Unti-unti kong binukas ang aking mga mata ng magising ako dahil sa init ng aking pakiramdam. Tinakpan ko ang aking mga mata nang masilaw ako sa sinag ng araw na tumatama sa akin mula sa glass window. Umikot ako at dumapa sa kama, nahawakan ko ang aking tabi and it was warm. Napakurap ako tapos ay tumingin ako roon at nakita ko na parang may humiga rito. Napakunot noo ako tapos ay bumalikwas ako ng bangon nang maalala kung ano ang nangyari kagabi. Well, walang nangyari sa amin ni Kloss na all the way, mga second base lang, but still… Ang tanga mo Havana! You acted so slutty and gusto mo pa talaga na maging kabit?! Malakas akong napabuntong hininga at bagsak ulit akong humiga sa kama. Sa totoo lang, I wanted to, gano’n din naman kasama ang trato sa kanya ng kanyang asawa, eh, di ako na lang

