After ng nangyari sa amin ni Kloss kaninang umaga, hindi na ako lumabas ng aking kwarto hanggang sa mag-gabi na. Mabuti na lang at hindi ako pinuntahan ni Tito Rusty dahil madadatnan niya na naman ako na umiiyak. Hindi na lang para ito sa mga magulang ko kundi pati na rin sa puso ko na durog na durog na dahil sa panloloko na ginawa sa akin ni Kloss. Kung alam ko lang no’ng una, kung sinabi niya lang ang totoo, hindi magkakaganito. At least wala pa akong feelings sa kanya kundi lust lang, pero iba na ngayon! Ang daling nahulog ng loob ko sa kanya dahil na rin sa mga sweet gestures at salita niya sa akin sa cruise. Manloloko siya! Hindi! Manloloko sila ng kanilang pinsan! Si Jibi Mendrez na imposible naman na hindi alam na may asawa si Kloss! Siguradong may asawa na rin siya! Napatakip ako

