Chapter 29

1106 Words
"Kaya nga eh, anong kaparaanan o itim na mahika kaya ang ginamit ng mga ito para gumawa ng ganoong klaseng tricks?!" Sambit ng isa pang martial Artists na tila hindi rin ito makapaniwala sa kaniyang nakita. Masyado talagang pambihira ang ganitong pangyayari. "Tricks² ka jan, Naging invisible lamang siguro sila, malamang ay naririto lamang sila." Suway ng isa pang martial artist sa nasabing pangyayaring ito na may kinalaman lamang sa pag-iinvisible. Masyado naman kasing exaggerated yung mahika na product lamang ng enerhiya sa kanilang katawan. "Ulol! Mukha bang mga Alchemist ang mga iyon? Tsaka wala naman silang kinain o ininom eh. Anong invisible invisible ka diyan? Sabihin mo lang, masyado mong pinupush yung mindset mo!" Sambit ng isa pang martial artists. Masyado kasing hindi naman kapani-paniwala yung sinabi nito. Wala namang Martial pill o Elixirs ang mga ito. Liban na lamang sa pagiging tanga ng mga ito mag-isip ay gumagawa na lamang ng excuses para paniwalain ang ibang mga nilalang. "Nakakatakot naman ng ginawa nila. Tiyak akong malakas ang mga ito." Sambit ng isa pang martial Artists ngunit ataw niyang magbigay ng anumang hint. Masyado kasing kakaiba at nakakatakot na senaryo ito para sa kaniya at masama namang mag-isip ng kung ano-ano lamang sa pangyayaring ito dahil ayaw niya namang kwestiyunin siys ng mga kapwa niya martial artists na naririto. "Ay mga pesteng mga nilalang kayo. Mukha kayong mga ignorante. Feeling ko ay isa iyo sa misteryosong konsepto, ang konsepto ng Space." Sambit ng isang may katandaan ng lalaking martial artists. Tila ba masyadong ngang exaggerated yung sinabi ng ibang mga Màrtial Artists dahil wala namang mahika o supernatural things dito liban na lamang sa mga energy manifestation ay nangyayari ang mga kakaibang bagay tulad na lamang ng mga konsepto ng Space. Isa ito sa pinakamahirap na konsepto sumuko na din siya sa pag-aaral ng nasabing konsepto dahil masyado itong napakahirap at napakakomplikado. Sayang nga ang oras na ginugol niya sa pag-aaral ng konsepto ng Space dahil naman siyang napala. Tanging ang mga basic things lamang ang tanging alam niya at mahirap gumawa ng bagay na ikasisira niya. "Huh? Konsepto ng Space. Narinig ko din kasing kapag mayroon kang nakamit na achievement o development ay maaari kang magteleport hindi ba." Sambit ng isang Martial Artist na mayroong munting kaalaman sa nasabing konsepto ng Space. Masyado kasing bizarre itong klaseng Konsepto at napakamisteryoso. Tila nagpatuloy lamang ang nasabing pag-uusap nila. Maraming naniwalang ang konsepto ng Space ang dahilan ng kanilang nasaksihan. Sa kabilang banda... May isang nakakubling nilalang na nakasuot ng isang mahabang balabal ang mariing pinapakinggan at inoobserbahan kanina pa ang mga kakaibang pangyayari. Masasabing napakamisteryoso ng lalaking ito liban na lamang sa nakapagtatakang personalidad at pagkakakilanlan ay masasabing nagbibigay ang presensya nito ng kakaibang awra at vibes. "Hindi ko aakalaing darating ang araw na kinakatakutan ni Clan Chief. Masyadong hindi na kontrolado ang galaw ng dalawang nilalang na nanghimasok sa aming pagmamay-ari na Black Swamp. Sigurado akong magiging mahirap ang sitwasyong ito. Tila ba alam nilaang sikretong tinatago ng nasabing Clan namin." Makahulugang sambit ng nakasuot na balabal na lalaki at mabilis na naglaho sa kawalan. Agad itong lumitaw sa isang napakalawak at napakagandang lugar kung saan ay masasabing isa ito sa may pinakamagandang pook dito. Masasabing hindi ito sa labas o pampublikong lugar kundi sa loob mismo ng isang malaking angkan. Mayroong malawak na hardin maging ng tila malawak na fish pond na puno ng makukulay na mga isda. Mayroong isang may edad na lalaking nakaupo mismo isa isang batuhan habang nagcu-cultivate ito. Tila ang buong katawan nito at ang areas na kinaroroonan niya ay nakakamangha at nakakatakot ang paghigop ng enerhiya nito. Tila isang embodiment ang nilalang na ito ng enerhiya dahil grabe ang funnel-like at suction force ng Heaven and Earth Qi rito. Masasabing ang mismong buong lugar na ito ay isang magandang pook para magcultivate o isang pambihirang Cultivation Area para sa mga Cultivators. Napansin naman ng may edad na lalaking nagcu-cultivate ang isang nilalang na bagong dating lamang sa lugar ito. Mabilis na naglay down ang enerhiya sa paligid at ang tila suction force na enerhiya sa paligid ay bumalik lamang sa dati. "Bakit ka napabalik agad dito Childe Critt?! Sambit ng may edad na lalaking tila bakas ang tila pagtataka sa tono ng boses nito. Masasabing hindi nito inaasahan ang pagbabalik nito. "Masyado na kong matagal nawala dito Clan Chief Oreo, masyadong naging magulo at di pa rin nawawala ang maraming mga haka-haka tungkol sa ating angkan. Hindi ko alam kung ano ang problema ng mga martial artists sa ating angkan at tila nakikiusyuso sila sa buhay ng iba." Tila labis na hindi nito naiintindihan ang mga nilalang na nakapalibot sa kanila. "Hahaha... Hindi naman kasi simpleng bagay lamang kasi ang binili ng ating angkan tapos ay marami rin tayong mga nakakubling kalaban na hindi pa lumilitaw. Alam kong mahihirapan tayo at lalo na ikaw sa sitwasyong ito." Sambit ng may edad na lalaking si Clan Chief Oreo. Bakas ang tila apologetic at may pakaguilty sa tono ng boses nito. "Hindi ko alam talaga kung ano ang pinaplano mo Clan Chief pero alam niyo naman na nakasuporta ng buo ang mga magulang namin at isa pa ay isa ako sa dalawampong Clan Childe ngunit nahihirapan kaming ihandle ang sitwayon sa labas ng teritoryo natin." Sambit ni Childe Critt na tila nakakaramdam ng kakaiba sa nasabing plano ng Clan Chief na si Clan Chief Oreo. Tila ba masasabing marami naman silang mga kawal at mga hukbong sandatahan para pabantayin sa lugar nila ngunit bakit hindi iyon pinayagan. Hindi talaga maiiwasan na magtampo ang karamihan sa dalawampong Clan Childes sa kanilang Clan Chief Oreo. "Hindi mo pa maiintindihan ang maaaring ginagawa kong hakbang sa ngayon Childe Critt naging ng sinuman sa mga Clan Childes ng ating angkan ngunit sana ay magtiwala kayo sa akin at sa magulang niyo dahil kayo lamang ang inaasahan namin sa oras na ito. " Sambit ng lalaking si Clan Chief Oreo. Mababakasan ang tono ng pananalita nito ng ibayong lungkot. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na halos tutol ang mga ito na isama sila sa nasabing misyong ito ng sila lamang at mahirap talagang mawalay sa angkan nilang ito lalo na sa mga kadalagahan at kabinataan ng kanilang angkan at malayo sa kanilang sariling pamilya. Alam na rin ito ng mga magulang nila at ang rason kung bakit sila ang itinalaga ngunit hindi nila ito sinabi sa mismong mga anak nila ayon na rin sa seguridad at pamamahala ng kanilang angkan. Masyadong sensitibo o maselan ang impormasyong ito at hindi makabubuti sa dalawampong Clan Childes na nasa labas ng teritoryo nila na malaman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD