Clyde’s POV “Mom, anong ginagawa niyo dito? Bakit dito pa kayo matutulog, tapos ilang araw pa?!” tanong ko na may halong inis. Ba’t ba kasi naisipan pa niyang mag-stay dito, tsk. “Anak, gusto ko lang makabonding si Sam. At tuturuan ko rin siya sa mga gawaing bahay. Mag-asawa na kayo, so dapat marunong na siya,” paliwanag ni Mommy. Makabonding si Sam? What the heck?! Eh magpapababy lang ‘yun, pustahan! “Mag-asawa na nga kami, pero huwag naman kayong mangialam sa personal life namin,” sabi ko na medyo nagtaas ng boses. “Clyde, hayaan mo na si tita. Minsan lang naman ‘to,” singit pa ni Sam na halatang gusto akong labanan. Hmmmp! Gusto mo ‘to para maisalba ka sa mga rules ko dito, Sam! Tsk. I hate you! “Fine. Okay, I’ll let you stay here, Mom,” sagot ko na may kasamang buntong-hininga.

