Chapter 43

2187 Words
Maya-maya pa ay nagsalitang muli ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Tila ba nawalang muli ang naiisip nito at muling nagwika. "Pasensya na Pinuno, masyado lamang akong nadala ng aking emosyon. Masyado nga kaming mahina at sa pamamagitan mo lamang ay magtatagumpay kaming lubos sa aming minimithing pamumuno sa mundong ito. Patawarin mo ako Pinunong Valc." Sambit ng dambuhalang halimaw na nakatalikod sa binatang lalaking si Valc Grego. Makikitang nakapaskil pa rin ang malademonyong pagngisi nito sa kaniyang mga labi. Sa totoo lang ay pinagtiya-tiyagaan niya lamang ang pesteng binatang lalaking si Valc Grego lalo na at hindi niya naman ito kaano-ano o kakilala man lang. May saltik sa utak siguro ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskarang ito. From the moment na nagising siya ay ibayong inis na ang nararamdaman niya rito at tila ba parang napakataas ng tingin nito sa kaniyang sarili. Habang papatagal ng papatagal ay mas nagiging malaki ang namumuong galit niya rito. Una ay inuutos-utusan lamang siya nito na parang isa lamang siyang alagang tuta which is hindi naman, pangalawa naman ay hindi siya makagalaw ng sarili niya lamang dahil bantay sarado siya sa bawat galaw niya na sobrang limitado lamang, pangatlo at panghuling rason niya ay ang pagtawag niya rito ng pinuno, nakakainis isipin ngunit nagta-tiyaga lamang siya na kasama ang pesteng binatang lalaking ito dahil malaki ang pakinabang niya rito. Mas malaki pa rin ang pagdududa niya sa pagkatao ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na ito na nagngangalang Valc Grego. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng nilalang ba ito na nahahanay sa tao pero ang abilidad nitong magcultivate ng napakabilis na masasabing monstrous speed na Cultivation. Isa pa sa tila nakakalitong isipin ay may matinding galit ito sa issng nilalang na may pangalang Van Grego na kaapelyido nito. Gusto niyang malaman kung ano ang ugnayan ng mga ito at maaaaring pagkaugatan ng galit ng binatang lalaking si Valc Grego. Nagkaaway ba ito sa maaaring posisyon sa kanilang angkan? O nagkaroon ba ito ng pag-aaway sa babae? O kaya ay tinraidor siya nito? Ngunit para sa kaniya ay malabong mangyari iyon dahil masasabi niya namang tila napakababaw naman ng rason na iyon. Una, walang kaemo-emosyon ang binatang lalaking si Valc Grego at wala itong pakialam sa sinumang nilalang. Nakaya nga nitong pumaslang ng walang awa at hindi mo mababasa ang nilalaman ng isip nito. Malabo namang tinraidor siya ng nilalang na nagngangalang Van Grego dahil base sa sinasabi nito ay galit na galit siya rito sa mas malalim na rason. "Malalaman ko rin ang mga sikreto mong iyan Valc Grego, humanda ka sakin sa susunod na lumakas pa ako at ipapalasap ko sa'yo ang kahihiyang ginawa mo sa akin!" Sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 sa kaniyang isipan lamang. Tila ba hindi siya maaaring maging kampante lamang at hayaan lamang na mamuhay ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na nagngangalang Valc Grego. Isa siyang Dark Lord at marapat lamang na paslangin o maturuan ng leksyon ang pesteng binatang ito. Napangisi na lamang ang binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego sa sinabing ito ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. "Sapat na ang iyong pagsisi sa iyong sinabi upang ikaw ay patawarin ko ngunit ayokong maulit ang pangyayaring ito. Ako ang pinuno niyong mga Dark Lords kaya matuto kang lumugar sa dapat mong paglagyan!" Sambit ng binatang lalaking nakasuot ng kulay itim na maskara na si Valc Grego. "Opo Pinuno Valc!" Simpleng sambit ng dambuhalang halimaw na si Dark 1 habang nagpipigil pa itong magsalita ng pangahas sa binatang lalaking nagngangalang Valc Grego. "Good! Dahil natuwa ako sa pagiging masunurin mo at pagsisisi mo sa sinabi mo sa akin ay hindi naman ako ganoon kasamang pinuno sa inyo ay tutulungan kitang makompleto ang Sealing process na ito. Wag mong hayaang mawala ang pinaghirapan mo at ng mabuhay na natin ang kapatid mong si Dark 2 hahahaha!!!!" Sambit ng binatang lalaking si Valc Grego habang makikitang tumatatawa pa ito ng malademonyo. Maya-maya pa ay naramdaman ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear ang nag-uumapaw na enerhiyang rumaragasa patungo sa tila said na said na enerhiya sa loob ng kaniyang beast core. Tila isang maginhawa at napakakomportableng pakiramdam ang bigla na lamang niyang naramdaman. Dito ay mabilis na nagpatuloy ang nasabing proseso ng Last Stage sealing process ng nasabing pagbuo ng sealing structures. Ang tila motionless na mga sealing symbols na kakaiba ang patterns nito ay tila unti-unting nagkakaroon ng kakaibang reaksyon. Brrrrr... Brrrrr... Brrrrr... Tila nagkaroon ng matinding vibration ang mga nasabing sealing symbols. Ang kaninang tila walang paggalaw ay unti-unti na itong nagkakaroon ng paggalaw. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima... Sampo... Dalawampo... Limampo... Isang daan... Limang daan hanggang sa hindi na mabilang na mga sealing symbols ang gumalaw sa ere kung saan ay makikitang tila nagkakaroon ng paggalaw ang mga ito in a smooth manner. Nagsimulang magkaroon ng pattern ang paggalaw ng nga sealing symbols kung saan ay tila masasabing mas nagkaroon ng buhay ang mga ito kumpara sa naunang mga estado ng mga ito at gumalaw ang mga ito in a circular motion hanggang sa tila nagpormang disc shape. Tila ba mas tumindi ng tumindi ang pag-ikot ng mga ito. "Hindi ko aakalaing matatapos ko kaaagad ang pagsasagawa ng Sealing Technique na ito at kung walang magiging problema ay mabubuhay ko na ilang oras ngayon ang aking kapatid na si Dark 1. Hindi ko aakalaing tutulungan ako ng bugnuting pinuno naming si Valc Grego." Sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 habang makikita ang labis na ligaya sa mukha nito ngunit nakatuon pa rin ang kaniyang sariling atensyon sa pagsasagawa ng Sealing Structure na malapit ng matapos ilang minuto lamang mula ngayon. Masasabi niyang hindi niya aakalaing tutulungan talaga siya ng pinuno nilang si Valc Grego dahil wala sa depinisyon nito ang tumulong, galit nga ito sa mahina o lampa eh. Dalawang minuto muli ang nakalilipas nang makitang mabilis na nabalanse ang mga enerhiya sa mga nasabing sealing symbols sa pangatlong proseso ng pagsi-seal. Masasabing tila ba mayroong kakaibang bond na ang namumuo rito. Nasa ilalim lamang ng papatapos na third sealing Structure ang naunang dalawang nakakonektang sealing structures kung saan ay malapit ng matapos ang mga ito. Habang papatagal ng papatagal ay unti-unti na ring nagkakaroon ng pagbagal sa paggalaw ng mga sealing symbols ng pangatlong sealing structures tila ba ang pagbabalanseng nangyayari sa bawat simbolo ay unti-unti ng gumagana kung saan ay tila masasabing nagkakaroon ng sealing symbol harmony, katulad ng isang yin-yang symbol ay masasabing ganoon din ang nangyayari sa pagsasagawa ng sealing symbols kapag nasa isa na itong sealing structures. Bago pa sila ikonekta ay dapat na mabalanse na dahil kung hindi ay baka magkaroon ang mga ito ng anomalya at magkaroon pa ito ng matinding pagsabog o pinsala sa mismong nagsagawa ng Sealing Technique. Maya-maya pa ay mabilis na na ring natapos ang pagsagawa ng third sealing Structure kung saan ay gumagalaw ang nasabing disc shape na naglalaman ng mga sealing symbols sa banayad at napakapayapang pamamaraan. Tila ba ang lahat ng mga bagay na ito napaka-unreal. Maya-maya pa ay mabilis na kinotrol ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ang nasabing third sealing Structure pababa kung saan ay mabilis naman itong nangyari. Tila mayroong pwersang nagpu-push down sa third sealing Structure at nang makalapag na nga at mabilis na dumikit ang third sealing Structure sa dalawang naunang sealing structures. PEENNNNNGGGGGG!!!! *Criccckkk *Criicckkk *Criicccckkk *Criccckkk *Criicckkk *Criicccckkk *Criccckkk *Criicckkk *Criicccckkk... Tila nagkaroon ng nakakairitang tunog ang nangyayari kung saan ang tatlong parte ng sealing structures. Ang galaw ng mga ito ay tila hindi kaaya-aya sa pandinig o sa tenga. Nagkaroon ng psychological disturbances sa loob ng isipan ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 lalo na at ang mga pangyayaring ginagawa nito ay masasabing tila nakakasulasok na hindi nito maintindihan. "Dark 1 ano'ng ginagawa mo, wag kang magpaapekto sa ingay na likha ng talong sealing structures. Tutulungan kitang kontrolin at labanan ang ingay na ito at tapusin mo na ang huling proseso ng sealing Technique. Inaasahan kong magagawa mo ito ng tama at matagumpay." Malakas na pagkakasambit ng binatang lalaking si Li Xiaolong gamit ang kaniyang divine sense. Mistula na kasing bingi ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear dulot ng kakaibang ingay na naririnig nito sa lanas ng kaniyang tenga papunta sa mismong kaloob-looban niya. Hindi kasi pangkaraniwang ingay ito dahil isang normal na bagay na lamang ito lalo na sa nagsasagawa ng sealing Technique. "O-oo, su-su-susubukan k-ko!" Nauutal na sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 habang sinusubukan nitong labanan ang nasabing ingay. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang tila humihinang tunog na nakakasulasok kani-kanina lamang nang mapansin niyang tila mayroong malaking metal helmet ang suot-suot niya sa kaniyang ulo. Alam niya ang bagay na ito. Masasabing ang metal helmet na ito o alinmang metallic type na helmet o pansuot sa ulo ay masasabing panlaban din sa psychological disturbances o psychological noise. Karaniwang sinusuot ito ng mga nagsasagawa ng sealing Technique lalo na kung pakiramdam nila ay hindi nila makakaya ang nasabing pagsagawa ng malakas o pambihirang sealing Technique. Sa naging kilos at pagsasagawa ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ay masasabing tila minaliit niya ang nasabing sealing process o ang kabuuang proseso ng nasabing Sealing Technique kaya ganito na lamang ang nangyari. Dismayado man sa kaniyang sarili ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ay mabilis naman siyang nagsagawa ng counter measurements. Gamit ang Kaniyang sariling kamay ay mabilis niyang inilahad ito sa ibabaw ng nasabing kompletong eealing structures ng nasabing sealing Technique. Kahit nag-iingay man ito ay masasabing tila kontrolado niya na ang nasabing bagsik ng ingay na nilabas ng nasabing seal. Agad niyang hiniwaan ang gitnang palad niya gamit ang nagtatalimang mga kuko nito kung saan ay mabilis na umagos ang nagpupulang sariwang dugo nito sa loob ng kaniyang palad papalabas. *Drip *Drip *Drip ...! Tunog ng pagpatak ng sariwang dugo mula sa dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear ang biglang nangyari kung saan ay tila ba ang buong sealing structures ay tila tumigil sa paggalaw. Lalo na noong gumapang ang sariwang dugo ni Dark 1 sa nga edges ng tatlong parte ng sealing structures. Maya-maya pa ay isang kakaibang pangyayari muli ang biglang naganap. Ang buong sealing structures ay bigla na lamang nagliwanag ang mga letrang nasa pangatlo at pangalawang sealing structures hanggang sa nagliwanag na rin ng nakakasilaw ang pinakaunang sealing structures sa pinakasentrong parte ng nasabing sealing Structure. Ang nakakasilaw na liwanag ay bigla na lamang mayroong lumabas na kakaibang itim na usok. Tila buhay ang nasabing usok. Lumitaw rito ang isang napakalaking kamay na may nagtatalimang mga kuko hanggang sa lumitaw din ang isa pang kamay na kapareho ng nauna kung saan ay tila ba nakakapangilabot na enerhiya ang lumalabas mula rito. Tila ang kamay na lumabas sa usok ay biglang lumaki pa ng lumaki kung saan ay nagstretch out ito sa bangkay ng nasabing dambuhalang ibon na Black Neo Bird. Sa pamamagitan ng dalawang nakakapangilabot na kamay na ito ay tila ba walang sinayang itong panahon at bigla na lamang itong mag-extend papunta sa parteng leeg ng nasabing dambuhalang halimaw na ibon. Ang nakakapagtaka pa sa pangyayaring ito ay tila ba hindi ito naglatch out sa mismong pisikal na katawan ng dambuhalang halimaw na Black Neo Bird bagkus ay tila iba ang puntirya nito. Hindi nagtagal ay tila umalpas palabas ang kakaiba at nakakatakot na kamay na naglalaman ng nakakapangilabot na enerhiya. Isang dambuhalang dark shawoy figure ang tila hawak-hawak sa leeg ng nasabing kakaiba at nakakapangilabot na kamay. Tila ba anyo ito ng nasabing dambuhalang halimaw na ibon na tinatawag na Black Neo Bird ngunit masasabing tila gawa lamang ito sa transparent na bagay at tila sinusubukan nitong magpupumiglas mula sa dalawang nakakatakot o nakakapangilabot na enerhiya dito. Tila ba makikitang nahintatakutan ang nasabing dambuhalang pigura ng ibon sa nasabing dambuhalang kamay na may katawan ng isang kakaibang itim na usok. Hindi man malayong isipin ngunit tila nanlalaban pa ang nasabing kaluluwa ng nasabing halimaw na ibon na Black Neo Bird sa pagsakal sa kaniya ng kakaibang nilalang. Ngunit ang nakakapangilabot pa rito ay tila ba hindi natitinag ang nasabing kakaibang itim na usok na may dalawang nakakatakot na kamay. Maya-maya pa ay mabilis itong pumasok muli sa gitnang bahagi ng nasabing sealing structure kung saan ay mabilis namang nagliwanag ang buong sealing structures. Nabalot ng nakakasilaw ng liwanag na tumagal lamang ng sampong segundo at tila bumalik na ang lahat sa dati. Kapansin-pansin na tila tumunog muli ang nasabing sealing structure na tila ba nagla-lock ito. *Criccckkk *Criicckkk *Criicccckkk *Criccckkk *Criicckkk *Criicccckkk *Criccckkk *Criicckkk *Criicccckkk... Masasabing tila nagkaroon ito ng kaaaya-ayang paggal Pagkatapos nito ay kusa na lamang itong lumutang papunta sa kaloob-looban ng katawan ng nasabing dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD