AHHHHHHHH!!!!!!!
mabilis na sigaw ng magandang babaeng mayroong pakpak habang pabulusok ito pababa hanggang sa...
PAAHHHHHH!!!!!!
Hindi isang flat na lupa ang binagsakan nito kundi isang napakatulis na pormasyon ng lupa.
Tila nakadilat naman ang mata ng magandang babae habang nakatingin ito sa direksyon ng lalaking patpatin na isang Earth Element martial arts expert.
Sa puntong ito ay mabilis na nawalan ng buhay ang magandang babaeng eksperto habang nakadilat ang pares ng mga nito. Mabilis na nagdissipate ang pares ng pakpak nito at pagkawala ng fires of life nito.
Tila napangisi na lamang ang patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert.
"Ikaw naman ang isusunod ko Binibini!" Mahinang sambit ng patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert ngunit narinig ito ng babaeng botanist Expert na nanlalaki ang pares nv mga mata nito
Ngunit huli na dahil naramdaman niya lamang na tila bubulusok siya pailalim.
Ganon na lamang ang tila horror na ekspresyon sa mukha nito.
"Hindi maaari ito! Ako ang pinakamalakas na eksperto rito!!!!" Malakas na sambit ng babaeng botanist Expert habang nalaman niya na ang buong katotohanan.
Mapagkunwari ang patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert. Naalala niyang isa pala itong Earth Element martial artists na kayang kontrolin ang lupa.
Saan ba nakatungtong ang halaman, edi sa lupa ngunit parang tanga siyang sumusunod sa anino ng lalaking martial arts expert. Naalala niya na kung bakit kinatatakutan ng mga botanist experts ang mga Element type na mga martial artists lalo na ang Earth Element type martial Artists.
Kasabay ng pagkakabulusok nito pababa ay saka naman itong mabilis na dumaing sa sakit.
PAAAHHHHHH!!!!!!
Kagaya ng magandang babaeng may nagagandahang pares ng mga pakpak ay nauwi rin siya sa parehong taktika ng lalaking patpatin na isang Earth Element martial Artists.
Ngunit bago pa mawalan ng buhay ang babaeng botanist Expert ay mabilis nitong sinira ang recording disc na hawak-hawak nito sa pamamgitan ng huling lakas nito.
Crreaackk!
Mabilis itong napulbos kasabay nito ay ang pagkawala ng sariling hininga nito.
Katulad ng magandang babaeng nabiktima ng binatang patpatin ay nakadilat rin ang pares ng mga mata nito ngunit ang kaibahan lang ay nakangiti pa itong nakatingin sa direksyon ng patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert. Tila ba kahit sa huling hininga nito ay nakangiti pa rin ito habang tila sinasabi nito na "kung hindi ako ang makikinabang nito ay mas mabuting wala ng makinabang na iba pa."
"Hmmmp! Tingin ng mga ito ay interasado ako sa pesteng Recording discs na ito? Nagkakamali sila. Sigurado akong ang value ng mga pambihirang bagay sa loob ng nasabing interspatial ring na pagmamay-ari ng mga ito ay talagang hindi mapapantayan ng anumang halaga bwahahaha!!!."sambit ng patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert. Makikitang walang psghihinayang ang makikita sa mukha nito lalo na sa pagkapulbos ng nasabing recording disc.
Sa katunayan ay isa siyang wandering Cultivators na masasabing gustong sumali sa mga labanang maaari niyang makunan ng kakaibang mga bagay.
Dali-dali naman niyang kinolekta ang interspatial ring ng babaeng estudyante na Isang Botanist Expert at ng isang babaeng Mayroong kakaibang kakayahan pagdating sa paglipad. Sigurado kasi siyang mayroon siyang mga bagay na maaaring makuha rito.
Aalis na sana ang patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert nang mabilis niyang mapansin ang kakaibang presensya na nararamdaman niya mula sa mga lupa.
"Kung sino ka man ay magpakita ka!" Malakas na pagkakasambit ng patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert.
Tila nagkaroon ng distubasyon sa daloy ng hangin.
Maya-maya pa ay lumitaw ang isang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara.
"Magaling, magaling... Hindi ko aakalaing mayroong malakas na eksperto ang gumagala rito sa lugar na ito." Sarkastikong sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara.
"Nagbibiro ka ba o talagang pinagtitripan mo ako. Isa akong Earth Element martial arts expert kaya hindi wag kang maging sarkastiko sa akin!" Inis na sambit ng patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert.
"Hahhahaha... Masyado ka namang marahas sa akin binata. Hindi mo ba alam na isa lamang akong ordinaryong martial artists na napadpad dito?!" Sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara habang nakatingin ito sa gawi ng patpating lalaking Earth Element martial arts expert.
"Hmmm... Wag kang magbiro sa akin kung sino ka mang nilalang ka na nakakubli sa maskarang iyan. Hindi ko nararamdaman ang buhay mo o kung buhay ka ba talaga." Malakas na sambit ng lalaking patpatin habang makikita ang labis na emosyon sa tono ng pananalita nito.
"Hmmmp! Tunay ngang mayroong kakaiba sa iyo binata, talagang napahanga mo ako sa iyong kakayahan. Tila ba masasabi kong isa kang tunay na eksperto!" Sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na walang iba kundi si Valc Grego.
"Hahahaha... Nagpapatawa ka ata sa iyong sinasabi ngunit talagang ang kapal ng apog mo binatang estranghero upang puntahan talaga ako rito. May maitutulong ba ako sa iyo?!" Sambit ng patpating lalaki habang nakatingin rito.
Matapos nitong magsabi ay mabilis namang sumabog ang katawan nito nang matamaan ito ng malakas na enerhiyang bumulusok rito.
BANGGGGGGG!!!!!!!!!!
Tila ba hindi ito inaasahang pangyayari kung saan ay mabilis na nakalayo ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara sa pinangyarihan ng pagsabog.
Eeeeeeeeeeekkkkkkkkkkk!!!!
Isang malakas na huni ng ibon ang biglang maririnig sa himpapawid kasabay nito ang paglitaw nito. Ito ay walang iba kundi dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2.
Kasabay nito ay ang paglitaw sa di kalayuan palabas ng teritoryo ng Black Neo Bird ay ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
"Siguradong napatay mo siya aking kapatid. Hindi ko aakalaing sa unang pagkaalpas mo palang sa mundong ito ay makakapatay ka kaagad ng malakas na eksperto." Malakas na sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
"Maliit na bagay lamang iyon aking kapatid, masyado lamang akong overwhelmed sa kapangyarihan at katawang aking pinaglalagyan." Sagot naman ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2 sa kaniyang kapatid na si Dark 1 na nasa kalupaan.
Kabaliktaran naman nito ang reaksyon ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego dahil sa tila malalim ang iniisip nito.
"Hmmm... Hindi ko aakalain na makakaiwas ka sa atake ng aking alagad!" Malakas na sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.
Tila nagulat naman ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 2 maging ang dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2 na siyang umatake sa nasabing patpating lalaking kausap lamang ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.
Makapal pa rin ang usok at mabilis na nagsalita ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1.
"Hindi maaari ito, napatay siya ng aking kapatid na si Dark 2 kaya imposibleng makaiwas ito!" Sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 upang ipagtanggol ang side ng kaniyang sariling kapatid na si Dark 2.
"Oo nga Pinunong Valc, sigurado akong natamaan ko siya sa aking ginawang pag-atake." Sambit naman ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2 upang depensahan ang kaniyang sarili.
Tila napangiti naman ng nakakaloko ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego nang maunawaan niya ang mga bagay-bagay.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay umalingawngaw ang pamilyar na boses ng patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert sa loob ng usok.
"Hindi ko aakalaing may pagkaagresibo pala kayo. Kung hindi ko natunugan ang pag-atakeng ginawa niyo ay malamang sa malamang ay malamig na bangkay na ako ngayon." Sambit ng patpating lalaking nasa loob ng usok. Tila ba mayroon itong kakaibang katangian.
Tunay na mapamuksa ang atakeng ipapalasap sana ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird na si Dark 2 ea patpating lalaking nasa kalupaan ngunit it turns out na nagkamali pala siya ng tantiya at naiwasan ito ng patpating binatang usang Earth Element type martial arts expert.
"So alam mo na pala, hindi ko talaga aakalain na malalaman mo ang aking pinaplano" nakangising sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.
Mabilis namang nagsalita ang dambuhalang halimaw na si Dark 1 dahil sa pangyayaring ito.
"Hindi ko aakalaing nakaiwas ka sa atakeng ito ng aking kapatid na si Dark 2 nakaya mo palang makita ang pag-atakeng ginawa niya." Sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 nang mapansin nito ang kakaibang katangian ng patpating lalaking nasa hindi kalayuan mula sa kanila. Kahit siya ay hindi maisip kung anong taktika ang ginawa nito upang maiwasan ito. Kahit saang anggulo kasi tingnan ay napakaimposible talaga.
"Oh so inaasahan niyo ba na mahuhuli niyo ako sa simpleng taktika niyo?! Talagang napakakitid naman ng pag-iisip niyo heh!" Pasinghal na sambit ng patpating lalaking ngayon ay nakalitaw na ang ligura nito matapos ang pangyayaring ito.
Masasabing nandoon siya sa kabilang side ng isang tola malaking crater na bumagsak sa lugar na ito. Nakakapangilabot talaga ang pangyayaring ito para sa mga nilalang na makakasaksi nito ngunit tila kalmado lamang na nakatingin sa direksyon nila ang nasabing patpating lalaking isa palang eksperto.
Makikitang gumuhit ang inis sa mukha ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego ngunit mabilis nitong tinanggal ang mga emosyong ito.
"Hahaha... Hindi naman binata, hindi ko lang lubos aakalaing matatalo mo ang dalawang malalakas na ekspertong ito sa mabilis na paraan." Sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.
"Ganon ba? Nakakamangha na ba iyon?" Sambit ng patpating lalaki habang tila nagtatanong pa ito kung nakakamangha ba talaga ang ginawa nito o hindi.
"Hindi ba?! Mukhang may saltik ka sa utak patpating lalaki. Nakakabilib naman kasi ang taktika mo hindi ba." Nakangiting sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego habang nakatingin ito sa kinaroroonan ng binatang lalaking napakapatpatin. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ang kakayahan nito ay talaga namang nakakabilib para sa isang mahinang nilalang.
Tila gumuhit naman ang pagkainis sa mukha ng patpating lalaking isang Earth Element type martial arts expert.
"Nang-iinis ka ba binatang estranghero?! Mukha atang sa paraan ng pananalita mo ay kahit ikaw ay nagawa na rin itong taktikang ginamit ko, how pathetic!" Mapanuyang sambit ng patpating lalaki habang makikita na napangisi pa ito ng malademonyo habang nakatingin sa direksyon ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.
"Hindi naman, sa kabilang banda ay masasabi kong tunay ngang dumating na nga ang araw na may makakasalamuha ako ng katulad ko noon ngunit hindi naman ako katulad mo na pinaslang ang dalawang nilalang na puro babae. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo ha, binata?!" Pang-iinis na sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego habang tila makikita ang labis na saya sa tono nf pananalita nito.
"Hindi daw pero kung makasabi sa akin ay parang naging mas mabuti pa ang ginawa mo at malinis tingnan sayo pero ang totoo ay hindi naman talaga hahahaha!!!!' makahulugang sambit ng patpating lalaki habang malakas pa itong napatawa sa huli. Hindi niya aakalaing mayroong guts ang binatang ito an kwestiyunin siya eh halata namang mayroon din itong ginawang katarantaduhan sa mga ginawa nito noon.
Tila naguguluhan naman ang dalawang dambuhalang halimaw na sina Dark 1at Dark 2 sa patutsadahan ng dalawang binatang nasa harapan nila na walang iba kundi ang kanilang sariling pinuno na si Valc Grego at ang patpating lalaking kinaiinisan nila.
Hindi nila alam kung maiiyak sila o matatawa sa batuhan ng dalawang nilalang na nasa harapan nila at kung paano ang mga ito na nagpipigil ng inis. Tial ba mayroon kung ano'ng klaseng bagay ang mga itong naglalaman ng mas malalim na pagpapakahulugan. Hindi rin nila alam kung magsasalita pa ba sila o hindi dahil parang di sila makasapaw sa usapan ng mga ito.
"Hindi ako nagmamalinis ngunit ang taktika mo talaga ay pambihira. Talagang hinayaan mong magpatayan o mapinsala ang isa sa mga babaeng martial arts expert bago ka gumawa ng hakbang. Tunay na nakakamangha ito." Nakangiting sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego.