BLAIR Naisipan namin ni ate mamili ng ice cream sa tindahan, ‘yun kasi ang paborito naming gawin pag hindi kami busy ni ate parehas kaya agad kong kinuha ang wallet ko pati na ang cell phone habang si ate naman ay walang dinala na kung ano dahil sa tindahan lang naman daw. Syempre nagpaalam na muna kami kay mama at papa na nanonood na lang ng TV sa sala dahil hindi pumasok si daddy, habang si mommy naman walang work ngayon dahil naghihintay pa siya ng tatawag sa kaniya para sa kontrata ng pelikula. Ayaw ko na kasing mauulit ang nangyari kagabi, hindi rin kasi talaga ako nagpaalam kila mommy at daddy kaya nagkaganun sila kay ate lang talaga. Pinayagan naman kami nito kaya lumabas na kami ni ate pero bumili na raw kami ng marami para hindi na kami lumabas sa susunod na mag-crave kami sa i

