Hindi ako makapaniwala na ang bata sana na tutulungan ko dahil nahiwalay siya sa kanyang Papa ay anak pala ni Jibi. Ang pinsan ni Kloss na hindi man lang sinabi sa akin na may asawa na ito. At ngayon, malalaman ko na may anak na pala siya?! Pero ang sabi ni Kloss wala siyang asawa, paano siya nagkaanak kung gano’n? Nakatingin ako sa bata na kanina lang ay umiiyak pero masaya na siya ngayon habang naglalaro sa play area ng mall. Nakaupo naman kami ni Jibi sa isang table sa malapit at kitang-kita ko ang matamis niyang ngiti sa kanyang mukha. This is really happening! Nagkita na kami ni Jibi pero isang big revelation na may anak na siya! I wonder kung nasaan ang Mama ni Carissa? Hiwalay na kaya sila? Natigilan ako nang lumingon sa akin si Jibi at napuno ng pagsisisi ang kanyang mukha. Bahagya

