Chapter 50

2079 Words
BANG! BANG! BANG! ...! Tila dinaanan ng unos ang masukal na kagubatan at nagtataasang mga puno ay nagkabuwal-buwal. Hindi maipagkakailang malakas ang atakeng isinagawa ng binatang lalaking si Van Grego. Nakita niya kung paano lumitaw ng s*******n ang mga kalaban niya dahil sa nasira ang mga pinagtataguan ng mga ito. Magkagayon man ay hindi naman nangangahulugan na napinsala niya ang mga ito. Malakas ang mga Centaur dahil eksperto ang mga ito sa paggamit ng mga metal na bagay sa sandatang gamit nila at ang depensa nila ay nahahaluan ng metal na bagay lalo na ang mga litaw na litaw na baluti sa katawan ng mga ito. Tama nga ang kaniyang hinala na malakas ang mga ito sa propesyon ng forging lalo na at elemento ng metal ang kanilang nakasanayang gamitin. "Kailangan kong makatakas mula sa mga ito hmmp!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang labis na pangamba sa mukha nito. Agad siyang tumakbo salungat sa direksyon niya kung saan nakakubli ang mga Centaur. Hindi siya makikipagbuno ng harapan sa mga ito lalo na at ang kalaban niyang ito ay hindi Basta-bastang mapapatumba lamang. Sa uri palang ng katawang meron ang mga ito ay talaga namang hindi mo sila malalabanan ng direkta. Malakas ang depensa ng bawat isa sa mga ito. Tumalon-talon ang binatang si Van Grego sa mga nagtatayugang mga puno upang makalayo sa mga grupo ng mga Centaurs. Kung hindi siya nagkakamali ay ibang lugar naman siya napadpad at hindi na sa mismong malaking tulay. Kung gayon ay masasabi niyang hindi lamang pala ito bastang laro lamang na nass isang lugar kundi nasa iba't-ibang parte ng Myriad Maze siya mapupunta at masusubukan ang kaniyang buong kahusayan lalo na sa pakikipaglaban. Ang pangunahing dapat na isaisip niya ay makaligtas at manatiling buhay hanggang sa ikasampong bahagi ng larong ito. Sigurado siyang pahirap ng pahirap ang mga pagsubok na kakaharapin niya habang papataas ng papataas ang laro na kaniyang nilalarong ito. Napili niya sa itaas ng mga matatayog na puno upang tumakas ay dahil ang mga Centaurs ay nasa kalupaan lamang at mahirap sa mga itong umakyat ng puno. Napakabigat ng mga ito at hindi angkop ang kanilang kalahating kabayong katawan sa larangan ng pag-akyat. Nagulat na lamang ang binatang si Van Grego nang... Whoooshhhh! Whoooshhhh! Whoooshhhh! ...! Agad na naging alerto ang binatang si Van Grego sa paparating na mga bumubulusok na mga bagay papunta sa kaniya na siyang mga atake pala ng humahabol sa kaniyang mga Centaurs. BANG! BANG! BANG! ...! Tila binilisan naman ng binatang si Van Grego ang kaniyang pagpapalipat-lipat sa mga puno kung saan ay ang mga tinapak-tapakan niya ay mabilis na sumabog o nagkabuwal-buwal ang nasabing mga matatayog na punong kaniyang nalalampasan. "Naloko na, hindi man maka-akyat ang mga hybrid na ito ay malakas naman sila sa pagtakbo sa kalupaan at paggamit ng palaso hmmp!" Inis na sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang mas binilisan nito ang kaniyang pagtalon-talon sa mga matatayog na puno. Tila hindi pa rin patitinag ang mga Hybrid na mga Centaurs kung saan ay napakarami ng bilang ng mga ito. Nasa apat na po ang bilang ng mga ito. Kung hindi siya nagkakamali ay Body Transformation System ang sistema ng Cultivation Method na nilalakaran ng mga ito kaya pagdating sa pisikalan ay talaga namang hindi matatapatan ng mga ito. kung di siya nagkakamali ay halos kapantay lamang niya ang mga ito sa nasabing Cultivation Level kaya lang ay nasa disadvantages siya dahil sa bilang ng mga ito na patuloy na tinutugis siya. Whoooshhhh! Whoooshhhh! Whoooshhhh! ...! Mas naging agresibo ang mga Centaurs nang mapansin nilang naiiwasan ng binatang lalaking si Van Grego ang mga palasong pinapatama ng mga ito sa kaniyang direksyon. Hindi nagpapaawat ang mga ito at mas binilisan pa nila ang paghabol rito. Naningkit naman ang mata ng binatang si Van Grego kung kaya't napangiti na lamang siya ng mapakla at nagwika. "As if naman na matatakasan ko ang mga ito. Isa lang naman itong simulation ng Myriad Maze hmmp!" Sambit ng binatang si Van Grego habang makikita ang nag-aalab nitong damdamin. Tunay na nakakamangha ang abilidad ng nasabing artifact na ito ngunit tunay na nakakapangilabot ang kakayahan nito pagdating sa kakalabanin niya. Kung di niya pa alam na isang Life and Death game ito ay baka kanina pa siya tumakas rito. Naiisip niya kasi na baka may kinalaman ito sa maaaring objectives ng larong ito para sa susunod na game trial. Pangalawang Life and Death game pa lamang ito ngunit ang ganitong klaseng sistema ay talagang mangingilabot ang ilan sa makakasaksi nito. Kung tutuusin, parehas na nakakamangha at nakapangingilabot ang Myriad Painting at Myriad Maze. Kung sino man ang may gawa ng pambihirang mga Artifacts na ito at napadpad sa mundong ito na siyang nasa pagmamay-ari niya ay talagang napakalaking tanga. Lagay ba naman dito ang napakadelikadong mga Artifacts na ito. Palagay niya kasi ay napakahiwaga ng mga ito at habang papatagal ng papatagal ay nagiging mas magulo at malalim ang naiisip niyang ideya rito. Iwinaksi na ng binatang si Van Grego ang kaniyang iniisip at mabilis na lumapag sa lupa sa pamamagitan ng pagtalon pababa. Tila makikitang biglang nagbago ang napakaputi at kaaaya-ayang pares ng kamay ng binatang si Van Grego ng isang nakakatakot na pares ng dambuhalang kamay. Tila ba isa itong kamay ng nakakapanghilakbot na halimaw. Tila napatigil naman ang mga Centaurs sa kanilang kinaroroonan na ilang dipa lamang ang layo sa binatang si Van Grego. Hindi man lang natinag ang mga ito at hindi man lang nakaramdam ng anumang suppression ang mga ito sa presensya ng binatang si Van Grego na nasa harapan lamang nila. Hindi na naghintay ang mga ito at walang inaksayang oras ang mga ito para tuluyang paslangin ang kanilang bibiktimahin na si Van Grego at agad na pinaulanan ng napakaraming mga palaso sa direksyon ng nasabing binata. Agad na tumalon pataas ang binatang si Van Grego kung saan ay mabilis itong naglaro sa ere. Mabilis na lumitaw ang binatang si Van Grego sa likod ng isang Centaur. Slash! s***h! s***h! ...! Kinalmot ng naghahabaang mga kuko ng binatang si Van Grego ang likod ng isang nilalang na Centaur. Isang malakas na pagsipa ang ginawa ng binatang si Van Grego sa nasabing leeg ng Centaur na siyang nagpatilapon sa nasabing Centaur sa ilang metro mula dito. BANGGGGG! Isang malakas na pagsabog ang naganap sa hindi kalayuan na siyang pinagbagsakan ng Centaur. Agad na naglaho ang binatang si Van Grego sa kaniyang kinaroroonan at mabilis siyang lumitaw sa ere. Mabuti na lamang at kahit papaano ay may silbi ang kaniyang natutunan sa Concept of Air kung hindi ay baka hindi siya nakatakas sa lokasyon mismo ng grupo ng mga Centaur. Naramdàman naman bigla ng binatang si Van Grego ang isang nakakamanghang pangyayari sa pinagbagsakan ng nasabing Centaur. Tila biglang naglaho ang katawan ng nasabing Centaur na tandang napaslang niya ito at naging parang enerhiya ito. Mabilis na pumunta sa direksyon ng binatang si Van Grego ang nasabing enerhiya kung saan ay pumasok ito sa loob ng kaniyang sariling katawan. "Hmmm... Astral energies. Hindi ko aakalaing gawa lanang sa enerhiya ang Centaur na iyon. Pero kung totoong Centaur ito ay malamang ay hindi ko agad-agad na mapapaslang. Good thing at hindi ito masyadong malakas kagaya ng tunay na kakayahan ng hybrid na centaur kung hindi ay hindi ako makakapalag sa mga ito!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Kahit siya ay nangilabot isipin kung tunay na mga hybrid na Centaur ang kalaban niya. Alam niyang hindi niya magagapi ang mga ito sa larangan ng pisikalan at sa patagalan sa labanan. Kumbaga ay sa labanan ay mga tangke ang mga hybrid na Centaurs na kung saan ay hindi mapapantayan ang kanilang pangangatawan sa pagiging matigas at hindi masira-sirang depensa. Sa larangan ng pagpana at paggamit ng armas ay malakas rin sila. Sino ang gugustuhing labanan ang mga ito, kung isa sigurong madman ay pwede pa pero siya, no way. Napangiti na lamang si Van Grego sa kaisipang ito ngunit mabilis na napawi ito ng pinaulanan siya ng mga hybrid na Centaurs ng mga nagtatalimang mga palaso sa direksyon niya. Gamit ang kakaiba at nakakatakot na pares ng kamay ng binatang si Van Grego ay mabilis niyang iwinasiwas ito sa ere. Tila gumuhit ang kakaibang enerhiya sa ere sa papalapit na palaso. Krrr....krrr... Krrr....! Tila natigil at nagkandaputol-putol naman ang mga paparating na palaso sa ilang dipa lamang ang layo nito sa direksyon ng binatang si Van Grego. "Hmmm... Kailangan kong hanapin ang safe zone ng pangalawang larong ito kung hindi ay ako rin ang madedehado." Sambit ng binatang si Van Grego. Hindi siya tanga para aksayahin ang panahon niyang labanan ang napakaraming bilang ng mga hybrid na Centaur sa lugar na ito. Mapapagod lamang siya at nanghihina Kung lalaban niya ang mga ito habang nasa disadvantage siya. Siguro naiisip ng iba na maaaring manalo siya sa labanang ito lalo na't napatunayan niyang kaya niyang paslangin ang nasabing hybrid na Centaur kanina ngunit nagkakamali sila. Sa pagkalmot niya palang ng napakakunat na balat nito at ang pagbigay ng malakas na pwersa o enerhiya gamit ang kaniyang astral energies at Essence energy ay masasabi niyang hindi worth it na labanan ang mga ito sa ganitong pamamaraan. Isa sa nalaman niya sa larong ito na nasa loob ng Myriad Maze ay as long na makapunta siya sa safezone ng pangalawang laro na ito ay siguradong malalagpasan niya ang bagay na ito. Sabihin niyang nagbibigay ito ng astral energies sa kaniya pero alam niyang tapos na siya sa pagpapalakas ng katawan niya and wala itong ganoong malaking dulot sa kaniya. Kailangan niyang buksan ang kaniyang sariling mga acupoints sa iba't-ibang parte ng kaniyang sariling katawan at kung patitibayin o palalakasin niya ang kaniyang pisikal na katawan ay magdudulot pa ito ng amtinding aberya sa pagbukas ng kaniyang mga acupoints. It's not worth it ika nga. Nagsayang lamang siya ng panahon rito lalo na at walang ganoong kalakas na epekto ito sa kaniya pero ang in-exert niya na enerhiya sa laban ay baka magdulot pa sa kaniya ng pagkatalo lalo na at may walong laro pa siyang sasabakin pagkatapos nito. Hindi na nag-aksaya ng oras ang binatang si Van Grego at mabilis siyang naglaho sa lugar na ito. Hindi siya nagteleport bagkus ay ginawa niyang channel ang hangin upang itago ang kaniyang presensya at kaniyang sariling aura sa hangin. Sa kaniyang sariling kaparaanang ito ay mabilis siyang nakalayo sa humahabol sa kaniyang kalaban na Hybrid na mga grupo ng mga Centaurs. Whoosh! Whoosh! Whoosh! ...! Tila sinuyod ng binatang si Van Grego ang direksyong salungat sa kaniyang dinaraanan kanina. Sa paglalakbay niyang ito ay masasabi niyang napakasukal ng lugar na ito at napakadelikado pa. Mayroon siyang nadaraanang maliit na lawa ngunit masasabi niyang hindi mapapantayan ang init nito dahil literal na bumubula ang tubig rito. Hindi lamang iyon sapagkat mayroong mga dambuhalang mga halimaw na hayop sa iba't-ibang parte ng lugar na ito ng larong ito. Masasabi niyang hindi pangkaraniwan ang laki ng mga ito dahil sa tingin niya ay literal na buhay ang mga ito kaibahan sa mga Centaurs. Ang mga kuneho rito ay halos kasing laki na ng isang average na laki ng bahay. Maging ang langgam rito ay nag-iisa lamang ngunit ang laki nito ay halos kasing laki ng sampong kalesa. Marami pa siyang nakitang kakaibang hayop rito na hindi maituturing na normal dahil sa laki ng mga ito. Tila nakaramdam ng kilabot ang binatang si Van Grego sa kaniyang nakitang ito pero magkaganon man ay pinapalakas niya pa rin ang kaniyang loob. As long as na makalampas siya sa mga ito at hindi niya napo-provoke ang mga ito ay maaari siyang makaligtas rito. "Hmmm... Mukhang kakaiba ang larong ito, mukhang hindi lang mismo ang laro ang maaaring tingnan o pagtuunan ko ng pansin. Mukhang nahaluan ito ng mismong lugar ng Myriad Maze. Ano kaya ang mangyayari sa akin." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang maski siya ay naguguluhan. Akala niya ay simpleng larong takbuhan lamang ito at hanapin ang ikatlong lugar ngunit mukhang nagkakamali siya. Tila ba hindi lamang mismong obstacles ng game ang maaari niyang masagupa rito kundi ang iba pang mga buhay na nilalang na nakikita ng kaniyang sariling pares na mga mata habang binabaybay niya ang direksyong gusto niyang tahakin. Tila ba sa lugar na ito ay nagmumukha lamang siyang maliit na insekto sa dambuhalang nilalang na nasa kaniyang paligid lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD