Chapter 51

2085 Words
Patuloy na binaybay ng binatang si Van Grego ang direksyong gusto niyang puntahan. Masasabing walang kasiguraduhan ang kaniyang gagawing ito. Ito kasi ang maaaring puntahan niya lalo pa't hindi siya maaaring maging kampante lamang lalo na at nasa delikadong sitwasyon siya. Lingid sa kaalaman niya ay biglang gumalaw ang tila pulseras na nilalang sa kamay niya. Kasabay nito ay parang nagising ito at mabilis itong tumalon paalis sa kamay ng binatang si Van Grego. Kasabay nito ay naglabas ng kakaibang awra ang buong katawan ng binatang si Van Grego na hindi niya sinasadya na siyang mabilis na ikinaalerto ng mga dambuhalang mga nilalang sa buong kapaligiran. Nakita na lamang ng binatang si Van Grego na unti-unting pagiging transparent ng kamay niya hanggang sa pati ang buong katawan niya ay unti-unting nawawala at tila nagkakaroon ng glitches. Nakaramdam ng matinding kaba ang binatang si Van Grego kung saan ay makikita ang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa mismong mukha ng nasabing binata. "Paano nangyari ito?! Bakit nagkaganito ang buong katawan ko?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang hindi nito mapigilang mapasigaw ng malakas. Ibayong kaba ang nararamdaman niya. Papalapit ng papalapit ang mga dambuhalang mga nilalang sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego. Tila ang maliit na nilalang na tao ay naging malinamnam na target ng mga nasabing dambuhalang mga halimaw habang hindi pa aware ang binatang si Van Grego. Ngunit isang kakaibang pangyayari ang bigla na lamang nangyari. Namuo ang kakaibang anino sa likod ng binatang si Van Grego na tila isang malaking dragon na halos tumabon na sa buong himpapawid. Naglabas ito ng kakaibang presyur sa buong lugar na ito. Tila napahinto naman ang halos lahat ng mga dambuhalang nilalang na malalakas at naglalakasang mga nilalang. Isang kakaibang enerhiyang tila bumalot sa buong lugar na ito na siyang nagsisilbing bagay na nagpipigil sa mga dambuhalang nilalang na makalapit ng tuluyan sa nasabing binatang si Van Grego. Ang dambuhalang kuneho kanina na masasabing napakaganda ng anyo dahil sobrang amo ng mukha nito at puting balahibo nito ay tila kabaligtaran na ng anyo nito. Biglang tumulis ang dalawang ngipin nito sa harapan maging ang ibang mga ngipin nito ay tumulis rin. Ang puting balahibo nito ay napalitan ng kulay pulang hibla ng balahibo habang pula rin ang nalilisik ang pares ng mga mata nito. Sobrang nakakatakot ng anyo nito na manghihilakbot ang sinumang makakakita nito. Ang dambuhalang langgam ay mas naging nakakatakot ang anyo nito. Nagkaroon ito ng malaking gripping blades na tila gunting na tila kayang-kaya nitong punitin ang alinmang bagay. Ang dalawang pares ng mata nito ay tila naging isa na lamang ngunit nakakatakot ng bago nitong anyo. Ang baboy ramo na tila katamtaman lamang ang laki nito at tila gumagala lamang kanina ay naging dambuhala ang laki nito at tinubuan ito ng dalawang nagtutulisang sungay at ang mga pangil nito ay hindi rin pahuhuli dahil tila sumudsod na sa lupa ang mga ito. Hindi lamang ito dahil maging ang ibang mga dambuhalang mga halimaw ay masasabing hindi rin patatalo dahil naging nakakakilabot din ang buong anyo ng mga ito. Kasabay nito ay naging doble at triple din ang laki nila maging ng kanilang mga lebel ng Cultivation o kabuuang lakas ay hindi masusukat. Ang kaninang mga anyo ng mga tila maamong itsura ng mga ito ay ibang-iba na talaga. Sa uri ng lugar na ito ay talaga namang larawan ito ng mapanlinlang na anyo ng kalikasan maging ng mga nabubuhay na mga nilalang rito. Ngunit sa paglitaw ng kakaibang aninong nakalutang sa likurang bahagi ng binatang si Van Grego ay hindi maaaring baliwalain ito dahil naglalabas ito ng hindi matatawarang pressure na siyang nagpatigil sa lahat ng mga halimaw rito. Kahit masasabing tila vague figure lamang ito ng isang kakaibang nilalang ay hindi rin maitatanggi na tila ba may kaugnayan ang mga ito sa isat-isa. Napaatras na lamang ang ilan sa mga dambuhalang mga halimaw habang ang dambuhalang kuneho, baboy ramo maging ang dambuhalang halimaw na langgam ay hindi nagpatinag. Tila hindi sila magba-backdown sa pangyayaring ito. Walang balak ang mga itong magpatalo lalo na ngayon na tila nakikita nilang espesyal ang binatang taong nasa ere na abot-kamay lamang ng mga ito ang distansya nito. Hindi nagpatinag ang dambuhalang halimaw na kuneho sa pangyayaring ito. Mabilis nitong nitong ginamit ang kaniyang dambuhalang mga paa at binti upang tumalon ng mataas upang makuha ang maliit na nilalang upang gawing hapunan nito. Masasabing natutuwa ang dambuhalang halimaw na kuneho na nakapangingilabot ang buong anyo nito sa pag-atakeng kunin at masila ang biktima nito. Gamit ang magtatalimang mga kuko nito ay mabilis na in-extend ng dambuhalang halimaw na kuneho ang kaniyang sariling kanang kamay upang pinsalain ang bibiktimahin pa lamang nito na binatang tao. Ilang dipa na lamang ang layo ng dambuhalang kamay lalo na ng natutulisang mga kuko nito ay isang kakaibang pangyayari ang bigla na lamang nang yari na siyang nag-udlot ng masamang binabalak ng dambuhalang halimaw na kuneho. WOOOHHHHHHHH!!! Tila kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay siyang biglang paglakas ng presyur ang biglang nilabas ng nasabing vague figure ng isang dambuhalang aninong nasa likod ng nasabing binatang lalaking si Van Grego kung saan ay tila ba hindi nito papayagang makalapit ang pamatay na atake ng isang nagtatalimang mga kuko ng halimaw na dambuhalang kuneho. BANGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!! Isang malakas na pagsabog ng buong kamay maging ng dambuhalang braso ng dambuhalang halimaw na kuneho ang siyang umalingawngaw sa paligid. GRRRRROOOAAARRRRR!!!!!!! Umalingawngaw ang malakas na tono ng boses ng dambuhalang halimaw ang bigla na lamang nangyari kung saan ay hindi ito dahil sa labis na tuwa kundi dahil sa labis na sakit ang nadarama nito dahil sa tila pagsabog ng buong braso nito bunga ng kakaibang enerhiya sa presyur na nilalabas ng dambuhalang vague figure na tila anino ng isang pambihirang nilalang. Tila hindi pa rin napansin ng binatang si Van Grego ang pangyayaring ito. Kasabay kasi ng tila pagiging transparent ng katawan nito na unti-unting naglalaho ay siya ring pagkawala ng kaniyang senses. Ang kaniyang sariling tenga ay walang naririnig na anumang ingay, ang kaniyang sariling pandama ay wala ng maramdaman, ang kaniyang sariling mata ay unti-unting ng nagbu-blurred maging ang kaniyang sariling katawan ay tila naka-stack at hindi makagalaw. Kahit sinong nasa posisyon ng binatang lalaking si Van Grego ay talagang makakaramdam ng kakaibang takot. Sa totoo lang ay ibayong takot ang naramdaman ng binatang si Van Grego. Alam niyang ang mga halimaw sa paligid ay nasa kaniya ang atensyon. Tila ang kaniyang buong consciousness na lamang ang tanging nag-eexist sa kaniya. Masasabing naghihintay na lamang siyang atakehin at kainin ng dambuhalang nilalang mula sa kinaroroonan niya. Kaya masasabing ang kaniyang kasalukuyang sitwasyon ay hindi niya alam kung ano ang nangyayari maging ang paglitaw ng kakaibang vague figure sa ere na isang dambuhalang anino ng isang pambihirang nilalang ay hindi nito alam maging ang muntikan nang tumamang atake sa kaniya ay wala na siyang kaalam-alam. Sa kabilang banda, mabilis na bumagsak sa kalupaan ang nasabing dambuhalang halimaw na kuneho kasabay nito ang mabilis na pagsabog dulot ng pagbagsak nito. BANGGGGGGG!!!!!! Tila nagkaroon ng munting pag-vibrate ng lupa ang pangyayaring ito. Ang dambuhalang halimaw na kuneho ay lubhang napinsala. Matapos ng pagsabog ng dambuhalang kanang kamay nito ay mabilis itong nanghina ngunit ang presyur na pinamalas ng dambuhalang halimaw ay hindi tumigil bagkus ay lumakas pa ito na siyang nagdulot ng pagkapinsala ng buong katawan ng kuneho. Tila naparalyze ang buong katawan ng dambuhalang kuneho kasabay nito ang biglang pagkawala ng kontrol nito sa sariling katawan nito. GRRRRROOOAAARRRRR!!!!!!! malakas na napaatungal muli ang dambuhalang halimaw na kuneho kung saan ay mabilis na nanghina ang buong katawan nito. Bumalik sa dati ang orihinal na anyo nito kung saan ay isang duguang nilalang na lamang ito. Ngunit kasabay rin nito ay naramdaman nito na tila kinakagat ang buong katawan nito at tila humiwalay ang parte ng katawan nito sa mismong katawan niya. Hindi nga inaasahan ng dambuhalang halimaw na kuneho na nasa verge of death na pala na ang mga dambuhalang mga halimaw na baboy ramo at ang dambuhalang langgam ang kakain sa kaniya instead na kakainin niya ang binatang lalaking si Van Grego. Ilang segundo lamang ang nakalilipas ay nagkalat na mga naglalakihang buto na lamang ang dambuhalang halimaw na kuneho habang tila hindi pa nabusog ang dalawang dambuhalang halimaw na baboy ramo at ang dambuhalang langgam. Hindi maipagkakailang mayroon pa silang nais kainin at paslangin. Katulad ng napaslang at kinain nilang dambuhalang halimaw na kuneho ay sabay na umatakeng muli ang dambuhalang halimaw na baboy ramo at langgam. Hindi sila makakapayag na walang makikinabang sa maliit na nilalang na nakalutang sa ere. Makikita ang kakaibang bloodlust at greed sa pares ng mata ng dambuhalang halimaw na baboy ramo maging ng isang malaking mata ng nasabing langgam. Tila ba hindi sila nakontento sa nakain nilang sariwang karne ng katawan ng dambuhalang halimaw na kuneho at gusto nila ang kakaibang enerhiya at lakas sa likurang bahagi ng katawan ng binatang lalaking si Van Grego. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang mga ito at mabilis na nagpakawala ng kakaibang atake ang baboy ramo. Mula sa bibig nito ay naglabas ito ng kakaibang atake na gawa sa hangin. Isang mapaminsalang air waves ang pinakawalan nito sa direksyong kinaroroonan ng binatang lalaking si Van Grego na mistulang hindi gumagalaw. Kaibahan naman sa atakeng ginawa ng nauna ay mabilis namang nagsagawa ng kakaibang skill ang dambuhalang halimaw na langgam. Ant Skill: Poison Disc Blades! Mabilis na nagliwanag ang bibig ng dambuhalang halimaw na langgam kung saan ay mabilis na nagpakawa ang bibig nito ng isang tila disc shape na blades (patalim) kung saan ay tila may kulay berdeng likido ang nakahalo rito. Hindi nagpatinag ang dambuhalang halimaw na langgam at mabilis rin nitong ibinato sa direksyon ng binatang lalaking si Van Grego ang nasabing pamatay na atake nito. Dalawang magkasabay na atake ang biglang pumaroon sa binatang si Van Grego. Kung sinong makakakita nito ay masasabing hindi ito maiiwasan ng binatang si Van Grego lalo na at hindi pa ito gumagalaw. Ngunit ang vague figure na anino ay tila buhay ito sa pagkakataong ito. Ang kakaibang air waves na mapaminsalang atakeng di nakikita ay mabilis na pumaroon sa kinaroroonan mismo ng binatang si Van Grego ngunit nang ilang dipa na lamang ang lapit nito sa kinaroroonan ng mismong binata ay mabilis din itong... Peng! Peng! Peng! ...! Tila naglikha ng tunog na tila nagkabasag-basag na parang kristal ang nasabing airwaves nang mabilis na nagpakawala ng kakaibang enerhiya ang nasabing dambuhalang vague figure sa likod ng binatang si Van. Ang mistulang mapaminsalang atake ay hindi umubra sa presensya at kakaibang enerhiya na inilalabas ng misteryosong vague figure na nilalang sa likod ng binatang si Van Grego. Tila ang airwaves na ito ay mistulang naging joke lamang sa presenya ng misteryosong nilalang. Sa kasamaang palad ay nagpatuloy ang kakaibang presyur pailalim kung saan ang mismong kinaroroonan ng baboy ramo. Sa harap ng kakaiba at malakas na presyur ay hindi inaasahan ng dambuhalang halimaw na baboy ramo ang matinding panganib na literal na babagsak sa kaniya. BANGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!! Pumutok ang buong katawan ng nasabing dambuhalang halimaw na baboy ramo sa lugar na kinaroroonan nito. Dahil sa pagiging kampante nito ay mabilis itong natamaan at nawasak ang buong katawan nito. Tila napisa ang katawan nito sa lupa. Ang malaman nitong katawan ay mismong naging meat paste na lamang. Kalunos-lunos ang sinapit nito. Sa kabilang banda naman ay kampante naman ang dambuhalang halimaw na langgam na mananalo siya sa labanang ito na siyang isang malaking kompetisyon sa kanilang mga dambuhalang mga halimaw. Ngunit kaibahan sa inaasahan niya ay nasa kalangitnaan palang ng distansya sa ere ay nagkaroon na ng kakaibang pangyayari sa poison disc blades nito na nasa dalawampo ang bilang nito. Crack! c***k! c***k! ...! Tila nagkaroon ng pagkabitak-bitak ang dalawampong poison disc blades sa ere. Sa bilis ng pangyayari ay nakita niya lamang na biglang sumabog isa-isa ang mga poison disc blades. Bang! Bang! Bang! Bang! ...! Kasabay nito ay umulan ng kulay berdeng likido pailalim kung saan ay bumagsak ito sa mismong dambuhalang halimaw na langgam. Psshhh! Psshhh! Psshhh! ...! Dahil napakarami ng berdeng likido na isa palang makamandag na bagay kung saan ay napakamapaminsala sa sinumang natatamaan nito ay mabilis na bumagsak at dumamoi ito sa katawan ng dambuhalang halimaw na langgam. EEEEEEEERRRRRRKKKKKKKKKK!!!!!!!!!!! Isang malakas na tunog ang pinakawalan ng dambuhalang halimaw na langgam bago ito tuluyang binawian ng buhay kasabay ng pagkatunaw ng katawan nito dulot ng mapaminsalang dulot ng makamandag na berdeng likido na galing mismo sa katawan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD