Chapter 16

2033 Words
Hmmmp! Ako na ang bahala dito asawa ko. Mapapaslang ko ang halimaw na ito sa madaling panahon lamang!" Sambit ni Ginoong Triper sa kaniyang asawang si Ginang Vernaya gamit ang kaniyang divine sense. "Mag-iingat ka." Simpleng tugon ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. "Oo naman, mag-iingat talaga ako. Hindi tayo maaaring mamatay Asawa ko, babalik pa tayo sa lugar ng lahi natin." Sambit ni Ginoong Triper. Tila ba naniniwala siyang hindi maaaring maging pabaya sila sa mga kilos o aksyon nila. May pagka-psychopath o baliw itong kalaban nilang nakagintong maskara na si Shadow Crow. Unpredictable din ang kilos at galaw nito. Papasugod na sa kanilang direksyon ang dambuhalang halimaw na gawa sa usok. Tila ba hindi pa rin makapaniwala si Ginoong Triper sa laki nito. Mabilis namang lumipad papunta sa direksyon ng dambuhalang halimaw ang lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. Yung tipong gusto nitong pulbusin sa pagkapira-piraso ang hindi pa kilalang halimaw na nilalang na gawa sa usok na ito. "Hindi ako naniniwalang mapapaslang kami ng dambuhalang nilalang na ito!" Malakas na sigaw ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang mabilis nitong hinigpitan ng pagkakahawak ang kaniyang sariling espada sa kaniyang kanang kamay. Bigla na lamang ibinato ng malakas ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper ang kaniyang sariling espada. Bigla na lamang makikita ang nakakakilabot na pagkakaikot-ikot ng nasabing espada nito sa ere papunta mismo sa direksyon ng hindi pa kilalang halimaw na ito. Pooofff!!!!! Tila mabilis na naputol ang braso ng nasabing halimaw na siyang ikinangisi ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. "Hahaha... Ang dali namang paslangin ang halimaw na ito hahaha... Sa simpleng pag-sway at pagrotate ng aking espada rito ay naputol ang kamay nito hahahaha!" Sambit sa sarili lamang ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang makikita ang namamangha siya sa kaniyang sariling kakayahan. Tila pakiramdam niya ay parang papel lamang ang parte ng braso ng misteryosong halimaw na ito. Lihim namang napangisi ang nakagintong maskara sa nakikita niyang kasiyahan sa mukha ng lalaking halimaw na One-Horned White Tiger Python na si Triper maging ang magandang asawa nitong One-Horned White Tiger Python din na si Vernaya. "Magsaya lang kayo mga pesteng halimaw dahil hindi niyo alam ang maaaring mangyari sa inyo mamaya hehehe... Sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang huling halakhak!" Sambit ng nakagintong maskara sa kaniyang isipan lamang. Natutuwa siyang naaayon sa kaniyang plano ang lahat. Hindi niya hahayaanabuhay pa ang mga pesteng nilalang na mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python na ito dahil maaaring sila pa ang magdudulot ng malaking problema sa kanilang organisasyon. Maya-maya pa ay nagimbal ang mag-asawang One-Horned White Tiger Python lalo na ang lalaking si Ginoong Triper. "Anong klaseng nilalang ito? Nakaya nitong bumalik ang naputol nitong braso?! Hindi maaari ito!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper habang bakas ang labis na pagkagulat sa boses nito. Tila ba hindi nito alam na kaya palang gawin ito ng misteryosong nilalang na gawa lamang sa usok. Nakita kasi nila kung paano bumalik ang naputol na braso ng halimaw. Tila ba ang inaasahan nilang malalaglag na braso sa lupa ay maglalaho na parang bula ngunit kabaliktaran pala ito sa inaasahan nila. "Oo nga Paanong nangyari ito? Hindi ko alam kung may sa demonyo ba ang nilalang na ito o nagkakaroon lamang ito ng kakaibang kakayahan?!" Tila nagtatakang sambit rin ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. "Hahahaha... As expected sa mga katulad niyong mga haimaw. Hindi niyo ko mapapantayan ngayon at ang mapapaslang sa atin ay kayo at wala ng iba pa hahahahahaha!" Malademonyong sambit ng nakagintong maskara na si Shadow Crow. Tiningnan niya ang mag-asawa na tila ba nanlilisik ang pares na mga mata niya rito. "Tapusin mo sila!" Malakas na sambit muli ng nakagintong maskara na si Shadow Crow. Tila ba hindi ito isang pangungusap lamang sa nasabing kakaibang dambuhalang halimaw na gawa sa kakaibang usok kundi isa itong utos. Mas naging agresibo ang galaw nito. "Thump! Thump! Thump!" Tila ba yumayanig ang lupang tinatapakan nito sa kasalukuyan na hindi maikukumpara sa mga naunang mga paggalaw nito. "Hmmmp! Balak mo ba Shadow Crow na sirain ang napakagandang lugar na ito ha?! Hindi ko mapapayagan ang iyong kagustuhan!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. Hindi nito aakalaing ang nakagintong maskara ay grabe kung makautos sa kakaibang halimaw ito. Imbes na makaramdam ng takot sa pangyayaring ito ay mas nananaig ang galit niya sa nakagintong maskarang nilalang na si Shadow Crow. Hindi kasi nito maintindihan kung ano ang tunay na binabalak nito. "Tama na ang dada mo pesteng Triper, labanan mo ang aking alagad kung kaya mo!" Sambit ng nakagintong maskara na si Shadow Crow. Makikita ang pagkayamot sa boses nito. Ang ayaw na ayaw niys pa naman kasi ay ang nialalng na palagi na lamang tumatalak. "Hahaha... Kung yan ang gusto mo!" Sambit ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper. Makikita ang labis na pagkainis. Gusto niya lamang inisin ang nakagintong maskara na si Shadow Crow. Hawak niya ngayon ang kaniyang sariling espada kung saan ay mabilis niyang hinawakan ito ng mahigpit at naglaho sa kaniyang nasabing pwesto. Mabilis siyang lumitaw sa isang harapan ng nasabing hindi pa tukoy na halimaw na gawa sa usok. Slash! Slash! Slash! ...! Sampong beses na iwinasiwas ng lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper ang kaniyang nasabing sandatang espada na siyang mabilis na humati at nagkapira-piraso ang katawan nang nasabing kakaibang halimaw na gawa sa nasabing usok sa iba't-ibang parte ng katawan nito ngunit mabilis na bumalik ang mga nahiwalay na parte sa katawan nito. Isang hindi inaasahang pag-unat ng napakalaking braso ng kakaibang halimaw na gawa sa usok nito ang bigla pumaroon sa lalaking One-Horned White Tiger Python. BANG!!!! Isang malakas na pagtalsik bito sa malayo ang biglang umalingawngaw sa paligid. Tila ba sa isang kisap-mata ay nandoon na sa napakalayong lugar ang lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper nag mataoos nitong matamaan ng pamatay na atake ng nasabing halimaw. Nagkaroon ng medyo makapal na mga usok ang nasabing lugar na pinagbagsakan nito. "Ahhh!" Napadaing naman ng malakas ang lalaking One-Horned White Tiger Python na si Ginoong Triper dahil sa hindi nito inaasahan talaga na pag-atake ng nasabing kakaibang halimaw. "Triper asawa ko, okay ka lang ba ha?!" Sambit ng magandang babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Tila ba makikita sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Yung tipong ang pinakamamahal niya ay nasaktan ng nasabing halimaw ay talaga namang hindi talaga inaasahan maging siya ay natameme sa sinapit ng kaniyang asawang si Ginoong Triper. "How sweet naman, ngunit nakatamo ka ng pinsala Triper, paano kong lalabanan rin ito ng iyong asawa. Masyado nga namang boring ang labanang ito kung ikaw lang ang mahihirapan hehehe!" Malademonyong sambit ng nakagintong maskara na si Shadow Crow na tola ba ay hindi nito maipagkakailang natutuwa sa sitwasyong kinakaharap ng mag-asawang halimaw na One-Horned White Tiger Python. Para sa kaniya kasi ay masyadong nakakatuwa kung mapipinsala ang mga ito rather than feeing themselves pars magpalakas. "Napakasama mo talaga Shadow Crow. Hindi ko aakalaing may mas ikakasama pa ang pag-uugali mo dahil sa masamang mga balak mo." Galit na galit na sambit ng babaeng One-Horned White Tiger Python na si Ginang Vernaya. Labis itong nag-aalala sa kalagayan ng kaniyang asawa at hindi nito mapigilang makaramdam ng pagkamuhi sa nakagintong maskara na si Shadow Crow. Alam niyang hindi mangingimi o mag-aalinlangan man lang ang nilalang na ito na paslangin sila. "Hahahahaha... Sisihin niyo mga sarili niyo dahil napakahina niyo pa rin hanggang ngayon." Tila nang-uumay na sambit ng nakagitong maskarang nilalang na si Shadow Crow. ... Hindi mapakali si Vladd sa kaniyang nakikita. Habang tumatagal ay nakaramdam siya ng ibayong kilabot sa maaaring gawin nito ng hindi niya matukoy na dambuhalang nilalang na ito na animoy hindi niya maisalarawan kung higanteng ahas ba ito o uod o kung ano pa mang nilalang ito. Nakakakilabot pa rin kasi ang presensya nito. Nakakapagtaka ang nilalang na ito sapagkat hindi niya alam kung saan ba ito nanggaling pero alam niyang buhay na buhay ang nilalang ito. Mula sa katawan nitong halos walang katapusan ang laki nito na halos masakop na nito ang buong lugar na pinagkakakulungan nila. Mayroon itong kakaibang katangian katulad na lamang ng wala itong anyo o itsura lamang. Walang bibig, kamay, paa, mata, ilong o bunganga na siya namang mahihintatakutan talaga ang sinumang makakakita. Pangalawa ay ang hindi nito pagkain sa binatang si Van Grego ngunit halata naman ito dahil hindi naman talaga nito makakain dahil wala itong bunganga. Ang tanging ginagawa lamang nito ay mag-ikot-ikot sa buong katawan ng binatang si Van Grego na animo'y mayroong kung anumang ginagawa o ipinapahiwatig. Wala siyang alam kung ano ang ginagawa nito. Talagang nakakatakot lang talaga ang pangyayaring ito dahil kapag mahigpit nitong pupuluputan ang binatang si Van Grego edi mamamatay siya. Alangan namang didilat yung mata niya diba at magigising ito. "May asa demonyo ataang nilalang na ito. Nakakatakot talaga ang nilalang na ito.Kung anumang klaseng nilalang ito ay maaaring may gawin itong masama sa binatang si Van Grego." Nangangambang sambit sa sarili ni Vladd Grego. Tila ba hindi siya makakampanteng naririto ang dambuhalang nilalang na ito na nakapalibot sa binatang si Van Grego. Tila ba wala siyang kalaban-laban sa nilalang na ito. Hindi kasi niya alam kung ano ang maaarjng gawin dahil kahit mag-isip pa siya ng mga bagay-bagay ay wala rin namang patutunguhan ito lalo pa't ang kaniyang sariling kakayahan ay talagang limitado lamang. Kahit gaano pa kaganda ang naisip niyang paglaban sa dambuhala at napakamisteryosong nilalang na ito ay wala siyang kakayahang e-execute ito. Isa pa lamang ang natanggal sa kaniyang kadenang nakapulupot sa kaniya ngunit tila naka-pinned pa rin siya sa lugar na ito. Yung tipong sabihin na lamang na dahil sa pagkakatanggal nito ay makakaya niyang mapanatiling gising ang kaniyang sarili at alam ang nangyayari sa loob ng medyo may kadilimang lugar sa kaloob-looban ng parte ng katawan ng binatang si Van Grego. Napakatahimik na sana ng lugar na ito para sa kaniya para mag-isip isip noon para makalabas ng tuluyan sa mala-presuhang lugar na ito at hulihin ang kapatid niyang si Valc Grego ngunit ang nilalang na dambuhala at napakamisteryosong ito ang siyang sisira ng lahat ng kaniyang plano. Yung tipong masasabi mong magiging effective na sana pero ngayon parang nasira na ng tuluyan. Hindi tanga si Vladd Grego na kung anuman ang ginagawa ng nilalang na naririto lalo na ang ganitong klaseng kakaibang nilalang na ito ay alam nitong may layunin itong sa binatang si Van Grego. Yun nga lang dahil hindi nito alam ang maaaring gawin nito. "Hindi maaaring mangyari na kakainin nito ang binatang si Van Grego ngunit parang yung tipong may gagawin itong kakaiba. Sigurado akong hindi magtatagal ay magpapakita ang dambuhalang nilalang na iyon upang paslangin ang misteryosong nilalang na ito." Sambit ng binatang si Vladd Grego kung saan ay hindi nito alam kung matutuwa siya o hindi ngunit gusto niyang makita kung sino ang malakas sa mga ito. Napakaseryoso ng sitwasyong ito at kaunting maling galaw lamang ay mapapaslang ang binatang si Van Grego dito. Hindi nga siya nagkakamali ng inaakala dahil bigla na lamang nagkaroon ng kakaibang pangyayari sa loob ng lugar na ito. Biglang bumugso at umihip ng malakas ang hangin kung saan ay bigla na lamang nagkaroon ng nakakatakot na enerhiya sa himpapawid. Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!!!!!!!! Isang nakakatakot na huni ng ibon ang bigla na lamang maririnig sa buong paligid kung saan ay nagkaroon ng kakaibang pagyanig sa buong lugar na ito. Nakaramdam ng kakaibang takot si Vladd Grego. "Ito na ang pinakakinatatakutan ko. Nangyari na ang dapat mangyari ko. Nakakatakot na ito!" Puno ng pangambang sambit ni Vladd Grego. Hindi maaaring balewalain ang kakayahan ng mga nilalang na ito kung saan ay nakakabahala ang dalawang mga nilalang na ito kung saan ay maaaring nagkaroon ng kakaibang pangyayari at nagsisimula na ang mga paggulo ng buong pangyayari sa buhay ng binatang si Van Grego. Kung makaliligtas man ito ay sigurado siyang hindi mapapantayan ang lakas at katangian nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD