Sam’s POV Wait! OMG—ba’t nagyayakapan na kami ni Clyde?! Baliw ‘to ah! Ba’t siya lumapit sa pwesto ko? “Hoy! Clyde!” sigaw ko habang ginigising siya, pero parang hindi siya nakarinig at hindi pa rin niya tinatanggal ang braso niya sa beywang ko. “Clyde! Ano ba?! Gumising ka na nga!” ulit ko, this time unti-unti na niyang dinilat ang mga mata niya. “Oh sh*t! Bakit kayakap kita?!” gulat niyang sigaw bago niya ako biglang naitulak. “Baliw ka ba?!” reklamo ko. “Ikaw nga ‘tong lumapit sa pwesto ko! ‘Di ba sa kabilang corner ka natulog?” “Tsk! Whatever! Wait—chinansingan mo ko no?” sabi niya na parang bading pa ang tono. “Aba! Ako pa ang magchi-chansing sa’yo? Eh baka ikaw?!” sagot kong iritado. “I would never do that. Malay ko baka naakit ka sa kagwapuhan ko,” sagot niya sabay kindat.

