong walang malay na nakahandusay sa malayo. Kahit nanghihina at nanlalabo ang pares ng mata nito ay pinilit niyang gumapang papunta sa kinaroroonan ng kaniyang kapatid ngunit kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya magawang makaalis man lang ss pwesto nito. Nabalot ng kawalan ng pag-asa ang nasabing halimaw na Hunger Dark Wolf. "Hahaha... Mga mangmang, hindi mo ba inalam ang ginawa niyong kapalpakan?! Talagang hinahamak niyo pa ako at ang lahing pinagmulan ko ngunit ang sarili niyong kalagayan ay hindi niyo inalam. Tunay ngang malakas kayong dalawang magkapatid ngunit hindi sapat ang inyong kakayahan at abilidad para mapaslang niyo lamang ako nang ganon-ganon lamang." Kalmadong sambit ng binatang si Van Grego habang seryosong nakatingin sa direksyon ng nakakatandang Hunger Dark Wolf maging sa walang malay pang Hunger Dark Wolf.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD