Agad na pinalitaw ng binatang si Van Grego ang kaniyang alas. Hindi niya maaaring baliwalain kasi ang potensyal ng dalawang malalakas na fighter duo.
"Kailangan kong seryosohin ang labang ito. Hindi maaaring maging panatag lamang ang loob ko dahil sa aking kasalukuyang lebel ng Cultivation ngunit hindi rin ako maaaring makapante dahil sa bantang dulot ng magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves na ito na siyang maituturing na fighter duo." Seryosong sambit ng binatang si Van Grego habang tinitingnan ang magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves.
Bigla na lamang lumiwanag ang kanang kamay ng binatang si Van Grego. Maya-maya pa ay lumitaw ang isang kaparehas na bagay na nakabalot sa kaliwang kamay ng binatang si Van Grego na walang iba kundi ang God Slaying Gauntlet. Makikita na hindi maaaring baliwalain ang banta ng magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves na maituturing na tunay fighter duo at may profound understanding. Kung hindi niya seseryusuhin ang mga factors na nakikita niya ay maaaring matalo siya ng fighter duo.
Kung bakit nakikita ito ng binatang si Van Grego na banta ang dalawang magkapatid dahil ang lakas ng mga atake ng mga ito ay on-par o makasinglakas sa atake ng 1-Star Martial Ancestor Realm Expert at mayroong kakaibang kakayahan ang dalawang ito na umatake sa kaniya ng magkasalungat. Sa nakikita niyang mga factors na ito ay masasabing malaking banta o problema talaga ito. Isa pa ay nasa loob siya ng bulubunduking lugar na ito at hindi pa siya nakakatuntong mismo sa mismong pusod o kalagitnaan ng lugar na ito. Bago pa lamang ang lahat sa kaniya ngunit pambihirang nilalang ang nakasagupa niya.
Mabilis na sumugod muli ang dalawang magkapatid habang magkasabay silang pumunta sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego sa pamamagitan ng pagtalon ng mataas kung saan ay mistulang humawi ang hangin na nakapalibot sa kanila at mabilis na narating ang kinaroonan ng binatang si Van Grego.
Nakapormang pasipa ang dalawang magkapatid na fighter duo ng lahi ng mga Hunger Dark Wolves na ito kung saan ay mabilis naipon sa paanan nila ang kakaibang enerhiya dito.
Nagpaikot-ikot ang mga ito sa ere habang tinitipon nila mismo ang kakaibang enerhiya sa paligid kung saan ay kumislap ng kumislap ang kanilang katawan na animo'y maihahalintulad sa mga kakaibang elemento ng kidlat.
"Hmmmp! Hindi ko aakalaing mayroong espesyal na kakayahan ang fighter duo na mula sa lahi ng mga Hunger Dark Wolves. Hindi maaari ito dahil nakayanan nilang ikonvert ang natural na enerhiya para gawin ang kanilang simpleng atake? Isa itong pambihirang penomena na dapat kong pigilan ang mga atake nilang ito!" Seryosong sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang kakaibang kislap sa mata nito. Aaminin niyang nasurpresa siya sa nagawang ito ng mga halimaw na Hunger Dark Wolves at mismong magkapatid pa na fighter duo? Isa itong nakakamangha at napakapambihirang talento.
Ngunit napangisi na lamang si Van Grego sa mga ginagawang ito ng magkapatid na Hunger Dark Wolves.
"Akala nila ay sila lamang ang nakakayang ikonvert ang kanilang kakayahan? Pwes, ako rin!" Sambit muli ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang mabilis rin itong gumawa ng kakaibang bagay na alam. Mistulang kumislap ang mata nito sa naiisip niya sa kaniyang isipan lamang.
Mabilis na itinaas at gumalaw ang kamay ng binatang si Van Grego sa ere habang mistulang may lumalabas na kakaibang tubig sa ere na medyo malayo lamang ng konte mula sa kaniya.
Dito ay mistulang nagkaroon ng kakaibang pabilog na bagay na mabilis na nagkakaroon ng mga kakaibang disenyo at simbolo kung saan ay kakaiba ang pagkakagawa nito.
Habang isinasagawa ito ng binatang si Van Grego ay mabilis na umatake papunta sa direksyon niya ang dalawang magkapatid na Hunger Dark Wolves na siyang mayroong namumuong kuryente sa katawan nito.
"Mamatay ka na binatang mula sa lahi ng pesteng mga tao!!!!!!" Sambit ng isa sa mga halimaw na Hunger Dark Wolves.
Bumulusok paibaba ang mga halimaw na magkapatid kung saan ay papunta mismo sa direksyon ng biantang si Van Grego.
"Hmmmp! Ang lakas ng loob niyong labanan ako! Concept of Ice: Crystal Ice Shards!"
Bigla na lamang nagkaroon ng pag-uga ng lupa kasabay nito ang biglang paglaki ng kakaibang pabilog na bagay na ginawa ng binatang si Van Grego at bigla na lamang nag-iba ang kulay ng puting pares na mata nito sa pagiging asul na kulay. Napalitan rin ang kakaibang kasuotan ng binatang si Van Grego ng isang kakaibang armor na gawa sa tubig.
Nagulat naman ang dalawang magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves sa nasaksihan nilang napakalakas na enerhiyang nagmumula sa katawan ng binatang mula sa lahi ng tao na si Van Grego. Literal na nararamdaman nila ang nakakakilabot ng enerhiyang biglang umalpas sa katawan nito.
Bigla na lamang nagmaterialize ang kakaiba at naglalakihang mga matutulis na bagay kung saan ay unti-unting lumalabas ito sa napakalaking pabilog na bagay na naglalabas ng nakakasilaw na liwanag na walang iba kundi ang mga Crystal Ice Shards.
Napakabilis ng mga pangyayari kung saan ay mabilis na bumubulusok ang mga Crystal Ice Shards papunta sa kinaroroonan ng dalawang magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves.
"Hindi maaari ito!" Sambit ng Hunger Dark Wolves habang makikita ang labis na pagkabahala at pangamba.
"Hmmp! Hindi kami magpapatalo!" sambit ng kapatid ng Hunger Dark Wolves kung saan ay tiningnan nito ang kaniyang isa pang kapatid.
Gamit ang kanilang sarili ay mabilis na gumawa ng kakaibang kilos ang kanilang mga paa at kamay.
Dito ay biglang nagkaroon ng kakaibang kulay ng enerhiya na bumalot sa kanilang katawan ng magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves kung saan ay mistulang mas naging mabagsik at nakakatakot ang kanilang pangangatawan na animo'y mas lumaki o lumubo pa ang mga katawan ng mga ito. Kitang-kita rin ang nanlilisik na pares ng mga mata mata ng mga ito kung saan ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa binatang si Van Grego.
Hindi maipagkakailang nabigla ang binatang si Van Grego. Tunay na hindi niya inaasahan ito lalo na sa lugar na ito.
"Paanong nangyari ito? Paanong nakakaramdam ako ng pamilyar na enerhiyang biglang sumabog sa buong katawan ng magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves na ito?!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang nakikita niya ang pamilyar na enerhiyang dumadaloy sa katawan ng magkapatid na fighter na nasa lahi ng mga halimaw na Hunger Dark Wolves.
Hindi maipagkakailang nasa gulat pa ring ekspresyon ang nakapaskil sa mukha ng binatang si Van Grego ngunit walang kahit na anumang salita ang lumabas sa bibig nito o kung anuman.
Nag-isip pa rin ng malalim ang binatang si Van Grego kung ano'ng klaseng enerhiya ang bigla na lamang sumabog sa katawan ng magkapatid na halimaw na Hunger Dark Wolves. Given na yung pagiging fighter duo ng mga ito ngunit ang enerhiyang nagmumula sa katawan ng magkapatid na halimaw ay isa pa ring palaisipan sa kaniya.
Maya-maya pa ay mabilis na kumislap ang pares na puting mata ng binatang si Van Grego nang mayroon itong naisip.
"Kung ganon ay hindi lamang simpleng bagay iyon at isa lang naman ang maaaring kinalaman o may ugnayan sa enerhiya sa loob ng katawan ko at iyon ay ang Moon Qi!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang kakaibang ngiti nito.
Nagulat lamang ang binatang si Van Grego nang makitang mabilis na naglalaho sa iba't-ibang lokasyon ang dalawang magkapatid na Hunger Dark Wolves kung saan ay nakitan niya lamang na papasugod ang mga ito.
"BANGGGGG!!!!!!"
Isang malakas na pagsabog ng enerhiya ang bigla na lamang nangyari sa loob nang bigla na lamang naramdaman ng binatang si Van Grego nang bigla na lamang naramdaman niya ang kakaibang enerhiyang biglang nagpatalsik sa kaniyang kinaroroonan papunta sa malayo.
BAMMMMMM!!!!!
Malakas na tunog ng pagkawasak ng mga nangabaling puno at mga malalaking bato ang biglang nangagkawasak na sumabog sa malayo. Hindi maaaring balewalain ang kakaibang pagkilos ng magkapatid na Hunger Dark Wolves.
Whooosh! Whooosh! Whooosh!
Naramdaman ni Van Grego ang kakaibang pag-ihip ng hangin na animo'y nagpaparamdam o nagpapahiwatig ng kakaibang panganib sa paligid na ito.
Nakita ni Van Grego na napakalapit na ng dalawang malalakas na nilalang sa katauhan ng magkapatid na halimaw na ito ang mabilis na papalapit sa kinaroroonan niya.
WHOOOSH!
Nagulat na lamang si Van Grego nang bigla na lamang lumitaw sa harapan niya ang halimaw na isa sa magkapatid na Hunger Dark Wolves kung saan ay makikitang handa na itong sumuntok sa kaniya.
