Chapter 2

1494 Words
Maya "Kaloka ka naman Maya, sablay ka talaga kanina. Sa susunod na nandito ang mga boys wag ka na lang lumabas. Nakakahiya! Sikat na sikat sila pero hindi mo sila kilala?" Pagsesermon ni Ma'am Annie ang Branch Manager namin. Nakayuko lang ako habang sinesermunan nya ako. Ano bang gagawin ko kung hindi ko naman talaga kilala ang bawat miyembro nila. Required ba talagang kilalanin sila? "Pasensya na po talaga, hindi lang po talaga ako mahilig sa pag-iidolo ng mga artists. Sige po, kapag kumain po ulit sila dito ay hindi na lang ako lalabas." Sabi ko "Baka dahil sa ginawa mo ay hindi na nila paborito ang Brooklyn Newyork Pizza. Baka isipin nila na dito sa restaurant na ito ay may isa na hindi sila kilala. Naku, talaga Maya sinasabi ko sayo. Kukuha na lang ako ng kapalit mo na isang true blooded Soldier!" Galit na wika nya Halos bumilog na parang holen ang mga mata ko at bibig dahil sa sinabi ni Ma'am Annie. Mawawalan ba ako ng trabaho dahil lang hindi ko iniidolo ang Bullet Boys. Hindi ako maaaring mawalan ng trabaho. Kailangan ko ito! "Ma'am huwag nyo naman pong gawin sa akin ito. Kailangan ko po ng trabaho." Pagmamakaawa ko Pati si Agatha ay may nakakainis na mukha sa akin. Lahat sila ay nagagalit dahil hindi ako Soldier, o hindi ako tagahanga ng Bullet na iyon. "Promise po, kapag nandyan sila, hindi po ako lalabas. Sa kitchen na lang ako, tutulungan ko po si Kuya Tolitz. Please Ma'am huwag nyo po akong tatanggalan ng trabaho." Wika ko Nangingilid na rin ang luha sa mga mata ko dahil sa pangyayaring ito. Maya-maya lang ay narinig ko na lang ang malakas na tawa ng kaibigan kong si Agatha. Nagkunot ang noo ko. Anong nakakatawa? "Ma'am hindi talaga natin mapipilit si Maya na mahalin ang Bullet. Mas pinili pa nyang magtago sa kitchen kaysa makita ang mga boys natin." Wika ni Agatha Napabuntong hininga si Ma'am Annie. "Kung alam mo lang na marami ang naghahangad sa posisyon mo. Libreng libre kang makakakuha ng pictures mula sa kanila. Ikaw pa nga ang niyaya ni Jethro di ba. Malaya mo silang makakausap kapag nandito sila. Pero ikaw? Lahat ng iyon ay sasayangin mo lang? Grabe!" Wika ni Ma'm Annie Napakagat labi ako. Hindi kasi ako kagaya nila na mahilig sa mga artista. Wala akong panahon sa mga iyon. "Binibiro lang kita na papalitan kita ng isang Soldier. Walang kapantay ang serbisyong ginagawa mo dito Maya. Masipag ka at mabait na bata. Ang nakakainis lang kasi-- hindi mo kilala ang mahal naming Bullet Boys! Yun lang! Nakakainis!" Pagmamaktol ni Ma'am Annie Unti-unting gumaan ang puso ko sa mga sinabi nya. Akala ko talaga ay aalisin nya ako sa trabaho. Umalingawngaw ang mga halakhak ni Agatha sa buong store. Pati si Ma'am Annie ay nahawa na rin sa tawa nya. "Hayaan na nga natin sya. Wag na nating pilitin. Ayaw nya lang talagang gumastos kaya hindi nya gusto ang mga Boys." Wika ni Agatha Iniwanan na nila ako at sabay silang nagbreak out. Alam kong ang Bullet Boys na naman ang topic nila habang kumakain. Mabuti na lang at nagbibiro lang si Ma'am Annie nang sabihin nya na hahanap sya ng kapalit ko. Akala ko talaga ay mawawalan na ako ng trabaho dahil lang hindi ako isang Soldier. Pero minsan sobrang curious din talaga ako kung ano ang meron sa Bullet Boys na iyon at talagang nababaliw ang kanilang mga tagahanga sa kanila. Lalo na sina Ma'am Annie at Agatha. Mahal na mahal nila ang pitong lalaking iyon. Ano ba ang kamahal-mahal sa kanila? Nang makauwi ako sa bahay... "Lola!" Pagtawag ko kay Lola Mildred na nakaupo sa kanyang paboritong tumba-tumba. Kaagad ko syang niyakap at binigyan ng matamis na halik. Mahal na mahal ko ang lola ko dahil sya na ang nagtaguyod sa akin simula ng mawala ang aking mga magulang. "Maaga ka yata ngayon? Tamang tama at katatapos ko lang magluto. Sabay na tayo maghapunan." Aniya "Wala kasing traffic ngayon Lola. Nakakapagtaka nga eh. Sige sabay na tayong kumain. Ihahanda ko lang ang mesa." Wika ko Kaagad akong nagtungo sa kusina upang ayusin ang mga pagkain. Kumuha ako ng isang malaking lagayan para sa nilagang baboy na niluto ni Lola. Paborito ko ang ulam na niluto nya. Habang inaayos ko ang hapag kainan ay napukaw ang atensyon ko sa balita na ipinapalabas sa telebisyon. "ANG BULLET BOYS NA NGA ANG PINAKATANYAG NA GRUPO SA BUONG MUNDO. ANG KANILANG GALING SA PAG-AWIT AT PAG-SASAYAW ANG SYANG TUMATAK SA PUSO NG KANILANG MGA TAGA-HANGA. ANG LUBOS NA HINAHANGAAN SA KANILA NG MGA SOLDIERS AY NANANATILI SILANG MAPAGKUMBABA SA KABILA NG KANILANG KASIKATAN..." Tama nga ang nasa balita. Sobrang mapagkumbaba ang pitong lalaking iyon. Hindi sila nagalit sa akin kahit na hindi ko sila kilala. Nanatili sa lupa ang kanilang mga paa kahit na matayog na ang lipad ng kanilang mga pakpak. Kaya naman mahal na mahal sila ng mga taga-hanga nila. Sabay kaming kumain ni Lola Mildred at masayang nagkwentuhan. Ibinahagi ko sa kanya ang mga nangyari sa buong araw ko ngayon. "Hindi ka naman talaga tatanggalin ni Annie, baka nalulungkot lang iyon dahil hindi mo kilala ang mga iniidolo nila. Ikaw naman kasi eh, puro ka trabaho. Ilang beses ko nang sinabi sa iyo na pwede ka ring mag-enjoy habang nagtatrabaho. Pagtanda mo, pagsisisihan mo ang mga bagay na hindi mo nagawa." Payo ni Lola Napayuko ako sa mga sinabi nya. Mas pinili ko rin naman ang ganitong buhay. Hindi ko gusto ang maglibang. Mas masaya na akong magtrabaho at makaipon ng pera. "Okay lang po ako Lah. Masaya na po ako sa buhay ko kahit wala ang mga bagay na yan." Sabi ko "Ikaw ang bahala apo, basta kung gusto mong maglibang at sumama sa mga kaibigan mo ay ayos lang sa akin." Wika nya Ngumiti lang ako kay Lola. Napakaimposible ng sinasabi nya. Habambuhay na yata akong ganito. Paulit-ulit na lang ang routine ko sa buhay. Trabaho. Uuwe sa bahay. Ganito lang palagi ang eksena ko sa buhay. Nang sumapit ang malalim na gabi. Hindi ako makatulog. Minabuti kong manuod na lamang ng mga videos. At ang Bullet Boys ang lumalabas sa kahit anong videos sa iba't-ibang social media platform. Pinanood ko ang video na may title na BULLET BOYS: THE BEGINNING Pinanuod ko ang video na ito. Dito ko nalaman ang kanilang pinagmulan. Galing silang lahat sa isang bahay ampunan at nagsumikap na abutin ang kanilang pangarap. Hindi naging madali sa kanila na abutin ito dahil marami rin ang hindi naniwala sa kanilang kakayahan noong una. Hindi sila sumuko kahit na maraming pagsubok ang dumating sa buhay nila. Ang nais nila ay ang makuha at maabot ang kanilang pangarap at ang tanging bitbit nila ay ang kanilang dedikasyon at mapagkumbabang puso. Kinilabutan ako sa kanilang kwento. Isang hamak na mga ulila lamang sila na sumubok sa kanilang kapalaran sa magulong mundong ito. Hindi sila sumuko! Hindi nila pinakinggan ang mga negatibong sinasabi ng iba. Hanggang marating na nga nila ang tagumpay na matagal na nilang inaasam. Napangiti ako habang nanunood ng video na ito. Gusto ko silang tularan. Gusto kong mapagtagumpayan din ang lahat ng mga pagsubok ko sa buhay. Gusto ko ring umasenso kagaya nila para makaahon kami sa hirap ni Lola. Walang masamang mangarap basta ba manalig ka lamang ay mapagtatagumpayan mo ito. Sa puntong ito ay unti-unti kong naiintindihan ang mga Soldiers na labis na nagmamahal sa kanila. Hindi lang sila kamahal-mahal dahil sa mga gwapo nilang mukha o dahil sa kanilang talento. Kamahal-mahal sila dahil pinaghirapan nila ang tagumpay na mayroon sila ngayon at labis nilang minamahal ang lahat ng kanilang mga tagahanga. Isa pa sa mga kahanga-hanga sa kanila ay nanatiling nakatapak sa lupa ang kanilang mga paa sa kabila ng tagumpay at kasikatang kanilang natatamasa. Maya-maya lang... Biglang may isinend si Agatha sa akin sa instabook. Screen shot ito mula sa isang WeLive account. Nagkunot ang noo ko. Ano ba ito? Wala kasi akong account sa WeLive na iyon kaya wala akong alam sa mundo nito. Bullet Jethro: Yung cute girl na hindi ako kilala? Ang cute mo talaga. :) Biglang nagmessage si Agatha. Bestie, ikaw yata ang tinutukoy ni Jethro sa WeLive account nya oh. Sana all napapansin! Ammpp! Kainis ka talaga! Kaagad ko syang nireplayan. Napapailing na lang ako habang nagtitipa ng mensahe. Hindi ako yan Bestie. Hindi naman ako cute. Madami silang nakakasalamuhang mga tao kaya imposibleng ako yan. Kaagad ko nang itinabi ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesita. Nakakaramdam na rin ako ng antok. Hindi naman ako apektado sa message nung Jethro. Alam kong hindi ako iyon. Atleast ngayon alam ko na ang kwento nila. Alam ko na kung bakit nababaliw ang mga kababaihan sa kanila. Sobrang nakakainspired ang kanilang kwento. Gagamitin ko rin ang kwento nila para magpatuloy sa buhay. Pero hindi pa rin ako mababaliw sa kanila ng sobra. Gusto ko lang ang kwento ng kanilang tagumpay. Yun lang talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD