BLAZE “From the start!” “One, two, one, two, one, two, three.” “Ba’t may nagkakamali pa?!” “Next month na ang show, pag hindi natin ito na perfect ay isang malaking kahihiyan ‘to para sa banda natin.” Ang mga araw-araw kong sinasabi at hanggang ngayon ‘yan pa rin ang sinasabi ko dahil hanggang ngayon ay nagkakamali pa rin ang mga ka-banda ko. “Ano ka ba Blaze? Hindi problema ‘yan, may 31 days pa tayo para mag-practice ng maigi, ‘wag masyadong ma-pressure,” may kasama pang ngising sinabi ni Erick, ang lead ng vocals ng banda. “Sa ‘yo, maaaring matagal ang bawat oras o araw pero sa akin, mabilis lang ‘yun.” Sabat ko sa kaniya kaya napaatras siya at tumahimik na lang, sinaway rin kasi siya ng ibang kasamahan na ‘wag nang makipag-away sa akin dahil alam nilang anak ako ng pinagtratr

