Nang makita ko si Kloss Mendrez nang mga oras na ‘yon, parang nabuhayan ulit ang aking puso. Iniwan ko sila sa Japan na hindi man lang nagpapaalam at buong biyahe, iniisip ko kung magkikita pa kami ulit. Pero hindi ko akalain na ganito kabilis ang pagkikita namin. I thought it could take years pero nandito siya at kausap niya si Tito Rusty. Ibig bang sabihin nito, siya ang bestfriend ng aking Papa? Siya ang magiging legal guardian ko? Titira ba ako sa kanya? Continuation na ba ito g romance namin? Siya ba talaga ang lalakeng nakatadhana para sa akin? Ang swerte ko naman! Teka, panaginip lang ba ito? Namamalikmata ba ulit ako? This is just so good to be true! Sinenyasan ako ni Tito na lumapit sa kanila nang mapansin ako nito. Lumapit naman ako at nang nasa harapan ko na siya, doon ko na-con

