Chapter 28

1041 Words
"Oo nga, malamang ay may kaugnayan sila sa Galley Clan. Masyado kasing patago ang mga kilos at maging ng mga kaibigan ng malaking angkan na ito kaya hindi natin siguro napansin na mayroong mga niallang na kaibigan ang mga ito o malapit sa kanila hehe..." Sang-ayon naman ng isang Martial artists habang pansin na tila ganon nga ang sitwasyon dahil hindi naman siguro tanga ang dalawang nilalang na papalapit sa kanilang gawi kung hindi ito aware sa kanilang mga sariling ginagawa hindi ba? Matagal ng panahon na ang balitang ito pero there's no way na walang pakialam ang nasabing malaking angkan ng Galley Clan na itolerate ang nasabing mga Cultivators na trespassers dito hindi ba. "Hahaha... Ang sabihin niyo ay naghihirap na talaga ang Galley Clan na yan. Kahit seguridad ng mga propidad o mga ari-arian ng mga ito ay hindi man lang nila mabantayan hahahaha...!" Sambit naman ng isa pang martial artist na tila may edad na rin. Hindi siya naniniwala sa mga pinagsasabi ng mga ito dahil doon talaga siya sa pinamalapit sa katotohanan na rason kung bakit wala man lang tagabantay ang lugar na ito. Tila ba masyado na atang tinitipid ng Galley Clan ang kanilang lakas (manpower) lalo na ang kanilang gastusin. Hindi na siya magtataka pa kung ang lahat ng mga miyembro ng mga ito ay magiging bunga ng kapalpakan ng mga maling desisyon ng pamamahala nila. "Oo nga masyado kasing tiwala ang mga ito sa Galley Clan eh laos na naman ang malaking angkan noon pero dahil sa kawalan ng kayamanan at suplay ay nagtago na lamang sa kanilang malawak na teritoryo. Di na ko magugulat kapag bigla na lamang magdissolve ang nagkan na ito hahahaha!!!!" Natatawang sambit ng isang dalagang martial artists na tila ba ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kasalukuyan ay tila ba sinasabi nitong senyales na tuluyan ng madi-dissolve o mawawala ang malaking angkan na ito noon pa man dahil sa labis na kahihiyan. Yung tipong naghihirap ang mga ito at kusang aalis ang mga miyembro ng mga angkan magimg ang mga opisyales nito. "Tama ka nga diyan. Matagal na panahon na noong nagpakita pa ang nasabing mga miyembro at mga opisyales ng malaking angkan ng Galley Clan pero never akong nakaencounter ng ganitong klaseng angkan na bigla na lamang mawawala sa mata ng mga madla. Tila ba nahiya siguro ang mga ito dahil sa pesteng Black Swamp na ito hahahaha!!!!" Sambit ng isang binatang Martial Artists na tila ba sang-ayon rin sa mga naunnag nagsabi ng patungkol sa paghihirap ng Clan. Nakakadismaya lang kasi. Noong una ay idolong-idolo niya ang malaking angkan na ito at gusto niyang mapabilang rito ngunit ngayon ay hindi na. Nakakasuka naman kasi ang mga bagay-bagay na ginagawa ng mga ito. Ayaw na ayaw niya na sa mga ito at sana ay ma-dissolve na ang ganitong angkan. Tila parang sinasabi nitong kasalanan lahat ito ng mga Opisyales ng Galley Clan. Masyado kasi silang naging pabaya kaya naging ganito na lamang ang naging kalagayan nila. Parang mali talaga ang desisyon nilang bilhin ang nasabing Black Swamp. Patuloy lamang na nag-uusap-usap ang mga tumpok ng mga martial artists sa labas ng angkan na tila ba inaabangan nila ang pagdating mismo ng mga dalawang misteryosong nilalang na ito habang makikita ang labis na antisipasyon sa kanilang mga pares na mga mata. Patuloy pa rin nilang inoobserbahan ang dalawang nilalang na ito (Ang binatang si Valc Grego at ang Mutated Giant Black Bear na si Dark 1). Ngunit ang lahat ng kanilang antisipasyon ay tuluyang gumuho nang biglang... POOOOOOOOFFFFFFF!!!!!! Nang pahakbang kasi ang dalawang nilalang (Ang binatang si Valc Grego at ang Mutated Giant Black Bear na si Dark 1) ay bigla na lamang ang ma itong naglaho na parang bula. Tila mayroong hindi maipaliwanag na pangyayari ang biglang mangyari sa mga ito. Nanlaki naman ang mga pares ng mga mata ng mga manonood na martial artists nang bigla na lamang nilang nasaksihan ng dalawang pares ng mata nila nang maglahong parang bula na lamang ang dalawang nilalang na iyon. Tila ba parang isang bizarre thing iyon para sa kanila. Totoo ba ito?! Paanong nangyari iyon?! Tila naguguluhang sambit ng isang Martial Artist na nakasaksi sa pangyayaring iyon. Tial ba hindi niya maikurap ang kaniyang mga mata. Masyadong kakaiba talaga ang nakita niyang iyon. Sino ba kasi ang mag-aakalang mangyayari iyon hindi ba?! "Ako lang ba o kayo pero namamalikmata lang siguro ako ano?!" Sambit ng isa pang Cultivator. Hindi rin ito makapaniwala sa kaniyang nasaksihan tila ba ang lHat ng kaniyang nakikita kanina lamang ay pawang imahinasyon niya lamang at hindi likha ng maliliikot niyang kaisipan. Nais niyang kumpirmahin ito sa pamamagitan ng iba pang mga kapwa niya Cultivators. "Multo ba sila? Bakit bigla lamang islang naglaho?!" Tila iba naman ang nasa isip ng isang martial artists nang sabihin niya ang katagang ito. Tila ba masasabi niyang multo ang mga ito dahil sa biglaang paglaho ng mga ito. Naniniwala kasi siyang mayroong mga multo, yung tipong ghostly beings and ghostly creatures. Malay niya bang marmaing mga nangamatay rito at hindi nila matanggap ang kanilang kapalaran kaya naging ganoon ang kanilang kasalukuyang sitwasyon. "Anong multo, baka ang mukha mong yan ang multo. May multo bang nakikita natin tsaka hello, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sila maglaho, mag-isip ka nga dahil tanghaling tapat oh!"Sambit naman ng isang Martial Artist na tila ba hindi ito sang-ayon sa sinabi ng isang Cultivator. Masyado namang paniniwalain naman ito tsaka tanghaling tapat magkakaroon ng multo? Tsaka sa labas pa mismo na sobrang init? Ano yun, Heating ghost? May ganon ba? Eh sa pagkakaalam niya ay nasa madidilim na lugar at puno ng p*****n ang mga iyon. Okay na sana kung gabi kasi may rason naman diba kaso napakaunreasonable naman nito. Mukha ba silang tanga para maniwala?! Kahit musmos na bata siguro ang makakarinig nito ay hindi maniniwala. Tila napahiya naman ang nasabing Cultivator na iyon at napayuko na lamang. Tama nga ito, masyado naman atang mali yung sinasabi niya. Parang nagmumukhang parang may masabi lang siya. Nag-isip isip din ito at masasabi niyang mali nga talaga siya lalo na at kailan pa natakot ang mga martial artists sa mga multo? Talagang tinatakot niya pa ang sarili niya sa mga bagay-bagay na ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD