Chapter 12

2116 Words
Hàbang lumalayo ang lakad ng binatang si Van Grego ay tila ba pakiramdam niya ay nagbabago ang texture ng lupa maging ang init ay medyo tumataas na rin. Tunay ngang nakakamangha ang lugar na ito. Pansin niya ring napakalawak ng lugar na ito at mayroong mga Martial Beasts na gumagala sa plaigid ngunit sa lawak ba naman ng lugar ito ay malamang ay hindi lamang ang mga nikikita niya ang naririto ngayon kundi maging ang mga nakakubling mga halimaw ay siguradong maninila din ng palihim ang mga ito. Walang mga anumang puno o halaman ang makikita sa lugar na ito na siyang nagbibigay ng gloomy feeling at nakakakilabot na kapaligiran. Tanging ang mumunting usok lamang ang naglilikha ng mga paggalaw dulot ng airflow dito. Pansin din ng binatang si Van Grego na pawang malalaking mga tipak ng mga bato lamang at mga rock formations ang makikita rito kung kaya't nagmumukhang black and white ang nakikita sa paligid. Pakiramdam ng binatang si Van Grego ay nasa isa siyang bagong mundo kung saan lahat ng nakikita niya sa paligid ay walang kabuhay-buhay. Naglalakad lamang siya sa napakalawak na lugar na hindi alam kung ano ang panganib na naghihintay sa kaniya. Itinaas ng binatang si Van Grego ang kaniyang sariling pandepensa at nasa high alert siya. Naalala niya ang sinabi ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python, matagal na silang hindi nakapasok dito at ang bawat lugar ay hindi masusukat ang panganib dahil mayroong malalakas na nilalang ang gumagala at naninirahan sa lugar kung saan ay hindi mo aakalaing doon ito talaga tumitira o namamalagi. Ilang minuto pa ang nakakalipas ay masasabi ng binatang si Van Grego na napaka-dense ng paligid ngunit ang gravity dito ay masyadong bumibigat tandang malapit na siya sa lugar na kinaroroonan ng defective na bulkan. Hindi niya alam kung anong klase ang anyo o porma ng bulkang ito ngunit lawak ng sakop ng bulkang ito ay malamang ay napakapambihira nito. Ilang oras din ang nagtagal ay pansin ng binatang si Van Grego na halos walang mga nilalang siyang nakikita rito at tanging ang mga nakikita ng binatang si Van Grego ay mga kakaibang mga bakas ng kalmot sa mga rock formations dito. Hindi niya laam kung ano'ng klaseng nilalang ito ngunit masasabi niyang mga flying Type na Martial Beasts ang mga ito. Hindi kasi maabot ng mga land type na martial beasts ang mga iyan. Pansin ng binatang si Van Grego na napakaraming mga mataas na rock formations dito at mas dumadami pa ang mga marka ng kalmot ng kung anumang nilalang na naririto. Nakakalito lang isipin na tila ba ginawa ito purposely ng mga martial beasts na ito na isang pambihirang bagay. Hindi na rin ito bago sa kaniya dahil mayroong mataas na lebel ng katalinuhan ang mga halimaw lalo na kung mataas din ang kanilang lebel ng Cultivation. Wala siyang panahon upang alamin pa ito sa kaniyang sariling Book Artifact sapagkat dapat siyang mag-ingat sa ngayon dahil hindi niya alam ang naghihintay na panganib sa kaniya. Ang kailangan niyang maging mapagmatyag at alerto. Anumang ingay ang malilikha niya ay baka makaagaw ng pansin o atensyon sa mga nilalang na naririto. Hindi nagtagal ay pansin ng binatang si Van Grego na papasok siya sa isang basin ng bulkan. Ito ang lugar kung saan ay medyo makipot ang daan ngunit sa napakalawak pa rin nito yun nga lang ay napakalawak ng lugar at espasyo kanina kumpara sa kinaroroonan niya ay nagmistulang hindi ganoon kalaki ang lugar para sa mga flying type na martial Beasts. Nang papasok siya ay doon niya napansin na mass uminit at umiinit pa ang buong lugar. Tila ba nakakahindik at nakakatakot ang fire energies sa paligid ngunit naman siya ganoong apektado. Mayroon siyang dalawang sacred fire sa loob ng kaniyang sariling dantian at mayroon siyang mataas na lebel sa konsepto ng apoy idagdag pa ang Vermillion Blood Essence at ang Red Fury Fire ay siguradong hindi siya ganoong maaapektuhan ng simpleng init ng bulkang ito. Nang makapasok na ng tuluyan ang binatang si Van Grego ay bumungad sa kaniya ang napakalaking tila lawang lugar na punong-puno at napakayaman sa fire energies. Sa gitna ng ilog ay pansin niya ang kakaibang kulay ng magma. Napakatahimik ng buong lugar. Ngunit napansin ng binatang si Van Grego na mayroong mga pares ng mga matang nakatingin sa kaniya. Agad naman itong tiningnan ng binatang si Van Grego at napansin niyang mula ito sa mga dambuhalang mga nilalang. "Red Palm Bird?!" Sambit ng binatang si Van Grego nang mapansin at matukoy niya ang mga ito. Nang bilangin niya ang mga ito ay nasa dalawampo ang bilang ng mga ito. "Shrriiiiieeeecccckkkkkk!!!! Shrriiiiieeeecccckkkkkk!!!! Shrriiiiieeeecccckkkkkk!!!! ...!" Bigla na lamang umatungal ng malakas ang mga halimaw na ibon na ito. Hindi naman makapaniwala ang binatang si Van Grego sa kaniyang nasaksihan. Tila ba ang mga nilalang na ito ay sa libro niya lamang nakikita. Kaya pala pamilyar sa kaniya ang mga markang iniwan ng mga halimaw na iyon sa mga dinaanan niya. [Ang Red Palm Bird ay isang uri ng halimaw na ibon na siyang nabibilang sa mga flying type Màrtial Beasts kung saan ay kilala itong nag-iiwan ng mga kalmot sa kanilang teritoryo upang gawin babala sa sinumang papasok sa kanilang mga lungga. Malalakas ang mga ibon na ito lalo na ang kanilang nagtatalasang mga kuko dahil dito sila kilala. Matalas din ang paningin ng mga ito at naninirahan ang mga ito sa mga piling mga bulkan. Isa sila sa masasabing descendants o nagmula sa bloodline ng Giant Red Bird na isang God Beasts. Kilala ang mga ito sa brutal at agresibong pagpatay ng kanilang mabibiktima.] "Kung minamalas ka nga naman oh!" Mahinang sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang mabilis siyang napaatras sa kaniyang kinaroroonan. Mabilis naman siyang hinabol ng mga Red Palm Bird sa pamamagitan ng paglipad ng mga ito ng mabilis sa kinaroroonan ng binatang si Van Grego. "Ang lakas ng mga Red Palm Bird na ito na sugurin ako. Isa lamang Martial Ancestor Realm Beasts ang mga ito kaya madali ko lamang silang matatalo." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang mabilis niyang tinahak ang daang kaniyang dinaanan kanina at nagsagawa ng skill. Mabilis na napalitan ang normal na kamay ng binatang si Van Grego ng isang kamay ng isang flood dragon na walang iba kundi ang maladragong kamay nito na mayroong limang nagtatalimang mga kuko. Agad siyang mabilis na tumakbo sa edge ng makipot na daan at mabilis na tumalon ng mataas. Tuming naman na dumaan ang isang Red Palm Bird ngunit ang sumunod na pangyayari ang siyang hindi inaasahang mangyayari sa nasabing Red Palm Bird. Agad na nahagip ng nagtatalimang mga kuko ng binatang si Van Grego ang likod ng nasabing halimaw na ibon kung saan ay mabilis niyang kinalmot ang likod nito. "Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!" Isang tunog ng pagdaing ang ginawa ng halimaw na Red Palm Bird nang maramdaman nito ang pagbaon ng mga nagtatalimang kuko ng binatang si Van Grego. Ramdam nito ang kakaibang suppressing power ng malahalimaw na kamay ng binatang si Van Grego. Agad naman itong nakatawag ng pansin sa iba pang mga kalahi ng Red Palm Bird na sugatan ngayon. Pilit nitong gustong makawala sa mabagsik na kamay ng binatang si Van Grego ngunit tila ba hindi niya na ito magagawa pa dahil... BANGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!! Bigla na lamang sumabog sa ere ang katawan ng halimaw na Red Palm Bird matapos na punteryahin ng binatang si Van Grego ang dantian ng halimaw sa pamamagitan ng pag-unleashed ng Flood Dragon Claw intent nito. Nagulat naman ang mga papasugod na mga Red Palm Bird nang makita nila ang anyo ng binatang tao na hinahabol nila. Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!!!! Shrriiiiieeeecccckkkkkk!!!! Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!!!! ...! Tila naging mas agresibo ang mga ito habang papasugod sa binatang tao na si Van Grego. Alam ng binatang si Van Grego na wala na siyang pagpipilian pa kundi ang lumaban at paslangin ang sinumang gustong labanan at paslangin siya. Matalino man ang mga nilalang na Red Palm Bird ngunit wala silang consciousness. Isa pa ay napakaagresibo ng mga ito at brutal kung pumaslang ng biktima nito. Walang dahilan upang umatras at hayaan lamang ng binatang si Van Grego na mabuhay ang alinman sa mga ito sa ngayon dahil baka pagsisisihan niya pa ito sa huli. Dahil sa natural instinct ng mga ito bilang agresibong mga ibon ay walang magagawa si Van Grego kundi labanan ang mananakit sa kaniya. Kailangan niyang palakasin ang kaniyang sariling Alchemy Fire at hindi magiging posible na makaobtain siya kung hindi papayag ang mga halimaw na Red Palm Bird na kilala sa pagiging madamot ng mga ito at hindi ipapagamit ang kanilang lugar para sa benepisyo ng ibang nilalang. PAHHH!!! Lumapag ng malakas ang binatang si Van Grego sa lupa habang makikita ang maraming nagkalat na dugo sa asul nitong roba na siyang dugo ng halimaw ng isang Red Palm Bird. Hindi siya nanghihinayang na patayin o paslangin ang mga ito. Sinugod siya ng mga halimaw na Red Palm Bird ngunit mabilis na tumakbo ang binatang si Van Grego kung saan ay ginamit niya na ang kaniyang sariling Movement Technique na walang iba kundi ang Fiery Hawk Movement Technique. Ngunit napakabilis talaga ng mga halimaw na ito lalo na sa paglipad. Ang tanging nagawa ng binatang si Van Grego ay iwasan ang mga ito na madagit siya sa pamamagitan ng pag-iwas, pagyuko, pagpapadulas at iba pa na siya namang mabilis niyang naiiwasan ang mga ito. Ramdam niyang napapalibutan siya ng mga halimaw sa kasalukuyan. Tunay ngang nakakatakot naman talaga ang ganitong klaseng pamamaraan ng mga halimaw na ito. Wala pa siyang kakayahang lumipad o alinmang pantapat sa bilis ng mga halimaw na Red Palm Bird. Tila ba ay parang isang maliit na isda lamang ang binatang si Van Grego sa harap ng mga dambuhalang nilalang na Red Palm Bird kung saan ay makikitang mabilis at salit-salitan siyang pilit na dinadagit ng mga ito gamit ang nagtatalimang mga kuko ng mga ito. Tila nagtagis naman ang ngipin ng binatang si Van Grego. "Pesteng mga halimaw na ibong ito. Kung magpapatuloy lamang ito ay maaari akong manghina at mapaslang ng mga ito. Ngunit ipapatikim ko sa kanila ang agarang kamatayan na hinahanap ng mga ito." Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang. Nakita niyang papasugod ang dambuhalang nilalang na Red Palm Bird sa kaniyang kinaroroonan. Bago pa siya maabot ng natatalimang mga kuko nito ay mabilis siyang tumalon at hinawakan ang leeg ng halimaw na ibon at mahigpit niyang hinawakan ito. Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!!!! Isang mabilis na pag-atungal ang ginawa ng halimaw na Red Palm Bird nang sinubukan nitong paalisin ang binatang tao na si Van Grego ngunit mahigpit ang pagkakapit ng binatang si Van Grego. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binatang si Van Grego at mabilis nitong sinaksak ng kaniyang nagtatalimang kaliwang kamay ang mismong dambuhalang leeg ng halimaw na Red Palm Bird. Ang lipad ng halimaw ay bigla na lamang naging pababa ang direskyon nito at hindi na gumagalaw ang katawan nito. Bago pa sumasadsad sa lupa ang nasabing halimaw ay mabilis na umalis ang binatang si Van Grego sa pamamagitan ng pagtalon sa ibng direksyon. BANGGGGGGGGG!!!!!!!!! Bigla na lamang sumabog ng malakas ang lugar na pinagbagsakan ng halimaw na walang iba khndi ang naglalakihang mga batuhan doon kung saan ay tumalsik ang napakasaganang dugo ng halimaw nang nasabing Red Palm Bird. Tila nagalit naman ang iba pang mga Halimaw na Red Palm Bird kung saan ay mabilis silang sumugod sa mismong kinaroroonan ng binatang si Van Grego. Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!!!! Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!!!! Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!!!! Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!!!! ...! Tila nagulat naman ang binatang si Van Grego sa nakikita niyang sinugod sa kanya ang lahat ng natitirang mga halimaw na Red Palm Bird. "Hmmm... Masyado ng inconvenient kung lalabanan ko nag lahst ng ito. Sigurado akong magugustuhan ito ng mga alaga kong mga halimaw sa loob mg Myriad Painting."Sambit ng binatang si Van Grego sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang labis na kagalakan. Hindi niya alam kung matutuwa ang mga alaga niyang mga ibon na nakatira sa Niraya Tree o hindi. Nang malapit na sa kaniya ang nasabing mga halimaw na Red Palm Bird ay mabilis niyang binuksan ang Myriad Painting. Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!! Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!! Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!! Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!! ...! Tila ba ang kaninang mababagsik na pag-aanyo ng mga halimaw na Red Palm Bird ay mabilis na napalitan ng ibayong takot nang biglang mayroong kakaibang pangyayari ang kanilang nasaksihan. Mayroong lumitaw na kakaibang bagay sa kanilang harapan na ngayon lamang nila nakita. Sinubukang umatras at umalis ng mga halimaw na Red Palm Bird sa nasabing kakaibang bagay hindi nila magawang makaalis. Huli na ng mapagtanto nilang naisahan sila ng binatang si Van Grego at hindi nagtagal ay nilamon sila ng kakaibang bagay na ito papunta sa kakaibang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD