Sam’s POV Anong nangyari sa kanya at bigla nalang siyang naging malambing? Nagkunwari akong parang wala lang pero nasaktan talaga ako sa mga sinabi niya. Pagkatapos makapagligpit ng pinagkainan ay dumiretso na kami sa sarili naming mga kwarto. Boring talaga sa bahay na ‘to, sana maging close kami ni Clyde para marami kaming magagawa dito sa bahay na maganda. Pagdating ng hapunan ay nagsimula akong magluto at, pagkaluto, tinawag ko si Clyde. “Kakain na, Clyde,” tawag ko habang unti-unting binubuksan ang pinto. Bigla akong napatigil nang makita siyang nakatopless kaya hindi ko napigilang mapatitig sa kanya. Napansin niya iyon at ngumisi. “Hmmm… busog ka na ba?” biro niya. “Uy, baliw! Hindi pa nga tayo nakakain, busog agad?” sagot ko sabay iwas ng tingin. “Tsk! Stop pretending, Sam,

