Chapter 27

1069 Words
Halos lahat kasi sa mga ito ay mga eksperto at malaki ang kanilang layuning puksain ang nasabing Evil Clan daw na Galley Clan. Masyado kasi nilang pinoprotektahan ang Black Swamp. Pero bakas naman sa mga mukha nila ang desperasyon na makuha ang alinmang mga benepisyo ko kayamanang nakatago sa loob ng Black Swamp na ito. Napakadelikado man ng lugar na ito lalo na ang mismong swamp ay isa pa rin itong napakagandang Cultivation Areas na gugustuhing mapuntahan ng sinuman kahit mayroong nakaambang panganib mula sa napakalalim na anyong tubig na ito. Bibihira lang naman kasi ang pag-atakeng nagaganap rito pero napakadelikado pa rin talaga dahil natural habitat ito ng mga napakaraming malalakas at mapamuksang mga halimaw na hindi gustong masagupa ng sinuman. Despite the dangerous things might happen, marami pa ring gustong sumubok ng lugar na ito lalo na ang may dark element o dark attribute na mga Martial Artists kaya nga halos karamihan sa nag-aabang sa malaki at malawak na tarangkahan na papasok sa Black Swamp ay mga Dark Attribute Martial Artists at yung iba naman ay gusto lamang tumuklas ng mga bagay-bagay. Hindi naman kasi sarado ang tarangkahan ngunit walang gustong sumubok na pumasok. Narito lamang kasi sila upang alamin kung totoo nga ba ang balitang mayroong nga trespassers dito at gumawa ng mga ruckus dito. Halos araw-araw kasi ay mayroong pumupunta rito at magtuklas ng mga bagay-bagay patungkol sa nasabing Black Swamp na ito. Hindi kasi maipagkakailang nag-iisang napakalawak at napakalaking Black Swamp lamang ito sa buong Human Cultivators Teritory sa North Wing ng Central Region. Mayroong batas na ipinapatupad dito na bawal tumapak sa teritoryong pagmamay-ari ng iba at walang trespassing na nangyayari o pag-aagawan ng lupang ito ngunit ang nakajapagtaka lang kasi ay halos nagugol laahat ng Galley Clan ang buong yaman ng mga ito sa Black Swamp na ito na naging mata palagi ng balita at hindi mapatay-patay na pagdududa sa ibang mga angkan. Imposible rin kasing makabangon muli ang Galley Clan mula sa nasabing pagwaldas ng kayamaan nila at wala ring balita patungkol sa kanila. Dahil kahit binili nila ito ay maituturing pa ring nasa Elite Clan sila kahit na wala silang yamang pinapakita sa kasalukuyan. Wala kasing lumalabas sa mga miyembro ng angkan ng Galley Clan sa hindi malamang dahilan. Wala ring sinumang nagbalak na pumasok at mag-imbestiga rito dahil wala naman silang ginagawang masama o hakbang na magrerebelyon ang mga ito ngunit ang biglang pagtahimik ng buong Galley Clan ay nakatawag ng pansin sa lahat at maraming mga haka-haka ang namumuo araw-araw. Pabago-bagong balita at nagbabago na rin ang istorya ng isang Martial Artists papunta sa tenga ng ibang mga Martial Artists hanggang sa nag-eexagerate at nababago na talaga ang lahat ng impormasyon ng nasabing balita. Hindi nagtagal ay mas naging klaro sa kanila ang lahat. Nakita nilang nagpakita at tila palabas sa nasabing Black Swamp ang isang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear at isang nilalang na binatang tao na tila nakalutang sa hangin. "Isa ba iyang Mutated Giant Black Bear? Nakakatakot naman pala ang itsura nito!" "Hmm... Bakit nandirito ang isang Giant Black Bear? Isa pa naman itong Evil Beasts!" "Tunay ngang marmaing nilalabag ang Galley Clan, Sigurado akong matutuwa ang marami sa ibabalita kong ito hehehe...!" "Oo nga! Ibabalita ko rin ito sa aming headquarters! Isa na naman itong malaking balita na gigimbal sa buong North Wing!" "Hmmp! Ang sabihin mo ay ang buong Human Cultivators Teritory mismo!" "Hahahaha! Siguradong malaking balita rin ito sa buong Hybrid Cultivators Teritory Hahaha!!!!" "Siguradong maaalarma din ang buong Martial Beasts Cultivators Teritory sa balitang ito!" Mabilis na nagpadala ng mga mensahe ang mga martial artists na naririto sa kanilang mga headquarters gamit ang kanilang mga Sound Transmitting Talismans habang laban ang paglitaw ng isang malakas na Evil Beast na Mutated Giant Black Bear kasama ang isang nakalutang na binatang mula sa lahi ng mga tao base sa pisikal nitong anyo at aura. "Talagang napakalaking balita nga ito ngunit nakakapagtaka lamang na dalawa ito diba? Kung gayon ito ang dalawang trespassers ng Black Swamp na nasa balita noon hindi ba?" Sambit ng isang lalaking Cultivator na tila naalala noon ang balitang patungkol sa nasabing isang halimaw at isang cultivator na binatnag mula sa lahi ng tao ang pumasok sa nasabing Black Swamp. "Kaya nga eh, mukha atang hindi pa sila umaalis dito noon at ngayon lamang ito planong lisanin ang lugar na ito." Sambit pa ng isang Martial Artists. "Ang kapal din ng apog ng mga ito na parang wala solang ginagawang krimen. Parang naglalakad lamang sila sa pagmamay-ari nilang teritoryo!" Sambit ng isang babaeng martial artists na tila may inis sa boses nito. Para kasing walang pinoproblema ang dalawang nilalang na ito kung maglakad papalabas. Yung tipong may palakad-lakad ng kalmado pa ang mga ito. "Hahaha nakakatawa talaga pagmasdan ang dalawang nilalang na ito. Mukha atang di sila takot sa Galley Clan o sa kung sinumang mga awtoridad dito sa North Wing." Sambit naman ng isa na tila na pasarkastikong tono ng pananalita. Maging kasi siya ay tila gusto niya ang ganitong klaseng mga nilalang. Yung tipong gusto niyang magsisi ang mga ito sa huli. "Nakakapagtaka naman atang di agad pumunta ang sinumang awtoridad na mula sa Galley Clan. Baka hindi naman ito mga thief o trespassers dahil there's no way na hahayaan sila ng mga opisyales mismo ng Galley Clan." Sambit naman ng isang Martial artists habang tila hindi siya sang-ayon sa sinabi ng naunang mga Cultivators. Paano naman kasi nila masasabing trespassers ang mga ito eh matagal namang alam ito ng maraming mga nilalang. Yun nga lang ang problema ay hindi sila maaaring pumasok at manghimasok sa ibang mga angkan lalo na ng Galley Clan dahil kahit na sabihing mayroong mga haka-haka at balik-balitang humina na ito ay hindi naman maaaring pakialamanan ang personal nilang problema lalo na patungkol sa personal affairs ng mga ito lalo na patungkol sa mga teritoryong sakop o nasasakupan nila. Ganon din ang iba pang mga angkan lalo na ang mga malalaking angkan. Takot lamang sila sa maaaring gawin ng sinuman sa kanila kung sakaling nagkaroon at napapatunayan nga na mayroong kasalanan ang may sala. Di rin kasi maganda ang magiging hatol ng may sala o may kasalanan sa nasabing bagay-bagay lalo na ang trespassing. Kahit na nakabukas man yan o walang harang maging ng tarangkahan ay hindi pa ring magandang gawin na tuklasin o galugarin ang buong lugar na walang pahintulot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD