Mabilis ngang sumang-ayon ang mga grupo ng mga martial artists na nasa ilalim lamang ng tatlong naglalaban na mga Martial Artists. Makikitang tila ba hindi alam ng tatlong mga malalakas na eksperto na marami na palang indibiduwal ang nagtitipon sa ilalim at naghihintay lamang sa huling mangyayari.
Sa ere ay napakainit na tensyon ang patuloy na namumuo rito mula sa tatlong malalakas na nilalang na nagkakatipon dito. Makikitang tila ba ang mga nangyayari dito ay masasabing tila ba hindi gawa lamang ng maliit na bagay na ito kundi isa itong life and death situation. Kung kailangang pumatay ay gagawin nila upang mabuhay dahil kung hindi ay sila mismo ang papatayin.
Maya-maya pa ay nagsalita ang babaeng martial artist na isang botanist expert. Makikita pa na kontrolado nito ang sinasakyan nitong buhay na halaman. Hawak-hawak nito ang nasabing recording disc sa kaliwang kamay nito.
"Kung ako sa inyo ay umalis na kayo. Makakaya niyo ba akong kalabanin at patumbahin?!" Nakangiting sambit ng magandang babaeng botanist Expert.
"Hmmp! Wag ka ngang umasa babaeng botanist Expert. Alam kong estudyante ka lamang, wag kang magmayabang!" Sambit ng lalaking Earth Element Expert. Masasabing ang tila patpating katawan nito ay may kapangyarihang komontrol ng lupa.
"Oo nga, napakahangin mo talaga. Estudyante ka lang at wala kang binatbat sa amin!" Sambit ng magandang babaeng may magandang pakpak sa likod nito na patuloy na pumapagaspas.
"Ay wow, nahiya naman ako sa mga pesteng katulad niyo. Alam niyo na hindi niyo ako maaaring kalabanin dahil nasa pangangalaga ako ng aking paaealang pinapasukan!" Inis na sambit ng magandang babaeng isang botanist expert na estudyante. Makikitang nangyayabang pa ito sa kaniyang estado bilang estudyante ng isa sa mga botanist schools malapit sa lugar na ito.
"Hahaha... Pilyang bata, alam mo talagang manakot dahil sa background mo, nakakatuwa ka naman!" Nakangiting sambit ng lalaking patpating earth Element na martial art Expert.
"Sinabi mo pa, kaya pala napakaagresibo at arogante ng mga estudyante ngayon dahil sa kanilang paaralang pinapasukan." Sambit ng magandang babaeng mayroong pakpak sa likod nito na pumapagaspas pa. Tila na naiisip nito na talagang napakaarogante ngayon ng mga estudyante lalo na ng mga estudyanteng nag-aaral para maging mahusay na botanist expert.
"Paki niyo, eh kayo nga ay walang pumoprotekta sa inyo dahil napakahina niyo. Inggit lang kayo dahil walang nag-aabalang kunin kayo!" Pasinghal na sambit ng magandang babaeng isang botanist expert. Makikitang tila ba nang-iinis ito sa dalawang nilalang na nasa harapan niya lamang hindi kalayuan mula sa kaniya.
"Sigurado ka ba ineng?! Baka kainin mo yang sinasabi mo! Hindi man kami isang estudyante ay kaya naman naming matuto ng walang hinihingi na kapangyarihan mula sa iba!" Sambit ng patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert. Makikitang gusto niyang depensahan siya at silang mga independent na mga martial artists. Tunay na napakamangmang ng babaeng estudyante na ito dahil hindi nito alam na maraming malalakas na eksperto ang nag-embark ng kanilang daan patungo sa tagumpay ng sarili lamang nilang abilidad.
"Hindi namin kailangan ng background na sinasabi mo dahil kayang-kaya naming protektahan ang aming sarili noh!" Depensang sambit naman ng babaeng may pakpak habang lumilipad pa ito sa hangin. Tila ba napakaarogante naman ng babaeng estudyante na isang botanist expert. Sino bang hindi hindi ba? Yung yabang nito ay pumasok na sa utak nito.
"Talaga lang ha? Porket kakaiba ang lakas niyo ay wala pa rin kayong kalaban-laban sa akin dahil eksperto ako pagdating sa aerial combat hehehe!" Sambit ng magandang babae habang nakangiti pa ito. Ipinakita pa nito ang recording disc na nasa kaliwang kamay nito. Kulang nalang ay iwagayway niya ito.
Napatagis naman ang ngipin ng dalawang martial arts experts dahil alam nilang hindi nga biro ang kakayahan ng nasabing babaeng estudyante na ito na isang botanist expert. Ang kakayahan nitong gumawa ng Kakaibang galaw o pagkontrol sa mga galamay ng kakaibang halaman na ito ay talaga namang nakakamangha. Napakatuso ng estudyanteng ito sa totoo lang at napakahirap kalabanin.
Sinubukan nilang buwagin ang depensa nito ngunit hindi nila matibag-tibag. Tila ba napakunat ng balat ng buhay na halamang ito na tingin nila ay mayroong mutation na nangyari dito.
Kaya lamang sila nakaligtas rito ay dahil hindi mahuli-huli ng babaeng botanist Expert ang magandang babaeng mayroong magandang pares ng pakpak dahil sa liksi nito habang ang lalaking martial arts expert naman ay hindi siya kayang hulihin ng nga mapaminsalang atake ng mga baging ng kakaibang halaman xahil kaya niyang iremold ang sarili sa lupang tinatayuan niya. Yun nga lang ay limitado lamang ang galaw niya.
Kapwa nasa disadvantage ang dalawang martial experts na may pakpak na babaeng eksperto at ng Earth Element Expert dahil napakaflexible ng babaeng estudyante na isang Botanist student pala. Naiinis sila rito dahil parang ang paligsahan na ito ay ginawa para sa babaeng estudyanteng botanist expert na ito. Pakiramdaman nila ay natapakan ang kanilang ego.
"Sigurado ka ba?! Kung ganon ay bakit hindi ka sikat sa loob ng Botanist school niyo? Nagpapatawa ka ba?!" Sambit ng magandang babaeng may pakpak habang lumilipad pa ito sa ere.
"Oo nga, tila ba ang sinasabi mong talento ay wala pala sa kalingkingan ng mga botanist student na katulad." Nakangiting asong sambit ng binatang patpating lalaking isang Earth Element na martial arts expert. Tila ba ang mga sinasabi ng babaeng may pakpak ay tila may kabuluhan.
Dito ay tila nanlaki naman ang magandang babaeng isang botanist expert na estudyante. Makikitang tila ba may kung ano'ng klaseng emosyon ang gumuhit sa mata nito.
"Hmmmp! Yun nga ang plano ko kung bakit ako naglalakbay rito ngayon, balang araw ay mas lalakas pa akong lalo. Siguradong makikita ng mismong awtoridad ng paaralan ang aking potensyal lalo na sa Aerial Combat hmmp!" Sambit ng babaeng botanist Expert na estudyante. Makikita ang determinasyon sa pagmumukha nito.
"Hahaha... It turns out na isa ka lamang sa mga naghahanap ng atensyon mula sa malalakas na awtoridad ng Botanist school na iyong pinag-aaralan heh!" Pasinghal na sambit ng patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert. Napakachildish pala ng babaeng botanist Expert na ito.
Tila nag-alab ang matinding galit sa puso ng babaeng botanist Expert dahil sa sinabing ito ng dalawang martial arts experts na nasa harapan niya. Halos nalamon na siya ng matinding galit na nakakubli lamang sa kaniyang sariling puso't isipan.
"Kung gayon ay inuubos niyo talaga ang pasensya ko, tikman niyo to!" Sambit ng babaeng botanist Expert na estudyante.
Mabilis na nagsagawa ito ng martial arts skill.
Kapwa nagkatinginan naman ang magandang babaeng mayroong pakpak at ang patpating binatang isang Earth Element martial arts expert. Kapwa nakangisi ang mga ito.
Mabilis na umulan ng mga naglalakihang mga nagtutulisang mga tinik ang buong lugar na kinaroroonan ng dalawang nilalang na siyang kaaway ng babaeng Botanist Expert na estudyante.
Mabilis namang nagcast ng pambihirang mga martial arts skills ang babaeng may magandang pares ng mga pakpak at ang patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert.
Kapwa nagcast ng sabay ng mga pambihirang skills ang mga ito at tila ba napangiti pa ang mg ito.
Ang Babaeng may magandang pares ng mga pakpak ay nagkaroon ng dalawang magkakasunod na panangga sa pibot ng kaniyang sariling katawan. Tila ba mas nagpapadagdag pa ito ng kaniyang sariling majestic look.
Ang patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert ay tila ba mabilis na namuo sa harapan nito ang napakalawak at napakakapal na Soil Barrier. Tila ba naglalaman ito ng kakaibang panangga.
Agad na lumayo ang mga grupo ng mga indibiduwal na kapwa mga martial artists din sa lugar na ito sa pamamagitan ng paglayo ng mva ito sa distansya kung saan malapit ang mga paparating o babagsak na mga nagtutulisang mga tinik na dambuhala ang laki. Kaniya-kaniya na rin silang cast ng mga panangga upang ihanda ang kanialng sarili sa impact.
Napakabilis ng mga pangyayari kung saan ay mabilis na tumama ang mga dambuhalang mga tinik sa kinaroroonan ng dalagang mayroong magagandang pares ng mga pakpak at ang patpating lalaking isang Earth Element martial arts expert.
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!
BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! BANG! ...!
Tila hindi mabilang na pagsabog ang naganap sa himpapawid kung saan ay tila ba sunod-sunod na paghagupit ng mga dambuhala at nagtutulisang mga tinim ang umulan mula sa dambuhalang halamang kinokontrol ng babaeng estudyante na isang botanist expert.
Tila ba nagkakaroon ng mga pag-apoy at pagkakaroon ng mga mararahas na airflows at nagdudulot ng mga waves.
Hindi naman magkamayaw sa pagdepensa at pagwithstand ang mga martial artists sa ilalim. Tila ba ang mga pag-atakeng ito ay napakalakas at ang impact nito ay talagang hindi nila sukat akalain.
Mabilis namang umulan ng pahayag ang mga martial artists sa kalupaan.
"Hindi ko aakalaing ganito ang lakas na dulot ng isang botanist expert."
"Oo nga, nakakatakot ang kakayahan nito at ng maidudulot ng dambuhalang halamang kinokontrol nito."
"Sinabi mo pa! Tunay ngang nakakatakot ang kakayahan nitong gumawa ng atakeng gawa sa tinik!"
"Ito ba ang lakas ng tunay na Botanist Expert?! Nakakatakot ito!"
"Wahhh, ayoko pang mamatay!"
"Kailangan na nating lisanin ang ang lugar na ito!"
"Mabuti pa nga, wala naman tayong mapapala kung magpapatuloy ito ay madadamay at mapapaslang pa tayo rito!"
Ilan lamang iyan sa tugon ng mga ito. Tila ba masasabing ang kakayanan ng mga naglalabang mga eksperto na nasa himpapawid ay nasa mataas na lebel na kung saan ay hindi nila sukat aakalain.
Whoooshhhh! Whoooshhhh! Whoooshhhh!
Halos lahat ng mga nanonood sa labanang ito ay nilisan na ang lugar na ito. Makikitang hindi maaaring baliwalain ang mga bagay na nalilikha rito lalo na ang mga atakeng maski sila ay apektado na. Sino ba naman kasi ang gustong mamatay habang nanonood ng labanang ito dahil maski sila ay maaaring mamatay.
Masasabing ang lugar na ito ay wala ng sinuman ang nanatili rito liban na lamang sa tatlong eksperto.
Kapwa walang gustong magpatalo sa talong eksperto.
Ang panagga ng patpating lalaking Earth Element martial arts expertc na ito ay tila walang bakas ng pagkawasak ang panagga nito ngunit ang magandang babaeng mayroong magandang pares ng mga pakpak ay tila ang double barrier nito na nakapalibot sa kaniya ay nagkakaroon na ng mga pagbitak-bitak ng enerhiyang masasabing parang glass.
BANG!!!!!!!
Sa muling pagtama ng mga napakatulis at napakalaking tinik ng halaman na siyang atake ng babaeng estudyante na botanist Expert ay mabilis na sumabog ang panangga ng magandang babaeng ito at marahas na bumulusok ito pailalim.