Chapter 42

2173 Words
Maya-maya ay nangyari na nga ang dapat mangyari. Nakipag-abot na nga sa wakas ang tatlong eksperto ng mga martial artists sa itaas. Tila ba hindi na makapaghintay ang mga ito na subukan ang lakas ng bawat isa kung kaya't nakipaglaban na ang mga ito. "Total ay nandito naman kayong dalawa ay kailangan ko kayong tapusin kaaagad hehehe!!!" Gamit ang kamao ng isang martial arts expert na ito ay mabilis niyang pinaulanan ng suntok ang isa sa pamamagitan ng pagsagawa ng pambihirang skill. Napatawa naman ang mga dalawang martial experts at mabilis ang mga itong nagkatinginan. Mabilis ang mga itong umiwas sa malakas na atakeng ito ng mga martial artists sa pamamagitan ng kanilang pambihirang pakikipaglaban. Masasabing tila nagakakinitin ang bawat panig. Whoooshhhh! Whoooshhhh! Whoooshhhh! Whoooshhhh! Whoooshhhh! Whoooshhhh! Whoooshhhh! Hindi pa sila nakakatapos sa labanan ay mabilis na dumarating sa kanilang pwesto ang pito pang nilalang mula sa kalupaan papunta sa kanila sa mabilis na paraan. ... Kasalukuyang nasa mahirap na sitwasyon ang kinaroroonan ng binatang lalaking si Valc Grego na prenteng nakatuon ang atensyon sa dalawang bagay, ang seguridad ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na gusto ring mapagtagumpayan ang nasabing sealing process na sinasagawa nito at ang pangalawa naman ay ang banta mula sa mga martial arts experts na naririrto ngayon at kapwa nagkakainitian sa hindi kalayuan. Dahil sa init ng labanan ng mga ito ay hindi nila napansin ang totoong pangyayari sa lugar na ito. "Hahaha... Tiyak akong nagpapalakas ang pesteng insektong si Van Grego ngunit hindi niya pa rin ako mapapantayan. Sino ba naman ang maaaring makapantay sa aking kasalukuyang lebel ng Cultivation kumpara sa kaniya. Nag-eexist ba ang mga bagay na iyon rito? Ipapalasap ko sa kaniya kung ano ang dapat sa mga mahihinang nilalang. It's a pity na ang mga nilalang na naririto sa lugar na ito ay mga uto-uto. Ipapalasap ko sa kanila maya-maya ang bagsik ni Dark 2. Tingnan natin kung mabubuhay pa ang mga ito o babalik man lang sa lugar na ito ang mga pesteng mahihinang mga nilalang na ito!" Sambit ng binatang lalaking si Valc Grego habang makikita ang labis na inis sa mga mahihinang nilalang na parang uto-uto sa kaniyang paningin. Sa kabilang banda naman ay tila nahihirapan naman ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear sa pagsagawa ng pangatlong seal. Masasabi niya kasing nasa patapos na initial seal stage siya ng nasabing sealing process. Hindi kasi basta-basta lamang na sealing Technique ang sinasagawa niya ngayon. Sa pamamagitan kasi ng initial seal processs na ito ay kailangan niyang i-supress ang nanghihinang kaluluwa ng nasabing halimaw na Black Neo Bird kung saan ay kailangan niya itong i-eside sa consciousness nito sa pinakamahinang parte nito. Sa pangalawang sealing stage process naman ay dito naman siya gagawa ng panibagong proseso kung paano ihihiwalay ng matagumpay ang malakas na enerhiyang taglay nito sa mismong katawan nito. Kailangan niyang putulin ang ugnayan nito sa nasaning kaluluwa ng dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird na siyang orihinal na nagmamay-ari ng nasabing katawan na ito. Sa pangatlong sealing stage process naman ay masasabing dito na siya magsasagawa ng pambihirang bagay kung saan ay ilalagay o itatanim nila ang pambihirang dark seeds ni Dark 1 sa nasabing dambuhalang halimaw na ibon na Black Neo Bird upang mabilis nitong makontrol ang pangangatawang ito ng Black Neo Bird. Bawat sealing stage process ay pahirap ng pahirap. Hindi basta-basta lamang na magtatanim lamang ng dark seeds sa katawan ng gusto nilang ipossess o pamugaran ng mga kapatid niya dahil malaki ang tsansang maalis sila o ma-expell sila sa katawan ng malalakas at pambihirang mga halimaw na suitable body para sa kanila. Sa kabuuan ay tanging siya lamang ang masasabing malakas pagdating sa sealing Technique at mabilis na magreside sa katawan ng nanghihinang mga nilalang. May abilidad siyang bilangguin ang mga nilalang na mahina pagdating sa kanilang kaluluwa. Walang kaalaman ang nasabing halimaw na totoong nagmamay-ari ng katawan nila. Thwy will either sleep deepest part of their consciousness or being prison there forever. Gamit ang Sealing Technique mabilis na tinuon ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ang kaniyang sariling atensyon sa sealing process. Maya-maya lamang ay unti-unting namuo ang mga kakaibang sealing symbols o kakaibang mga simbolo sa ere kung saan ay nagmaterialize ang ito at animo'y mayroong mga kakaibang paggalaw ang mga ito na kung makikita ng sinuman ang mga ito ay tila ba buhay na buhay ang mga kakaibang simbolong ito. Tila ba ang mga bagay na naririto ay masasabing nakakamanghang isipin ngunit kung gaano naman nakakamangha ito ay ganoon din ang ibayong tiyaga at hirap na pinagdaraanan ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Namamasa ang noo ng nasabing dambuhalang halimaw na si Dark 1 habang tila ba makikita ang pagnginig ng bahagya ng kaniyang dalawang naglalakihang mga kamay na masasabing tila mayroon itong dinaramdam sa kaniyang katawan. Ang mga simbolong lumulutang sa ere ay mabilis na gunalaw sa ere. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa hindi mabilang na mga sealing symbols ang tila gumagalaw in a circular way, yung tila ang magkakaibang mga enerhiya sa bawat mga simbolo ay unti-unting nagkakaroon ng koneksyon sa isat-isa. Masasabing tila ba mayroong kung anong klaseng pamilyar na ugnayan ang bawat isa sa mga ito. Isang patapos na pangyayari ang bagay na ito na malamang ay siyang main body ng nasabing sealing Technique. Nagtagal ito ng mahigit limang minuto hanggang sa bigla na lamang nagcompress ang mga ito at unti-unti ng lumiit sa pasirkular na hugis. Ang magkakaibang mga enerhiya ay unti-unting naglabas ng kakaibang mga linya ng enerhiya na siyang mabilis na gumapang pa-clockwise direction. Hindi nga nagtagal ay nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag mula sa nasabing primary sealing process. Sa pangalawang sealing stage process ay kagaya ng nauna ay mahirap ang nangyayari ngunit napagtagumpayang muli ito ng nasabing dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 ang nasabing proseso ng Sealing Technique. Sa kasalukuyan ay nag-uumpisa na ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 na magsagawa ng Third Stage Process o Last Stage sealing process sa nasabing lugar na ito. Tila ba ang bagay na ito ang pinakahuli ngunit masasabing pinakamahirap na proseso. Napagtagis na lamang ang bagang ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 sa kaniyang kinaroroonan. Ang kaninang napakaliit lamang na sealing structure na 60% Completed pa lamang ay tila napakalaki na ngunit ang tiyansang mayroon si Dark 1 ay nasa 65% lamang, ang 35% na probability ay talagang napakalaki pa rin kung tutuusin. Sino ba naman kasi ang gugustuhing pumalpak hindi ba ngunit ganon talaga ang buhay, hindi lahat ay perpekto, mayroon talagang natititrang porsyentong papalpak ka at mauuwi sa wala ang pinaghirapan mong gawin na bagay. Sa pangatlong proseso kasi malalaman kung talagang alam mo kung paaano icontain ang lahat ng enerhiyang nasa bawat simbolong gusto mong ilagay sa nasabing circular orbit o sa balnce area sa pinaka- outer side ng Sealing Structure. The more complicated and balance it is. It is most likely to be said that it could really be something that could weigh all the balance energy inside the inner parts of the Sealing Structure na walang iba kundi ang primary at secondary sealing structure. Once na magkamali ka sa pagtantsa ng balancing enerhiya ng mga naunang nagawa mong Sealing Structure ay siguradong sa'yo babalik ang lahat ng backlash o pagbalik ng mga enerhiyang ginamit mo sa isang bagay. Walang tigil sa pagconcentrate ang nasabing dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 sa pagsagawa ng sealing process. Masasabing tagaktak na ang malagripo nitong pawis sa kaniyang buong katawan maging ang kaniyang sariling kamay ay tila makikitang nanginginig na ito. Tila ba mahirap man sabihin ngunit talagang napakakomplikado ng pagsasagawa na ito. Maituturing na i***********l ang ganitong uri ng Sealing Technique dahil kaya nitong magmanipula ng mga nilalang sa pamamagitan ng pagtatanim ng kaluluwa sa isang foreign body. Makikitang tila ba mayroon kakaibang kasanayan si Dark 1 sa pagsagawa ng nasabing mga sealing Technique na siyang specialty nito sa pakikipaglaban. Maya-maya lamang ay lumitaw ang mahigit isang libong mga sealing symbols sa ere kung saan ay tila ba mas nakakatakot ang mga enerhiyang nakapaloob dito. Yung tipong buhay na buhay at may kakaibang enerhiya na nais umalpas sa mga ito. Masasabing napatigil lamang ito sa ere hindi katulad ng mga nauna na tila gumagalaw pa pero ito ay hindi sapagkat parang may kung anong pwersang namumuo sa paligid na ito lalo pa at nasa ibabaw lamang ito ng nasabing primary at secondary sealing structures na siyang magiging kaisa ng pangatlong sealing structures na ito. Mabilis na gumalaw ang mga kamay ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 kung saan ay tila nagsasagawa ito ng hand seal ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang bigla na lamang naganap. PWWUUUUAAHHHHHH!!!!! Malakas na napasuka ng sariwang dugo mula sa bibig nito ang dambuhalang halimaw na si Dark 1 at tila gumuhit ang ibayong sakit sa pagmumukha nito. Napansin naman ito ng binatang si Valc Grego at mabilis na nagwika. "Hmmp! Napakahina mo naman Dark 1. Is that all you got? Naturingan kang pinakauna ngunit ikaw rin ang pinakamahina sa inyong mga Dark Lords hahaha... Isang simpleng sealing Technique lang ay hindi mo pa magawa ng tama?!" Naiinis na sambit ng binatang lalaking si Valc Grego habang makikitang tila may pagkatuya at nanghahamak sa paraan ng pagsasalita nito. Hindi niya maipagkakailang napakahina nga ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. Tila bumakas naman ang galit sa mukha ng nanghihinang dambuhalang halimaw na si Dark 1 kung saan ay mabilis din itong sumagot. "Hmmmp! Eh kung mahina ako edi ikaw nalang kaya nag gumawa ng pesting sealing Technique na ito? Kung makainsulto ka ay kala mo ikaw ang gumagawa!" Galit na pagkakasambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 habang nasa sealing structure pa rin ang tingin nito. Kahit nanghihina siya sa kasalukuyan ay hindi niya maaaring i-divert ang atensyon niya dahil mauuwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan niya. Hindi maipagkakailang tumaas ang tono ng boses nito sa paraan ng pananalita nito. Tila parang umusok naman ang ilong ng binatang lalaking si Valc Grego sa narinig nitong turan ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1. "Kung ganon naman pala ay hindi na kita sana tinulungan. Hindi ko aakalaing ganyan ang igaganti mo sakin Dark 1. Napakahina mo na nga, nakuha mo pang manlaban sa akin. Do you think kaya mong buhayin ang mga kapatid mo sa madaling panahon? Ano lang ba ang lebel ng Cultivation mo? Martial Ancestor? Kahit mabuhay man kayong lahat ay sigurado akong wala pa rin kayong lakas upang pantayan ang nabubuhay na mga Region Emperors at mga Beast Guardians. Nagpapatawa ka ba talaga o gusto mong isaksak ko sa baga mo na wala kayong laban sa kanila at walang saysay ang paghihiganti niyo kung wala ako!" Malakas na sambit ng binatang lalaking si Valc Grego habang tila nagpipigil ng inis. Gusto niyang ipakita sa dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 kung sino ang tunay na nakakaawa sa kanila. Sino ba silang mga Dark Lords? Napuksa lang naman sila ng mga animo'y mga mahihinang nilalang dahil sa pagiging makasarili at padalos-dalos nilang mga hakbang. Sa nasabing digmaang sumiklab noon ay masasabing natalong lubusan ang pwersa ng mga Dark Lords sa mga tusong taktika ng mga Region Emperors at ng mga Beast Guardians. Kung di lang sana sa pakialamerong mga Region Emperors at pag-exist ng mga Beast Guardians ay malamang sa malamang ay nanalo na sila. Tila napaisip naman ng malalim ang dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 sa mga sinabing ito ng binatang lalaking si Valc Grego na siyang pinuno nila dahil sa mga taktikang naisip nila. Masasabing mahina lamang siya sa kasalukuyan maging ng mga hindi pa nabubuhay na mga kaaptid niyang kapwa mga Dark Lords. Masasabing tila ba wala siyang maaaring makapitan sa kasalukuyang panahong ito kundi ang binatang lalaking si Valc Grego ns hindi niya pa lubos na pinagkakatiwalaan. "Maghintay ka lang Valc Grego dahil sa ngayon ay maaaari mo ako o kaming alipustahin dahil mahinang estado namin pero ang napakamangmang sa atin ay hindi ako bagkus ikaw. Tingin mo ba ay kami lang na mga Dark Lords ang nakalaban noon ng Region Emperors at mga Pesteng Beast Guardians ng mundong ito? Pwes nagkakamali ka, napakarami namin at kapag natagpuan na namin ang mga Hybrid Dark Kings ay idispatsa ka na namin. Sa ngayon ay may pakinabang ka pa sa aming mga Dark Lords pero sa susunod na bumalik ang tunay na lakas namin ay mamaalam ka na sa mundong ito!" Sambit ng dambuhalang halimaw na Mutated Giant Black Bear na si Dark 1 sa kaniyang isipan lamang habang nasa Sealing Structure pa rin ang tingin niya. Palihim pa itong napangisi ng malademonyo habang tila malalim ang iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD