CLYDE’S POV Tumakas na naman siya. Ang kulit talaga—akala niya hindi ko malalaman. Eh kitang-kita dito sa room ko ang nangyayari sa labas. Pero hindi ko siya pipigilan… baka kasi kung ano pang isipin niya. Matagal rin bago siya makarating kaya nandito lang ako sa sala, nanonood ng TV. Akala rin niya hindi ko siya binabantayan. Kitang-kita kasi na mukhang hindi siya nag-aalalang pumasok. “Hi, my dear wifey! Kamusta ang dinner? Nagtake-out ka ba ng para sa’kin?” bati ko agad pagkabukas niya ng pinto, may halong biro sa tono ko. Nagulat siya, halos mabitawan ang bag. “Ahh… ehhh… Hello, Clyde,” sagot niya nang alanganin, sabay madali-daling umakyat ng hagdan. Kunot-noo akong sumunod. “What are you doing, Samantha?!” Huminto siya at lumingon, iritadong nakataas ang kilay. “Bakit, anong pa

