Chapter 13

2021 Words
Matapos ang pangyayari sa labanan ay mabilis na nagtungo ang binatang si Van Grego papunta sa nasabing lugar na kung saan naroroon ang bulkan. Dinala niya rin ang nasabing mga napaslang niyang mga bangkay ng halimaw na Red Palm Bird. Masasabi niyang kanilang mga Blood Essence sa katawan ng mga ito ay maaaring gamitin niya upang maging puro ang kaniyang nakuhang Tiger Crest Sacred Fire nitong araw lamang. Mas malaki ang tsansang magtagumpay siya sa gagawin niyang ito. Masasabi niya sa pagbalik niya sa nasabing lugar na bulkan na ito na defective ay sobrang timing lamang. Kaya pala ganoon na lamang kalawak ang ranges ng defective na bulkang ito ay dahil pala kapag sumabog ito ay tila umuulan ng mga nagbabagang apoy palabas ng bulkan at sa iba't ibang direkyon pumupunta ang mga apoy nito. Tila ba natapos ang penomena nito nang hindi naman gaano katagal at masasabing maswerte ang binatang si Van Grego. Tila ba isa itong lawa ng kumukulong mga magma ang nasabing lugar na ito. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binatang si Van Grego at lumutang siya sa ere at mabilis na pumunta sa mismong Tiger Crest Sacred Fire. Nang makalapit siya rito ay agad niyang ibinato ang ang mga napaslang niyang mga halimaw na Red Palm Bird sa mismong parte ng mayroong Sacred Fire kung saan ay masasabi niyang napakapambihira talaga ng fire energies na naririto. Tila ba nasa sentro ito ng napakalawak na mga magma. Agad niyang pinili ang mga Fire Attribute na mga Beast Cores at halos isang libo ang inilagay ng binatang si Van Grego dito. Talagang planado na talagan ito na mangyari mapalakas pa lalo ang kaniyang sariling Alchemy Fire at makontrol pa ito ng maayos. Hindi pa diyan nagtatapos at muli na namang nilagyan ng binatang si Van Grego ng mga kakaibang at pambihirang mga Cultivation herbs ang nasabing Tiger Crest Sacred Fire na siya namang mabilis na humalo sa mismong Sacred Fire. Walang sabi-sabing umupo ang binatang si Van Grego sa ere sa ibabaw ng nasabing Sacred Fire na ito na nasa gitna ng bulkan. Binalot ng binatang si Van Grego ang kaniyang buong sarili ng kaniyang protective essence. Dito ay mabilis na nakita nito ang kaniyang sariling nagcu-cultivate dito ng Tiger Crest Sacred Fire Habang nagcu-cultivate ang binatang si Van Grego ay ramdam na ramdam niyang pumapasok sa kaniyang buong katawan ang nasabing mga fire energies maging ang mga sangkap na inilagay niya sa mismong Tiger Crest Sacred Fire na nasa ilalim lamang niya ay masasabi niyang naaabsorb niya rin ito. Habang papatagal ng papatagal ay bumababa ang pagkakalutang ng binatang si Van Grego upang ihanda ang kaniyang sarili sa paglubog o paglusong sa mismong Tiger Crest Sacred Fire upang ma-obtain ang mismong pambihirang apoy na ito. Sa pamamagitan ng paglusong sa nagbabaga at napakainit na Tiger Crest Sacred Fire na ito lamang ay magiging embodiment at gagawing storage mismo ang katawan niya ng nasabing apoy at maaaring ma-store ang nasabing apoy sa dantian. Gusto niyang makuha ang apoy na ito upang palakasin ang kaniyang sariling apoy at makapagpataas na din siya ng kaniyang konsepto ng apoy na hanggang ngayon ay hindi pa nabababakasan ng pagtaas. Unti-unting Lumulubog at nilulubog ng binatang si Van Grego ang kaniyang sarili sa napakainit na Tiger Crest Sacred Fire na ito sa sentro ng bulkan. Nakaramdam man ng ibayong init ang binatang si Van ngunit ramdam niyang hindi naman gaanong kagrabe o unbearable ang nasabing naglalawang apoy na ito. Hanggang sa tuluyan ng lumusong ang buong katawan ng binatang si Van Grego at patuloy pa rin sa paghigop ng enerhiya ang kaniyang buong katawan kung saan ay masasabi niyang napakaganda sa pakiramdam. Pakiramdam ng binatang si Van Grego ay tila nasa alapaap siya. Ngunit nagkakamali ang binatang si Van Grego nang inaakalang ang lahat ng kaniyang pinlano ay naaayon sa kaniyang plano. Ang bulkang ito ay milyong taon na ang pag-exist at dahil sa harang ay pinipigilan nitong mamuo ng tuluyan ang nasabing bulkan na ito na ang porma nito ay tila nagiging malawak na lawa. Papalubog ng papalubog ang buong katawan ng binatang si Van Grego at tila ba nakakaadik ang pagcucultivate ng ganitong klaseng apoy na milyong taon na palang nag-eexist ito. Tila ba habang papatagal ng papatagal ay napakalayo na ng nararating ng binatang si Van Grego at napakalalim na niya. Ang apoy ay tila nagiging mainit din ngunit mabilis na nag-aadjust ang katawan ng binatang si Van Grego. Ngunit ang lahat ng ito ay hindi napag-isipang mabuti ng binatang si Van Grego. Dahil sa pakiramdam na ito ay hindi aakalain ng binatang si Van Grego na sobrang napakalalim niya na at napakalayo niya na sa mismong ibabaw ng bulkan. Bigla na lamang lumitaw ang isang kakaibang kulay itim na nilalang na parang bulate ang bigla na lamang kumapit at pinuluputan sa balat ng binatang si Van Grego habang mabilis nitong sinakop ang buong katawan nito hanggang sa kapitan nito ang ulo ng binatang si Van Grego. Tila nagpupumiglas ang binatang si Van Grego ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata nito habang makikita gusto nitong magmulat ng mga mata niya ngunit itla hindi ito makamulat. Ang nakaupong pagkakapwesto nito ay makikitang nagpapadyak na ang binatang si Van Grego habang sa magstraithen up ang katawan nito. Ngunit sa kasamaang palad ay tuluyan ng kumapit sa balat nito ang kakaibang nilalang na ito. Nawala at nasira na rin ang protective essence nito sa katawan habang tila parang wala ng buhay ang buantang si Van Grego habang pailalim pa ng pailalim ang pagkakapunta nito. Wala ng anumang paggalaw ang nangyari sa binatang si Van Grego. Motionless and there's no sign of being awake. ... Sa loob ng Tombstone Battlefield ay kasalukuyang naglalakbay ang dalawang nilalang na ito sa parehong direksyon. Ang dalawang nilalang na ito ay walang iba kundi sina Nova Celestine at si Rain. Kapwa nag-uusap ang mga ito habang naglalakbay ang mga ito ng mabilis. "Nasaan na ang pasaway na binatang iyon? Sana ay okay lang siya." Sambit ni Nova Celestine. Alam niyang napakadelikado ng sitwasyon kinakaharap nila at masasabi niyang hindi maaaring suklian niya ng kabutiahn ang binatang nagngangalang Van Grego. "Malamang kinain na iyon ng mga ambabangis na halimaw rito baka nga n-------!" Sambit ni Rain. Napatigil naman si Nova Celestine at mabilis na hinawakan si Rain sa kamay upang tumigil. "Wag ka ngang magbiro Rain ng ganyan. Naisip kong tama ang binatang iyon na mas mabuting magpakalayo-layo muna tayo. Ngunit ang binatang iyon ay talaga namang lapitin talaga ng panganib pero naniniwala akong buhay pa siya." Sambit ni Nova Celestine habang makikitang naniniwala itong buhay pa ito. Balas sa mukha nito ang pag-asa. "Sabihin na nating buhay siya ngunit isa lamang siyang Martial Ancestor Realm Expert at hindi natin maitatangging mapapaslang lamang siya sa huli." Seryosong sambit ni Rain habang labis na kinokontra ang gusto ni Nova Celestine. "Hindi ko aakalaing kokontrahin mo ang kagustuhan ko ngayon Rain. Simple lang naman ang gusto kong mangyari ay makitang ligtas ang binatang iyon ngunit sa palagay ko ay di ka sang-ayon sa aking plano." Sambit ni Nova Celestine habang bakas sa mukha nito ang labis na kalungkutan. "Alam ko ang gusto mong sabihin Prinsesa ngunit sa lawak ng Tombstone Battlefield na ito ay ni anino niya ay maaaring di natin mahagilap. Hindi ba pwedeng tanggapin na wala na siya?!" Sambit ni Rain habang bakas sa mukha nito ang labis na lungkot rin. Alam niyang masakit man isipin ngunit alam niya at nagpapasalamat siyang niligtas nito ang Prinsesa ng kahariang pinagsisilbihan niya noon ngunit alam niyang napakaliit ng tsansang mabuhay pa ang binatang nagngangalang Van Grego sa lugar na ito ng mag-isa. Kahit nga isang Martial Monarch Realm Expert siya at Martial God Realm Expert si Prinsesa Nova Celestine ay siguradong hindi pa rin sila siguradong magiging ligtas sila dahil napakaraming malalakas pa na nilalang ang lugar na kinaroroonan nila. Ang lugar kasi na ito ay hindi para sa mga mahihina kundi para sa malalakas at mayroong taglay na ibayong kakayahan. Ngunit ano ang maaari kong gawin? Hahayaan ko nalang mamatay ang nagligtas sa akin? Nagpapatawa ka ba Rain, hindi ko maaatim na hayaang mamatay ang nagligtas sa akin nang wala man lang akong nagagawang mabuti." Sambit ni Nova Celestine habang makikita ang labis na lungkot at ibayong konsensya o guilt na nararamdaman. "Alam ko yun Mahal na Prinsesa pero ano ang magagawa natin? Napakalawak ng lugar at ibayong panganib ang naghihintay sa atin kapag pinilit nating galugarin ang kasulok-sulukang bahagi ng Tombstone Battlefield. Ang ating kakayahan ay limitado lamang. Kung ninanais mong maging bayani ay hindi pa aapat ang kakayahan mo. Siguro nga naging instrument o ang binatang nagngangalang Van Grego na iyon para maligtas ka sa ibayong kapahamakan noon ngunit matutuwa ba ang binatang iyon kung mapapahamak ka lamang sa gagawin mo?! Diba hindi?!" Seryosong sambit ni Rain habang makikita na nalulungkot din siya. Kung buhay man ito o namatay man ang binatang nagngangalang Van Grego ay hindi niya masasabi. Kung minalas man ito ay sigurado siyang tadhana o kapalaran niya mismo ang may gawa nito lalo pa't hindi umayon sa kaniya ang mga ito. "Pero subukan pa nating galugarin ang buong lugar na naririto baka sakaling naririto pa ang binatang iyon. Kung hindi talaga eh try ng try lang natin habang sinisiguro din natin ang ating kaligtasan. Naniniwala pa akong buhay pa siya ngunit tila hindi ko na maramdaman ang sarili nitong presensya." Sambit ni Prinsesa Nova Celestine nang mapagtanto niya ang isang bagay. "Ginamit mo ba ang sikretong Technique niyo Nova Celestine sa binatang iyon?!" Seryosong sambit ni Rain habang makikitang hindi ito natutuwa sa ginawa ng dalagang prinsesa. "Ginamit ko iyon sa binatang iyon maging sa kapatid kong si Loon ngunit bakit pakiramdam ko ay nawala ang aura ng binatang iyon na parang bula ngayon-ngayon lang?!" Sambit ni Nova Celestine habang makikitang napaluha lamang ito. "Alam mo namang ang sikretong Technique niyo ay isang Cultivation iyon para palakasin at patatagin mo ang iyong martial heart ngunit bakit mo nilagay iyon sa binatang lalaking iyon na kung sino man iyon. Hindi mo ba alam na kapag ano ang magiging balik nito sa'yo prinsesa?!" Sambit ni Rain habang nito mapigilang hindi sermunan ang dalagang prinsesa na siyang pinagsisilbihan niya. "Alam ko ang ginagawa ko Rain. Masama bang magtiwala sa taong niligtas ka sa kapahamakan? Hindi ba sapat na dahilan iyon upang pagkatiwalaan ko siya? Yung mismong kapatid ko sa sarili kong ama ay nagawa pang pagtaksilan ako at sinubukang paslangin ako. Don't worry hindi na ko gagamit ng sikretong Technique na ito ng lahi na bigay sa akin ni ina. Siya nga pala, ginamit ko din ito sa'yo noon pa man." Sambit ni Nova Celestine habang nito mapigilang lumuha. Mabilis din itong lumipad palayo kung saan ay bakas din ang hinagpis sa aurang nakapalibot sa buong katawan nito. Mistulang natuod naman si Rain sa sinabi ng dalagang si Nova Celestine. Ang sikretong Technique nila ay mayroon lamang tatlong branches na siyanv nangangahulugang tatlong nilalang lamang ang maaaring nigyan niya ng koneksyon niya. Nang ma-digest niya ang lahat ng nalaman niyang impormasyon lalo na patungkol sa sinabi ng dalagang si Prinsesa Nova Celestine ay tila nakaramdam siya ng saya ngunit kalakip din nito ang ibayong pagsisisi sa sinabi nito. "Ang tanga-tanga mo Rain, bakit mo sinabi iyon ha. Napakawalanghiya mo at napakawalang kwenta mo talaga kahit kailan. Kung makapagsalita ka ay parang wala kang kasalanan." Sambit ni Rain sa kaniyang sarili at sinasampal-sampal ang kaniyang mukha at napasabunot pa ito ng kaniyang buhok sa labis na hiya at pagsisising sa kaniyang sinabi kay Prinsesa Nova Celestine. Nakaramdam siya ng labis na kahihiyan at frutrations. Sinubukan niyang hagilapin ang presensya ng dalagang si Prinsesa Nova Celestine ngunit wala siyang mahanap kung saan na ba ito. Sinubukan niyang maglibot-libot at maglakbay upang hanapin ang prinsesang si Nova Celestine at maging ang binatang Martial Artist na si Van Grego. Isa lang ang katotohanang alam niya, nagtitiwala ng lubusan sa kaniya ang prinsesang si Nova Celestine at mahalaga siya rito. Hindi lubos aakalain ni Rain na may nagpapahalaga sa kaniya at isa siyang importanteng nilalang para sa dalagang prinsesang si Nova Celestine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD