Chapter 15

2028 Words
Gamit ang divine sense ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python ay nag-usap ang mga ito sa kanilang isipan lamang. "Makakaya kaya nating paslangin ang nilalang na si Shadow Crow sa mga oras na ito?!" Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Tila ba nag-iisip ito ng malalim sa bagay na ito. Bakas sa tono nito ang pabis na pangamba. "Sa palagay ko ay oo, hindi maaaring mapantayan nito ang lakas natin ngunit nangangamba akong kayang-kaya niya tayong patabuin lalo sa magaganap na labanan sa pagitan natin at ni Shadow Crow. Matagal na ang nasabing labanan noon. Nag-improve man tayo ay nag-improve din malamang ang pesteng nilalang na ito." Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper na bakas din ang pag-aalala at wala rin talaga siyang ideya sa totoong kakayahan ni Shadow Crow sa kasalukuyan idagdag pang hindi gaano kilala ang nasabing kalaban nila. "Paano mo masasabi iyan Triper?! Alam mo ba kung naka-recover na ito mula sa pinsalang natamo nito?!" Nagtatakang sambit muli ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Tila ba palaisipan pa rin sa kaniya na sa ilang toan lamang na lubhang pagkakapinsala nila rito ay mabilis itong nakapagpagamot o kung nagamot nga ba ito ng tuluyan. Litong-lito siya sa kaisipang ito. "Hindi ko alam. Basta kailangan natin siyang mapaslang anuman ang mangyari kahit ibuwis ko ang buhay ko ay gagawin ko." Seryosong turan ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. Hindi kasi niya hahayaang makaalis pa ang Shadow Crow na ito. "Ako rin, handa ko ring ibuwis ang buhay ko alang-alang sa kinabukasan ng mundong ito. Para malaman nito na may bagong Successor ang dating Stardust Envoy na si Ginoong Silent Walker ay kailangan nating patahimikin si Shadow Crow anuman ang mangyari." Seryosong sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Hindi niya hahayaang ang kaniyang butihing asawa lamang ang magsasakripisyo sa kanila dahil kasalanan niya rin naman iyon kung bakit sila narinig ni Shadow Crow. "Tama ka. Delikado kapag lumaganap pa ang impormasyong ito. Anuman ang mangyari ay hindi natin palalabasin o patatakasin man lang si Shadow Crow. Sigurado akong malaking balita ito para sa mga dating kaaway ng dating Stardust Envoy na si Silent Walker." Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. Nangangamba siyang isiwalat ito ng nialalng na si Shadow Crow at mabalitaan ito ng napakaraming mga kalaban ng dating Stardust Envoy na si Ginoong Silent Walker. Sigurado siyang lalaki ang suliraning kakaharapin ng binatang si Van Grego na siyang bagong Stardust Envoy at liliit ang lugar na gagalawan nito. "Oo nga eh, may pagka-abnormal din ang isang ito. lilitaw ba naman ng walang pasabi. Sisiguraduhin nating sa susunod na wag na nating pag-usapan ang mga bagay na ito. Napakadelikado at napakaselan na talaga ng impormasyong nalalaman natin na di dapat makalabas at alamin ng ibang mga nilalang." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python habang lubos niyang pinagsisihan ang kaniyang pagsasabi ng mga maseselang impormasyong iyon. Natigil lamang sila sa kanilang pag-uusap ng biglang tumikhim ang kalaban nilang si Shadow Crow. "Bago tayo maglaban ay maaari niyo namang sabihin ang nalalaman niyo patungkol sa bagong Stardust Envoy. Kapag nakipagtulungan kayo sa akin ay maaari ko kayong tuluyan at hindi ko kayo papaslangin. Magiging mahalaga kayong personalidad sa buong organisasyon namin hehehe!!!" Sambit ng nakagintong maskarang su si Shadow Crow. "Hahaha... Nagpapatawa ka ba?! Napag-usapan lamang namin kung sakaling lumitaw ang Successor ng dating Stardust Envoy ay siguradong magkakagulo ang organisasyon niyo hindi ba?!" Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya habang makikita na nakangisi pa ito na tila hindi ito naniniwala sa kaniyang sinasabi kanina. Yung mismong sinusubukan niyang baliktarin yung mga salita niya. "Hmmm... Hindi ko alam kong nagsasabi ka ng totoo babaeng One-Horned White Tiger Python ngunit tila hindi naman ako kumbinsido sa sinasabi mo." Sambit naman ni Shadow Crow na tila ba hindi ito naniniwala sa sinasabi ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. "O siya edi alangan namang magsinungaling ako. Diba nga sinabi ko kanina yung about sa successor ng dating Stardust Envoy. Eh hanggang ngayon ay hindi nga natin alam kung saan namalagi ang dating Stardust Envoy hindi ba? Alam niyo ba kung saan ang lokasyon ng Pambihirang pagoda na siyang naging tirahan niya? Malamang sa malamang ay walang sinuman ang nakakaalam. O baka naman takot ang organisasyon niyo kung sakaling makahanap ng bagong successor ang dating Stardust Envoy?!" Tila pag-oopen up ng topiko ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya habang makikita na hindi ito nagpapatalo sa mainit at maselang argumento na ito. "Hindi takot ang aming organisasyon sa pipitsuging nilalang na Stardust Envoy na si Silent Walker. Isa lamang siyang insektong nilalang na gustong pawalain sa mundong ito at mamatay ng tuluyan. At sa bagong successor? Hindi naman dapat pangambahan iyon eh kung sakaling meron man dahil siguradong napakahina nito ng lubos kumpara sa dating Stardust Envoy na pipitsuging nilalang din. Balita ko nga ay napinsala ng malubha ang Stardust Envoy noon. Bagay lamang sa kaniya iyon dahil kinalaban niya ang napakalakas at hindi mapapantayang organisasyon namin. Kayo kasama ng mga lahi niyong mga One-Horned White Tiger Python ay isang taksil na tumulong sa Stardust Envoy na iyon. Bagay lamang na mamatay siya sa masalimuot na pamamaraan!" Tila galit na galit na sambit ni Shadow Crow habang naglalabas ang katawan nito ng kakaibang aura. Nakakatakot at nakakamangha ang taglay nitong kapangyarihan. "Hahaha nagpapatawa ka ba? Porket ginawa ng lahi namin ang pagtulong sa dating Stardust Envoy ay kasalanan namin iyon?! Nagpapatawa ka ba?!" Pakikisawsaw ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang makikita ang labis na inis sa Shadow Crow na ito ngunit nagpipigil lamang siya. "Oo, at walang patutunguhan ang pag-uusap nating ito. Wala naman pala akong mapapala sa inyong mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python kung kaya't maaari ko na kayong paslangin ngayon. Hindi nararapat na mabuhay kayo. Isisi niyo lamang ang kamalasan ng inyong nalalapit na kamatayan sa mga ninuno niyong pakialamero. Hindi kasi nararapat na mabuhay pa kayo hehe! "Tikman nito ito!" Sambit ng nakagintong maskara na si Shadow Crow habang mabilis na nabalutan ng napakaitim na usok ang dulo ng parang staff na weapon nito. Dito ay unti-unting nagmaterialize ang dalawang naglalakihang mga nakakakilabot na kamay na gawa sa usok. Unti-unting itong gumalaw at naglakbay papunta sa mismong target nito na walang iba kundi ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya. "Hindi ko aakalaing marahas ka pa rin umatake Shadow Crow ngunit hindi tatalab sa amin ang pipitsugi mong mga skills!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang nakangisi. "Oo nga eh. Talagang minamaliit tayo ng kumag na ito. Mukha ba tayong mahina?!" Sambit ni Ginang Vernaya habang makikitang may inis ito sa kanilang kalabang si Shadow Crow. Mabilis na nagkatinginan at nagtanguan ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper at Ginang Vernaya at nagsagawa ng parehong skill. Naramdaman ni Shadow Crow ang kakaibang pangyayari kung saan biglang nawala ang daloy ng hangin kung saan ay parang inagaw ito ng mag-asawang Halimaw na One-Horned White Tiger Python sa pamamagitan ng skill na ito. Poof!!!!! Pooofff!!!! Malakas namang sumabog sa kawalan ang dalawang naglalakihang mga kamay na gawa sa napakaitim na usok. Tila ba naglaho lamang ito na parang bula. "Hmmm... Napakagaling ng taktika niyo ngunit hindi ganito kasimple lamang ang pambihirang skill kong ito!" Sambit ng nakagintong maskara na si Shadow Crow. Bigla na lamang lumitaw muli ang apat na dambuhala at nakakatakot na kamay na gawa sa naoakaitim na usok. Tila ba doble ang size nito sa naunang atake nito. "Huh? Paano ito nangyari Triper?! Bakit nagkaganyan ang skill ng kalaban nating si Shadow Crow." Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya sa kaniyang asaang si Ginoong Triper gamit ang kaniyang sariling divine sense lamang. "Nangyayari lamang iyan kapag nagkaroon ng tinatawag na mastery. Tiyak akong umunlad ang mga Skill nito." Nangangambang sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper sa kaniyang asawang si Ginang Vernaya. Nang papalapit na ang apat na dambuhala at nakakatakot na mga kamay na gawa sa usok ay bigla na lamang napangisi ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya. "Hmmm... Parang natakot naman kami sa pambihirang skill na pinagmamalaki mo." Sarkastikong sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya na tila ba natatakot ang boses nito. Sabay na gumalaw ang katawan ng mag-asawang One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya sa napakagandang pamamaraan. Bago pa mismong maabot ng apat na naglalakihang mga kamay ang kinaroroonan ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na sina Ginoong Triper at Ginang Vernaya ay mabilis na nagkaroon ng kakaibang pangyayari. BANGGGGGGGGG!!!!!!!! Sumabog ang apat na dambuhala at nakakatakot na kamay ng gawa sa napakaitim na usok. Tila ba hindi nito inaasahan ang nasabing pag-opensang ginawa ng mag-asawang One-Horned White Tiger Python. Bigla na lamang humampas ang napakalakas at napakarahas na daloy ng hangin. Tila ba bumalik ang daloy ng hangin sa buong lugar na ito na kanina ay halos hindi maramdaman ang presensya nito. "Hmmmp! Pesteng wind skill lang naman ang ginawa niyo sa aking napakahinang Dark skill. Talagang napakaswerte niyo at hindi ko kayo nagawang patayin ng aking simpleng atake hmmmp!" Tila may inis sa boses na pagkakasabi ng nakagintong maskara na si Shadow Crow. "Nagmamayabang ka pa talaga dahil natalo ka namin. How pathetic!" Sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Tila ba hindi niya alam kung saan nagmumula ang labis na kumpiyansa nito sa kaniyang sarili ng kanilang kapabang si Shadow Crow. "Ayaw lang nitong sabihin na hindi nito kayang tapatan ang atake natin." Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. Tila ba hindi ito kampante sa nilalang na si Shadow Crow. Ngunit nagulat na lamang ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python nang mapangisi ang nakagintong maskara na si Shadow Crow. "Hahahaha... Hindi ko aakalaing napakamangmang niyo. Tingin niyo ba ay ganon lamang ang aking pambihirang skill katulad noong naglaban tayo? Sigurado akong mapapaslang ko kayo ng tuluyan mula sa oras na ito!" Galit na sambit ng nakagintong maskara na si Shadow Crow habang makikita ang panlilisik ng mata nito. "Bring it on!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. Makikitang kumpiyansa siyang hindi sila matatalo ng nakagintong maskara na si Shadow Crow Hindi kasi maaaring matalo lamang sila ng ganitong klaseng nilalang. Pinapangako niya na babalik pa sila sa lugar ng kanilang lahi. "Hahaha... Yan ang gusto ko sa lahi niyong mga One-Horned White Tiger Python, ang tatapang niyo ngunit sayang ang katapangan niyo kung sobramg lakas ng makakalaban niyo hahahaha!" Sambit ng nakagintong maskara na si Shadow Crow habang makikitang humahalakhak pa ito na parang baliw. Maya-maya pa ay nakita lamang nila ang biglang paglabas ng napakaitim na usok sa katawan ng nakagintong maskara na si Shadow Crow kung saan ay nagkaroon ng kakaibang enerhiya ang usok na ito na parang buhay. Dire-diretso lamang itong tila bumagsak sa lupa at mabilis na gumapang ng gumapang. Tila ba kumukulo-kulo ito at unti-unting tumumpok-tumpok ang nasabing usok hanggang sa unti-unting namuo ang tila isang pigura. Sa ilang minuto lamang na pangyayaring ito ay mabilis na lumitaw ang kakaibang dambuhalang nilalang na gawa sa usok. Tila ba nakakatakot ang kaanyuan nito at masasabi mong gawa sa pambihirang uri ng usok ito. "Anong klaseng nilalang ito?! Paanong nagkaroon ng ganitong klaseng halimaw na gawa sa pambihirang usok na ito?!" Hindi ito maaari!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python. Napakadambuhalang nilalang na ito. Hindi ma-distinguish ang anyo nito dahil tila golem ito o malaking halimaw na gorilya na gawa sa usok. "Hindi niyo na kailangan pang malaman kung anong klaseng nilalang ito dahil mamamatay rin kayo sa lakas nito hahaha!!!" Sambit ng nakamaskarang nilalang na si Shadow Crow. Hindi nito mapigilang muling humahalakhak. Tila ba siya na yung panalo sa labanang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD