Chapter 17

1965 Words
Tila mabilis namang pumulupot ang nasabing misteryosong nilalang sa binatang si Van Grego kung saan ay nagkaroon nang tila pabilog nitong paggalaw. Nakaramdam ng ibayong panganib naman si Vladd Grego dahil sa napakataas ng tensyon ngayon at ang panganib ay sobrang tumaas din. Maya-maya pa ay biglang makikita ang nakakakapal na ulap na may kasamang pagkulog kung saan ay nagkaroon ng kakaibang pangyayari o mas mabuting nagpakita na ang isang kahindik-hindik na nilalang sa ere. Biglang lumitaw ang napakadambuhala at nakakakilabot na kuko na parang sumakop sa buong lugar na ito. Biglang nagliwanag na kulay ginto ang gitnang bahagi ng noo ng binatang si Van Grego na tila hindi kumukupas ang enerhiyang inilalabas nito na parang walang tigil sa paglabas ng napakasaganang kulay gintong enerhiya. BANGGGGGGG!!!!!! Nagkaroon ng malakas na pagsabog ng pagbanggaan ng enerhiya kung saan ay ikinagulat ito ng binatang si Vladd Grego kung saan ay nanlaki ang kaniyang sariling pares na mata. "Paanong nangyari ito? Nakaya nitong sanggain ang atake ng buong lakas ang halimaw na nasa kalangitan?"Manghang sambit ng binatang si Vladd Grego sa kaniyang isipan lamang. Yung tipong hindi niya aakalaing mayroong ganitong klaseng katangian ang binatang si Van Grego na labanan ang dambuhalang nilalang sa ere. "Shrrriiiiiieeecckkkkkkkk!!!!!!" Nagpakawala ng kakaibang tunog ang nasabing dambuhalang nilalang sa ibabaw ng kaulapan. Bakas ang labis na galit sa tono ng pagpapakawala ng kakaibang huni nito. Tila kumulog pa ng malakas sa itaas ng ibabaw ng kaulapan kung saan ay nagkaroon ng kakaibang at nagkakaroon ng kakaibang pagyanig sa buong lugar na ito. Natakot naman ang nanonood na binatang si Vladd Grego. Yung tipong kabaliktaran na ang nasa kaniyang sariling isipan kumpara kanina. "Nagsisimula ng magalit ang dambuhalang nilalang na nasa kalangitan. Hindi ko alam kung tatagal pa ang enerhiyang nakapalibot sa buong lugar na ito kung sakaling umatake itong muli. Ang kakayahan ng nilalang na ito ay hindi mapapantayan. Sa oras na magising ito sa kanyang himlayan at makalabas sa mundong ito ay siguradong maraming mamamatay kaaway man o kakampi. Mabuti man o masama!" Seryosong sambit ni Vladd Grego. Alam niyang hindi makakaya ng sinuman na labanan ang nilalang na ito. Nakatira ito sa kalangitan at mga kaulapan, sa oras na ipakita nito ang kaniyang sarili sa mga mortal ay mapapaslang ang kahit na sino maging siya ay hindi makakaligtas sa hagupit nito. Ang buong lugar ay nababalot pa rin ng gintong enerhiya. Tila ba hindi ang kaulapan lamang ang hindi nito nasasakop. Nakatingin lamang si Vladd Grego sa ere. Nang biglang kumulog ng malakas at maging ang pagkidlat ay nagkaroon ng kakaibang porma ng dambuhalang kuko na tila babagsak sa buong kalupaan. BANNGGGGGG!!!!!!!!! Isang malakas na pagbagsak ng dambuhala at nagtatalimang kuko ng halimaw kung saan ay nagkaroon ng malakas na pressure ang biglang mararamdaman sa buong paligid tila ba gusto ng dambuhalang kuko na ito punteryahin ang kinaroroonan ng binatang si Van Grego na siyang pinupulutan ng nasabing misteryosong halimaw. Crack! c***k! c***k! ...! Nang tumagal ng tumagal ay maririnig ang pagkakabitak-bitak ng kulay gintong harang na nakapalibot sa buong lugar. Tila ba hindi mo aakalaing ang lugar na ito ay may tsansa pang makaligtas sa hagupit ng napakalaki at nagtatalimang kuko ng nilalang na nasa likod ng kaulapan. Ngunit nakakabahala ang kakaibang pagkislap at pagbalot ng kakaibang enerhiya sa buong katawan ng binatang si Van Grego kasama ang kakaibang nilalang na bumabalot pabilog sa katawan ng binatang si Van Grego. Makikita ang pagkakaroon ng tila nakakakasilaw na liwanag ang biglang umalpas sa lugar ng binatang si Van Grego. Kasama ng pangyayaring ito ay ang pagkaramdam ni Vladd Grego ng pagkahilo at tila pag-ikot-ikot ng kaniyang buong paligid hanggang sa balutin na siya ng ibayong kadiliman. ... "Ahh, bakit naman ang sakit ng buong katawan ko hmmm..." Sambit ng binatang si Van Grego nang maramdaman niya ang p*******t ng kaniyang buong katawan. Agad niyang minulat ang kaniyang sariling pares na mga mata niya. Huh?! Nasaan ako? Bakit nandito ako? Disyerto? Seriously?!" Hestirikal na sambit ng binatang si Van Grego nang mapansin niyang tila nasa gitna siya ng kawalan. Nakasalampak lang naman siya sa buong disyerto na ito nang buong araw siguro nang hindi niya napapansin. Masasabi ng binatang si Van Grego na nasa gitna siya ng kawalan at tanghaling tapat na. Mainit na din ang lupang kinahihigaan nito o mas mabuting sabihing sobrang pinong buhanginan. "Ano ba naman to oh, bakit napakamalas ko. Nakatulog ba ko sa loob ng bulkan tapos ay nagkaroon siguro ng pagsabog ng mula sa ilalim ng bulkan tsaka dito ako ibinagsak sa disyerto pero masyado naman ata akong minamalas nito, disyerto agad talaga?!" Sambit ng binatang si Van Grego na tipong naguguluhan. Parang pakiramdam niya nagkakaroon lang siya ng hypothesis sa sinasabi nito yung tipong nagkakaroon siya ng pagkalimot sa pangyayari pero di naman siya gumagamit ng mga f*******n pills eh o anumang klaseng bagay para makalimot ng pangyayari. Imbes na magreklamo hanggang magdamag ay mabilis na naglakad ang binatang si Van Grego sa direksyong hindi niya alam kung siya pupunta. Ginamit niya lang ang instinct niya. Ngunit nang tingnan ng binatang si Van Grego ang kaniyang daliri ay nakita niyang wala namang kulang sa mga suot² niyang mga Interstellar Rings at Interstellar Dimensions. Ang ikinanlaki ng binatang si Van Grego ay ang tila pabilog na galaw ng itim na bagay sa kaniyang bandang kaliwang palapulsuhan (wrist). "Ano ba ang bagay na ito? Nakakamangha naman." Tila sambit na lamang ng binatang si Van Grego nang bigyan niya ng atensyon ang tila buhay na nilalang na nasa kamay niya. Masasabi niyang imbes na matakot siya rito ay hindi niya nagawa pa dahil nakakamangha talaga para sa kaniya ito. Pinabayaan niya na lamang ito dahil hindi naman siya nito pinapakialaman o sinasaktan dahil edi sana namatay na siya nang hindi pa siya nagigising kung maaaring may gawin itong masama sa kaniya. Ilang oras din naglakad ang binatang si Van Grego kung saan ay makikitang nagkaroon ng mahabang lakaran ang tila walang katapusang lawak ng disyertong ito. Naglakad pa ng naglakad ang binatang si Van Grego ngunit tila hindi niya mahanap ang sign ng lugar na ito. Nagbabasakali siyang mayroon siyang malamang ruta o direksyon sa lugar na ito. Napaupo na lamang ang binatang si Van Grego sa malapad na bato sa gitna ng buhanginan. Tila ba wala siyang mahanap na clue rito. Hindi niya alam kung sana ba talaga siya o kumg nakalalabas ba siya sa lugar na ito o kung may labasan ba talaga sa lugar na ito. Nagpahinga lang siya sandali. Hindi kasi maaaring magpadalos-dalos lamang siya dahil kung anong klaseng lugar man siya naroroon ay talagang nakakakaba. Sino ba naman kasi ang gugustuhing manatili rito o sa lugar na hindi siya pamilyar at walang kaalam-alam. Nasisiguro niya kasing hindi ito ang bulubunduking lugar ba pinuntahan niya. Napakamangmang niya naman siguro para di matukoy ito. Kakaiba kasi ang atmospera dito at ang antas ng Concept of Space niya ay masasabing above average yun nga lang ang pagpapalakas nito ay napakahirap, mahirap pa kasa sa pag-ascend papuntang kalangitan. Gamit ang kaniyang concept of Space ay tiningnan niya ang kalangitan ngunit wala siyang mahagilap na anumang space fragments o anumang space anomalies. Ang tanging alam niya lamang ay gumawa ng kakaibang pamamaraan upang matukoy ito. Sinubukan niyang pumikit at alamin ang loob ng kaniyang dantian lalo na ang mga artifacts niya sa loob ng kaniyang sariling katawan. Nang tiningnan niya kasi ang loob ng katawan ay wala namang kakaiba rito. Normal na dantian, normal na pagdaloy ng dugo sa kaniyang iba't-ibang ugat sa katawan maging ang normal na t***k ng kaniyang puso. Ngunit tila walang artifact na nasa loob ng kaniyang sariling katawan. "Hmmm... Paanong nangyari ito? Nasaan na ang aking mga artifact?! Patay na ba ko kaya ako napunta sa lugar na ito? Ngunit imposible namang patay na talaga ako hindi ba?!" Sambit ng binatang si Van Grego habang iniisip nito ang bawat pangyayari sa kaniyang buhay lalo na noong nangyari bago siya napagpad rito. "Tama, naalala ko na ang huling pangyayari bago ako napadpad rito. Nasa bulkan ako noong huli nang mapadpad ako sa lugar na ito." Sambit ng binatang si Van Grego habang iniisip ang huling nangyari o senaryo Kung saan ay napadpad siya sa lugar na ito. Ngunit may napansing kakaiba ang binatang si Van Grego sa di kalayuan. Nakaactivate pa rin ang concept of space sa pares ng mata nito kung saan ay malayang abilidad ito ng nag-aaral ng ganitong klase ng konsepto. Pansin niyang medyo nagdistort ang space doon na siyang nahagip ng kaniyang pares na mata. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at mabilis itong naglakad papunta doon. Labis naman siyang nadismaya nang mapansing napakalayo pala ng nasabing maliit na space distortion na iyon mula sa kinaroroonan niya. Ewan ba ng binatang si Van Grego ngunit tila hindi niya nagagamit ang kaniyang kakayahan lalo na ang pag-activate ng kaniyang sariling skills at mga Technique. May dantian naman kasi siya pero parang mayroong restrictions na nangyayari. Hindi maipagkakailang nakakabahala nga ito. "Na naman, hayst... Di ko alam kung bakit ganito ang restrictions sa lugar na ito ngunit nagpapasalamat pa rin ako dahil ligtasakong nakarating sa lugar na ito." Sambit ng binatang si Van Grego habang makikitang lubos talagang nagpapasalamat ito lalo pa't hindi siya ginalaw o kinain ng mga halimaw rito. Imbes kasi na magreklamo pa siya o mainis ay hindi kasi ito applicable sa sitwasyong kinakaharap niya. Mas mabuti nga ito kumpara sa nangyari sa kaniya noon. Hindi naman maaaring umiyak-iyka lang siya o magburst out ng emosyon knowing that he is in the middle of nowhere. Yung kaartehan at mapili kasi ay dapat nilulugar. Hindi yung maaaring ngumawa ka lang at humintay na bumagsak ang oportunidad o anumang magandang bagay na bumagsak dito dahil wala siyang mapapala. Agad niyang tinahak ang napakalawak na disyertong ito habang nasa direksyon siya ng papunta sa kakaibang Space distortion kung saan ay masasabi niyang nakakamiss ang ganitong klaseng lugar. Gusto niyang maglakbay sa ganitong klaseng lugar at sitwasyong kinakaharap niya ay masasabi niyang parang isang butil ng buhangin lamang ito kumpara sa ibang mga manlalakbay. Ilang oras din ang tila normal na paglalakbay niyang ito kung saan ay nakita niya lamang ang kaniyang sarili nasa harap na mismo ng Space distortion na ito. Hinawakan pa ng binatang si Van Grego ang nasabing Space Distortion. Tila malatubig naman ang nasabing Space Distortion na ito. "Space Door?! Space Door nga!" Manghang sambit ng binatang si Van Grego habang tila kumislap ang sariling pares ng mata nito. Mayroong iba't-ibang klaseng ng Space Distortion. Hindi kasi lahat ng Space Distortion ay gustong manakit o gawing malakas na trap kagaya ng mga Space cracks, Space Tornadoes at iba pa. Meron din kasing Space Distortions na masasabing malaki ang benepisyo nito kagaya ng Space Doors, Space Portals at iba pa kung saan ay masasabi niyang nakakamanghang bagay. Ayon sa nabasa niya sa mga Ancient Books ay ang Concept of Space ay masasabing isang misteryoso at pambihirang konsepto kung saan ay may kakayahan ang ibang mga ekspertong mayroong mataas na antas rito kung saan ay makakaya nitong gumawa ng mga pambihirang space distortion at space fragments. Ang mga ekspertong ito ang magiging napakahirap na kalaban. Sa oras na gamitin nila ang konsepto ng Space to the extent ay makakaya nilang baliktarin ang resulta ng labanan ngunit nakadepende rin ito kung isang malakas na eksperto din ang kalaban nito. Alam ng binatang si Van Grego na ang Space Door na ito ay gawa ng mga malalakas na eksperto at hindi gawa lamang ng natural na penomena. Hindi na rin nagtagal at mabilis na pumasok ang binatang si Van Grego sa loob ng nasabing Space door. Wooshh wooshh! Wooshh! Malakas na hangin ang dumadampi sa mukha ng binatang si Van Grego kung saan ay nasa tapat siya ng isang malaki at napakahabang tulay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD