Chapter 11

2107 Words
Napakalapit ng binatang si Van Grego kung saan ay mabilis siyang umupo ng maayos upang magcultivate. Hindi ng natural na enerhiya sa paligid na Heaven and Earth Qi kundi ang nakakalat na Fire Energies sa paligid niya. Agad niyang binuksan ang lahat ng kaniyang mga pores sa katawan. Tila ba naramdaman ng binatang si Van Grego na ang mga Tiny red lights na nakikita niya na parang dots dots sa ere ay mga fire energies pala ng Tiger Crest Sacred Fire. Dito ay ipinikit ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling pares na mga mata at matiyagang nagcultivate. Naramdaman ng binatang si Van Grego na ang mga fire energies na nakikita niya sa paligid ay biglang pumaroon sa kaniya habang mabilis itong pumasok sa loob ng maliliit na pores sa balat ng binata. "Ang init Ahhhhh!!!!" Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan habang nagtatagis ang mga ngipin nito. Ramdam na ramdam nito ang pakiramdam na tila napapaso ang buo niyang katawan dulot ng pagpasok ng maliliit na fire energies sa loob ng kaniyang sariling pores sa balat habang unti-unti itong dumaloy papunta mismo sa 360 acupuncture points niya sa loob ng kaniyang katawan papunta sa kaniyang dantian. Todo inda naman ang binatang si Van Grego sa hapdi at sakit na nararamdaman ng kaniyang buong balat. Tila ba dinaananan ang bawat pores niya ng milyong-milyong mga maiinit na karayom. Tagos sa buto ang sakit ngunit pinilit niyang ituloy ang ganitong klaseng paraan ng pagcucultivate. Mabuti na lamang at mayroon siyang Alchemy Sacred Fire dahil kung hindi ay baka nagkasunog-sunog ang kaniyang sariling balat at magkaroon ng malalang mga pinsala rito. Kumpara sa mga martial artists na walang alchemy fire at sinubukang makaobtain ng ganitong klaseng mga attribute ng mga apoy ay hindi sila nag-uumpisa sa mataas na lebel ng apoy kundi sa pinakamababang uri ng apoy hanggang sa pataas ng pataas na klase ng apoy. Mas doble o triple pa ang sakit na kanilang nararamdaman at mas mahirap ang merging process na gagawin nila sa mga apoy sa kanilang katawan. Dahil kapag nagkamali lamang sila sa pagproseso ng apoy sa loob ng kanilang katawan at hindi nila ma-stabilize ang mga ito ay maaaring magkaroon ng masamang pangyayari sa kanila. Masusunog ang dantian nila o sasabog ang buo nilang katawan na siyang magreresulta ng kamatayan. Ito ang karaniwang nangyayari sa mga ito kapag hindi sila nag-iingat. Maging sa katulad nilang may Alchemy Fire na taglay ay maaari ding mangyari sa kanila ang mga ito maging sa Fire Attribute na mga Martial Beasts o alinmang mga nilalang kung hindi nila inaalam ang kanilang limitasyon. Iwinaksi ng binatang si Van Grego ang mga negatibong kaisipang ito at nagpokus lamang sa kaniyang ginagawang pagcucultivate kung saan ay naging maayos naman ang naging takbo ng proseso ng pagcucultivate ng fire energies na nakakalat sa paligid. Ramdam ng binatang si Van Grego na habang papatagal ay nagiging bearable na ang sakit ng pagpasok ng mga fore energies sa lahat ng kaniyang mga pores sa katawan kung saan ay makikitang halos naging doble na ang pagdaloy ng mga fire energies sa kaniyang katawan. Makikitang naeenjoy ng binatang si Van Grego ang pagcucultivate nito habang nito alintana na nagkakaroon na ng pagbabago sa kaniyang sariling katawan kung saan ay masasabi mong nakakamangha talaga. Ang kaniyang sariling pores sa balat ay tila ba mas nagkaroon ng mga buhay at makikitang nagiging vibrant ang color nito at hindi maputla. Tila mas naging jade like yung balat ng binatang si Van Grego kahit na nakaupo lamang ito at balot ang katawan nito ng kaniyang suot na asul na roba. Hindi naman nabubutas ang parte ng roba ng binatang si Van Grego at hindi naman iyon kapansin-pansin dahil maliliit lamang ang mga fire energies at napakapuro pa nito na siyang mayaman sa fire attribute. Tila nakakamangha talaga ito dahil ang mas naging flexible at durable ang balat ng binatang si Van Grego ngunit hindi nito pansin ang ilang pagbabago ngunit maaaring mayroon pang ibang nagbago o nag-improve sa parte ng katawan nito dahil maaaring maging malakas pa ang taglay nitong fire attribute habang tumatagal. Nakakamangha talaga ang laki ng pagbanagong nangaganap sa sarili ng binatang si Van Grego dahil kapansin-pansin talagang mas naging mabilis ang paghigop ng kaniyang pores na tila nagkakaroon ng suction force ito at ang milyon-milyong mga tiny red lights sa kaniyang kapaligiran ay dumadaloy lahat ng mga ito sa kaniyang sariling acupuncture points papunta sa dantian. Hindi lamang iyon dahil tila nagkakaroon ng improvement ang mga muscles niya sa kaniyang katawan at mas nagiging pambihira ang magandang epekto nito sa katawan ng binatang si Van Grego. Hindi alintana ng binatang si Van Grego ang oras kung saan ay mas naging masigasig pa ito sa pagcucultivate. Tila ba pakiramdam nito ay nasa sentro siya ng daigdig habang napapalibutan siya ng mga mumunting mga enerhiya na patuloy na lumalapit sa kaniyang direksyon. Ang mga sakit ng tila pagkapaso sa kaniyang mga balat ay tila hindi niya na ramdam pa habang tila binubusog siya ng mga milyong-milyong enerhiya na pumapasok sa kaniyang katawan at naiimbak sa loob ng dantian ng binatang si Van Grego. Ilang oras pa ang nagdaan ay tila nagiging visible na ang tila suction force ng kaniyang mga pores sa katawan habang tila kinnokolekta nito at hinihigop ang mga tiny red lights sa paligid niya. Nakakamanghang pagmasdan ito at kung nakikita ng mga fire attribute Cultivators lalo na ng mga Alchemist ang ginagawang ito ng binatang si Van Grego ay luluwa ang mga mata ng mga ito. Sino ba naman kasi ang umaasa na ganito kabilis at kalakas ang suction force nito sa balat nito lalo na ang bukas na bukas niptng mga pores sa katawan. Kahit sino talaga ay mamamangha sa kakayahang ito ng binatang si Van Grego dahil hindi kasi ordinaryong kakayahan lamang ito. Isa rin kasing abilidad o kakayahan kung gaano ka kabilis ang iyong pores o kadami ang bukas na bukas mong acupuncture points mo sa iyong katawan dahil malaking factors din iyon. Hindi maaaring isisi ito sa binatang si Van Grego dahil lahat ng paraan at trials na nasagupa niya ay kalakip na rito ang kaniyang pagpupursigi at pagsusumikap sa paglalakbay sa mundong ito bilang wandering Cultivators. Sa larangan ng Cultivation st pagiging martial artists ay halos beterano na siyak ung tutuusin sa labing anim na taong gulang nito. Yung tipong ang kaedaran niya ay hindi makakapantay sa dami ng hirap at pasakit na dinanas niya mapamental, pisikal, emosyunal at iba pang aspeto ng kaniyang buhay ay sinubok at mayroong pagkakataon an halos sumuko na siya pero lumalaban pa rin siya. Hindi niya makakamit ang lahat ng kaniyang natamong tagumpay na ito kung hindi siya sumubok ng sumubok st patunayan ang kaniyang sarili na karapat-dapat din siya ngunit hindi naman natatapos ang lahat ng iyan. Marami pa siyang gagawin lalo na sa paglalakbay. Itinaya niya na ang lahat ng kaniyang sarili upang lumakas at ang responsibilidad niya ay talaga namang nakakatakot isipin. Hindi maipagkakailang malayo pa siya sa mismong goal niya. Hindi napansin ng binatang si Van Grego na mayroong kakaibang mangyayari sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon. Nag-umpisa na ring magkaroon ng mumunting enerhiya pumpasok sa mga pores malapit sa pilikmata ng binatang si Van Grego maging ang kaniyang sariling ilong ay tila humihinga at nag-uumpisa na ring humigop ng fire energies. Tila ba nakakabagabag ang pangyayaring ito. Nakabukas na kasi ang mga paunang acupoints ng mga ito kaya hindi imposibleng mangyaring humigop din ang mga ito ng enerhiya sa paligid niya. Walang kaalam-alam ang binatang si Van Grego habang papatagal ng papatagal dahil yung tipong nagpupukos o nagbibigay lamang siya ng atensyon sa goal nito, ang magcultivate ng mga fire energies sa paligid. Tila ba habang papatagal ng papatagal ng pagcucultivate ng binatang si Van Grego ay tila nagkakaroon ng pagbabago sa daloy ng hangin dahin ang katawan ng binatang si Van Grego ay tila naging funnel dahil tila lahat ng fire energies ay nahihigop na nito bago pa bumagsak sa kalupaan ang mga fireballs. Hindi naman gaanong nakadikit ang binatang si Van Grego sa mismong area kung saan bumabagsak mismo ang fireball. Dahil ang mismong fireball na ito ay gawa mismo sa purong apoy. Wala itong kasamang solidong bagay kagaya ng bato o anuman dahil nagmsususnog lamang ang maaaring tamaan nito. Ramdam ng binatang si Van Grego na tila ba nagkakaroon ng napakabilis na pagkakaroon ng mga liquid form na energies sa loob ng kaniyang dantian na kulay pula ngunit ramdam niyang napakainit nito ngunit namangha siya dahil nakaya itong ihandle ng kaniyang katawan lalo na ng kaniyang sariling dantian. Ilang oras muli ang nakalipas at tuluyan ng napuno ang loob ng dantian ng binatang si Van Grego kung saan ay tila hindi siya makapaniwala. Maya-maya pa ay bumukas ang pares na mata ng binatang si Van Grego kung saan ay nakita niya kung paanong nagbago ang kapaligirang kaniyang nasisilayan ngayon. "Hmmm... Hindi ko aakalaing halos isang araw din akong nagcu-cultivate ng fire energies dito. Nakakamangha talaga ang lugar na ito. Sayang nga lang at hindi ko naisama rito sina Fatty Bim, Breiya at ang iba pa." Tila nalulungkot na saad ng binatang si Van Grego. Pansin niyang nakakalungkot isipin na hindi na sila magkasamang magcultivate ng mga ito. Hindi rin naman siya masisisi kasi di niya naman ginusto ang mga nangyari sa kaniya noon lalo pa't palagi siyang nasasangkot sa mga kakaiba at napakadelikadong lugar at sitwasyon kung kaya't hindi siya nakakaabot sa mga ginagawa nilang mga plano. Pansin niya din na mataas na ang araw at maramjng mga halinaw ang nakakalat sa paligid ngunit hindi naman lumalapit ang mga ito sa kaniya saapgkat kahit sabihing hindi mainit sa kaniyang pakiramdam ang lugar na kinauupuan niya ay talagang napakainit talaga ito ng di hamak at masusuffocate ang sinumang pumunta rito. Ang mga fire energies na nakapalibot sa kaniya ay talaga namang kayang-kaya nitong paslangin kahit pa isang fire attribute ang mga nilalang na gusto siyang lapitan dahil isang sacred fire ito, mas mataas ang lebel ng init at kakayahang paslangin ang sinumang lumaoit rito liban na lamang kung may sacred fire na tagaly o immune ito sa sacred fire eh talaga namang nakakamangha iyon. "Huh?! Kaya pala hindi ko makita kagabi yung dulo Pansin ng binatang si Van Grego na ang lugar kasi ay nasa malayo pala ito at natatakpan ng makakapal na usok huhu..." Sambit ng binatang si Van Grego habang pansin niyang maraming usok ang dulong parte ng tinatanaw niya. Malamang ay masasabi niyang kinaroroonan iyon ng mismong defective na bulkan. Hindi niya lubos aakalain kung gaano kalakas at katibay ang defensive barrier na nakaharang sa buong bulubunduking lugar na ito. Nakakamangha isipin na hindi pala kayang sirain ng Sacred Fire ang barrier na iyon. Talagang napakalakas at pambihira ang kakayahan ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na nakilala niya nitong nakaraang araw lamang. Kahit siya ay hindi niya alam kung mapapantayan niya ang lakas ng mag-asawang ito sa hinaharap. Mabilis namang tumayo at inayos ang kaniyang sarili ng binatang si Van Grego. Nalulungkot siyang isipin na namatay ang dalawang magkapatid na fighter duo magpahanggang ngayon. Naalala niya ang dalawang lights na nakita niya kagabi. Mabilis nitong tinahak ang direksyon kung saan niya nakita iyon. Hinakbang ng binatang si Van Grego ang kaniyang paa sa direksyon niyon at mabilis niyang nakita ang tila nakalutang lamang na kulay kayumanggi at kulay lilang liwanag. Namangha siya dahil buhay ang mga ito ngunit sa kasamaang palad ay hindi gumagalaw ang mga ito at nakalutang lamang sa ere. Wala na siyang ginawang malalim na pagsuri dito at mabilis na inilagay sa kaniyang interstellar dimension. Tola ba wala siyang oras na suriin pa ito sa sitwasyon niya ngayon. Alam ng binatang si Van Grego kung ano ang most priorities niya at ang less priorities niya. Naglakbay ang binatang si Van Grego sa isang malawak na lugar kung saan ay makikitang ang tinatapakan niyang lupa o kalupaan ay tila mayroong bitak-bitak at masasabing naglalabas ito ng mga puting usok. Masasabing hindi normal ang temperatura dito dahil halata namang napakainit dito hindi dahil sa klima kundi sa mismong environmental location na kinaroroonan niya ngayon. Nakakamangha lamang isipin na ang lugar na ito ay tila ba bago para sa binatang si Van Grego ngunit parang naalala niya ang lugar na sinugod siya ng binatang si Jinron at ang pagpunta niya sa Lacolith noong nagdaang mga buwan. Tila ba napakalayo niya na. Napakalayo na sa lugar na kinaroroonan niya noon. Hindi maiiwasan minsan makaramdam ng awa sa sarili ang binatang si Van Grego. Parang pakiramdam niya ay napakalayo niya na. Napakalayo niya yung tipong minsan gusto niyang pero hindi pwede.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD