Chapter 52

2038 Words
Tila isang nakakapangilabot na pangyayari ito para sa sinumang makakasaksi ng ganitong klaseng kaganapan lalo na at hindi ito pangkaraniwang senaryo lamang na nagaganap lalo na sa mga lahi ng tao. Nasa ibayong panganib ang binatang si Van Grego ngunit nagawa ng kakaibang tila itim na vague figure sa Likurang bahagi nito ang protektahan ang mismong binatang tila may nangyayaring kakaiba rito. Isang medyo may kalakasang pag-uga ng kalupaan sa lugar na ito. Isang kulay pulang ahas ang bigla na lamang tumambad sa lugar na ito. Masasabing hindi na nakakatakot ang kabuuang anyo nito lalo na sa mga pagkakataong ito. Halos lahat kasi ng mga halimaw rito mapalaki man o maliit ay mabilis na nilisan ang lugar na ito pansamantala lalo na sa gaganapin at nagaganap na tunggalian rito. Yung tipong pati ang natural na pamumuhay ng mga ito ay nahaluan ng kakaibang bagay. Kung hindi nagkakamali kanina ay ito lang naman ang dambuhalang ahas na gumagapang sa lupa kanina na dinaraanan ng binatang si Van Grego. Makikitang mayroong kakaibang enerhiyang bumabalot rito. Shrriieeeeecccckkkkkkk!!! Malakas na umatungal ang dambuhalang halimaw na ahas kasabay nito ang unti-unting pagbabago sa buong katawan nito. Masasabing ang nangyayari sa katawan ay tila katulad rin nv naunang mga halimae rito na nagbabagong anyo sa panahon na nakakaramdam ang mga ito ng kakaibang disturbances sa kanilang pinamamahayan. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa buong katawan ng nasabing dambuhalang halimaw na ahas. Sa totoo lang ay isa itong nakakamangha at the same time ay nakakatakot na pangyayari. Lalo na at makikita ang malaking pagbabago sa katawan nito. Ang mga kaliskis sa buong katawan nito ay mistulang humaba at mas solido kumpara sa normal na anyo bito kanina. Mistulang mas tumaas ang depenaa nito maging ang tibay nito. Sa katunayan ay mas humaba ang mga kaliskis nito maging ang kaniyang mga kuku sa kamay at pangil ay nagkakaroon ng abnormal na paghaba ng dalawang nagtatalimang pangil nito. WOOOHHHHHHHH!!!!! Tila humangin ng napakalakas sa direksyon at lokasyon mismo ng nasabing dambuhalang halimaw na pulang ahas kung saan ay nagkaroon ng tila itim na tinta ang bawat kaliskis nito kung saan ay nagkaroon ng nakakakilabot na enerhiyang namumuo rito. Makikita rin ang kakaibang panggayari sa katawan ng nasabing dambuhalang halimaw na pulang ahas partikular na rito ang tila malaking pagbabago sa katawan nito. Sa bandang ilalim ng tiyan ng nasabing halimaw ay nagkaroon ng tila gustong lumabas sa katawan nito lalo na at nagkaroon ng dalawang naglalakihang mga kamay at nagtatalimang mga kuko ang nasabing dambuhalang halimaw kung saan ay naglalabas ito ng nakapangingilabot na enerhiya kung saan ay masasabing kayang-kaya nitong hatiin sa dalawa ang mga bagay na maaaring pumuta sa gustong hatiin nito na naaayon sa kagustuhan nito. Sa kasalukuyan ay tila ito ay hindi gawa ng mutation bagkus ay isang pambihirang ebolusyon sa katawan ng nasabing dambuhalang halimaw. Shrriieeeeecccckkkkkkk!!!!!! Isang malakas na atungal ang biglang umalingawngaw sa paligid kung saan ang nasabing tunog nito ay isang pagpoprotesta laban sa nasabing pambihira ngunit misteryosong vague figure sa likurang bahagi ng binatang si Van Grego. Lumipad ng mabilis ang nasabing dambuhalang halimaw na kulay pulang ahas papunta sa direksyon ng binatang si Van Grego. Tila binalewala nito ang nasabing pambihirang presyur at napakabigat na awra ng misteryosong nilalang sa likurang bahagi ng katawan ng binata. Nagtagumpay naman ito kasabay nito ang tila mabilis na sinunggaban ng dambuhalang halimaw na ahas ang binatang si Van Grego. Subalit isang hindi inaasahang pangyayari ang bigla na lamang naganap na lingid sa kaalaman ng dambuhalang halimaw na asa. POOOOFFFFFFFFFFF!!!!!!!!!!!!! Bago pa kasi nito makain ang binatang si Van Grego ay mabilis itong nawala na parang bula sa lugar na ito. Ang presensya nito ay hindi na mahagap sa anumang sulok ng lugar na ito. ... Unti-unting gumalaw ang mga daliri ng binatang si Van Grego Kung saan ay nasa loob pa rin siya ng bulkan kung saan ang kaniyang sariling katawan ay nasa kailaliman ng nagbabagang bulkan na lingid sa kaalaman nito. Kung sinuman ang makakita ka sa kaniya ay masasabing tila isa itong masokistang martial artists lalo na sa paraan ng pagcucultivate nito ay maituturing siyang madman. Ngunit sa katayuan at sa talentong meron ang binatang si Van Grego ay naging posible ito lalo na't mataas ang antas ng kaniyang sariling konsepto ng apoy na natutunan nito. Unti-unting nagmulat ang pares ng mga mata ng binatang si Van Grego. Agad niyang tiningnan ang kaniyang sarili maging ang kaniyang kasalukuyang kalagayan lalo na at ang kaniyang lugar na kinaroroonan ay masasabing tila papainit ng papainit na. Kung hindi siya nagkakamali ay halos nasa papalapit na siya hangganan o limitasyon ng kaniyang sariling katawan. "Hoo! Hindi ko aakalaing nawalan ako ng kontrol sa oras at kung hindi pa ako nagising ngayon ay baka tuluyan na kong pumailalim at maging abo na lamang dulot ng napakainit na temperatura na nagmumula sa kailaliman." Sambit ng binatang lalaking si Van Grego. Tila nanginig pa ang bibig nito sa labis na kilabot habang naiisip niya iyon. Kasalukuyan kasi siyang pumaimbabaw papunta sa labas ng mismong bunganga ng active na bulkan na ito. Nagtagumpay naman siya dahil ilang mga minuto lamang ay mabilis siyang nakarating sa mismong itaas na siyang labasan ng bulkang ito. Sino ba kasi ang gugustuhing manatili sa loob ng lawa ng magma (molten rocks) kung saan ay nakakapaso sa sino man ang lumusong rito o matamaan man lang ng talsik ang damit ng mga ito. Mabuti lamang at nagising na siya. Umupo siya sa malapad na batuhan kasabay nitong bumalik ang mga alaala niya noong nawalan siya ng kontrol sa pangyayaring naganap na tila kani-kanina lamang nangyari. "Hmmm... Paano akong nakalabas sa trial ng laro sa loob ng Myriad Maze?! Hindi ako naniniwalang isa lamang iyong aksidente." Sambit ng binatang si Van Grego hàbang makikita ang labis na pagtataka sa buong pangyayaring iyon. Alam niyang Life and Death Game iyon pero sa pagkakaalaala niya ay alam niyang hindi pa niya natapos ang buong larong sinimulan niya. Parang may kung anong klaseng bagay ang naging anomalya na nagresulta ng pangyayaring ito at maagang pagbalik niya rito. Magkaganon man ay napahinga ng malalim ang binatang si Van Grego dahil nakabalik siya ng buhay. Dahil sa pangyayaring ito ay naging tanda ito na paalala o babala para sa kaniya. Hindi niya inaksaya ang kaniyang sarili sa simpleng pagmuni-muni bagkus ay nagsimula na siyang magcultivate. Hindi siya nagkakamali dahil nasa 8th Level Martial Ancestor Realm Expert na siya. Hindi niya aakalaing ang lugar na iyon ay magbibigay sa kaniya ng opportunidad na maging maaayos at tumaas ang kaniyang sariling lebel ng Cultivation. Kahit papaano ay sumasabay pa rin siya sa kaniyang mga kaedaran. Mas ipinukos ng binatang si Van Grego ang --stabilized ang kaniyang sariling pundasyon sa katawan maging ng kaniyang sariling enerhiya sa loob ng kaniyang dantian. Nagiging magulo kasi ito dulot ng agarang pagpapataas ng lebel ng Cultivation. Tila ba nag-expand ng ilang metro ang kaniyang sariling dantian dulot ng masaganang enerhiya noon dahil sa purest essence energy ngunit ang labis na kamalian niya na ngayon niya lamang napagtanto ay ginamit niya sa oras na iyon ang kaniyang sariling breathing Technique na tinatawag na Black Elephant Breathing Technique. Isang bagay na siyang mas nagpapa-multiply ng essence eneegy sa kaniyang sariling katawan habang sumasagap siya ng enerhiya sa pamamagitan ng pagcucultivate. Ang importante nyayon ay mas natuto siya at magsilbing aral ito. Sa astral energies na nakuha niya mula sa napaslang niyang centaur ay tila napakarami nito. Hindi sa nagrereklamo siya ngunit ang kaniyang nakuhang astral energies ay tila hindi lamang ganon karami kumpara sa nauna. Maging ang essence energy ay tila mayroong nagstack sa kaniyang sariling dantian sa labas nito na hindi pa naaabsorb ng tuluyan ng kaniyang katawan. Maslalong naging masaya ang binatang si Van Grego nang maramdaman nitong tila gusto niyang mag-ensayo ng kaniyang kaalaman patungkol sa konsepto ng apoy. Mabilis siyang tumayo mula sa kaniyang kinaroroonan at mabilis siyang lumutan sa itaas ng nagbabagang magma sa tapat mismo ng bunganga ng apoy. Isa ito sa masasabing magandanh Cultivation area para pag-ensayuhan ang kaniyang sariling konsepto ng apoy. Ramdam niya kasing nasa verge na ito ng limitasyon ng level 5 kung saan ay in no time ay malapit na siyang makatungtong sa mataas na boundary ng Concept of Fire Level 6. Sino ang mag-aakalang ang kaniyang sariling konsepto ay uunlad ng ganito kagrabe. Hindi ito kawalan bagkus ay isa itong malaking biyaya para sa kaniya na siyang mutik niya ng ikatupok dahil sa pangyayari kani-kanima lamang. Nasa ere na ang binatang si Van Grego. Agad niyang ipinikit ang kaniyang sarili upang ituon ang kaniyang sariling atensyon sa pagpapataas ng kaniyang lebel sa konsepto ng apoy. Nalaman niya kasi na ito ang limitasyon o lebel na nagpapahirap sa sinuman na makaabot sa ikaanim na lebel ng konsepto gayon din sa ibang mga konsepto. Tila ba ang ikalimang lebel ng mga konsepto ay nagsisilbing human limitations maging sa iba pang mga nilalang. Bibihira lamang makakita ng mga Cultivators na lumagpas sa konsepto ng apoy ngunit masasabing nakakakilabot sila na eksperto na iiwasan ng lahat. Katulad niya ay kailangan nilang komolekta ng naparaming fire resources lalo na ng mga pambihirang apoy na kanilang kino-cultivate sa loob ng kanilang katawan. Hindi isang simpleng bagay ang kanilang ginagawa lalo na at isang foreign energy ito, exemption lamang ang mga natural born alchemist na katulad niya dahil biniyayaan sila ng alchemy fire ngunit sa ibang hindi natural born alchemist ay siguradong magsisimula sila sa pinakaumpisa, ang mag-inject sa loob ng kanilang dantian ng mahinang uri ng apoy saka unti-unting aalagaan ito o palalakasin sa paghanap ng mga suplemento katulad ng mga fire resources. Sa napakaraming uri ng mga elemento ay masasabing ito ang pinaka-karaniwan sa lahat ngunit isang ardous activity lalo na at mahahati ang oras mo sa pagcucultivate at paghahanap ng fire resources lalo na ng mga apoy. Maging ang mga natural born alchemist ay talagang naghahanap rin ng mga bagay upang mapalakas ang kanilang sariling apoy. Tulad niya ay ganoon rin naman. Surely, ang mga nasa ikaanim na lebel ng konsepto ng apoy ay maituturing na napakalakas. How much more kung makatungtong sila sa ikapito o mas mataas pa na boundary sa konsepto ng apoy, magmimistula silang diyos sa isang lupain at kung makakalaban mo ang isa sa kanila ay talaga namang isang dead end ito. Sa lagay ng binatang si Van Grego ay hindi pa masisigurong kaya niyang makalagpas sa threshold na ito lalo pa't ang ikalimang lebel papunta sa ikaanim na lebel ng konsepto ng apoy ay talaga namang maikukumpara ito sa pagitan ng langit at lupa. To simply put things up, hindi makakayang labanan ng ikalimang lebel pababa ang isang level 6 na martial artists sa konsepto ng apoy lalo na kung kapantay lamang sila ng Cultivation Level. Habang naiisip ito ng binatang si Van Grego ay hindi niya mapigilang makaramdam ng kagalakan. Matagal na panahon na rin siyang na-stock sa ikalimang lebel ng konsepto ng apoy. "Panahon na siguro upang lagpasan ang aking limitasyon. Sisiguraduhin kong magiging malakas ako dahil alam kong marami akong masasagupang mas malakas na nilalang sa hinaharap. I'm looking forward to it!" Sambit ng binatang si Van Grego habang matamis itong nakangiti. Mabilis niyang ipinikit ang Kaniyang sariling pares na mata at mabilis niyang iwinala ang lahat ng kaniyang sariling iniisip. Sa ikaanim na lebel ng konsepto ng apoy na ayon sa nabasa niya ay bago niya matungtong ang lebel na ito ay kailangan niyang damhin ang apoy sa kaniyang sariling katawan maging ng kaniyang sariling kapaligiran. Kailangan niyang maunawaan kung paano nag-eexist ang nasabing apoy lalo na ang mismong apoy na tinataglay niya. Breaking the threshold is not that easy. Kailangan niyang hanapin ang pinagmulan ng nasabing apoy na nag-eexist sa paligid. Tila nalunod sa sariling kaisipan nito ang binatang si Van Grego. Ang kaniyang sariling katawan ay tila hindi gumagalaw sa ere. Masasabing ang kaniyang sariling kaisipan ay tila nakaseclude sa anumang balakid at napasailalim ito sa isang misteryosong trance. ... Nakita na lamang ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling bumalik sa kontinente niyang pinagmulan. Nakita niyang tila isang kalunos-lunos na pangyayari ang kaniyang nakikita. Hindi ito maaari?! Bakit ganito? Huli na ba ako?!" Puno ng pagtangis at pagsisisi ang naramdaman ng binatang si Van Grego.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD