Nakatingin lamang si Vladd Grego sa itaas na bahagi ng lugar na kinaroroonan niya nang mapansin ang paglitaw ng binatang si Van Grego sa ere habang mistulang mayroong kakaibang nilalang na nakapalibot sa buong katawan nito. Dambuhala ito sa laki at masasabi niyang nakakatakot na halimaw ito na hindi niya matukoy kung ano ito. Hindi rin matutumbasan ang kakaibang aurang nakapalibot rito. Napakalayo ng binatang si Van Grego sa pwesto niya ngunit ang laki ng halimaw na ito ay talagang matatakot ang sinumang makakakita nito.
"Anong klaseng halimaw ito. Ni hindi nga ako nakakita ng ganitong klaseng halimaw sa tanang buhay ko. Nakakulong at mahimbing na natutulog pa ang mga kapatid ko. Hindi maaaring mapaslang ang binatang si Van Grego dahil kapag nagkataon ay mapapaslang kaming lahat!" Sambit ni Vladd Grego sa kaniyang isipan lamang. Wala siyang kakayahang makapagsalita nang naaayon lamang sa kaniyang sarili. Napakaraming mga pambihirang mga kadena ang nakatarak sa katawan niya at ang iba'y ay nakapulupot sa kaniyang mga kamay, binti, hita at iba pa kaya masasabing hindi siya makakagalaw ng maayos dahil sa dami ng restrictions niya. Hindi niya aakalaing napakamalas niya. Sino ba naman ang mag-aakalang ang kaniyang sariling kakayahan at sobrang lakas niya man ngunit wala siyang magagawa upang mawasak ang mga ito sa kaniyang pamamaraan lamang.
Matutuwa sana siya kung ang binatang si Van Grego ang masasaktan sa labas ng katawan nito at papupuntahin niya ang mga atakeng ito sa loob mismo ng katawan nito direkta sa mga pesteng kadenang nasa katawan niya. Medyo nainis siya sa binatang si Van Grego dahil hindi na ito nagpapatama at pilit nitong iniiwasan ang g**o na siyang nagpapatagal pa ng panahon na makalaya siya mula rito.
Ngunit ang biglaang paglitaw ng binatang si Van Grego mismo sa lugar na kanilang pinagkukulungan at kasama pa ang buhay na buhay na nakakatakot na nilalang na di pa natutukoy na halimaw ay talaga namang nakakaalarma. Litong-lito siya kung ano ang ginagawa ng nilalang na ito sa loob ng katawan ng binatang si Van Grego.
Kung titingnan kasi ang buong kaanyuan ng nilalang na ito ay wala itong mukha liban na lamang sa pahaba nitong katawan na sobrang dambuhala talaga at ang pagpag-ikot-ikot nito sa katawan ng binatang si Van Grego ay tila ba hindi niya maintindihan ito.
Siya na isang malakas na nilalang ay hindi siya magpapatalo sa nilalang na ito kahit mapaslang siya nito. Alam niyang hindi simpleng nilalang àng nakikita niya at kahit na labanan niya ito ay matatalo lamang siya dito.
Kitang-kita niya ang buong pangyayaring ito ngunit tila pakiramdam niya ay ang hinang-hina niya. Siya lamang ang saksi sa kakaibang pangyayari na ito. Kung gising ang iba niyang mga kapatid ay siguradong uusok din ang mga ilong nila sa labis na galit.
"Ano ba talaga ang gustong gawin ng dambuhalang nilalang na ito?! Sa palagay niya ba ay mukha lamang akong pesteng insekto rito?! Hmmmp!" Tila nagpupuyos sa galit na pagkakasabi ni Vladd Grego. Kahit magpuyos pa siya sa galit o magwala man siya ay hindi niya iyon magagawa physically sapagkat para lamang siyang estatwa dito na tanging ang mata niya lamang ang maaaring gumalaw.
...
Sa labas ng bulubunduking lugar naman na kung saan mayroong napakalawak na lawang nagkokonekta sa karagatan ay nag-uusap ang dalawang nilalang na walang iba kundi ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya.
"Isang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nakalalabas ang binatang si Van Grego este ang bagong Stardust Envoy natin. May nangyaro kayang masama sa kaniya sa loob ng kakaibang lugar na iyon?!" Nag-aalalang sambit ni Ginang Vernaya habang makikita ang labis na pangamba sa tomo ng boses nito.
"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan asawa ko dahil ang binatang iyan ay itinakdang maging tagapagligtas ng mundong ito. Paano mo masasabi na hindi siya magtatagumpay sa loob ng Myriad Dimension na ito?!" Sambit ng lalaking halimaw na One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang pilit nitong pinapakalma ang kaniyang sariling asawa na si Ginang Vernaya.
"Naniniwala akong hindi sa lahat ng panahon ay dapat umasa lamang tayo sa Stardust Envoy. Kailangang tumayo ang lahat ng mga nilalang sa kanilang mga paa dahil ito ang natural na daloy ng buhay. Kapag namatay ang Stardust Envoy sa kasalukuyan ay dito na mapuputol ang succession nito. Magkakaroon ng kakaibang penomena sa mundo ng kapatid ng dating Stardust Envoy na siyang magsisilbing hudyat na darating ang ibayong panganib.
Magsasalita pa sana ang lalaking halimaw na One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper nang bigla itong nakaramdam ng kakaibang panganib sa paligid nito.
Agad na napatingin ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python sa himpapawid.
Dito ay nakita nila ang pamumuo ng napaitim na usok sa himpapawid. Napakalawak nito habang makikitang hindi maaaring baliwalain ang nasabing kakaibang bagay na ito.
Hindi nagtagal ay lumitaw sa pagitan ng napakaitim na usok ang isang nakaitim na robang nilalang habang maysuot itong gintong maskara. Mayroon itong hawak na isang mahabang tela metal na bagay at sa dulo nito ay isang black orb na tila umiikot-ikot pa na siyang naglalabas rin ng itim na usok.
"Hahahahahaha... Hindi ko aakalaing nagkaroon na ng bagong succesor ang pesteng Stardust Envoy na si Silent Walker. Tunay na napakagandang balita ito hehe...!" Sambit ng nilalang habang nakakakilabot itong bumungisngis sa huli.
"Hmmmp! Nagbalik ka na pala ngayon Shadow Crow. Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong hanapin kami at nakikinig ka ng palihim sa usapan namin. Talagang napakawalanghiya mo talaga kahit kailan!" Galit na galit na sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya.
"O Vernaya, kung hindi ka lang sana nagpakasal sa pesteng Triper na iyan ay pwede ka na sanang maging concubine ko hehehe!" Malademonyong sambit ng naka-gintong maskara habang makikitang nakatingin ito kay Vernaya ng malagkit.
Nagpupuyos naman sa galit ang lalaking halimaw na One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper sa sinasabi at ipinapakitang malagkit na tingin ng nakagintong maskara na si Shadow Crow. Gusto niyang paslangin ito ng naaayon sa kagustuhan nito.
"Hmmmp! Tigilan mo ang asawa ko sa kamanyakan at kalandian mo Shadow Crow kung ayaw mong ako mismo ang pumaslang sa iyo!" Nanggagalaiting sambit ni Ginoong Triper nang makitang hindi pa tumitigil ang pesteng Shadow Crow na ito sa kakabigay ng flirtatious looks sa asawa nitong si Vernaya kahit na nakasuot ito ng maskara nito.
Agad naman siyang tiningnan ng nakagintong maskara na si Ginoong Triper.
"Hahaha... Wag kang mag-alala dahil nandito lang naman ako para bisitahin kayo. Hindi ba kayo natutuwang makita ako ngayon?! Nakakalungkot naman." Sambit ng lalaking si Shadow Crow na tila ba nalulungkot ito sa tono ng boses nito.
"Hahaha... Napakathoughtful mo naman pala Shadow Crow. Hindi ko aakalaing ang kapal ng apog mo rin eh noh. Sinong nilalang ang maniniwala sa'yo ha?!" Sambit ni Ginang Vernaya habang makikita ang labis na pagkainis sa tono ng pananalita nito.
"Oo na amasonang ahas. Dapat ko bang sabihin na papaslangin ko kayo ngayon? Ganon ba? Edi nasabi ko na. Sinusubukan ko lang namang maging nice bago kayo mawala sa mundong ito hahahaha!!!" Sambit ng nakagintong maskara habang makikita ang labis na pagkayamot. Ang pinakaayaw niya talaga ay yung mga kill joy na nilalang.
"Aba, napakasarkastiko mo din palang peste ka! Ang kapal din ng pagmumukha mong hanapin kami at paslangin kami? Nagpapatawa ka ba?!" Naiinis na sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang makikitang hindi niya maintindihan ang halimaw na ito.
"Pasalamat kayo at na-bored ako noon kaya hinayaan ko kayong mabuhay. Nakakalungkot naman kong papaslangin ko kayo kaagad ng hindi lumalaban hehehe...!" Sambit ng nakagintong maskara na si Shadow Crow.
"Wow, hindi ka lang pala makapal ang mukha, napakahangin mo pa rin hanggang ngayon. Talagang na-bored ka ba o malapit ka ng mapaslang nun. Di ko alam na ang bilis mo palang tumakas. Natakot ka bang mamatay ha?!" Direktang sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Yung feeling na gusto niyang tirisin ang insektong nilalang at walang hiyang si Shadow Crow na ito. Hindi niya alam kung saan ito humuhugot ng kakapalan ng mukha.
"As usual, maganda ka pa rin. Sayang nga lang at kailangan ko kayong paslangin hehe... Noon ay maaaring masasabi kong ina-understimate ko kayo pero ngayon ay hindi ako magkakamaling ituring kong kalebel ko hehehe..."
"Hahaha napakapangit mo siguro. Nakatago ka pa sa gintong maskara mo. Hindi ko aakalaing may pagkaduwag ka rin. Matapos ng ilang mga taon ay nagpakita ka na sa aming teritoryo. Sure you just a coward little cockroach!" Namumuhing sambit ni Vernaya. Hindi niya kasi alam na mala-ipis sa kapestehan ang nilalang na si Shadow Crow. Hindi niya mato-tolerate ang ganitong pag-uugali ng kaaway nila.
"Oh, what's the point of this kind of argument hahaha... Sinasayang mo lang asawa ko ang iyong laway. Paslangin na natin ang ibsektong iyan!" Sambit ng lalaking halimaw na One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper kung saan ay mabilis nitong tiningnan ang kaniyang asawang si Ginang Vernaya.
Napatango na lamang si Ginang Vernaya nang tumingin siya sa kaniyang asawa kung saan ay mabilis ang mga itong nabalot ng liwanag.
Bigla na lamang nagbago ang mga anyo ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya. Mula sa malahalimaw nilang mga anyo ay naging maladiyos at diyosa ang kanilang mga anyo.
Napakakisig ni Ginoong Triper sa suot nitong armor at napakagwapo ng pagmumukha nito kung saan ay napakaamo ng facial features nito. Ang kaniyang paa ay mayroon ding boot armors. Sa kabuuan ay nakafull battle armor ito habang hawak nito ang isang malaking espada na naglalabas ng napakalakas na enerhiya. Naglalabas ng kakaibang kulay ubeng enerhiya sa buong katawan nito. Mayroon itong kulay dark violet na napakatulis na sungay sa pagitan ng kaniyang sariling noo.
Si Ginang Vernaya naman ay tila diyosa sa napakagandang armor nito na hapit na hapit sa kaniyang katawan. Ang kaniyang kasuotan ay binagayan din ng kaniyang napakagandang pagmumukha na hindi maaaring baliwalain ng sinuman. Kung tao lamang ito ay magkakandarapa ang sinumang Màrtial Artists na makakasilay ng kagandahan nito. Ngunit hindi ka magpapaloko sa kagandahan nito dahil isang napakatapang na babae ni Ginang Vernaya. Sa kasamaang palad ay hindi mo aakalaing tao ito sapagkat mayroong isang napakatulis na sungay siya sa bandang noo na kulay ginto katukad ng kaniyang asawang si Ginoong Triper habang ang buong katawan nito ay naglalabas ng kakaibang tila dilaw na enerhiya. Mayroong hawak ang babaeng halimaw na One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya na isang harp.
Sa kaanyuan ngayon ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya na nasa kanilang Human Form ay masasabing handa na silang sagupain at labanan ng buong kaseryosohan ang pesteng kaaway nila na si Shadow Crow.
Kapwa nakalutang sila sa ere habang nakatingin sa himpapawid sa medyo may kalayuan mula sa isang nilalang na si Shadow Crow.
"Wow, nakakamangha naman at napakasweet niyo naman. Talagang may pa-welcoming party pa kayo sa akin. Bakit di niyo ko in-form para mayroon namang pasabog na naganap. Hala sila o, ano to pabonggahan at paastigan ng transformation?! Ngunit talaga namang pinahanga niyo talaga ako. Nakarecover na kayo sa pinsalang dinulot ko sa inyo hehehe...!" Sambit ng nilalang na si Shadow Crow na tila nababaliw at hindi pa nito mapigilang magbiro sa kaniyang mga salitang sinasab at napabungisngis muli ito sa huling pangungusap nito.
Tila nabigla naman mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya na nasa kanilang anyong-tao. Hindi nila alam ang ano ang tumatakbo sa isipan ni Shadow Crow. Mas lumala kasi ang saltik ng ulo nito. Hindi nila alam kung sino ang nasa likod ng maskara nito. Wala silang kaalam-alam kung ano ba talaga ang intensyon nito sa kanila at kung ano ang ginagawa nito rito.