bc

My Love is a Superstar BOOK 7: JETHRO

book_age18+
33
FOLLOW
1K
READ
billionaire
friends to lovers
goodgirl
confident
inspirational
band
twisted
sweet
city
first love
like
intro-logo
Blurb

(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE GOLDEN MAKNAE, JEON JUNGKOOK)

Ang akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy.

Si Jethro Tyler ang pinakasikat na miyembro ng BulletProof Boys. Minahal sya ng mga Soldiers dahil sa taglay nyang kagwapuhan at kabaitan. Sya ang pinakamabait na miyembro ng pinakasikat na grupo sa buong mundo.

Sanay sya sa eksenang nababaliw ang mga kababaihan kapag nakikita sya. Nabighani sya kay Maya Dela Cruz na isang crew sa paborito nilang restaurant, dahil wala itong interes sa kanilang grupo. Para sa kanya ay may kakaibang karisma ang babaeng bumihag ng kanyang puso at tila mas nagugustuhan nya ang isang babae na hindi nagpapakita ng interes sa kanya.

Hindi kilala ni Maya ang grupong Bullet Proof Boys dahil mas prayoridad nya ang magtrabaho kaysa umidolo sa kanila.

Gagawa ng paraan si Jethro upang mapalapit kay Maya. At ang paraan nyang iyon ang syang magiging dahilan upang mabuo ang isang pag-ibig na hindi nila inaasahan.

Paano kung ang lalaking mamahalin ni Maya ay mahal din ng buong mundo. Karibal nya ang buong mundo sa pagmamahal nya kay Jethro. Pipiliin pa rin ba nya ang pag-ibig na iyon  kung buong mundo ang kaagaw nya? O ipaglalaban pa rin nya ito dahil hindi nya kayang mawala si Jethro sa buhay nya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Maya Dela Cruz POV "Good morning!" Bati ko sa mga katrabaho ko sa Brooklyn Newyork Pizza. Isa akong kahera at serbedora dito. Masaya ako sa trabaho ko dahil na rin sa makukulit kong mga katrabaho. Kailangan kong kumayod para mabuhay kaming dalawa ng lola ko. Kami na lang ang magka-agapay sa buhay. "Magandang umaga Miss Beautiful!" Bati ni Kuya Tolitz, ang pizzaman ng restaurant na ito. Maya maya lang ay kaagad akong sinalubong ni Agatha, ang matalik kong kaibigan na isa ring kahera. "Grabe bestie! Wala na akong boses kakasigaw sa concert ng Bullet Boys kagabi! Sayang ang mga ganung pangyayari, dapat sumama ka sa amin kagabi!" Wika ni Agatha. Dumiretso ako ng locker room. Sinusundan naman nya ako at panay pa rin ang kwento nya tungkol sa mga kaganapan sa concert ng sikat na grupong Bullet Boys. Kaagad kong inayos ang mga gamit ko sa loob ng locker at nag-ayos ng aking sarili. Habang isinusuot ko ang aking apron at sumbrero ay hindi pa rin tumitigil sa pagkukwento ang kaibigan ko. Halatang halata ang kasabikan nya sa bawat kwento nya. Pero ako? Hindi ko naman masyadong pinapakinggan ang mga sinasabi nya dahil wala akong interes sa grupong iyon. Mas prayoridad ko ang pagtatrabaho para may panggastos ako sa mga pangangailangan namin ng Lola Mildred ko. Nag-iipon ako dahil gusto kong mangibang bayan. Mas malaki kasi ang sahod sa ibang bansa kumpara dito. Kaya naman doble sikap ako makapag-ipon lang ng pera. "Bakit kasi ayaw mong sumama sa mga concert? Sinayang mo ang pagkakataon. Bibihira na lang sila magconcert dito sa bansa natin kasi mas priority na nila ang world tour! Kung nakita mo lang kung paano gumiling at kumanta si Jethro, naku Day! Laglag ang panty mo!" Wika ni Agatha Nakasandal sya sa locker habang sinasabi nya ang mga ito. Para syang nahihibang sa pagkukwento nya ng tungkol sa Bullet Boys. Napahalukipkip ako sa kanyang harapan. Nginitian ko lang sya gaya ng ginagawa ko. "Twenty five thousand pesos para sa ticket ng concert nila? Mas mabuti pang idagdag ko na lang sa ipon ko ang pera na iyon. Nagpapasalamat nga ako dahil hindi ako nabaliw sa kanila. Sobrang gastos maging fangirl!" Sabi ko Tinaasan ako ng kilay ni Agatha. Naiinis sya sa akin kapag ganito ang mga paliwanag ko sa kanya, kung bakit hindi ako mahilig sa mga concert. Hindi ako mahilig umidulo ng kahit na sino. Masyado talagang magastos. Concerts, albums at iba pang merchandise items ng grupong Bullet Boys ay talagang magastos! Lahat ng album at merch ng grupong ito ay mayroon si Agatha. Lahat ng concert ng Bullet dito sa bansa ay napuntahan na nya. Hindi ko alam kung ilang libo o milyon na yata ang nagastos nya para sa mga iyon. At hinding hindi ako gagastos ng ganung kalaking halaga para sa mga iyon! "Hoy! Kung alam mo lang kung gaano kalaking kaligayahan ang naidudulot nito sa akin. Sobrang ligaya Bestie! As in sobra!" Wika pa nya habang nakatingala sa kawalan. Nababaliw na talaga sya. Ayos lang naman kung gumagastos sya ng malaki para sa mga iniidolo nya, kung sobrang kaligayahan naman ang hatid nito. "Hindi ka pa ba nagsasawa sa kanila? Madalas silang kumakain dito. Kilala ka na nga nila di ba?" Tanong ko Lumitaw ang mga ngiti sa labi nya. Madalas sabihin ng Bullet Boys sa kanilang mga interviews na paborito nilang kainan ang Brooklyn Newyork Pizza. Sa totoo lang, sa tuwing dadalaw dito ang mga sikat na grupo na iyon ay hindi ko lagi sila naaabutan. Kung hindi ko restday, ay minsan iba ang shift ko kapag nandito sila. Never ko pa sila nakita ng personal at hindi ko naman iyon pinanghihinayangan. Hindi ko naman sila iniidolo kaya ayos lang. "Iba pa rin kasi na sinusuportahan mo ang mga iniidolo mo. Kaya ako bumibili ng mga albums at nanonood ng mga concert dahil mahal ko sila, sinusuportahan ko sila!" Pagtatanggol nya sa kanyang sarili Nagkibit balikat ako sa mga sinabi. "Okay, sabi mo eh. Basta walang pilitan na mahalin sila!" Sabi ko naman Natawa lang sya sa mga sinabi ko. Lagi nya kasi talaga akong pinipilit na gustuhin ang mga iniidolo nya. Ilang ulit ko nang sinabi na iba ang priority ko sa buhay. At kahit kailan ay hindi sila kasali sa mga plano ko sa buhay. "Mga bakla! Nandito ang Bullet!!!" Sigaw ni Ian Si Agatha ay parang kidlat sa bilis na lumabas ng locker room. Napailing na lang ako. Naiwan ako sa room dahil inaayos ko pa rin ang suot kong apron at hairnet. Nang maayos ko na ito ay saka lamang ako lumabas para makapagsimula nang makapagtrabaho. Nasaksihan ko silang lahat na nag-uunahang magpapicture sa Bullet Proof Boys. Sa unang pagkakataon ay nakita ko na rin sila ng personal. Pinagmasdan ko ang pitong lalaki na iyon. Tama nga si Agatha, talagang likas na gwapo ang grupong ito. Pero hindi ko talaga hilig ang umidolo sa mga katulad nila. Habang abala silang lahat sa pagpapapicture sa mga sikat na grupong iyon ay naglinis na lang ako ng ibang mesa na naiwang makalat ng isang customer. Hindi ko na masyadong pinansin pa ang Bullet Boys dahil alam ko namang aasikasuhin silang mabuti ni Agatha. Habang nagpupunas ako ng mesa. "Miss, sumama ka na sa picture." Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Isa sya sa miyembro ng Bullet Boys. Ang ganda ng asul nyang mga mata. Ang tangos ng ilong nya at sobrang pula ng mga labi nya. Pero hindi ko sya kilala. Hindi ko alam kung anu ang pangalan nya. Kahit paulit-ulit na ikinukwento sa akin ni Agatha ang bawat miyembro ng grupong ito ay wala akong interes. Ngumiti ako sa gwapong miyembro na hindi ko alam ang pangalan. Umiling ako sa kanya ng ilang ulit. "Ayos lang po Sir. Hindi ko po kailangan ng mga pictures. Sila na lang po, dahil sila lang po ang mga avid fan nyo. " wika ko Tinalikuran ko na sya at tinapos ko na ang paglilinis ng kabilang mesa. Hindi ko na alam ang mga pinag-uusapan nila ngunit napansin kong biglang tumahimik ang paligid. Kaagad kong naramdaman si Agatha sa likuran ko. Hinatak nya ako papunta sa kitchen. Halos madapa ako sa pagkaladkad na ginawa nya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nya ako hinatak dito. "Bakit?" Nagtataka kong tanong Isiniksik pa nya ako sa may pintuan ng chiller. Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganito. "Bakit mo naman pinahiya si Jethro? Talagang proud ka pa na hindi mo sila iniidolo? Masakit kaya iyon para sa kanila." Sabi nya Napakagat labi ako. Hindi ko naman sinasadya na masaktan sila. Sinabi ko lang naman ang totoo. Jethro pala ang pangalan ng gwapong lalaki na nag-aya sa akin sa picture. "Sorry, hindi ko alam. Hindi ko naman gustong saktan sila." Sabi ko "Next time isipin mo muna ang mga sasabihin mo. O kaya magpanggap ka na kunwari kinikilig ka rin sa kanila. Ayokong nasasaktan sila Bestie. Please naman oh" Pagmamakaawa nya sa akin. Marahan akong tumango sa kanya. Pero hindi ko maipapangako kung kaya kong magpanggap na iniidolo ko rin sila. Nakokonsensya naman ako sa mga sinabi nya. Parang ayoko na ngang lumabas at magpakita sa Bullet Boys dahil sa inasal ko kanina. Hindi ko talaga alam na maaari pa lang makasakit ang mga sinabi ko. Naunang lumabas si Agatha upang tulungan si Ian na magtake order sa mga gwapong lalaking iyon. Ayoko na talagang lumabas. Parang kakainin ako ng lupa dahil nahihiya ako sa mga sinabi ko kay Jethro kanina. Huminga ako ng malalim. Kailangan kong magpatuloy. Hindi pwedeng huminto ang mundo dahil lang sa pagkakamali kong iyon. Ilang minuto ang lumipas ay tila nakalimutan ko na ang nangyari kanina. Dumami rin kasi ang customer namin kaya naging abala na ako sa trabaho. Ni hindi ko na nga tinignan pang muli ang Bullet Boys dahil abala na ako sa ibang customers. Si Agatha at Ian na kasi ang nakatoka sa pag-aasikaso sa kanila. Bawat tingin ko kay Agatha ay nagniningning ang mga mata nya. Halata na rin ang kilig sa bawat kilos nya. Kakaibang ligaya talaga ang ibinibigay sa kanya ng Bullet Boys. Masaya na rin ako, dahil nakikita ko kung gaano kasaya ang kaibigan ko. "Maya, pakiserve na 'tong pepperoni pizza sa mga boys." Wika ni Kuya Tolitz Kaagad akong nagtungo sa kanya para kunin ang 18' inch pizza na order ng Bullet. Dala ko ang pizza stand at ang malaking pizza. Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa table nila. Babawi talaga ako sa kanila. Kailangan ay mapaniwala ko sila na gusto ko rin sila. Nakangiti ako habang isineserve sa kanila ang pizza. "Wow!" Sabay sabay nilang sigaw Paborito daw nila ang Pepperoni pizza sabi ni Agatha kaya naman ganito na lang ang reaksyon nila nang maiserve ko na ito. "Thank you Miss." Sabi ng isang miyembro ng Bullet Ang alam ko ay sya ang tumawag kanina sa akin para sumama sa picture. Jethro? Tama sya nga si Jethro. "Welcome Jethro!" Masaya kong wika sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ko dahil gusto ko talagang bumawi sa Bullet Boys. Buti na lang at sinabi sa akin ni Agatha kanina ang pangalan nya. Pero bigla akong nagtaka dahil narinig ko ang kanilang tawanan. Ang isa sa kanila ay halos mamula ang mukha sa kakatawa sa harapan ko. Pero bakit? Anong mali? Bakit nila ako tinatawanan? "Miss, hindi sya si Jethro. Si Axel yan. Ayun si Jethro oh, yung nananahimik sa dulo." Wika ng isang lalaki Napalingon ako sa itinuturo nilang totoong Jethro. Kumaway sya sa akin. Napahawak ako sa aking noo. Napangiwi ako habang nakatingin sa kanila. Sablay na naman ako! Magkakamukha kasi silang lahat kaya akala ko ay yung Jethro na ang nasa harapan ko. "Huwag ka na kasing magpanggap. Tanggap naman namin na hindi mo kami iniidolo. Okay lang yan." Sabi ng totoong Jethro Kinindatan nya ako at nagbigay sya ng napakagandang ngiti sa akin. Sya ang totoong Jethro na ipinahiya ko kanina. Yung tinanggihan ko na sumama sa pictures. Yung may magandang mata na hindi nakakasawa. Kaya lang... Parang gusto ko na talagang lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa kapalpakang nagawa ko ngayong araw. Nakakahiya! Magpapanggap na nga lang ako, sumablay pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook