"Hiyang-hiya naman ako sa pinagsasabi mo Bbinatang estranghero. Isang kompetisyon ito at hindi isang simpleng laro lamang kaya kung mamatay ang mga ito ay wala akong pakialam sa mga ito." Depensang smabit ng patpating lalaki habang nakangiti pa ito.
"Oo nga, alam ko iyon ngunit tila pakiramdam ko ay may kakaiba talaga sa pangyayari kanina. Mabuti na lamang at napansin ko ang mga bagay na ito hehehe..." Malademonyong sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego habang nakatingin ito sa direksyon ng patpating lalaking nasa hindi kalayuan.
Tila gumuhit naman ang labis na pagkagulat sa mukha ng patpating lalaking nasa kabilang banda ng malaking tila crater mula sa nasabing malakas na pag-atakeng pinalasap sa kaniya ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird. Napansin niyang maraming kakaiba sa katangian ng ansabing dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird.
"Ano'ng sinasabi mo binatang estranghero? Wala akong alam sa sinasabi mong iyan. Ako may tinatago? Saan?!" Maang-maangan ng patpating lalaki habang tila hindi ito makatingin ng diretso sa mata ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara. Ramdam niynag inoobserbahan siya nito habang nakatingin ito sa direksyon niya.
"Kung gayon ay maaari ko bang makita ang laman ng interspatial ring ng babaeng may pakpag maging ng interspatial ring ng Botanist Expert. Mukhang wala naman iyong laman hindi ba?!" Sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Palihim naman na nagdiriwang sa loob ng kaniyang isipan ang binatang si Valc Grego. Siguradong walang lusot sa kanjya ang patpating lalaki sa kaniya.
"Hmmmp! Lapastangan, wala ngang laman ito pero it turns out na mas bagay pala ang interspatial ring sa mga kamay ko at ako ang magmay-ari nito. Yun nga hehe..." Awkward na pagkakasambit ng patpating lalaki habang nakatingin ito sa binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara.
"Pesteng nilalang na ito. Mukhang hindi ata tatalab ang sinabi ko rito dahil hindi kapani-paniwala ito. Pesteng binatang estranghero na ito. Mukhang nasaksihan niya ang lahat ng pinanggagawa ko hmmp!" Sambit ng patpating lalaki sa kaniyang isipan lamang. Makikita ang labis na inis niya sa binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na hindi nito alam ang pagkakakilanlan nito.
Mabilis itong kumaripas ng takbo ang patpating lalaki paalis ng lugar na ito. Masasabi niyang nasa deliakdo siyang sitwasyon. Naglalabas kani ng kakaibang killing aura ang tatlong nilalang na nasa likuran niya lamang.
"Hmmp! Ano'ng tinutunga-tunganga niyo, habulin niyo ang pesteng patpating lalaki na iyon!" Sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego habang ma-awtoridad nitong inuutusan ang dalawang dambuhalang halimaw na sina Dark 1 at Dark 2 na habulin o kaya ay hulihin ang pesteng patpating lalaking binatang kumaripas ng takbo palayo sa kanila.
Agad namang nakarekober ang mga ito sa pangyayaring ito kung saan ay tila ba hindi talaga inaasahan na kumaripas ng takbo ang patpating lalaking kausap ng kanilang pinunong si Valc Grego.
Mabilis na humabol ang dalawang dambuhalang halimaw na si Dark 1 at Dark 2.
Sa ere ay mabilis na pumagaspas ang pares ng pakpak ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2 habang sa kalupaan naman ay mabilis na tumakbo ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Kapwa mayroong iba't-ibang abilidad ang mga ito na masasabing nawa top notch.
Nagtataka naman ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego sa pangyayaring ito. Sa wari niya ay alam niyang hindi pangkaraniwan ang martial artists na ito.
Mabilis na nagsagawa ng pambihirang skill ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.
Mabilis na nagmaterialize sa ere ang isang dambuhalang palakol na kulay itim habang naglalabas din ito ng kulay itim na enerhiyang tila ba galing ito sa kadiliman.
Ilang segundo lamang at mabilis itong bumulusok papunta sa papatakas na patpating lalaking martial artists.
Whoosh! Whoosh! Whoosh!
Mayroong tatlong humahabol sa patpating lalaking Martial Artist na ngayon ay todo ang rin ang bilis nito.
Mabilis nitpng naramdaman ang kakaibang enerhiya sa tatlong magkakaibang direksyon ngunit ang isa ay tila ba bagay ito na naglalaman ng killing aura.
"Kung ako sa'yo mukhang stick na tao ay sumuko ka na lamang. Mukhang kailangan mo pa magsayang ng lakas para lamang tumakas!" Sambit ng dambuhalang ibong halimaw na Black Neo Bird habang mabilis nitong naaabutan ang binatang lalaking patpatin tila ba hindi ito matinag-tinag sa kakatakbo. Binilisan niya ang paghabol rito.
"Oo nga binatang tao, mukhang gusto mo atang mamatay sa kamay namin hehehe!" Sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Makikita ang labis na kasiyahan sa mukha nito upang pasukuin ang hinahabol niyang patpating lalaking martial artist. Makikita niyang tila hindi rin ito magtatagal at titigil rin ito sa kakatakbo. Sila pa rin ang mananalo pagdating sa endurance.
"Hahaha... Ano kayo siniswerte? Mukha atang may balak pa kayong pahirapan ako. Sa mga di kaaya-aya niyong mga halimaw ay sigurado akong di kayo gagawa ng mabuti. Nakakapagtaka rin kung bakit kayo nakakapagsalita!" Nakangising sambit ng binatang patpating lalaki na tila ba hindi ito susuko na makatakas mula sa mga ito. Natandaan niya pa ang anyo ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara, tila ba mayroong kakaiba rito at hindi siya nakaramdam ng anumang life force rito. Sinubukan niya kanina ngunit bigo siya lalo na't parang mayroong kakaibang enerhiyang nakapaloob sa katawan ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara sa hindi niya malamang dahilan. Sigurado siyang hindi ito ordinaryong nilalang.
Mabilis nitong naramdaman ang tila isang bagay na pabulusok sa kaniya.
"Buwiset, naloko na!" Sambit ng patpating lalaki sa kaniyang isipan lamang hanggang sa mabilis na sumabog ang buong kalupaang kinaroroonan nito.
BANNGGGGGGGGG!!!!!!!!!
Tila hindi basta-bastang pagsabog lamang ang nangyari dahil napakalakas ng impact kung saan ay napatigil lamang ang dalawang dambuhalang halimaw na sina Dark 1 at Dark 2. Nagkaroon pa ito ng napakakapal na usok sa mimong lokasyon kung sumabog mismo ang nasabing pambihirang atake mula sa kanilang pinunong si Valc Grego.
Muntik ng madamay ang dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2 kung saan ay mabilis nitong hinarangan ang kaniyang dalawang pakpak sa buong katawan niya partikular na sa dibdib nito at nagpalabas siya ng paunang panangga kung hindi ay baka nahagip at napinsala siya ng nasabing pagsabog.
Ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ay mabilis na lamang itong napatigi sa kaniyang kinaroroonan. Mabilis itong dumapa at nagpalabas ng kakaibang enerhiya mula sa kaniyang katawan. Hindi man siya ganoon kalapit sa mismong pinangyarihan ng pagsabog ay napakalakas naman ng impact ng pagsabogmasasabi niyang ang likod ng Osong kinokontrol niya ay siyang malakas na depensa ng nasabing Mutated Giant Black Bear.
Maya-maya pa ay nakarecover na sina Dark 2 at Dark 1 sa nasabing pangyayaring ito. Hindi man sila naapektuhan ng nasabing pagsabog ay malaki ang impact nito.
Hindi kasi ito ordinaryong atake lamang kundi isa itong Monarch Skill ng kanilang sariling pinuno na walang iba kundi ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego na ngayon ay nakikita lamang nila sa hindi kalayuan, casual na naglalakad.
Ngunit nagulat lamang si Dark 1 nang makita nitong sa paghakbang muli ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na siyang pinuno nilang si Valc Grego ay nakarating na ito sa pinagsabugan ng sarili nitong pambihirang skill. Hindi maipagkakailang ang kakayahan nitong makapaglikha ng kakaibang skill ay talaga namang nakakamangha at nakakatakot.
Pagkawalang-pagkawala ng makapal na usok ay saka naman nagulat ang dalawang dambuhalang halimaw na sina Dark 1 at Dark 2 lalong-lalo na ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na walang iba kundi si Valc Grego.
"Hmmp! Magpakita ka Patpating binata kung ayaw mong ako mismo ang hahanap sayo at paslangin ka ng tuluyan!" Naiinis na sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego habang makikitang napakuyom pa ito ng sariling kamao.
Maya-maya pa ay bigla na lamang lumitaw ang patpating binata sa malayo. Tila ba nakapaskil na rito ang kakaibang ngisi na kanina pa makikita sa pagmumukha nito.
"Easy, hindi mo ko kalaban at hindi rin kita kalaban. Hindi ka ba naaawa sa akin? Isa lamang akong patpating nilalang na napadpad rito at naghahanap ng pagkakainteresan." Nakangising sambit ng patpating binatang lalaki sa tono ng tila nalulungkot.
Bigla namang nagdilim ang mukha ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Tila napakuyom pa ito ng mahigpit sa kaniyang kamao.
"Wag kang magkunwari patpating binata. Alam kong ginagamit mo lamang na rason ang patpating katawan mo upang hindi ka Seryosohin ng mga kalaban mo. Nakita ko ang labanang ginawa mo. Tunay nga napakapangahas mo!" Nakangising sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego habang mataman itong nakatingin sa direksyon ng kinaroroonan ng patpating binatang lalaki.
Tila nagpanting naman ang pares ng tenga ng binatang lalaking patpatin na nasa malayo. Tila ba nanlisik bigla ang pares ng mga mata nito at mabilis din itong nagwika.
"Hahaha... Alam mo naman pala eh, bakit ka pa nagtatanong kung alam mo naman pala hindi ba? Sabihin na nating naging wais lamang ako para mapaslang ko ang dalawang kalaban ko. Segurado akong malaki ang pakinabang ko sa Recording disc na ito!" Sarkastikong sambit ng patpating binatang lalaki sabay pakita ng Recording disc sa kamay nito at winagayway pa sa ere.
Tila naningkit naman ang mata ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego ngunit hindi ito pansin ng kausap niya dahil hindi nito kayang ipenertrate ang kaniyang sariling maskara. Kung mukha ba naman ng kinaiinisan mong nilalang ang makikita mo sa loob ng maskarang ito ay talaga namang maiinis lamang si Valc Grego sa kaniyang sarili.
"Nagpapatawa ka ba? Mukha atang gusto mo pang ilihis ang usapan natin. Interesado ka bang talaga sa mismong recording discs o sa mga bagay na nakapaloob sa interspatial ring ng dalawang babaeng martial artists na pinatay mo?! Tss!" Direktang sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego habang bakas ang tono ng pa
Mistulang nagulat naman ang patpating lalaking binatang martial artists kung saan ay makikita ang labis na pagkabigla nito sa sinabing ito ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na hindi niya pa tukoy ang pagkakakilanlan nito.
Ngunit mabilis din itong naglaho at mabilis na nagsalitang muli ang patpating lalaking binata.
"Normal lang naman siguro iyon hindi ba? Isa pa ay patay na sila at walang nagmamay-ari ng kanilang sariling pag-aaring naiwan. Sino bang ayaw makinabang ng pagmamay-ari ng iba hindi ba?!" Malakas na sambit ng patpating binatang lalaki habang nagrarason pa ito. Masasabi niyang may pagkasaltik sa utak ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara at tila ba nakikita niya ang mga bagay na bihira lamang na tinataglay ng mga martial artists. Napakadelikado ng nilalang na nasa harapan niya. Alam niyang hindi niya ito mapapantayan sa lebel ng Cultivation. It turns out na isa pala itong Martial Monarch Expert dahil sa kakayahan nitong gumawa o magsagawa ng pambihirang monarch skill. Isang tunay na eksperto ang nasa harap niya mayroong malakas na kakayahan at kapangyarihan.
"Oh talaga ba? Kung di mo sila pinatay edi sana pag-aari pa rin nila iyon hindi ba?! Siguradong mayroong mahalagang bagay na nakapaloob sa loob ng interspatial ring nila hindi ba?!" Nakangising sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. Bakas ang labis na kasiyahan sa mukha nito. Alam niyang hindi Basta-basta lamang na kayaaman ito lalo pa't nagkainteres rito ang patpating binatang lalaki na martial artists na ito na isang purong Earth Element type na martial artists.
Tila bumakas na ang inis sa mukha ng patpating binatang lalaki na nasa harapan ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara habang makikita niyang nasa nakatingin o nanonood lamang ang dalawang dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na di lumalabas sa teritoryo nito maging ang isang tila Giant Black Bear na nag-undergo sa isang mutation. Masasabi niyang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara ay hindi Basta-bastang martial arts expert lamang ang nasa harap niya.