BANNNNGGGGG!!!!!!!!
Bigla na lamang sumabog ang kinaroroonan ng lokasyon ng binatang si Van Grego dulot ng malakas na suntok ng isa sa halimaw na Hunger Dark Wolves kung saan ay bigla na lamang naglikha ng napakakapal na usok.
"Hindi maaari ito!" Gulat na gulat na sambit ng umatake mismo sa binatang si Van Grego nang maramdaman nito ang presensya ng binatang si Van Grego.
BAAAAANNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!!
Isang malalakas na pagsabog ang biglang umalingawngaw sa paligid na siyang ikinatigil ng isa sa magkapatid na susugod pa lamang.
"Hahahahahahahahahaha!!!!! Hindi ko aakalaing nagtagumpay ang aking kapatid. Isa lamang pesteng nilalang lamang mula sa lahi ng tao ang binatang iyon. Napakahina talaga nila hahahahahahahahahaha!!!!!!" Malademonyong sambit ng isa sa magkapatid na Hunger Dark Wolves. Kung tutuusin ay siya ang mas bata sa kanilang magkakapatid ngunit ang kaniyang sariling lakas at kakayahan ay halos magkapareho lamang ng kaniyang nakakatandang kapatid. Patungkol naman sa binatang mula sa lahi ng tao ay wala siyang tiwala rito at masasabi niyang napakahina nito. Palagi lamang itong umiiwas sa kanilang mga atake. Hindi siya kasinghina ng mga namatay na mga kapatid niya sa kamay mismo ng binata.
Ngunit nagulat na lamang ito nang biglang lumitaw sa harapan niya mismo ang binatang si Van Grego.
BAAAAANNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!!!!
Bigla na lamang tumalsik ang halimaw na ito kung saan ay bumagsak ito ng marahas at malakas sa mga naglalakihang mga bato hanggang sa bumangga ang katawan nito sa napakalaking puno.
Ang binatang si Van Grego ay nakalutang pa rin sa ere kung saan ay mabilis itong tumindig ng maayos habang kitang-kita ang umuusok nitong dalawang pares na kamay.
"Hmmm... Hindi ko aakalaing mayroon palang kakaibang bilis at lakas ang halimaw na fighter duo na ito. Pero imposibleng magkaroon sila ng kapangyarihan o lakas na nanggaling mismo sa enerhiyang mula sa buwan ngunit full moon pa naman ngayon." Sambit ng binatang si Van Grego nang makita nito ang napakalaking buwan na makikita sa itaas ng Kalangitang natatapkan ang ibang bahagi ng buwan ng mga ulap. Tola nabalot ng kuryusidad ang binatang si Van Grego habang naiisip ang bagay na ito. Tiyak siyang hindi maaaring mangyari ito kung wala ibang factors ang involved rito.
Maya-maya pa ay nakita na lamang ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling tumalsik muli sa malayo. Halos magkaroon ng isang pahabang linya na nagkaroon ng parang malawak na straight trail ang kasukalan dito. Tila ba nagkaroon ng isang panibagong daan ngunit yun nga lang ay hindi maayos bagkus ay parang dinaanan ng nakakapangilabot na pangyayari ang nasabing huge trail.
BANNNNGGGGG!!!! BANNNNGGGGG!!!!
Isang malakas na pagsabog ang nangyari kung saan ay makikitang bigla na lamang nagkaroon ng pagsabog muli kung saan ay sumabog ang mismong pinagbagkasan ni Van Grego na napakalaki at napakatigas na tipak ng bato na siyang nagkabitak-bitak at sumabog dulot ng napakalakas na presyur.
Halos mahilo-hilo naman ang binatang si Van Grego habang pinipilit nitong bumangon.
"Arrgh! Hindi ko aakalaing napakalakas pala ng halimaw na fighter duo na ito. Hindi ko aakalaing nadistract ako ng labis kong pag-iisip." Sambit ng binatang si Van Grego habang may halong inis at pagkayamot ang kaniyang nararamdaman. Tila ba hindi siya nakaiwas na isipin ang buong pangyayaring bigla na lamang nagpatalsik sa kaniya sa malayo. Dahil sa pag-iisip niya ng malalim at pag-iisip ng mga bagay-bagay ay nakalimutan niyang nasa iisang lugar pala siya kasama ng magkapatid na fighter duo na ito na nabibilang sa Hunger Dark Wolves.
Ggggrrrrr... Napakahina mo naman pala kung ganon, hindi ko aakalaing mapapatumba ka ng aking sariling kamao binata. Sisiguraduhin kong kaming magkakapatid ang magtatagumpay sa huli. Buhay mo ang magiging kabayaran dahil sa kalapastanganan mo!" Sambit ng nakakatandang halimaw na Hunger Dark Wolves. Kitang-kita niya kasi kung paano nanlisik ang mata nitong nakatingin sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego.